DELGADO - Sining NG Pagsasaling-Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

SINING NG

PAGSASALING-WIKA

INIHANDA NI:
J FRANCIS G. DELGADO
3.0 Ang pagsasalin sa larangan ng Agham at
Teknolohiya

Isinaad sa kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s.


1974 na ang mga asignaturang araling panlipunan
/agham panlipunan, wastong pag-uugali, edukasyong
panggawain, edukasyong pangkalusugan at edukasyong
pisikal (social studies/social science, character
education, work education, health education and
physical education) ay ituturo sa Pilipino (Filipino),
samantalang ang agham at matematika ay sa Ingles.
Ang dating kawanihan ng Paaralang
Bayan, ang iba’t ibang sangay
panlalawigan at panlunsod, mga sentro ng
wika sa mga dalubhasaan at pamantasan
ay nakapagsimula na sa paghahanda at/o
pagsasalin ng mga kagamitang pagtuturo
sa asignaturang agham at matematika.
Sa liwanag ng mga tadhanang pangwika sa
konstitusyon, ang kasalukuyang patakarang
bilinggwal ay dapat maging transisyunal, isang
pansamantalang dispensasyon na patungo sa
paggamit ng isang wika lamang(ng Filipino) sa
hinaharap bilang wikang panturo sa iba’t
ibang asignatura, kasama na ang agham at
matematika. (tgn. ang ulat ng EDCOM,
Kongreso ng Pilipinas, 1992)
May mga nagpapalagay na upang
ang Filipino, bilang wikang pambansa,
ay maging mabisang kasangkapan ng
edukasyon at ng iba pang larangan,
kailangang ito’y magamit sa
pagpapahayag ng siyentipiko at
teknolohiyang kaisipan nating nga
Pilipino.
Sa kabilang dako, naniniwala
naman ang ibang makawika na higit
na makabubuti para sa wikang
Filipino ang kasalukuyang ayos ng
patakarang bilinggwal.
Ayon sa kanila, ibinigay sa Ingles ang
dalawang asignaturang teknikal, agham at
matematika, sa paniniwala ng mga
nagplano ng nasabing patakaran na
sapagkat Ingles ang wikang panturo sa mga
asignaturang teknikal, mananatili ito sa
ating bansa sapagkat ginagamit na midyum
ng paaralan sa pagdukal ng mga
karunungang teknikal na siyang kailangan
sa pagpapaunlad ng ating bansa.
Ngunit waring hindi naisip diumano
ng mga nagplano ng patakaran na ang
kanilang ginawang ayos sa gamit ng
dalawang wika, sa katagalan, ay pabor
na pabor sa wikang Filipino sapagkat
ito ang wikang panturo sa mga
asignaturang kargado ng kulturang
Filipino.
Samantala, sapagkat ang Ingles ay
ginagamit na wikang panturo sa mga
kurso o asignaturang teknikal,
naniniwala sila na ito’y mananatiling
wika ng mga Pilipinong nakakataas
ng kalagayan sa buhay ngunit maliit
na bahagdan lamang ng sambayanang
Pilipino.
Sa ganitong ayos, ang Ingles ay
magiging palayo nang palayo sa
dibdib ng bayan hanggang sa
mahanay na lamang ito sa ibang
mauunlad na wikang
makaiimpluwensya sa ekonomiya
ng ating bansa, tulad ng mga
wikang Niponggo at Instik.
Kaya nga’t kung hindi man lubhang
kailangan sa ngayon ang pagsasalin sa Filipino
ng mga materyales panturo sa larangan ng
agham at teknolohiya, kailangan pa rin ang
kahandaan dito sapagkat darating at darating
ang panahon na kakailanganin natin ito.

