FILIPINO 11 - Q1 - Mod4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
[email protected]

Filipino 11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino

Wika sa Telebisyon, Pelikula


at Adbertisment
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4
Kasanayang Pampagkatuto:

1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa


pama- magitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
pelikula,
2. Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pama-
magitan ng pagbibigay-halimbawa.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL??

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Gamit ng Wika sa
1 Pelikula at Telebisyon

Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:


Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula.

Unang Pagsubok

Gaano na karami ang pelikulang iyong napanood? Halina’t subukin natin ang
iyong iskema. Tukuyin ang paksang iniikutan ng istorya sa bawat pelikula sa ibaba.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Letra


lamang ang isulat sa kwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Muro Ami A. Pagmamahal sa Bayan


2. Dyesebel B. Pangangalaga sa Kalikasan
3. Jose Rizal C. Pagtupad sa Tungkulin
4. Abakada Ina D. Dakilang Pag-ibig
5. Mumbaki E. Paggalang at Pag-una sa Kapakanan ng kapwa

Balik-Tanaw

IBAHAGI MO, SAGOT MO


Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa gamit ng wika
batay kay M.A.K Halliday. Ibahagi ang iyong natatandaan sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga sumusunod.

1. Gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao? ________________

2. Ang pagsulat ng anunsyo at patalastas ay nagpapahayag ng komunikasyon


sa madla. Ang tawag sa gamit ng wika na ito ay? __________________.

3. Ang pagsulat ng akdang pampanitikan, pagbigkas ng tula, at pagganap sa


teatro ay itinuturing na IMAHINATIBO? Ipaliwanag._____________

3
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Batay sa aklat ni Jocson, (2016) ang pelikula ay kilala rin bilang sine
at pinilakang –tabing. Isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw
na larawan bilang isang anyo ng sining na bahagi ng idustriya ng libangan.
Ito’y binubuo ng iba’t ibang elemento na mapapanood sa iba’t ibang tema o
kategorya na kadalasan ay halaw sa reyalidad.

Samantala, telebisyon ang pinakamakapangyarihang midya sa


Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

kasalukuyan. Gamit lamang ang cable at satellite ay kaya na nitong abutin


ang iba't ibang sulok ng Pilipinas. Ang panonood ng pelikula maging mga
palabas sa telebisyon ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng
lahat ng uri ng tao sa lipunan. Iba–iba ang uri ng palabas sa telebisyon at
pelikula na tinatangkilik ng mga manonood. Naaayon ito sa kaniyang ibig
panoorin at nagugustuhan.

Ang pelikula at telebisyyon ay parehong daluyan ng komunikasyon na


nagpapakita ng iba’t ibang gamit ng wika na itinuro sa atin ni M.A.K
Halliday. Halina’t tuklasin ang gamit ng wika sa mundo ng pelikula
at telebisyon!

Gawain 1
(Pakikipagtalastasan)
Panuto: Panoorin at suriin ang bawat vidyo sa ibaba. At bilang pagpapahalaga,
sagutin ang tanong sa kahon bago ang talaan ng vidyo. Pindutin ang link
upang ma-access ang vidyo. Isulat sa kwaderno ang iyong ideya.

Anyare! Ang Sabeh !


Ang bawat vidyo ay mga halimbawa ng iba’t ibang sitwasyon ng
pakikipagkomunikasyon ng tao sa lipunan. Gamit ang PELIKULA AT MGA PALABAS
SA TELEBISYON. Anong uri ng GAMIT NG WIKA ang binibigyang pokus sa bawat vidyo?
Ipaliwanag.

____________________________________
____________________________________
https://www
____________________________________
.youtube.co
____________________________________
m/watch?v=
____________________________________
vyPzOrJu04I
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
https://www ____________________________________
.youtube.co ____________________________________
m/watch?v= ____________________________________
LrxTuj1SsEw ____________________________________

4
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
https://www ____________________________________
.youtube.co ____________________________________
m/watch?v= ____________________________________
wIkLyXFxuso ____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
https://www ____________________________________
.youtube.co ____________________________________
m/watch?v= ____________________________________
mrValIXlds4 ____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

https://www ____________________________________
.youtube.co ____________________________________
____________________________________
m/watch?v=
____________________________________
0geHk73MuE
____________________________________
I
____________________________________
____________________________________

Gawain 2 (Mapanuring Pag-iisip)

(Maaaring gawin kung hindi magawa ang Gawain 1 dahil sa kakulangan sa


paggamit ng internet)
Panuto: Basahin at suriin ang bawat teksto sa ibaba. At bilang pagpapahalaga,
sagutin ang tanong sa ilalim ng bawat teksto. Maaaring pindutin ang link
upang ma-access ang kabuuan. Isulat sa kwaderno ang iyong ideya.

