Replektibong Sanaysay
Replektibong Sanaysay
Replektibong Sanaysay
nagkakaroon ng bagong mithiin na nag sisilbing dahilan nila o inspirasyon para magpatuloy sa
laban ng buhay. Maraming tao ang nagnanais na mapagtagumpayan ang kanilang bawat
hangarin. Katulad ng mga tao na 'yon, mayroon din kaming pangarap na para sa aming sarili at
iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging isang ganap na doktor, inhinyero, guro at iba
pa. Sa pag-abot namin ng aming mga pangarap, dedikasyon at pag pupursugi ang magiging
armas namin para magpatuloy at makatapos. Sa paligid natin hindi mawawala ang mga taong
tututol sa pag-abot natin sa ating mga pangarap, gayon pa man gawin natin silang inspirasyon
upang maipakita natin na kaya natin sa kabila ng kanilang mga opinyong 'di nababagay.
Noon , ang mga bagay ay tila simple lang, sapat na na makapag-aral, na makatungtong sa
eskwelahan pero sa paglipas ng panahon tumataas at lumalawak ang ating kaisipan na
nagreresulta sa pag nanais ng mag malaking kaganapan ng mga bagay-bagay. Sa panahon na
makamit natin ang ating minimithi huwag nating kalilimutan ang mga bagay o tao na naging
bahagdan natin sa pag-abot mo ng mga ito.
Bilang isang estudyante, nagsisikap tayo na makapagtapos ng pag-aaral para makamit natin ang
ating mga pangarap na maging mga propesyonal sa kanya-kanyang mga larangan sa buhay.
Ngunit mayroong isang katanungan sa aming kaisipan patungkol sa isyung ito, “Bakit nga ba ito
ang pinangarap natin; dahil lang ba sa pansariling kapakanan o dahil gusto nating maglingkod sa
ating kapwa?” Kung sa pansariling kapakanan lamang ang habol natin, hindi ba’y nawawala na
ang tunay na saysay kung bakit pa nagkaroon ng ganitong mga propesyon? Halimbawa na dito
ay doktor, inhinyero, arkitekto, nurse, at iba pa. Kaya lang ba nagkaroon ng mga doktor ay para
kumita o makabili ng ano mang materyal na bagay na inaasam? Hindi ba dapat kaya natin pinili
ang propesyong ito ay dahil gusto natin tumulong sa ating kapwa, at para sa ikauunlad ng ating
lipunan? Bilang magtatapos na estudyante nais naming maglingkod sa bansa bilang isang
mamamayan na ang nais ay hindi lang kumita ng pera kundi pati ang tumulong sa mga
nangangailangan, maglingkod ng bukas palad sa aming bayan ng walang pagaalinlangan.
Tutulong sa bawat mamamayang nangangailangan, lalo na ang mga batang pakalatkalat sa
kalye. Hindi lang kami makikilala sa bansa bilang isang magaling na inhenyero o sa kung ano pa
mang propesyon ang aming napili kundi makikilala kami sa ating bansa bilang matulunging
mamamayan. Ang mga materyal na bagay na makukuha natin ay mananatiling pansamantalang
kasiyahan lamang dahil ang tunay na kahalagahan ng ating propesyon ay makamit lamang kung
hahayaan nating gabayan tayo ng ating puso't isipan. Ang tunay na kakontentuhan sa mundo ay
makakamit lamang kung matututo tayong magbahagi sa iba. Kaya kagaya ng mga “naglilingkod
sa bansa” gusto naming bumalik sa katanungang “Bakit at para kanino nga ba ang pagsisikap na
aming ginagawa?”
Sa paglipas ng panahon, marami tayong matututunan sa buhay na siyang huhulma sa kung ano
tayo sa kasalukuyan. Isa sa mga leksyong ito ay ang pagkatuto na mangarap ng mataas at
magsipag upang makamit ito, sapagkat ito ang magiging tulay patungo samatagumpay at
maginhawang buhay. Maraming daang tatahakin, problemang kakaharapin upang matupad ang
pangarap ng bawat isa sa atin. Kaya mangarap tayo at sabay sabay nating tuparin ang mga ito.