CG Ap
CG Ap
CG Ap
Kagawaran ng Edukasyon
DepEd Complex, Meralco Avenue
Lungsod ng Pasig
Disyembre 2013
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
Deskripsyon
Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic
Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and
developed Filipino.” Kaya naman, tiniyak na ang mga binuong nilalaman, pamantayang pangnilalalaman at pamantayan sa pagganap sa bawat baitang ay makapag-aambag
sa pagtatamo ng nasabing mithiin. Sa pag-abot ng nasabing mithiin, tunguhin (goal) ng K-12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri,
mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping
pangkasaysayan at panlipunan.
Katuwang sa pagkamit ng layuning ito ay ang pagsunod sa teorya sa pagkatuto na kontruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at
pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto at ang paggamit ng mga pamaraang tematiko-kronolohikal at paksain/ konseptuwal, pagsisiyat, intregratibo, interdesiplinaryo
at multisiplinaryo. Sa pagkamit ng nasabing adhikain, mithi ng kurikulum na mahubog ang pag-iisip (thinking), perpekstibo at pagpapahalagang pangkasaysayan at sa iba
pang disiplina ng araling panlipunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng magkasabay na paglinang sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-disiplina.
Mula sa unang baitang hanggang ika-labindalawang baitang, naka-angkla (anchor) ang mga paksain at pamantayang pang-nilalaman at pamantayan sa pagganap
ng bawat yunit sa pitong tema: I) tao, kapaligiran at lipunan 2)panahon, pagpapatuloy at pagbabago, 3) kutlura, pananagutan at pagkabansa, 4) karapatan, pananagutan
at pagkamamamayan 5) kapangyarihan, awtoridad at pamamahala, 6)produksyon, distibusyon at pagkonsumo 7) at ungnayang pangrehiyon at pangmundo Samantala,
ang kasanayan sa iba’t-ibang disiplina ng araling panlipunan tulad pagkamalikhain, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya , pagsasaliksik/ pagsisiyasat, kasanayang
pangkasaysayan at Araling Panlipunan, at pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigan pananaw, ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailangang pag-unawa at
pagkatuto ng mag-aaral sa paraang expanding.
Sa ibang salita, layunin ng pagtuturo ng K-12 Araling Panlipunan na malinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at isyung pangkasaysayan,
pangheograpiya, pampulitika, ekonomiks at kaugnay na disiplinang panlipunan upang siya ay makaalam, makagawa, maging ganap at makipamuhay ( Pillars of Learning).
Binibigyang diin sa kurikulum ang pag-unawa at hindi pagsasaulo ng mga konsepto at terminolohiya. Bilang pagpapatunay ng malalim na pag-unawa, ang mag-aaral ay
kinakailangang makabuo ng sariling kahulugan at pagpapakahulugan sa bawat paksang pinag-aaralan at ang pagsasalin nito sa ibang konteksto lalo na ang aplikasyon nito
sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic
Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and
developed Filipino.” Nilalayon din ng batayang edukasyon ang pangmatagalang pagkatuto pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Ang istratehiya sa pagkamit
ng mga pangkalahatang layuning ito ay alinsunod sa ilang teorya sa pagkatuto na konstruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at pagkatutong
pangkaranasan at pangkonteksto.
Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at
interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at
maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likas-
kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon. Layunin ng Araling Panlipunan ang paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni,
responsable, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao, na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng kinabukasan.
Layunin ng AP Kurikulum
Nilalayon ng AP kurikulum na makalinang ng kabataan na may tiyak na pagkakakilanlan at papel bilang Pilipinong lumalahok sa buhay ng lipunan, bansa at
daigdig. Kasabay sa paglinang ng identidad at kakayanang pansibiko ay ang pag-unawa sa nakaraan at kasalukuyan at sa ugnayan sa loob ng lipunan, sa pagitan ng lipunan
at kalikasan, at sa mundo, kung paano nagbago at nagbabago ang mga ito, upang makahubog ng indibiduwal at kolektibong kinabukasan. Upang makamit ang mga
layuning ito, mahalagang bigyang diin ang mga magkakaugnay na kakayahan sa Araling Panlipunan: (i) pagsisiyasat; (ii) pagsusuri at interpretasyon ng
impormasyon; (iii) pananaliksik; (iv) komunikasyon, lalo na ang pagsulat ng sanaysay; at (v) pagtupad sa mga pamantayang pang-etika.
