Toaz - Info Katitikan NG Pulong PR

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alizza Clare Marie M.

Tangliben STEM 12- Prowess

REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON

LUNGSOD NG MARIKINA

STA. ELENA HIGH SCHOOL

KATITIKAN NG PULONG NG PARENT-TEACHER ASSOCIATION (PTA) NG


PAARALAN NG STA. ELENA HIGH SCHOOL

Ika-10 ng Hulyo, 2040


Ika-3 ng hapon
Sa MT Roofdeck ng Sta. Elena High School

Dumalo:
 Gng. Andrea Faith Remedios Tan - Punung-guro ng SEHS
 G. Kleobertito Loma - Guro
 G. Mark Ferdie de Sotto - Guro
 Gng. Francesca Genelee de Sotto - Guro
 Gng. Jessa Mae Eustaquio - Guro
 Gng. Maria Bianca Tuno - Guro
 Opisyales ng PTA
 Mga Magulang mula sa baiting 7
hanggang baitang 12

Di Dumalo
 G. Jeffrey Tan - Katuwang ng punong-guro

Panukalang Adyenda
1. Pagdadala ng smartphone sa paaralan

I. Pagsisimula ng Pulong
Itinayo ang pagpupulong ng punong-guro ng paaralan na si Gng. Andrea
Faith Remedios Tan sa ganap na ika-3:00 ng hapon. Sinimulan ito sa
isang panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang. Sinundan ito ng roll-call
na isinagawa ni G. Kleobertito Loma.

II. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Gng. Jessa Mae
Eustaquio sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga mag-aaral,
magulang, at guro sa pagpapabuti ng paaralan.
- Nagpahayag ng kaniyang mensahe si Gng. Maria Bianca Tuno sa
mabuting dulot ng pagbibigay suporta at gabay ng mga magulang sa
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess

kani-kanilang mga anak. Bukod pa rito, ibinahagi niya na mas


makabubuti kung maipapaliwanag ng maayos ng mga magulang ang
mga polisiya nang masinsinan dahil mas mabuting manggaling ito sa
kanila at hindi lamang sa eskwelahan.
- Pormal ma sinimulan ni Gng. De Sotto ang adyenda- ang pagdadala
ng smartphone sa paaralan. Ipinaalam niya sa mga magulang na
pinahihintulutan na ang mga mag-aaral na magdala ng kanilang mga
smartphone sa paaralan. Ngunit mayroon pa ring mga polisiya sa
paggamit at pagdadala nito. Una, hindi ito maaaring gamitin sa oras ng
klase kung hindi pinahintulutan ng guro. Ikalawa, walang
responsibilidad ang paaralan sa kahit anuman na pagkasira o
pagkawala ng naturang mga smartphone ng mag-aaral. Ikatlo, ang
lahat ng mga smartphone ay dapat nakasilent habang nasa loob ng
paaralan. Ang lahat ng hindi sumunod sa patakaran ay
makukumpiskahan ng smartphone at muli lang nilang makukuha ito sa
nakatakdang panahon para sa bawat paglabag sa polisiya. Bukod pa
rito ay pinayuhan niya ang mga magulang na huwag munang bigyan
ng mamahaling mga smartphone ang anak.

III. Iskedyul ng Susunod na Pulong


- Wala pang petsa.

IV. Pagtatapos ng Pulong


Porman na natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:00 ng Hapon sa
pagbibigay salamat ng punong-guro sa lahat ng dumalo. Ipinahayag din
niya na inaasahan ang kumpletong presensiya ng lahat sa mga susunod
pang pagpupulong.

Inihanda ni:

ALIZZA CLARE MARIE TANGLIBEN


Kalihim- Teacher I

Nagpatotoo:

CEDRIC JUANITO VICTORINO


PTA President

You might also like