FILIPINO-11 Q1 Mod8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
[email protected]

Filipino 11
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Pagsulat ng Sanaysay
na Pangkasayasayan
Unang Markahan
Ikawalong Linggo
Modyul 8
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang
partikular na sa yugto ng kasaysayan ng wikang
pambansa
2. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad
ng Wikang Pambansa

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan

pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagongkaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
datingkaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatangideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng
maykapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
moang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
1 ng Sanaysay Pangkasaysayan

Inaasahan

Sa modyul na ito, malalaman mo ang ilan sa mga gabay na kailangan mong

ikonsidera sa may epektibong paraan ng pagsulat ng sanaysay. Kaya sa pagtatapos
ng araling ito ikaw ay inaasahang:

Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na

yugto ng kasaysayan ng wikang Pambansa.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa kwaderno ang
titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod na katangian ang nalilinang sa pagsulat ng sanaysay maliban

sa pagiging __________.
A. matalas ng isip B. malikhain C. mapanuri D. madasalin
2. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan sa pagiging orihinal sa pagsulat
ng sanaysay maliban sa _________.
A. nakikilala ang husay ng may akda
B. mas nagiging kapani-paniwala ang teksto
C. mas napangingibabaw ang galing ng manunulat
D. napagkakakitaan at nagagamit sa iba’t ibang layunin
3. Ang sumusunod ay katangian ng pagsulat batay sa pagsukat ng husay o galing
ng isang sanaysay maliban __________.
A. nakasusunod sa estandardisadong pangangailangan sa teknikal na
pagsulat
B. nakadaragdag sa bilang ng kabuhayan sa pagtaas ng lebel ng ekonomiya
ng bansa
C. naka-aagapay ang mensahe sa pangangailangang lokalisasyon
D. napahahalagahan ang kontekswalisadong kayariang pangteksto
4. Ang akdang pampanitikan na naglalahad ng matalinong opinyon, makatuwirang
kaisipan batay sa karanasan at damdamin ay__________.
A. tula B. sanaysay C. dula D. awit
5. Ang sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay maliban
sa _________.
A. maingat at maayos na pagpili ng mga salita o pahayag
B. organisado at may kabisaan
C. ang paksa ay may pinag-uukulan at masusing pinag-aralan
D. ang mga nakalakip na sitwasyon ay higit na nakatuon sa sariling
karanasan

3
Balik-Tanaw

Sa bahaging ito ng modyul ay babalikan natin sandal ang mga dati mong
kaalaman ukol sa pagsulat ng sanayasay na natutuhan mo sa buong panahon ng
pag-aaral mo sa Junior High School. Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano-ano ang mga naaalala mo sa pagsulat ng sanaysay?
__________________________________________________________________________________

2. Anong proseso ang pinagdadaanan bago at pagkatapos sumulat ng
sanaysay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

BATAYAN PUNTOS
Kompleto ang diwa at pagpapakahulugan sa 10
akademikong sulatin
Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at 5
angkop ang paggamit ng wika.
Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang 5
sulatin.
KABUUAN 20

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsulat ng sanaysay ay nagbibigay-pagkakataon sa mga mag-aaral

na maging mapanuri at malikhain sa paraan ng pagsulat. Higit na nahuhubog
sa kanila ang kasanayang ito sapagkat nagiging daan ito upang mailabas ang
kanilang saloobin o pananaw sa buhay.

4
Sa pagkakataong ito, kayo ay malayang makapaglalahad ng inyong
matalinong opinyon, at makatuwirang pananaw sa pamamagitan ng
makabuluhang pagsulat ng sanaysay na pangkasaysayan.

Halika! Magbasa Tayo!

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay na Pangkasaysayan

Isang akdang pampanitikan ang sanaysay na naglalahad ng matalinong
opinyon, makatuwirang paghahanay ng mga kaisipan at damdamin batay sa
karanasan, opinyon, at palagay ng may-akda. Anumang bagay ay maaaring paksain.
Ito ay may kahulugang sanay sa pagsasalaysay. Isang tuluyan din ang sanaysay na
karaniwang maikli.
Sa pagsulat ng sanaysay na pangkasaysayan, karaniwan ang paglalahad ay
maingat, maayos at mabisa. Pinipiling mabuti ang pananalitang ginagamit at ang
paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral at pagsusuri.
May paglalahad ng mga pangyayari sa paraang malinaw na karaniwang may
batayan.

