Summative Assessment
Summative Assessment
Summative Assessment
Written Work
Panuto: Tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Piliin ang TAMA kung
ito’y wasto at ang MALI kung hindi.
_____T_____1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating papel.
______M____2. Maaaring ang resulta o kalalabasan ng sulatin ay maiiba sa nakasaad sa
konseptong papel.
____M______3. Iisang metodo lamang ng pagkalap ng impormasyon ang maaaring
gamitin para sa konspetong papel.
_____T_____4. May iba’t ibang paraan sa pagsusuri o pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa makakalap na datos.
____T______5. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang hangarin o
tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin.
____M______6. Ang pansamantalang balangkas ay isang istriktong gabay na dapat sundin
sa pagbuo ng konseptong papel hanggang sa ito ay matapos.
____T______7. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong papel ay maaari
nang magbigay ng paunang feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro.
____M______8. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o
dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag na
metodolohiya.
_____M_____9. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng
kalalabasan ng pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng mananaliksik
tungkol sa paksang kanyang tatalakayin.
____T______10. Maaari pang magkaroon ng mga pagbabago sa binubuong konspetong
papel na hindi nakasaad sa pansamantalang balangkas kapag may
natujklasang bagong impormasyon o datos mula sa pangangalap.
Written Work 2
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan o tamang proseso sa pagbuo ng konseptong
papel. Lagyan ng 1 ang rationale, 2 ang layunin, 3 ang metodolohiya, at 4 ang inaasahang
output o resulta.
1. ____1______ May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa
preschool.
____2______Tutukuyin ang mga epekto ng paglalaro ng video games sa mga batang
nasa preschool.
____4______Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng
paglalaro ng video games sa batang nasa preschool.
____3______Mag-iinterbyu at magpapasagot ng questionnaire sa magulang ng mga
batang ito na madalas maglaro ng video games. Kakapanayamin din ang
mga bata tungkol sa video games at oobserbahan sila sa loob ng isang
buwan.
2. _____3_____ Mangangalap ng tala sa Internet, aklat, at journal at makikipanayam sa
mga doktor.
_____1_____Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang sakit ay
ipinapanukala ng ilang eksperto.
_____2_____ Susubuking alamin ang benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana
bilang gamot o medisina.
____4______ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng
isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit
ng marijuana bilang gamot o medisina.
3. ____2______ Aalamin ang pinagmumulan ng spam messages.
____3______ Magsasaliksik ukol sa pinagmumulan ng spam messages.
____1______ Nayayamot ang maraming tao sa tuwing makakikita ng spam messages na
pumupuno sa kanilang inbox.
_____4_____ Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan
ng isang artikulo tungkol sa spam messages.
4. ___4_______ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa indie films na maaaring
maging basehan sa paggawa ng isang maikling indie film gamit ang camera
at editing apps ng isang smartphone.
____3______ Makikipanayam sa mga direktor ng indie films at mag-oobserba sa proseso
ng paggawa ng ganitong pelikula.
____1______ Sa pamamagitan ng camera at editing app ng smartphone ay makagagawa
ng isang maikling indie film.
____2______ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling indie film
gamit lang ang camera at editing app ng smartphone.
5. __2________ Aalamin ang mga ingredient o sahog sa paggawa ng hotdog.
____1______ Ang hotdog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga kabataan, subalit,
ano-ano ba ang mga ingredient o sahog sa paggawa nito?
____4______ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa hotdog na maaaring
maging basehan ng isang artikulo na tumatalakay sa pagkaing ito.
_____3_____ Mananaliksik sa Internet, gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong pagkain
ng mga bata at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na bata kung bakit
snila paboritong pagkain ang hotdog. Kapanayamin din ang ilang
manufacturer ng hotdog.