Tema ng AP Kurikulum
Upang tuhugin ang napakalawak at napakaraming mga paksa na nakapaloob sa Araling Panlipunan, ito ang magkakaugnay na temang gagabay sa buong AP
kurikulum, na hango sa mga temang binuo ng National Council for Social Studies (Estados Unidos).1 Hindi inaasahan na lahat ng tema ay gagamitin sa bawat baitang ng
edukasyon dahil ilan sa mga ito, katulad, halimbawa, ng ika-anim na tema, Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo, ay mas angkop sa partikular na kurso (Ekonomiks)
kaysa sa iba, bagamat tatalakayin din ang ilang mga konsepto nito sa kasaysayan ng Pilipinas, ng Asya at ng mundo. Iaangkop ang bawat tema sa bawat baitang ngunit sa
kabuuan, nasasakop ng kurikulum ang lahat ng mga tema.
Mahalagang makita ng mag-aaral ang pag-unlad ng lipunan mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan upang lalo niyang maunawaan ang kanyang sarili at
bansa at sa ganoong paraan ay makapagbuo ng identidad (pagkakakilanlan) bilang indibiduwal at miyembro ng lipunan, bansa at mundo. Sentral sa pag-aaral ng
tao, lipunan at kapaligiran ang konsepto ngpanahon (time), na nagsisilbing batayang konteksto at pundasyon ng pag-uunawa ng mga pagbabago sa buhay ng bawat isa, ng
lipunang kanyang kinabibilangan, at ng kanyang kapaligiran. Ang kaisipang kronolohikal ay hindi nangangahulugan ng pagsasaulo ng mga petsa o pangalan ng tao at
lugar, bagamat mayroong mga mahahalagang historikal fact ( katotohan/ impormasyon) na dapat matutunan ng mag-aaral, kundi ang pagkilala sa pagkakaiba ng
nakaraan sa kasalukuyan, ang pagpapatuloy ng mga paniniwala, istruktura at iba pa sa paglipas ng panahon, ang pag-unawa ng konsepto ng kahalagahang
pangkasaysayan (historical significance), pagpahalaga sa konstekto ng pangyayari sa nakaraan man o sa kasalukuyan, at ang mga kaugnay na kakayahan upang maunawaan
nang buo ang naganap at nagaganap.
Inaasahan na sa ika-11 at ika-12 na baitang ay magkakaroon ng mga elektib na kursong tatalakay sa iba’t ibang isyu (lokal, pambansa, panrehiyon, at pandaigidig)
upang lumawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at malinang ang kanilang mga mapanuring kakayahan. Sa ganitong paraan din ay lalong mahahasa ang
pagkakadalubhasa ng bawat AP na guro sa pagdisenyo ng nilalaman ng kurso at sa istratehiya ng pagturo nito alinsunod sa pangkalahatang balangkas ng AP. Ilang
halimbawa ng mga paksa ng elektib na kurso ay:
1. Mga panganib sa kapaligiran at kalikasan, ang pangangalaga nito at mga hakbang na maaaring gawin ng mga mag-aaral at ng komunidad upang matugunan ang mga
panganib na ito;
2. Ang layunin at pilosopiya ng isang batas o patakarang opisyal, ang epekto nito sa tao at lipunan (at kalikasan), ang mga problema sa implementasyon at posibleng
solusyon sa problema
3. Ang ugnayan ng kultura sa pagsulong ng lipunan (komunidad, bansa) at mga isyung kaugnay sa kaunlaran ng lipunan
4. Mga pandaigdigang problema sa klima, kalamidad (natural at likha ng tao), at ang paglutas ng mga suliraning ito
Ang mga kakayahan ng bagong AP kurikulum ay nakaugat sa mga layunin ng batayang edukasyon: ang kapaki - pakinabang (functional) na literasi ng lahat;
ang paglinang ng “functionally literate and developed Filipino;” at ang pangmatagalang pagkatuto pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Makikita ang
mga pangkalahatang layuning ito sa mga partikular na kakayahan ng AP katulad halimbawa, ng pagsisiyasat at pagsusuri. Samakatuwid, ang AP kurikulum ay di lamang base
sa nilalaman (content-based) kundi rin sa mga kakayahan (competence-based). Sadyang inisa-isa ang mga kakayahan ng AP upang: (a) ipakita ang ugnayan nito sa mga
layunin ng batayang edukasyon, at (b) bigyang diin ang mga mapanuring kakayahan na hindi malilinang sa pamamagitan ng pagsasaulo ng impormasyon.