Gawain 1

Panuto: Pumili ng isang mahalagang pangyayari tungkol sa kasaysayan ng wikang

Filipino sa ating bansa. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol dito.
Gawing gabay ang wastong paraan ng pagsulat ng sanaysay pangkasay-
sayan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

5
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

BATAYAN PUNTOS
Kompleto ang diwa at pagpapakahulugan sa 10
akademikong sulatin
Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at 5
angkop ang paggamit ng wika.
Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang sulatin. 5
KABUUAN 20

Gawain 2

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga siping pahayag na nasa loob ng mga
kahon. Ibigay ang iyong opinion ukol dito. Isulat sa papel ang sagot.
“Walang alpabetong perpekto ng alinmang wika sa mundo na
perpekto ngunit bawat pagkilos tungo sa estandardisadong ispeling ay
isang pagsisikap na makatulong tungo sa higit na mabisang pag-
agapay ng pagsulat sa wikang pabigkas”

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

“Ang bigkas sa isang salita ay pinapasiya, hindi ng ispeling

kundi ng kasaysayan nito.”

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
5 4 3 1
Siksik sa ideya, Siksik sa ideya, Naglahad ng mga Ang pagsulat ay
makatuwiran, maayos ang ideya ngunit hindi maraming
at maayos ang pagsulat ngunit napangatuwira- kakulangan, hindi
pagsulat na kulang sa nan. May nakasunod nang
isinagawa. katuwiran. bahagyang lubos sa batayan
kaayusan. ng pagsulat.

Tandaan

Sa pagsulat ng sanaysay na pangkasaysayan dapat bigyang pansin ang

sumusunod
➢ Dapat maging maingat, maayos at mabisa

➢ Piliig mabuti ang pananalitang ginagamit

➢ Ang paksa ay dapat na pinag-uukulan ng masusing pag-aaral

➢ May paglalahad ng mga pangyayari sa paraang malinaw na karaniwang

may batayan

Pag-alam sa Natutuhan
Binabati kita! Natapos mo ang mga gawain.

Ngayon naman, sukatin natin ang iyong natutuhan sa aralin. Sagutan nang
buong katapatan ang sumunod na mga putol na pahayag.

Nalaman ko na____________________________________.
Kaya naman______________________________________.
Upang____________________________________________.

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin
ang titik ng tamang sagot.

7
1. Ang akdang pampanitikan na naglalahad ng matalinong opinyon,
makatuwirang kaisipan batay sa karanasan at damdamin ay _________.
A. tula B. sanaysay C. dula D. awit
2. Ang sumusunod na katangian ang nalilinang sa pagsulat ng sanaysay maliban
sa _________.
A. talas ng isip B. malikhain C. mapanuri D. madasalin
3. Ang sumusunod ay katangian ng pagsulat na may pagsukat sa husay o galing
ng isang sanaysay maliban ________.
A. naka-aagapay ang mensahe sa pangangailangang lokalisasyon
B. napahahalagahan ang kontekswalisadong kayariang pangteksto
C. nakasusunod sa estandardisadong pangangailangan sa teknikal na
pagsulat
D. nakadaragdag sa bilang ng kabuhayan sa pagtaas ng lebel ng ekonomiya
ng bansa
4. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan sa pagiging orihinal sa
pagsulat ng sanaysay maliban sa _________.
A. nakikilala ang husay ng may-akda
B. mas nagiging kapani-paniwala ang teksto
C. mas nangingibabaw ang galing ng manunulat
D. napagkakakitaan at nagagamit sa iba’t ibang layunin
5. Ang sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay maliban sa
_________.
A. organisado at may kabisaan
B. maingat at maayos sa pagpili ng mga salita o pahayag
C. ang paksa ay may pinag-uukulan at masusing pinag-aaralan
D. ang mga nakalakip na sitwasyon ay higit na nakatuon sa sariling
karanasan

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Bakit mahalagang tandaan ang mga gabay sa wastong pagsulat ng sanaysay

pangkasaysayan? Pagnilayan. At isulat ang iyong ideya sa kwaderno.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

BATAYAN PUNTOS
Angkop ang kasagutan sa tanong at naipaliwanag nang 5
mabuti.
Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at 5
angkop ang paggamit ng wika.
Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang 5
sulatin.
KABUUAN 15

8
Aralin Mga Pahayag na Ginagamit sa
2 Pagtukoy sa Sanhi at Bunga

Inaasahan
Sa araling ito, bibigyan natin ng pansin ang iyong kakayahan sa pagtukoy ng
sanhi at bunga. Ano ba ang dapat na isaalang-alang upang matukoy ang pagka-
kaiba ng dalawa?