Mga Tsuper 'Namamalimos': Jeepney


Groups Muling Umapelang Bumalik-
Pasada
ABS-CBN News
Posted at Jun 17 2020 09:31 AM
https://news.abs-
cbn.com/video/news/06/17/20/mga-
tsuper-namamalimos-jeepney-groups-
muling-umapelang-bumalik-pasada

Muling umapela ang 3 jeepney groups ngayong Miyerkoles na makabalik sila


sa pamamasada kasunod ng pagluluwag ng coronavirus lockdown sa Maynila.

5
Ilang driver pa lang umano ang nakatanggap ng cash aid mula sa gobyerno
kaya napilitan ang ilan na mamalimos na, ani Alliance of Concerned Transport
Organizations (ACTO) president Efren De Luna.
Sinang-ayunan ito ni Zeny Maranan, president of the Federation of Jeepney
Operators and Drivers Association of the Philippines, at Pinagkaisang Samahan ng
mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) secretary general Steve Ranjo.
"Hanggang ngayon ay wala pa tayong natanggap. Bilang katunayan po niyan
ay halos karamihan na sa amin ay namamalimos. Kailangan bigyan na kami ng
pagkakataon na kami po'y makapamasada na," ani De Luna.
"Kung saka-sakaling papayagan kami, makakasiguro naman ang ating mga
kababayan na susunod kami sa social distancing na sinasabi nila," dagdag ni
Maranan.
Hindi rin aniya magtataas ng pamasahe ang mga jeepney.

Anong uri ng GAMIT NG WIKA ang binibigyang pokus sa balita? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Abakada Ina
Lagom ng Pelikula sa direksyon ni Eddie Garcia
https://www.scribd.com/doc/79339251/Abakada-ina

Itinatampok ng pelikulang ito ang isang inang lumaki at nagkaasawa nang


di-marunong sumulat at bumasa subalit may sariling prinsipyo’t paninindigan.
Larawan siya ng isang taong masikap at may ambisyon sa buhay sa kabila ng
kanyang kalagayan. Nagsikap siya upang matuto sa pamamagitan ng pagbabasa
ng aklat at nang lumaon ay pumasok sa paaralan kasama ang anak na nag-aaral
sa unang baitang. Dito niya natamo ang paghanga at pagdakila ng mga taong dati’y
humahamak sa kanya.
Nagampanan nang buong husay ni Lorna Tolentino ang papel na kanyang
ginagampanan. Lutang na lutang ang galing ng kanyang pag-arte. Kawalang-
muwang, pagmamahal sa mga anak, pag-aasikaso sa pamilya, pakikipagkaibigan .
. . iba’t ibang emosyong matapat n’yang nailarawan. Hindi rin pahuhuli si Ricky
Davao sa pag-arte. Talagang kaiinisan mo ang kanyang karakter bilang isang
asawang laging nakasandal sa ina.
Anong uri ng GAMIT NG WIKA ang binibigyang pokus sa pelikula? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

6
Tandaan

Ayon sa aklat ni Jocson (2016), isinasaalang-alang ang mga lingguwistiko at


kultural na kalagayan ng lipunang Pilipino sa tuwing binubuo ang pelikula at mga
palabas sa telebisyon
Bunga nito mapapansin at matutukoy ang anyo at iba’t ibang pamamaraan sa
paggamit ng wika sa pelikula’t telebisyon sa bawat senaryo o tagpo ng mga
pinapalabas na eksena. Register, tawag sa partikular na gamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon. Isa ang pelikula at telebisyon na may sariling register o mga salitang
pampelikula at pantelebisyon na nagsisilbing signal upang matukoy ang GAMIT NITO
sa pakikipagtalastasan sa lipunan.
Mga Halimbawa ng Gamit ng Wika sa Pelikula at Telebisyon sa Pilipinas