Sa ibaba ang kabuuan ng mga pangkalahatang kakayahan sa AP kurikulum at sa bawat kakayahan, ang mga partikular na kasanayan. Magkakaugnay ang
mga kakayahan at kapwa nagpapatibay ang mga ito sa isa’t isa. Nilalayong linangin ang mga kakahayan sa debelopmental na pamamaraan na angkop sa bawat antas ng
batayang edukasyon at sa proseso ng scaffolding, upang maitatag ang pundasyon ng mga kasanayan para sa mas malalim (at mas komplex) na kakayahan.
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto at isyung pangkasaysayan, pangheograpiya, pang-ekonomiya, pangkultura, pampamahalaan,
pansibiko, at panlipunan gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina at larangan ng araling panlipunan kabilang ang
pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng
pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw upang maging isang mapanuri, mapagnilay,
mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na papanday sa kinabukasan ng mamamayan ng bansa at daigdig.
K–3 4–6 7 – 10
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at Naipamamalas ang mga kakayahan bilang Naipamamalas ang mga kakayahan bilang kabataang
pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan, at batang produktibo, mapanagutan at mamamayang Pilipino na mapanuri, mapagnilay,
komunidad, at sa mga batayang konsepto ng makabansang mamamayang Pilipino gamit ang malikhain, may matalinong pagpapasya at aktibong
pagpapatuloy at pagbabago, kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, pakikilahok, makakalikasan, mapanagutan,produktibo,
distansya at direksyon gamit ang mga kasanayan tungo mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, makatao at makabansa, na may pandaigdigang pananaw
sa malalim ng pag-unawa tungkol sa sarili at pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng
kapaligirang pisikal at sosyo-kultural , bilang kasapi ng paggamit ng pinagkukunang-yaman at datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mabisang
sariling komunidad at ng mas malawak na lipunan pakikipagtalastasan at pag-unawa sa mga komunikasyon at pag-unawa sa mga batayang konsepto ng
batayang konsepto ng heograpiya, kasaysayan, heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, politika at kultura
ekonomiya, pamamahala, sibika at kultura tungo tungo sa pagpapanday ng maunlad na kinabukasan para sa
sa pagpapanday ng maunlad na kinabukasan para bansa.
sa bansa.
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa sa pagkilala sa sarili at pakikipag-ugnayan sa kapwa bilang pundasyon sa paglinang ng kamalayan sa kapaligirang
K
sosyal.
Naipamamalas ang kamalayan at pag-unawa sa sarili bilang kasapi ng pamilya at paaralan at pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang konsepto ng
1
pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansya at direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi ng pangkat ng lipunan.komunidad.
Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga sa kasalukuyan at nakaraan ng kinabibilangang komunidad, gamit ang konsepto ng
2 pagpapatuloy at pagbabago,kapangyarihan, pamumuno at pananagutan, pangangailangan at kagustuhan, pagkakilanlan, mga simpleng konseptong
heograpikal tulad ng lokasyon at pinagkukunang-yaman at ng mga saksi ng kasaysayan tulad ng tradisyong oral at mga labi ng kasaysayan.