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa

pag-unlad ng Wikang Pambansa.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng sanhi o bunga
ng bawat kaganapan sa kasaysayan ng wikang Pambansa. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

1. Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa

_________.
A. upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa
B. upang may mamagitan sa mga wikang lumalaganap sa bansa
C. upang makatuklas ng solusyon sa mga wikang naglalaho
D. upang mahikayat ang mga kabataan na gumamit ng wikang pambasa
2. Hinirang si Pangulong Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”_________.
A. dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo
ng wikang pagkakakilanlan
B. dahil sa haba ng oras at panahon na inilaan ni Pangulong Quezon na
magkaroon tayo ng Wikang Pambansa
C. dahil sa pagbibigay ng wastong pansin sa mga kilalang tao na
makapagbibigay ng permiso sa madaliang pagkakaroon ng wikang
pagkakakilanlan
D. dahil sa pagpupursige ni Pangulong Quezon na makilala ang mga
dayuhang mamumuhunan na magpopondo sa mabilis ang pagkakaroon
ng wikang pagkakakilanlan

9
3. Ang ibinunga nang pagpapalabas ni Pangulong Quezon noong 1940 ng
Kautusang Tagapaganap Blg. 203 ay _________.
A. pinahintulutan sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog- Ingles at
J Balarila sa Wikang Pambansa
B. pinasimulan nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga
paaralan at piling bansa
C. pinagsikapang mabuo ang Balarila upang mailimbag at maipamigay
sa bawat paaralan
D. pinagtibay ang paggamit ng wikang bilingguwal sa lahat ng ahensya
ng pamahalaan
4. Ano ang idinulot ng paglagda ni Pangulong si Jose P. Laurel sa Kautusang
Tagapagpaganap Big. 10?
A. Nakamit ang lubusang pagkakaisa ng mga Pilipino.
B. Nagkaroon ng sapilitang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng
Paaralan
C. Nakamtan ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin ng bawat
mamamayang Pilipino.
D. Naging masugid sa pagsunod ang pamahalaan upang lumaganap
ang wikang Tagalog sa buong Pilipinas
5. Ano ang naging bunga sa pangyayaring ito? Dumaan sa mahabang proseso
ang pagkakaroon ng sariling wika ang ating bansa.
A. Nakamit natin ang ganap na kalayaan sa kamay ng mga mananakop.
B. Itinuring na ang ating mga ninuo ay labis na matatapang.
C. Tumimo sa isip ng mga Pilipino ang kadakilaan ng mga ninunong
nakipaglaban lamang sa ating sariling wika.
D. nagkaroon tayo ng sarili nating Pambansang Wika na pinakikinabangan
hanggang sa kasalukuyan.

Balik-Tanaw

Bago tayo tuluyang tumalakay ng ating bagong aralin, magbalik-aral muna

tayo. Kumpletuhin ang pangungusap.

Ang sanaysay ay isinusulat nang may ____________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________.

Ang mga prosesong pinagdadanan bago at pagkatapos sumulat ng sanaysay ay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagiging responsable ng isang tao ay maaaring matukoy kung batid

niya sa bawat desisyong kaniyang ginagawa kung ano ang magiging SANHI o
BUNGA nito. Mahalaga na matukoy natin ang maaaring maging epekto nito sa
buhay ng isang tao. Sa araling ito, tutukuying natin ang pagkakaiba ng dalawa
at kung paano ito maisasagawa sa buhay lalo na pagdating sa aspektong
pagpapasya. Alamin natin kung paano o saan ginagamit ang SANHI at BUNGA.

Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang

bunga. Halimbawa narinig mo ang sirena ng trak ng bombero. Ano ang maaaring
dahilan ng sirenang ito gayundin, ano ang ibubunga nito?