1. Wika ng
mga
Pantang-
haliang
Palabas.

2. Wika ng
Pelikula

1. https://ent.abs-cbn.com/itsshowtime/articles-news/its- 2.https://open.spotify.com/playlist/5oF3Hr 3. Wika ng


Cuh7XmwhdfcyVNYz
showtime-returns-to-provide-entertainment-relief-and-
livelihood-opportunities-to-filipinos-12365 mga
Teleserye
/ Reality
Show

4. Wika ng
Komen
taryo at
mga
Doku
men
taryo

3. https://www.slideshare.net/RainierAmparado/mga- 4. https://www.slideshare.net/RainierAmparado/mga-
sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-
sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at- pelikula

Sinasabing ang madalas na pagkatutok sa telebisyon ang isang malaking


dahilan kung bakit 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakauunawa at
nakapgsasalita ng FILIPINO. Maging ang mga katutubo natin na malayo sa
Katagalugan ay mabilis na nakakaunawa ng wikang Filipino dahil sa mga palabas sa
telebisyon. Ang mga linyang binibitawan sa bawat eksena ay maaaring nagbibigay
impormasyon, nag-uutos, nangungumusta, nagbibigay-kahulugan, o purong ideya’t
damdamin ng karakter na gumaganap sa eksena.
Ayon kay Tiongson (2012), mas maraming babasahin at palabas na Filipino,
ang tila nangingibabaw ang layuning, mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at
ingay ng kasiyahan. Narito ang ilang isinasaalang-alang sa paglikha ng Pelikula’t
Palabas sa Telebisyon

7
Mga Isinasaalang-alang sa Pagsulat ng Isang Palabas Pantelebisyon at
Pampelikula.

Banghay
(Simula, Gitna, at Wakas) Ang kabuuang bahagi ng istorya.
Direksyon ang pamamaraan ng direktor kung paano niya patatakbuhin
ang istorya
Disenyong Props, kasuotan, gamit at background sa palabas
pamproduksyon pangtelebisyon at pelikula ang pinag-uusapan sa
produksyong-disenyo
Sinematograpiya ang labo at linaw ng palabas ay nakikita sa kagalingan ng
isang sinematograper
Tauhan / Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may
Karakter/ Aktor - kaugnayan sa katauhan ng kanyang papel na ginagampanan.
Aktres
Paglapat ng Pinalalagay natin na ang tunog ay akma sa bawat eksena. Di
Tunog / Iskoring dapat nahuhuli sa kilos, galaw at maging sa damdaming nais
ng Musika ipakahulugan sa bawat eksena.
Editing Ang daloy ng palabas ay napakahalaga sapagkat dito
nabubuhay ang istorya.
Dayalogo Mga linyang (wika) binibitawan sa eksena.
Skrinplay Ibinabagay sa panahon at tagpuan ng palabas.

(Pagbuo ng Katauhan,
Pag-alam sa Natutuhan
Pakikipagtulungan)

IT’S SHOWTIME!

Panuto: Pumili ng kapartner mula sa mga kaklase sa pamamagitan ng messenger


chat o text messaging kung hindi maaari ang personal na pag-uusap.
Isagawa ang sumusunod na instruksiyon.
A. Maging malikhain, isali ang iyong pamilya sa aktibidad na ito.
B. Nakatala sa ibaba ang listahan ng mga PINASIKAT NA PELIKULANG
PILIPINO mula noon hanggang sa kasalukuyan.
C. Pumili lamang ng dalawa (2) mula sa talaan. SALUNGGUHITAN at
isulat ang mga hinihingi ng katabing kolum.
D. IARTE ang mga linya sa mga pelikulang napili GAMIT ANG INYONG
SMARTPHONE at ilikha ito ng isang VIDYO CLIP na hindi lalagpas
sa isang (1) minuto.
E. Ipapasa sa GROUP CHAT NG KLASE SA FILIPINO. Ang likhang
PINAKAMAKABULUHAN ay i-a-upload sa FB account ng
paaralan bilang bahagi ng promosyon.

