Replektibong Sanaysay (SAMPLE)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

William Patrick J.

Panganiban

12 – Thomson

Buhay sa Panahon ng Pandemya

Maraming pagbabago ang nangyari sa aking buhay nang nagsimula ang pagkaroon ng lockdown
noong Marso ng 2020. Ang isang malaking pagbabago ay hindi na ako makakapunta sa paaralan at
kailangan manatili sa tahanan para hindi ako mahawa. Subalit, dahil ditto ay naramdaman ko ang sobrang
lungkot dahil sa mga pangyayari na naganap bago pumasok ako sa mataas na paaralan.

Dalawa ang naging pinakamalaking hamon na aking honarap noong Marso hanggang Hunyo.
Ang unang hamon ay ang pag-aaral para sa UPCAT, na hindi ko pa alam na kakanselahin, at ang DOST
scholarship na hindi pa tiyak ang petsa kung kailan gaganap ito. Naghanap ako ng mga reviewer, nakisali
sa mga online tutoring at sumagot ng mga mock exam. Nang natapos ang Hunyo ay naghanap ako ng mga
bagong gawain upang harapi ang pangalawang hamon, ang paghahanap ng paraan para hindi malungkot
dahil sa pagiging mag-isa sa panahon ng pandemya. Sinubukan kong gumuhit ng kahit anong bagay na
pumukaw sa aking interes at gumawa ako ng sariling mga musika kung dumating sa akin ang inspirasyon.
Subalit, minsan kulang pa rin ang libangan sa akin upang manatiling positibo sa pandemya, kaya naman
naglaro ako noong gabi at nagpuyat.

Nang dumating ang Hulyo ay pinili ko na maging mas produktibo at humanda upang maging
akma ang aking mga kakayahan sa daang aking tatahakin sa kolehiyo. Nagkusa ako sa paghanap ng mga
video na mapapanood na nakakaturo sa akin ng bagong impormasyon tungkol sa larangan ng chemistry.
Naghanap pa rin ako ng mga reviewer sa ibang asignatura tulad ng Biology at Math. Itinuloy ko ito
hanggang nagsimula ang klase noong Oktubre, kung saan inasikaso ko ang mga takdang-aralin para sa
bawat asignatura araw-araw. Nakapaglaro rin ako tuwing may libreng panahon, o kaya gumamit ng social
media para makipag-usap sa aking mga kaibigan. Noong Nobyembre ay nagsimula ako sa pag-ehersisyo
upang lumakas at maging maganda ang sariling katawan. Noong Disyembre naman ay naglaan ako ng
oras para maglibang kasama ang aking mga magulang.

Sa kasalukuyan ay naghahanda ako para sa kolehiyo ulit sapagkat nakapagrehistro na ako para sa
Unibersidad ng Pilipinas, pati rin ang Unibersidad ng Santo Tomas. Agad rin ako naging seryoso sa aking
mga pag-aaral upang makapaghanda sa gitna ng pandemya kung saan hindi natin alam kung ano kaya ang
maaaring mangyari sa hinaharap.

Sa kabuuan, aking masasabi na sinimulan ko ang buhay sa panahon ng pandemya ng puro


libangan. Mula rito ay nagkaroon ako ng oras para manalamin at isipin kung ano ang mga talagang gusto
ko sa buhay. Kaya ginawa kong mas produktibo ang paggamit ng oras ko sapagkat maraming oras upang
paunlarin ang sarili sa iba’t ibang aspeto.

You might also like