Isang maaaring nangyari ay may tawag na sunog o anumang dahilan ng

sirenang narinig. Kaya ang naging bunga ng sirena sa iyo ay nagulat at nabahala
ka.

May mga palatandaang salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa

pagpagpapahayag ng pagkakaroon ng sanhi at bunga. Ito ay kaya, kaya naman,
dahil dito, buhat nang, bunga nito, tuloy, sapagkat, pagkat. Ang mga salita o
pahayag na ito ay tinatawag na pang-ugnay.

Gawain 1

Panuto: Mula sa larawang editoryal, bumuo ng sariling sanaysay tungkol sa

mensaheng nais iparating nito kaugnay sa wikang pambansa. Huwag
kalimutang salungguhitan ang sanhi at bunga sa iyong sanaysay. Isulat
sa kwaderno.

11
https://www.google.com/search?q=Editoryal+ng+Buwan+ng+Wikang+Pambansa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=2ahUKEwjp06W9ueDpAhXLFIgKHUSBC1AQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=3V2L_B24BNpOw
M

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
Kompleto ang diwa at pagpapakahulugan sa larawang 10
editorial
Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at angkop 5
ang paggamit ng wika.
Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang sulatin. 5
KABUUAN 20

12
Gawain 2

Panuto: Isulat sa kwaderno ang S kung Sanhi ang isinasaad ng bawat

pangungusap/parirala, at isulat ang B kung Bunga .

1. May sariling paraan na ng pagsulat ang ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga mananakop.
2. kaya hindi na maituturing na mangmang ang mga Pilipino pagdating sa
kahusayan sa pagbasa at pagsulat.
3. Marunong sumulat ang mga kabataan, bata man o matanda, lalaki man o
babae.
4. Dahil dito kinailangan nilang ilimbag ang unang aklat sa Pilipinas na
Doctrina Christiana.
5. may mga pagbabagong nakatulong sa mas maunlad na pagbabago sa
alpabetong Filipino.
6. Nagkaroon ng reporma sa paggamit ng alpabeto
7. Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U
8. Bunga ng matagal na panahon ng pagtuturo at pag-aaral ng wikang
Espanyol.
9. Magkakaiba ang tunog ng E at I at O at U
10. Dahil dito may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng ispelling na may
magkakaibang kahulugan.

Pag-alam sa Natutuhan

Binabati Kita! Muli ka na namang nakatapos ng mga Gawain!

Ngayon, upang masubukan natin ang lalim ng iyong pagkatuto sa aralin,

kumpletuhin mo ang bawat pahayag.

Nalaman ko na ang Sanhi at Bunga ay _____________________________________________

Kaya naman, sa mga pagdedesisyon ko sa buhay __________________________________

13
upang ____________________________________________________________________.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin

at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Tayo ay nagsusulat ng _________kapag may nais tayong sabihin dulot ng mga

namamasid sa paligid, naglalahad tayo nang matalinong opinyon, at makatuwirang
kaisipan batay sa ating karanasan at damdamin.
A. tula B. sanaysay C. dula D. awit
2. Sa madalas na pagsusulat natin ng sanaysay, nalilinang sa atin ang maraming
kasanayan maliban sa __________.
A. talas ng isip C. pagiging malikhain
B. pagiging mapanuri D. madasalin
3. Sa pagsulat ng sanaysay, marami itong sinusukat pagdating sa husay o galing
ng isang sanaysay maliban sa __________.
A. nakasusunod sa estandardisadong pangangailangan sa teknikal na
pagsulat
B. naka-aagapay ang mensahe sa pangangailangang lokalisasyon
C. napahahalagahan ang kontekswalisadong kayariang pangteksto
D. nakadaragdag sa bilang ng kabuhayan sa pagtaas ng lebel ng ekonomiya
ng bansa
4. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan sa pagiging orihinal sa
pagsulat ng sanaysay maliban sa ________.
A. upang makilala ang husay ng may akda
B. upang mas maging kapani-paniwala ang teksto
C. upang mas mangibabaw ang galing ng manunulat
D. upang mapagkakitaan at magamit sa iba’t ibang layunin
5. Ang sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay maliban
sa___________.
A. organisado at may kabisaan
B. maingat at maayos sa pagpili ng mga salita o pahayag
C. ang paksa ay may pinag-uukulan at masusing pinag-aralan
D. ang mga nakalakip na sitwasyon ay higit na nakatuon sa sariling
karanasan