8
• DI-MALILIMUTANG • DI-MALILIMUTANG
LINYA SA PELIKULA LINYA SA PELIKULA
PELIKULA • GAMIT NG WIKA NA PELIKULA • GAMIT NG WIKA NA
NAIS BIGYANG-DIIN SA NAIS BIGYANG-DIIN SA
LITANYANG IBINAHAGI. LITANYANG IBINAHAGI.
____________________ ____________________
1.Tinimbang ka ____________________ ____________________
Ngunit Kulang ____________________ 15. Sukob ____________________
2. Himala ____________________ 16. Wag Kang ____________________
3. Maynila… Sa ____________________ Lilingon ____________________
Kuko ng ____________________ 17. Caregiver ____________________
Liwanag ____________________ 18. 100 Tula ni ____________________
4.Babangon ako’t ____________________ Estela ____________________
Dudurugin Kita ____________________ ____________________
5. Tanging Ina ____________________ 19. Metro Manila ____________________
Mo… ____________________ 20. Jowable ____________________
6. Kasal, Kasali, ____________________ 21. Everything ____________________
Kasalo ____________________ About Her ____________________
7. Sakal, Sakali, ____________________ 22. My Ex and ____________________
Saklolo ____________________ Why’s ____________________
8. Dubai ____________________ 23. Four Siters in ____________________
9. 7 Sundays ____________________ A ____________________
____________________ Wedding ____________________
____________________ ____________________
10. Crazy
____________________ ____________________
Beautiful You 24. A Love Affair
____________________ ____________________
11. It’s Starting 25. One More
____________________ ____________________
Over Again Chance
____________________ ____________________
12. The Mistress 26. All About Her
____________________ ____________________
13. Dubai 27. Ms. Granny
____________________ ____________________
14. Hello Love, 28. Alagwa
____________________ ____________________
Goodbye
____________________ ____________________

RUBRIKS SA BIDYO CLIP


Pamantayan Pokus Pagmamarka
Paggamit ng Wika Kitang-kita at hindi pinipilit ang gamit ng wika sa
mga DIYALOGO.
10 PUNTOS
TAMA ang inuulat na gamit ng wika sa bawat
eksena.

Pagsasabuhay Makatotohanan at damang-dama ang pagbibitaw


ng litanya sa bawat eksena. 10 PUNTOS

Pagkamalikhain Sinigurong ang pagpili ng mga kasuotan,


KARAKTER, sitwasyon, at lugar na pinangyarihan
ay nakatulong upang lubos na maging kapani- 10 PUNTOS
paniwala ang eksena.

Kabuuan: 30 PUNTOS

Pangwakas na Pagsusulit
9
Panuto: Pag-aralan ang usapan nina Menil at Emy sa isang mall. Tukuyin at isulat sa
kwaderno ang GAMIT NG WIKA sa bawat pahayag. Isulat ang:
A. Heuristiko E. Instrumental
B. Regulatori F. Imahinatibo
C. Interaksyunal G. Representatibo
D. Pampersonal

Sitwasyon: Nagkita si Menil at Emy sa isang mall.

Menil: Emy, ano na musta ka na? 1. (________________)


Emy: Oy, Menil (nag-aalinlangan) ikaw na ba yan? 2. (_____________________)
Menil: Ano ka ba? Oo ako ito! 3. (______________) ikaw kamusta ka naman?
4. (_____________________ ,5. _____________________)
Emy: Mabuti kapa seksi na mukhang mayaman pa. 6. (_____________________)
Ano ba ginawa mo? 7. (_____________________)
Menil: Hindi naman nakapag asawa lang ng mayaman at responsableng negosyante.
8. (_____________________)
Emy: Talaga? Hanap mo naman ako ng ganyan. 9. (_____________________) Hindi,
biro lang 10. (_____________________)
Menil: ay naku, tamang tama, binata pa rin si mark lacuesta, yung patay na patay
sa iyo.Matagal ka nang hinahanap sa akin 11. (_____________________)..Sa
office ng mister ko nagtatrabaho bilang manager. 12. (_____________________)
Emy: Naku yung mokong na yon asensado na pala 13. (_____________________).Sige
ibigay mo number ko sa kanya,ha! 14. (_____________________).
Menil: uy… palipot pa ang lola. 15. (_____________________)
Emy: Oy Hindi ha, kasi kala ko torpe yun! 16. (_____________________)
Magustuhan pa kaya ako nun? 17. (_____________________)
Menil: Sige,ingat ka ha 18. (_____________________, 19. _____________________)
Emy: Salamat Menil,”see you!” 20. (_____________________)