Bukod dito, ang tunay na lakas, yaman, o


kakayahan ng isang wika ay higit na
mapatutunayan sa pagsasalin ng pyesa, ng
literaturang teknikal o pang-agham.
Kailangan, samakatwid, ng Filipino ang
intelektwalisasyon. At ito’y matatamo
lamang sa pamamagitan ng paggamit nito
sa mga paksang teknikal. Hindi
masasabing intelektwalisado na ang
Filipino hangga’t ito’y hindi nagagamit sa
mga disiplinang tulad ng batas, inhinyera,
medisina, arkitektura, at iba pang
matataas na antas ng karunungan.
4.0 Panghihiram sa Ingles: Mga Suliranin at
Mungkahing Paraan

Alinsunod sa kasalukuyang Konstitusyon,


ang Pilipinas ay may dalawang opisyal na
wika: Una, ang Filipino na may potensyal na
yaman ngunit hindi pa gaanong maunlad at
kailangang-kailangang pagyamanin at
paunlarin nang husto upang makaganap sa
tungkulin ng isang tunay na wikang
pambansa.
Ikalawa, ang Ingles na wika ng
ating dating mananakop, isang
wikang maunlad at malaganap sa
daigdig, na nagsisilbing tulay sa
ating pakikipag-ugnayang
panlabas at sa pagdukal ng
karunungan sa iba’t ibang
larangan.
Ang Filipino, bilang wikang
pambansa, ay kailangang magpatuloy
na umunlad. At ang isang madali at
natural na paraan ay ang
panghihiram nito sa ibang
nakakaimpluwensyang wikang higit
na maunlad na tulad ng Ingles.
Nitong mga huling araw, dahil sa labis-
labis na pagkahantad natin sa wikang
Ingles, ay lumitaw ang isang malubhang
problema sa panghihiram. Ang
palabaybayan o sistema ng pagbaybay ng
wikang pambansa na nagpakita ng
kakayahan sa pag-asimila ng mga salitang-
hiram sa Kastila ay kinakitaan naman ng
kahinaan sa pag-asimila ng mga salitang
hinihiram sa wikang Ingles.
Sinasabing ganap nang naasimila ng
Filipino ang isang salitang hiram sa
Ingles kung ang nasabing salita ay
nahubdan na ng mga elementong
naaayon sa ating sariling sistema ng
palatunungan, palabaybayan at
paraan ng paglalapi.
Halimbawa, ang dalawang salitang
“flash” at “card” ay maituturing na bahagi
na ng ating wika kung ang mga ito’y
isusulat nang “plaskard.” Gayundin naman
ang salitang “circo” ng Kastila, magiging
lubos na atin na ito kapag isinulat nang
“sirko.” Pansinin na sa “plaskard” na mula
sa “flash card” ay nawala na ang tunog
na /f/ at /sh/, at ang letrang “c” naman ay
napalitan na ng “k”
Sa “circo” naman ay napalitan na ng
letrang “s” ang unang “c” at ng “k” ang
ikalawang “c”. Kung pananatilihin ang
ispeling na “circo”, pansinin na hindi ito
magigitlapian sapagkat magiging
“*cumirco”. At kapag pinanatili ang
ikalawang “c”, hindi naman malalagyan
ng hulapi sapagkat magiging “*circero”.
Gaya ng natalakay na, ang
palabaybayan ng Filipino ay konsistent
samantalang ang sa Ingles ay di-
konsistent. Ang totoo, kapag sistema ng
pagbaybay ng mga wikang gumagamit ng
mga letrang Romano ang pinag-usapan,
ang Ingles na marahil ang siyang may
pinakamagulong sistema.
Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay
masasabing nasa krus-na-daan; hindi
malaman kung ano ang gagawin sa mga
salitang hiram sa Ingles sa di-konsistent
ang ispeling. Palasak na palasak na ang
ating panghihiram. Ito’y kapansin-pansin
na sa ating mga pag-uusap, sa mga
pahayagan sa Flipino, sa mga pelikula,
telebisyon, radyo, anunsyo at mga
babalang pangmadla.
Maraming
Salamat!

You might also like