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Upang lubos na mapagtibay ang lahat ng mga kaalamang iyong nakuha,

ibahagi mo ang iyong kaisipan ukol sa napupuna o namamasid mong kalagayan ng
iyong sarili, ng iyong pamilya, at ng iyong bayan dulot ng Pandemya ng Covid-19.
Maaari kang makipagtalakayan sa iyong pamilya habang sinasagot ito.

Dahil sa nagaganap na Pandemya ng Covid-19, napuna kong ang aking ...

14
SARILI/DAMDAMIN

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

BAYAN/KAPWA-PILIPINO

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAMILYA/BARANGGAY

Sanggunian
Almario, V. S. (2014). KWF, Manwal sa Masinop na Pagsulat. Komisyon sa Wikang
Filipino.
Jocson, M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City: Vibal Publishing House.
Julian, A. B. at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-
filipino/story/
https://www.google.com/search?q=Editoryal+ng+Buwan+ng+Wikang+Pambansa&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjp06W9ueDpAhXLFIgKHUSBC1AQ_AUoAXoECAwQAw
&biw=1366&bih=657#imgrc=3V2L_B24BNpOwM

15
Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay:Maria Magdalena M. Lim,CESOV

Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II

Mary Ann R. Catabay, MT II
Manunulat: Michael M. Ogsila, TIII
Tagalapat: Mary Ann R. Catabay

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1

Pangwakas na
Unang Pagsubok Pagsusulit

1. D 1. B
2. D Balik-Tanaw 2. D
3. B
4. B Ang pagmamarka ay 3. D
5. D batay sa rubriks
4. D
5. D

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)

1. Isa sa mga kasaysaysan ng sarili nating wika ay ang paggamit ng Baybayin

n gating mga ninuno. Ito ang tumatak sa isip ko sapagkat bago pa man
dumating ang mga mananakop ay masasabing matatag na ang pundasyon
at pagpapahalaga ng ating mga ninuno pagdating sa edukasyon. Hanggang
sa unti-unti ay nagkaroon ng ebolusyon ang alpabeto na ginagamit ngayon
ng mga Pilipino.

Gawain 2 (Mapanuring Pag-iisip)

1. “Walang alpabetong perpekto ng alinmang wika sa mundo na perpekto ngunit

bawat pagkilos tungo sa estandardisadong ispeling ay isang pagsisikap na

16
makatulong tungo sa higit na mabisang pag-agapay ng pagsulat sa wikang
pabigkas”

- Masasabing walang perpektong alpabeto sapagkat ang lahat ng ito ay dumaan

sa proseso, maaaring habang nasa proseso ito ng pagbuo ay may mga nakitang
kahinaan at kalakasan kaya naman patuloy ang pagbubuo hanggang sa ito ay
maging perpekto. Bagama’t sa kasalukuyan marami pa ring pagbabago sa
ortograpiya n gating Wikang Pambansa sapagkat marami pa ring kailangan
ayusin at linisin upang maging ganap at angkop sa kasalukuyang henerasyon.

2. “Ang bigkas sa isang salita ay pinapasiya, hindi ng ispeling kundi ng

kasaysayan nito.”

Ang bigkas ng isang salita ay may hatid na hiwaga at kahulugan. Ito

marahil ang isa sa mahalagang katangian na kailangang bigyan pansin higit sa
lahat ng mga nag-aaral ng wika. Lahat ng wikang lumalaganap sa ating bansa
ay may karugtong na kasaysayan at sa bawat kasayasan ay may bitbit na
kahulugan.

Aralin 2

PANGWAKAS NA
Unang Pagsubok PAGSUSULIT

1. A 1. C
2. A 2. B
3. A
4. B 3. B
5. B
4. B
5. B

GAWAIN 1
Ang pagbibigay ng
marka ay nakabatay
Balik- Tanaw sa rubriks.
Ang pagmamarka ay GAWAIN 2
batay sa rubriks
1. SB 4. SB
2. SB 5. SB
3. BS

17
18

You might also like