Papel sa Replektibong Pagkatuto (Pagbuo ng Katauhan)

Napatunayan mo na sa sarili na ang gamit ng wika ay hindi lang sa


pakikipagkomunikasyon kundi maging saan mang uri ng sining. Bigyang
palagay ang tanong na ito: “Bakit dapat suriin at isaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino na ipinakilala
sa mga pelikula’t palabas sa telebisyon?” Isulat sa kwaderno ang sagot.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

10
Inaasahan
Aralin
Gamit ng Wika sa
2 Adbertisment

Sa modyul na ito bibigyang diin ang iba pang komunikatibong gamit ng wika
sa lipunan sa pamamagitan ng mga patalastas, anunsyo o mas kilala natin sa tawag
na adbertisment.
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay-halimbawa.

Unang Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang detalyeng hinihingi ng bawat aytem. Piliin mo at isulat ang
letra ng tamang sagot sa kwaderno.
1. Tawag sa isang maikling pelikula o isang pabatid na ipinapakita sa publiko
upang makabenta ng produkto
A. Talumapti C. Dula
B. Pelikula D. Adbertisment
2. Paggamit ng World Wide Web sa para sa promosyon ng mga produkto
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo
3. Ang pagkain, sabon, gatas, at iba pang mga produkto ay ipinapalabas sa
telebisyon upang makilala. Ito ay ______.
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo
4. Gumagamit ng Airtime o network upang marinig ang anunsyo.
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo
5. Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadyet, pagkain, o gamit
pangmedikal ang makikita rito.
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo

Balik-Tanaw
(Mapanuring Pag-iisip)

IBAHAGI MO, SAGOT MO


Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa gamit ng wika
batay kay M.A.K Halliday sa pelikula’t telebisyon. Ibahagi ang iyong natatandaan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga sumusunod.

1. Ang tawag sa labo at linaw ng palabas ay nakikita sa kagalingan ng isang


sinematograper? ________________

2. Mga linyang (wika) binibitawan sa eksena? __________________.


11
3. Tawag sa pangunahing isinasaalang-alang sa paglikha ng pelikula’t
telebisyon? _____________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ayon sa aklat ni Jocson (2016), tinatawag na Adbertisment /


Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

Patalastas/ Komersyal o Anunsyo ang tila isang maikling pelikula o


isang nakasulat na pabatid o impormasyon na ipinalalabas o
ipinakikita sa publiko upang babala o pahiwatig ang isang
adbertisment.

Layunin nito na magbigay ng maayos na impormasyon sa mga


mamimili gayundin sa mga mensaheng nagbibigay ng paalala sa isang
gawain sa pamamagitan ng isang anunsyo

Iba’t ibang Paraan ng Paghahatid ng Adbertisment


Adbertisment sa Adbertisment
Bus sa Radyo
Karaniwang mga Ito ay tulad din
pelikula o isang sa telebisyon
produkto ng kailangan ang
gadyet, pagkain, airtime sa
gamit estasyon o
pangmedikal, at network upang
iba pa ang marinig ang
makikita sa mga komersyal. https://upuangpinagaagawan2013
http://smsmarketing.net/advertisi
adbertisment ng ng-on-busses/?lang=en .wordpress.com/tag/political-ads/
bus.
Adbertisment sa Adbertisment
Telebisyon sa Online
Pinakaepektibong Isang paraan ng
uri ng promosyon ang
adbertisment adbertisment sa
sapagkat halos online gamit ang
lahat ng tao ay internet at
may panahon sa World Wide Web
panonood ng upang ipahayag
telebisyon. https://www.youtube.com/watc ang husay at
https://www.youtube.com/wa
h?v=4hdhhj054e8 ganda ng
tch?v=lTLpdkE4q58
produkto.

Gawain 1

COCO-MERCIAL KO!
12
Panuto: Pumili ng kapartner mula sa mga kaklase sa pamamagitan ng messenger
chat o text messaging kung hindi maaari ang personal na pag-uusap.
Isagawa ang sumusunod na instruksiyon.

A. Pumili lamang ng isang (1) KOMERSYAL at Isulat sa BOND PAPER ang DI


MALILIMUTANG LINYA ng komersyal at ang PALIWANAG KUNG ANONG URI
NG GAMIT NG WIKA ang binigyang diin dito.
B. IARTE ang PINASIKAT NA LINYA NITO NA PARANG IKAW ANG ENDORSER
NG PRODUKTO. At GAMIT ANG IYONG SMARTPHONE, lumikha ng isang
VIDYO CLIP at ipasa sa GROUP CHAT NG KLASE SA FILIPINO.
C. Sikaping hindi lalagpas sa isang (1) minuto.
D. Ang likhang PINAKAGAYANG-GAYA SA ORIHINAL AY i- a-upload sa FB account
ng paaralan.

RUBRIKS SA KOMERSYAL

Pamantayan Pokus Pagmamarka


1. Makatotohanan Kuhang-kuha ang istilo ng pagbigkas ng
(Paggamit ng Wika sa DAYALOGO / LINYA ng orihinal na komersyal. 10 PUNTOS
Komersyal)
2. Paliwanag Angkop ang TINUKOY NA GAMIT NG WIKA sa
15 PUNTOS
piniling komersyal.
16 Malikhain Sinigurong ang pagpili ng mga kasuotan,
KARAKTER, sitwasyon, at lugar na pinangyarihan
5 PUNTOS
ay nakatulong upang lubos na maging kapani-
paniwala ang eksena.
Kabuuan: 30 PUNTOS

Tandaan

Konseptong Pangwika sa Adbertismo:


1) Malaki ang impluwensiya ng wika sa tao.
Maaaring ang wikang ginagamit sa Adbertisment ay naglalayong mag-utos,
magbigay-impormasyon, magbigay-babala at iba pa.
2) Impormal ang antas ng wikang ginagamit para sa epektibong
adbertisment.
3) Ang adbertisment ay nagbibigay-aral at nagpapakita ng kultura ng isang
bansa.
4) Ginagamit ang adbertisment upang mahaplos ang sikolohiyang
pagtingin ng tao sa kaniyang lipunan.
5) Ang adbertisment ay paraan ng komunikasyon ng pagnenegosyo.

Pag-alam sa Natutuhan

PATUNAYAN MO KID!

13
Panuto: Ang mga sumusunod ay ilan sa sa mga SUMIKAT NA LINYA ng
isang pagkaing produkto. Tukuyin ang gamit ng wika sa PINASIKAT NA
DAYALOGO. Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Lucky Me! Instant Mami –


"Magnifico!" _____________
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo

2. Lucky Me! Instant Mami –


“12 lang ang napili sa try out, pang-thirteen ako. Praktis ako ng
praktis, may uniform na ako. Nay baket?” _____________
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo

3. Lucky Me! Instant Mami


"Pass Your Paper" ________________
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Muli ang mga sumusunod ay ilan sa sa mga SUMIKAT NA ADBERTISMENT


SA TELEBISYON. Tukuyin ang gamit ng wika sa PINASIKAT NA DAYALOGO.
Isulat sa linya ang titik ng tamang sagot.

1. Jollibee –
"Isa pa, isa pa, isa pang CHICKEN JOY!"
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
2. Fita Biscuit –
“Sports Car! Yong Red!”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
3. Sprite
"I LOVE YOU Piolo!"
A.Interaksyunal C. Pampersonal
B.Heuristik D. Imahinatibo
4. Vitwateri –
"Now you know!"
A.Regulatori C. Instrumental
B.Interaksyunal D. Imahinatibo
5. Mc Donalds –
“Karen po…”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Instrumental D. Imahinatibo

6. Selecta Cornetto
"Saan aabot ang 20 pesos mo?"
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B.Heuristik D. Imahinatibo
7. PLDT –
14
"Suportahan taka…"
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
8. Purefoods Tender Juicy Hotdog–
“Goodbye Carlo…”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
9. Jollibee
"Nawawala si Jennifer…"
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B.Heuristik D. Imahinatibo
10. Purefoods Honeycured Bacon–
"Coffee lang, dear…"
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Instrumental D. Imahinatibo

Papel sa Replektibong Pagkatuto (Pagbuo ng Katauhan)

Napatunayan mo na sa sarili mo na ang gamit ng wika ay hindi lang sa


pakikipagkomunikasyon kundi maging saan mang uri ADBERTISMO. Bigyang
palagay ang tanong na ito: “Bakit dapat panatilihin ang makabuluhang paggamit
ng wika sa mundo ng komeryal?” Isulat sa kwaderno ang sagot.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Sanggunian
Alcaraz, C. et.al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High
School. Quezon City: Educational Resources Corporation.

