LP 3 Grade 7 Pabula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

I.

LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ic-d-2)

 Nahihinuha ang kinalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang

napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ic-d-2)

 Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ic-d-2)

 Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan

batay sa ginamit na panlapi.

II. PAKSA

Panitikan: Kinalabasan ng mga Pangyayari sa Pabula- “Natalo rin si Pilandok”

Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

 Pagtatala ng Liban

 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (NAGBABAGANG BALITA)

Magpapanood ang guro ng balita tungkol sa mga panlolokong nagaganap sa

kasalukuyan.

NAGBABAGANG BALITA SA TV PATROL

https://www.youtube.com/watch?v=gUdTdSgW9dc
Unang Markahan | 34

Gabay na Tanong:

a. Ano-ano ang inyong mga saloobin sa napanood?

b. Bakit kaya lumalaganap ang mga ganitong pangyayari sa bansa?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.

Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (ANONG KAHULUGAN)

Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng

panlapi.

HANAY B

nililinlang

a. Ang taong

gagawa pa ng

pandaraya

mapanlinlang

b. taong

mapanloko/
mapanlinlang ng

kapwa.

nilinlang

c. pandaraya sa

isang tao

panlilinlang

d. ang taong

kasalukuyang

ginagawan ng

panlilinlang

lilinlangin

e. naging biktima

ng mga taong

mapanlinlang

HANAY A

lamigin

d
a. ginagawa ng tao

para guminhawa

ang pakiramdam

kapag mainit

malamig

b. nagiging asal ng

taong

nagpapakitang

ayaw na sa

isang relasyon

nagpapalamig

c. nararamdaman

ng tao kapag

malamig

nanlalamig

d. taong madaling

makadama ng

lamig
nilalamig

e. tumutukoy sa uri

ng panahong

nararanasan.

Ano ang kinalabasan ng mga pangyayari sa pabulang “Natalo rin si

Pilandok”?

Unang Markahan| 35

4. Paghihinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WHAT DO YOU KNOW)

Magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon ang mga mag-aaral tungkol

sa hayop pamagat ng akda.

https://image.slidesharecdn.com/pilandokreport-160418082031/95/pilandok-report-9-638.jpg?
cb=1460967691

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)

Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang pabula.

Natalo Rin Si Pilandok

Kilala si pilandok sa kanyang pagiging tuso o mapanlinlang. Katunayan,

madalas na panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga

laban kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa

kanya ang mga nagawa niyang panloloko o panglilinlang kaya siya naman ang
natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya? Isa kaya itong malaki at

makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya natalo ang Pilandok?

Halina’t iyong alamin.

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong

pilandok na magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon

magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy- ramo pala ang

nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na

maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagniningning ang

kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok.

“Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. “Gutom na gutom na ako sa

maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang

aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng

pilandok ang matutulis na ngipin at pangil ng baboy-ramo.

NATALO

RIN SI

PILANDOK

Unang Markahan | 36

6. Presentasyon

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang

sa kanya ay tiyak na magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan

subalit hindi siya nagpapahalata. “Kawawa ka naman baboy-ramo,

maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awang- awa nga

sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam

mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa

akin.” Ang dugtong pa nito.

“ Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang

malakas na sigaw ng baboy-ramo.


“ Ha! Matutulungan kita riyan, baboy-ramo,” sabi ni pilandok habang

mabilis na nag-iisip.

“Tao, ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa

paghahanap ng isang taong tiyak na makakabusog sa iyo,” ang paniniyak

nito.

“Ano ba ang tao? Tiyak ka ba mabubusog ako sa tao?” ang tanong

ng baboy-ramo.

“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot

naman ng Pilandok.

“Mas malakas pa kaysa sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang

hinihipan at pinalalalaki ang kanyang dibdib.

“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at

pangil at sa bilis mong tumakbo tiyak na kayang kaya mong sagpangin at

kainin ang tao,”ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo.

Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang

paniwala ito sa kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan

mo ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi

ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng

baboy-ramo sa pilandok.

“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka,

kaibigan,” ang paniniyak pa ng pilandok sa baboy-ramo.

Naglakad- lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang mapunta

sila sa isang talon. Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa

sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis

na nasa ibaba ng talon.” Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin

ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.

“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya hindi ka

pa masisiyahan diyan,” ang sagot ng pilandok.

“kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapuna?”
ang naiinip nang baboy-ramo.

“ Doon, sa gawing hilaga,” sagot ng pilandok.

Unang Markahan| 37

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang

matandang lalaking nagtatanim.

Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong

ng baston.

“Iyan na ba?Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko

niyan, payat at hindi ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo.

“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog

diyan. Tira-tirahan na lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na

baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.

Galit na ang baboy-ramo. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong

kakainin ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako. Ikaw na

lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok.

