Mala Masusing Banghay Aralin Talambuhay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Pangasinan I
Lingayen
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BALANGAY
Urbiztondo,Pangasinan

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8-Narra


(COT 2)

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ng 75% tagumpay
ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa mga saknong;


b. naipaliliwanag ang kasaysayan ng Florante at Laura;
c. nabibigyang-halaga ang talumbuhay at ambag ni Francisco Balagtas sa Panitikang Pilipino.

II.PAKSANG ARALIN:
Paksa: ANG TALAMBUHAY NI FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR (FLORANTE AT LAURA)
Sanggunian: Florante at Laura, pahina 3-7
Kagamitan: laptop, t.v, graphic organizer, mga larawan, videoclip presentation, powerpoint
presentation, Jumble words
Pagpapahalaga/ Values Integration:
 Pagiging masipag, matiyaga at tapat
 Pagka-Maka Diyos, maka-bansa

III.PAMAMARAAN:

A. Pagganyak
JUMBLE WORDS!
Isasaayos ang mga salita na may kinalaman sa paksa.

B. Paglalahad

(Ipanuod ang video presentation na may kinalaman sa paksa.) Batay sa mga salita
intyong nabuo, tungkol saan kaya an gating paksang aralin sa araw na ito.

C. PAGTATALAKAY:
(Holistic Approach)

(integrasyon ng asignaturang Araling panlipunan at EsP)


 Ipanuod ang video presentation na may kinalaman sa paksa.

(Group Activity)

Papangkatin ang klase sa apat, bawat pangkat ay bibigyan ng tig-iisang envelop.


Ang bawat envelop na ito ay naglalaman ng mga saitan o impormasyong may
kinalaman sa talambuhay ni Balagtas. Aayusin ng bawat pangkat ang mga ito upang
makabuo ng tamang impormasyon tungkol sa talambuhay ni Balagtas. Bibigyan ng
limang(5) minute ang bawat pangkat upang tapusin ang gawain.
(applying reading and critical thinking skills)

 Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang nabuong impormasyon.


1. Anu-ano ang buong pangalan ni Kiko?
2. Bakit kaya ayaw ni Balagtas na sunduan ng mga anak ang kaniyang yapak
bilang isang manunulat?
3. Bakit isinulat ni Francisco ang Florante at Laura?
4. Ano-ano ang mga pinag-daan nya upang maging mahusay na manunulat ?

D. PAGLALAPAT
(integration of Core values)
Bilang isang kabataan, paano makatutulong ang mga tagumbilin ng makata upang
ika’y maging mabuti at krikal na mambabasa?

E. PAGLALAHAT
(integration of Core values at Araling Panlipunan)
1. Anong gintong aral ang mapupulot sa Talambuhay ni Balagtas?
2. Paano nakatulong ang ambag ni Francisco sa Pampanitikang Pilipino?

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON:

(applying critical and creative thinking)

Indibidwal na Gawain: Pag-unawa sa binasa


A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang numero.

___1. Ang irog na inaasahan ng awtor na magpapahalaga sa kaniyang pagod ay walang iba kundi
ang ( a. kasintahan b. mambabasa c. nimfa d. sarili)

___2. Ang pagpapauna ng makata na ang tula niya ay hilaw at mura ay nagpapakita ng kaniyang
pagiging ( a. mayabang b. mapagkumbaba c. mapamintas d. matampuhin)

___3. Ipinahahayag ng awtor na ang tula niya at dapat ( a.baguhin b. panatilihin c. dagdagan
d. bawasan)

___4. kung may katanungan daw sa alinmang bahagi ng tula niya kailangan daw munang ang
nagtatanong ay (a. tumula b. magsuri c. magbasa d. magsulat)

___5. Ang mag salitang may pananda ay kailangan daw ikumpara sa pagpapaliwanag na makikita sa
( a.itaas b. ibaba c. kaliwa d. kanan)

V. TAKDANG ARALIN

(applying creative thinking skill in writing)

Sa isang buong papel, isulat ang iyong sariling “talambuhay”.

Inihanda ni:

RIZA A. SORIANO JOYCE A. CALANGIAN BELINDA S. MONDERO


Guro I Ulong Guro III Principal I

You might also like