Naipamamalas ang malawak na pag-unawa at pagpapahalaga ng mga komunidad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan at rehiyon ng bansa batay sa
3 (a) katangiang pisikal (b) kultura; (c) kabuhayan; at (d) pulitikal, gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at
kapaligirang pisikal at sosyal.
Naipagmamalaki ang pagka- Pilipino at ang bansang Pilipinas na may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga
4
kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mga sinaunang lipunan hanggang sa mga malalaking
pagbabagong pang-ekonomiya at ang implikasyon nito sa lipunan sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit ang batayang konsepto katulad ng
5 kahalagahang pangkasaysayan (historical significance), pagpapatuloy at pagbabago, ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang batang
mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa.
Naipamamalas ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, tungo sa pagbuo
ng tiyak na pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas base sa
6
pagsusuri ng sipi ng mga piling primaryang sangguniang nakasulat, pasalita, awdyo-biswal at kumbinasyon ng mga ito, mula sa iba-ibang panahon,
tungo sa pagbuo ng makabansang kaisipan na siyang magsisilbing basehan ng mas malawak na pananaw tungkol sa mundo
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya , kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng
7
mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon sa sangkatauhan sa kabila
8 ng malawak na pagkakaiba-iba ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at
matatag na kinabukasan
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks gamit ang mga kasanayan at
9 pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri , mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo,
makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at hamong pang-ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika,
karapatang pantao, pang-edukasyon at pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon gamit ang mga
10
kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong
pagpapasya
Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino sa katangian at bahaging ginagampanan ng tahanan, paaralan at pamayanan tungo sa paghubog ng isang
mamamayang mapanagutan, may pagmamahal sa bansa at pagmamalasakit sa kapaligiran at kapwa.
Pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks gamit ang mga
kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng
9 Ekonomiks 1-7
mamamayang mapanuri , mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan,
at makataong mamamayan ng bansa at daigdig
Pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at hamong pang-ekonomiya,
pangkalikasan, pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon at pananagutang sibiko at
10 Mga Kontemporaryong Isyu pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon gamit ang mga 1-7
kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik,
mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong pagpapasya
7-10 3 hrs/week
Pamantayang Pagkatuto: Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa sa sarili bilang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal
gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansya at direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi
ng komunidad.
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
NILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO LEARNING
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
(Content ) ( Learning Competencies) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard)
UNANG MARKAHAN - Ako ay Natatangi
A. Pagkilala sa Sarili Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… 1. Nasasabi ang batayang
impormasyon tungkol sa sarili:
naipamamalas ang pag- buong pagmamalaking pangalan, magulang, kaarawan,
AP1NAT-Ia-1
unawa sa kahalagahan ng nakapagsasalaysay ng edad, tirahan, paaralan, iba pang
pagkilala sa sarili bilang kwento tungkol sa pagkakakilanlan at mga katangian
Pilipino gamit ang konsepto sariling katangian at bilang Pilipino
ng pagpapatuloy at pagkakakilanlan bilang 2. Nailalarawan ang pisikal na
pagbabago Pilipino sa malikhaing katangian sa pamamagitan ng
AP1NAT-Ia-2
pamamaraan iba’t ibang malikhaing
pamamaraan
3. Nasasabi ang sariling
pagkakakilanlan sa iba’t ibang AP1NAT-Ib-3
pamamaraan
4. Nailalarawan ang pansariling
pangangailan: pagkain, kasuotan
AP1NAT-Ib-4
at iba pa at mithiin para sa
Pilipinas
5. Natatalakay ang mga pansariling
kagustuhan tulad ng: paboritong
kapatid, pagkain, kulay, damit,
AP1NAT-Ic-5
laruan atbp at lugar sa Pilipinas
na gustong makita sa malikhaing
pamamaraan
B. Ang Aking Kwento 6. Natutukoy ang mga
mahahalagang pangyayari sa
buhay simula isilang hanggang sa AP1NAT-Ic-6
kasalukuyang edad gamit ang
mga larawan
7. Nailalarawan ang mga personal AP1NAT-Id-7
na gamit tulad ng laruan, damit