‘Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun ang taong laan para sa

iyong hapunan,’ ang sabi ng pilandok sabay turo sa isang matikas at

matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.

‘Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi

muna gugustuhin pang kumain ng isang munting hayop na tulad ko

pagkatapos mo siyang makain,’ ang nakangising sabi ng pilandok.

‘Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,’ ang sigaw ng baboy-

ramo sabay sugod sa nabiglang mangangaso ay mabilis rin itong

nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-

ramo.
Nakahinga nang maluwag ang Pilandok. Ngayon siya nakadama ng

matinding uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang

ipagpatuloy ang naputol na pag-inom. Tahimik na umiinom ang pilandok

nang bigla niyang maramdamang may sumunggab sa kayang isang paa.

Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang

nalinlang. Alam niyang galit na galit sa kanya ang buwaya pero galit rin siya

rito dahil sa lagi siyang pinipigilang uminom sa batis.

Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon

ang matalinong pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito.

Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,’ ang tila

nang-uuyam na sabi ng pilandok.

Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong

naiisahan ni Pilandok ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang

patibong ito ng pilandok.

Unang Markahan | 38

Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. ‘Buwaya, bulag ka ba? Patpat

lang ang kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,’ ang malakas na sabi niya

sabay taas sa isang binti. Biglang binitiwan ng buwaya ang kagat-kagat na

paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana nito ang isang paang

itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang

buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong pilandok.

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang

isang suso. Dahil maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niya

magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking

gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang

talunin ang pilandok.

Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga


hayop ang kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan ng

suso ang araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok.

Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain

mong iisang suso lang sila dahil sa parehong-parehong hitsura.

Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang

ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin

kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya nang magsalita ang

suso.’O, ano Pilandok, pagod kana ba? Ang tanong nito. Gulat na gulat sa

kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na

tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang

halos lumawit ang dila sa pagod.

Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng

ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na

natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo

niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang

isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng

isang munting suso.

Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang

sinabi,”Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap

kong tinalo mo ako.Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan,

ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa kong panlalamang sa

kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop na nakarinig kay Pilandok.

Unang Markahan| 39

6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)

Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga

flow chart.
7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)

Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa pabulang

binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:

Mga Tauhan at ang Kanilang mga

Katangian

Mungkahing Estratehiya:

Venn diagram

Paggawa ng Venn diagram na

nagpapakita ng mga katangian ng

mga tauhan sa akda

Paksa:

Pagbabago ng kahulugan ng mga

salitang batay sa panlapi

Mungkahing Estratehiya:

Lapian at bigyang kahulugan

Pagbibigay ng mga salitang

ginamitan ng iba’t ibang panlapi at

pagtukoy sa kahulugan nito

2
Paksa:

Kinalabasan ng mga pangyayari

sa akda

Mungkahing Estratehiya:

Pagguhit

Pagguhit ng maaaring kalabasan

ng mga pangyayari sa akda

Paksa:

Kaisipang Hatid ng Akda

Mungkahing Estratehiya:

Slogan

Paglikha ng slogang nagpapakita

ng kaisipan na nais ipabatid ng

akda

Pagkikita ni

pilandok at

baboy-

ramo
Pagkikita ni

pilandok at

buwaya

Pagkikita

ni

pilandok

at suso

Unang Markahan | 40

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10.Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita

ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng

guro.

ANALISIS

1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa binasa. Ano-ano ang mga

positibo at negatibong katangiang taglay nila?

2. Ano ang iyong nahinuha sa maaaring kinalabasan ng mga pangyayari sa

akda?

3. Ipaliwanag ang mahalagang kaisipang nangibabaw sa akda. Makatutulong

ba ito sa bawat isang mambabasa? Pangatwiranan.

4. Kung ikaw ang tulad ni Pilandok na nanlilinlang o nanloloko rin ng iyong

kapwa, ano ang gagawin mo pagkatapos mabasa ang pabula?

5. Sa kasalukuyan, paano maiiwasan ang mga taong katulad ni Pilandok na


gumagawa ng panlalamang sa kapwa? Paano naman mababago ang

masasamang asal ng mga taong ito?

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong

Mahusay

Nangangailangan ng

Pagpapabuti

Nilalaman

at

Organisasyon

ng mga

Kaisipan

o Mensahe

(4)

Lubos na

naipahatid ang

nilalaman o

kaisipan na nais

iparating sa

manonood (4)

Naipahatid ang

nilalaman o

kaisipan na nais

iparating sa

manonood (3)
Di-gaanong

naiparating ang

nilalaman o

kaisipan na nais

iparating sa

manonood (2)

Di naiparating ang

nilalaman o

kaisipan na nais

iparating sa

manonood (1)

Istilo/

Pagkama-

likhain

(3)

Lubos na

kinakitaan ng

kasiningan ang

pamamaraang

ginamit ng

pangkat sa

presentasyon (3)

Kinakitaan ng
kasiningan ang

pamamaraang

ginamit ng

pangkat sa

presentasyon

(2)

Di-gaanong

kinakitaan ng

kasiningan ang

pamamaraang

ginamit ng

pangkat sa

presentasyon(1)

Di kinakitaan ng

kasiningan ang

pamamaraang

ginamit ng pangkat

sa presentasyon

(0)

Kaisahan

ng Pangkat

Kooperasyon

(3)

Lubos na
nagpamalas ng

pagkakaisa ang

bawat miyembro

sa kanilang

gawain (3)

Nagpamalas ng

pagkakaisa ang

bawat

miyembro sa

kanilang gawain

(2)

Di-gaanong

nagpamalas ng

pagkakaisa ang

bawat miyembro

sa kanilang

gawain (1)

Di nagpamalas ng

pagkakaisa ang

bawat miyembro

sa kanilang gawain

(0)

Unang Markahan| 41

Pagbibigay ng Input ng Guro


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( ADVEN-ZOO-RE)

Tutulungan ng mga mag-aaral si Pilandok sa pamamasyal sa zoo sa

pamamagitan ng paglalagay ng arrow sa tamang daan sa maze upang mabuo

ang pangkalahatang konsepto ng aralin.

http://cdn.rainbowresource.netdna-cdn.com/products/032336.jpg

D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)

Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na

pambata lamang, sapagkat ang mga ito ay nangangailangan ng pag-unawa sa

mga katangian ng mga tauhang hayop at pag-uugnay ng mga ito sa kahawig

na katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing.

Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng mga

ito.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

naisahan

ang

pangu-

nahing

tauhan

nanalo
sa

pabulang

“Natalo

rin si

Pilandok”

si

suso

Unang Markahan | 42

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (UMARTE KA)

Mag-iisip ang mga mag-aaral ng isang sitwasyong nagpapakita ng mga

kaisipang nais ipabatid ng akda sa tunay na buhay at iaarte ito sa klase.

Gumamit ng mga salitang naglalarawan sa usapang gagawin.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang

sagot.

1. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at nangakong magbabago

na, ano kaya ang mahihinuha sa maaaring mangyayari sa akda?

a. Muling manlilinlang si Pilandok sa mga kasamang hayop sa gubat kapag

siya ay nagipit.

b. Iiwasan na ni Pilandok ang manlinlang ng ibang kasamang hayop at

magbabago na siya.

c. Hindi ipakikita ni Pilandok sa iba kapag siya ay muling nanloko. Ililihim niya

ito sa mga kasamang hayop.

d. Iiwasan na siya ng mga kaibigang hayop at mamumuhay ng malungkot sa

gubat.
2. Ano ang kahulugan ng salitang mangingibig?

a. taong umiibig c. maraming pagmamahal

b. pagmamahal d. pagbibigay ng pagmamahal

3. Bakit maituturing na isang pabula ang akdang “Natalo rin si Pilandok?

a. Dahil ito ay kuwento tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhang

nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan.

b. Dahil ito ay nagsasalaysay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa akda.

c. Dahil ito ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga sinaunang tao at

tumutukoy sa mga kultura at tradisyon ng isang lugar sa bansa.

d. Dahil isinasalaysay nito ang kuwento na ang tauhan ay mga hayop na

gumaganap na parang tao.

Naisahan ang pangunahing tauhan sa pabulang “Natalo rin si Pilandok”

Sitwasyon:________________________________________________

Unang Markahan| 43

4. Alin ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa akdang tinalakay?

a. Maging matulungin sa mga taong nais mo lamang tulungan at sa mga taong

may benepisyo sa iyo.

b. Maging maingat sa mga taong mapanlinlang at ang nais ay makalamang

sa kapwa.

c. Tumulong sa kapwa kung ito ay nangangailangan ng iyong tulong at gawin

ito ng palagian.

d. Tumulong at humingi ng kapalit sa tulong na ipinagkaloob mo sa iyong

kapwa.

5. Piliin ang akmang kasabihan para sa pabulang binasa.

a. “Tuso man daw ang matsing, napaglalamangan din”.

b. “Kapwa Ko, mahal ko”

c. “Daig nang maagap ang masipag.”


d. “Kapag may katwiran, ipaglaban mo”

Sagot:

BADBA

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga balitang may kaugnayan sa panloloko sa kapwa. Ikapit

ito sa kwaderno.

2. Isa-isahin ang mga aral na napulot mula sa aralin na makatutulong sa inyo

bilang mga kabataan.

3. Ano-ano ang mga pahayag na nagsasaad ng posibilidad? Isa-isahin ito.

You might also like