15
Jocson, M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City: Vibal Group Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw
https://www.youtube.com/watch?v=mrValIXlds4
https://www.youtube.com/watch?v=0geHk73MuEI
https://www.youtube.com/watch?v=wIkLyXFxuso
https://www.youtube.com/watch?v=vyPzOrJu04I

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Hedhedia Cajepe-Antonio
Editor: Edwin R. Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Hedhedia Cajepe-Antonio
Tagalapat: Mary Ann R. Catabay
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1

16
Unang Pagsubok Balik- Tanaw
Pangwakas na
1. D 1. Instrumental Pagsubok
2. C 2. Representatibo
3. Dahil ito 1. A 11. A
3. B
4. D pagpapahayag 2. E 12. A
ng tao gamit ang 3. F 13. E
5. C
kaniyang 4. E 14. C
pagiging 5. A 15. F
6. F 16. A
malikhain
7. E 17. G
8. A 18. E
9. B 19. C
10. F 20. E

LAGING TANDAAN NA SUBHEKTIBO ang bahaging ito ng pagsagot ng mga mag-


aaral, ito’y maaring maiugnay nila sa kanilang karanasan madalas ay sa
kanilang iskema.
GAWAIN 1-
1. INSTRUMENTAL- tumutugon sa pangangailangan ng tao. Sa bahaging ito ng vidyo
pinapakita ang mga kailangang gawin ng bawat indibidwal upang maka-iwas sa
pandemyang COVID-19.

2. REGULATORYO - kumokontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba. Sa bahaging ito ng


vidyo ay nagbibigay ng panuto sa tamang paghuhugas ng kamay batay sa DOH.

3. INTERAKSYUNAL - nakakapagpanatili ng relasyong sosyal. Sa bahaging ito ng vidyo


pinapakita ang kamustahan ng mga artista gamit ang app na zoom.

4. PAMPERSONAL - nagpapahayag ng damdamin o opinyon. Sa bahaging ito ng vidyo


pinapakita ang talumpati ni Gng. Defensor, kaniyang sariling ideya sa pagtakbo bilang
pangulo ng bansa.

5. REPRESENTATIBO- nagpapahayag ng komunikasyon gamit ang simbolo o sagisag. Sa


bahaging ito ng vidyo pinapakita ang sagisag ng Maynila bilang isang maggulong
lungsod kung saan may isang dilag na sumisimbolo sa bulaklak na unti-unting naupos
dahil sa kapusukan ng lungsod.

6. HEURISTIKO - naghahanap ng datos o impormasyon. Sa bahaging ito ng teksto


pinapakita ang mga pamamaraan na dapat tandaan sa tuwing haharap sa pag-aaply
ng trabaho.

GAWAIN 2
Ang mga halimbawang teksto ay iba’t ibang sitwasyon ng
pakikipagkomunikasyon ng tao sa lipunan. Anong uri ng GAMIT NG
WIKA ang binibigyang pokus sa bawat teksto? Ipaliwanag

17
REPRESENTATIBO- nagpapahayag ng komunikasyon gamit ang simbolo o sagisag. Sa
bahaging ito ng teksto pinapakita ang grado bilang sagisag ng estado ng tao sa kaniyang
lipunan. Kung siya ba ay nakaaangat o hindi. Grado ang nagdidikta sa tao sa paraan
ng kaniyang pakikisalimuha sa kaniyang kapwa.

Aralin 2

Unang Pagsubok Balik- Tanaw


Pangwakas na
6. D 1. Sinematograpiya Pagsubok
7. C 2. Dayalogo
8. B 1. C
3. Banghay
9. D 2. D
3. C
10. A
Pag-alam sa 4. B
Natutuhan 5. A
6. B
7. C
8. D
1. C 9. B
2. D 10. B
3. A

GAWAIN 1
Iba-iba ang sagot depende sa pagganap sa Rubriks.

18

You might also like