Aralin 1 - 4 - Fildis
Aralin 1 - 4 - Fildis
Aralin 1 - 4 - Fildis
Ang Wika ang siyang sumasailalim sa identidad ng bawat tao. Sa wikang kanyang sinasalita,
naipamamalas niya kung saan siya nagmula, kung saan klasipikasyong pang-ekonomiko siya
kabilang at kung anong kultura ang dala-dala niya.
Sa aspetong sosyo-kultural, nangingibabaw ang wika sapagkat ito ang nagpapahayag ng
mapanimbang na pag-iisip o pagmumuning sanhi ng mapanuring kamalayan.
1936 – itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili
sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsasagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin
sa magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Si Jaime de Veyra ang naging
tagapangulo ng komite na nagsasagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan
ng “Wikang Pambansa”.
1937 – ipinalabas ni Pangulog Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang batayan ng Wikang gagamitin sa pagbubuo ng Wikang Pambansa. Dahil sa
pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tao ng wikang pagkakakilanlan, hinirang
siyang AMA NG WIKANG PAMBANSA.
1946 – naging opisyal na wika ang Tagalog at ito ay sinimulang gamiting wikang panturo mula
sa unang baitang sa elementarya hanggang sekondarya. Ang SWP ay inatasang pagyamanin,
pagyabungin at magsagawa ng pamantayan ukol dito.
2001 – Muling nagkaroon ng rebisyon sa Alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na
pagpapayaman ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng panghihiram ng salita at pagsasalin. Ang
mga hiram na (8) walong letra: c, f, j, ᾗ, q, v, x at z.
TANDAAN:
• Dis. 30, 1937 – TAGALOG ANG WIKANG PAMBANSA
• Agosto 13, 1959 – PILIPINO ANG WIKANG PAMBANSA
• Peb. 1987 – ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9 ANG WIKANG PAMBANSA
HANGGANG SA KASALUKUYAN AY WIKANG FILIPINO.
2. WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN.
Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong
wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang
bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani
R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literaturang
Pilipinas”.
4. Dahil sa wikang gamit sa pananaliksik, maski ang hindi marunong o hindi gaanong
nakakaintindi sa Ingles ay maiintindihan ang naisagawang pananaliksik.
5. Maibabahagi natin sa bawat isa ang mga makabagong tuklas sa bawat larang sa lahat ng mga
Pilipino dahil naiintindihan ng bawat isa ang wikang Filipino.
ARALIN 2
PANITIKAN
Ang salitang Tagalog ng “panitikan” ay nagmula sa unlaping PANG na nagiging
PAN kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa (d,l,r,s at t).
Ang salitang ito ay panumbas ng Tagalog sa “Literature” o Literatura na kapwa
batay sa ugat na Lating “Litera” na ang kahuluga’y “letra” o titik.
• HUMANIDADES
• AGHAM PANLIPUNAN
• AGHAM, TEKNOLOHIYA AT MATEMATIKA.
HUMANIDADES
Ang humanidades ay may kaugnayan sa kultura at sining tulad ng sayaw,
musika, arkitektura, eskultura, pagpipinta, pelikuna, dula at panitikan.
Sa pamamagitan ng mga akdang may kaugnayan sa humanidades,
naipapahayag ng bawat ang kanyang saloobin o damdamin, maging ag kanyang naiisip at
nalalaman.
Awiting Bayan
Ito’y awiting mula pa sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Kadalasang inaawit ng mga
karaniwang tao tulad ng magsasaka, mangingisda, o mambuburda. Ito ay patula na may sukat,
himig, at indayog.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SIKOLOHISMO – ang layunin nito ipaliwanag sa pamamagitan pagpapakita ng mga salig (factor)
sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong
behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
MARKISMO- ang layunin nito ay ipakita ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda
ay nagsisilbing modelo sa mga mambabasa.
MORALISTIKO- ang layunin nito ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao. Ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya
o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan.