FIL 117 Ang Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo Handouts
FIL 117 Ang Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo Handouts
FIL 117 Ang Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo Handouts
ANG GURO
• Ang isang guro ay humuhubog sa katauhan at isipan ng mga mamamayang
siyang bubuo ng isang bansa, kaya’t siya ay nagtatatag ng isang bansa. Siya’y
katulong sa pagtatatag ng isang bansang binubuo ng mga mamamayang mulat,
matalino, kapakipakinabang, makabuluhan, at matatag.
• Dahil sa malaking pananagutang ito, ang guro ay nararapat na magtaglay ng
isang libo’t isang mabuting katangian at kakayahan para sa iasng mabisang
proseso ng pagtuturo-pagkatuto ng mga mag-aaral.
• Si Richards (1992) ay nagsabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang
kanyang kalse ay kawili-wili, masigla at laging may bagong gawain. Hindi lamang
ang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo ang hangarin kundi higit
sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay.
• Ayon naman kay Hendricks (1998) nasusukat ang pagiging epektibong guro sa
gawain, kaasalan at saloobin ng kanyang tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang
mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
• Sang-ayon naman kina Kathleen M. Bailey at Marianne Celce-Murcia, may apat
na lawak para sa isang matagumpay at epektibong guro
• Kaligirang Sosyal
• Baryedad ng mga gawaing pagkatuto
• Oportunidad sa pakikilahok
• Reaksyon at mga pagwawasto
6. MAUNLAD AT MAPANALIKSIK
- patuloy na pagtuklas sa bago at bagong kalakaran sa pagtuturo na makatutulong sa
pagpapabuti ng pag-aaral.