Filipino 8 Module 5 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Lingayen
ENRICO T. PRADO NATIONAL HIGH SCHOOL
Aguilar

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 5 & 6:
Paghinuha sa Paksa, Layon at Tono ng Akda,
Dokumentaryong Pantelebisyon, Pagsulat ng Isang
Suring-Pelikula

1
PAGHINUHA SA PAKSA, LAYON AT TONO NG AKDA

Paghihinuha - ito ay proseso ng pagkuha ng kaisipan ng binabasa batay sa mga ebidensya o mga
implikasyong ipinakikita sa isang kuwento, pangyayari o akda. Karaniwan itong tinatawag na
“reading between the lines”. Dumadaan tayo sa prosesong ito upang makuha natin ang paksa, layon,
at tono ng binabasang akda.
1. Paksa ng akda – ang binibigyang-tuon sa akda. Tinatalakay ito ng mga pangungusap na
bumubuo sa akda.

Halimbawa: Ang paksa ng akdang ito ay nCov.

Ang novel coronavirus (nCoV) ay tatawagin nang Covid-19 ayon sa World Health Organization
(WHO). Ang kahulugan ng Co ay Corona, ang Vi ay Virus at and D ay disease. Ang 19 ay
kumakatawan sa taon na ito ay natuklasan. Disyembre 2019 nang kumalat sa Wuhan City sa
China ang sakit na naihahalintulad sa pneumonia at mabilis na kumalat sa 26 na bansa sa mundo
kabilang ang Pilipinas. Sa kasalukuyan, mahigit 1,000 na ang namamatay sa China. Sinasabing
maraming ospital doon ang nagsisiksikan dahil sa rami ng dinadalang pasyente na may sintomas
ng Covid-19. Ang palatandaan na may Covid -19 ay mataas na lagnat, ubo at sipon. Marami ang
nagsasabi na nakuha ang sakit sa paniki at may nagsasabing sa pangolin. Sa isang palengke
umano sa Wuhan, nag-originate ang sakit.

Sabi ng WHO, ang pagpapalit ng pangalan ng sakit ay para maiwasan ang mis-information at
mga hindi pagkakasundo. Sabi ng WHO, target umanong magkaroon ng bakuna laban sa Covid-
19 pagkalipas ng 18 buwan.

Nagpalit man ng pangalan, ang nililikhang per-wisyo ng sakit na ito ay nagpapatuloy at marami
nang inutang na buhay. Pati ang ekonomiya ng China ay bumabagsak sapagkat maraming
kompanya ang nagsasara lalo na sa Wuhan City. Dahil sa paglaganap ng sakit, nagmistula na
umanong “ghost city” ang Wuhan na nag-aalisan ang mga tao sa takot na mahawa ng sakit.
Noong nakaraang Linggo, 30 overseas Pinoy workers ang sinundo ng Philippine government at
kasalukuyang naka-qurantine sa Athletes Village sa Capas, Tarlac. Wala namang nareport na
may sakit sa mga na-repatriate na OFWs.

Ang maagang pagkatuklas sa bakuna laban sa Covid-19 ang inaasahan na makakapigil sa


paglaganap ng sakit. Napakatagal naman ng 18 buwan para makapagpalabas ng bakuna.
Nararapat magtulung-tulong ang mga malalaking bansa sa mabilisang pagtuklas sa gamot para
ganap na mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Nalampasan na umano ng sakit na ito ang SARS
na nanalasa rin sa China noong 2003.

Ang pag-iingat naman ng mga Pilipino ang laging panawagan ng DOH. Huwag munang dumalo
sa mga pagtitipon o huwag munang magdaos ng mga event habang nananalasa ang Covid-19.
Panawagan din naman na huwag magpanic at pakyawin ang face mask. Ireserba ang mga ito
sa mga hospital workers na laging nasa front line. Sundin ang DOH sa panawagang ito.
(Pang-masa - February 14, 2020 - 12:00am)

2. Tono ng Akda- ang damdaming namamayani o nangingibabaw sa akda. Ang mga ito ay
maaaring: galit, saya, pagkalungkot, pangamba, pag-asa, takot, seryoso, agam-agam at
iba pa.
Halimbawa: Ang tono ng akdang binasa tungkol sa nCoV ay seryoso.

3. Layon ng Akda - ang nais iparating ng akda sa mambabasa. Ang mga ito ay maaaring:
1. magbigay – impormasyon,
2. manghikayat o mangumbinsi,
3. manlibang,
4. magbukas o magmulat ng isipan,
5. magbigay ng babala
6. magturo at iba pa.
Halimbawa: Ang layon ng akdang binasa tungkol sa nCoV ay magbigay ng impormasyon.

GAWAIN 1
A. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy kung anong popular na babasahin ang
tinutukoy sa bawat bilang.
GAANPBNIL 1. Ito ay uri ng programa na naglalayong magbigay aliw.
M N A A K L A P G N 2. Ito ay isang uri ng programa na nagnanais magbigay ng impormasyon.
AMBATAPIL 3. Ito ay isang uri ng programa na magbabahagi at tumatalakay sa mga
kasalukuyang pangyayari.
NOYAL 4. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ginawa ang programa.
SAKAP 5. Ito ang madalas talakayin sa programa.
ONOT 6. Ito ay ibinabagay sa tema at layon; maaaring seryoso o pangsalitaan.

B. Panuto: Iuri ang mga programa sa kahong pagpipilian kung programang panlibang o
pambalita/pangkaalaman.

PROGRAMANG PANLIBANG PROGRAMANG


PAMBALITA/PANGKAALAMAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

24 Oras Inday Will Always Love You Ang Probinsyano Salamat Dok!
Eat Bulaga SOCO Gandang Gabi Vice The Voice

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang komentaryong panradyo sa ibaba at isulat ang paksa, tono at layon nito.

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng XYXY, narito ang inyong pinagkakatiwalaang


mamamahayag na sina Noel Magtibay at Jacky Gracia at ito ang Kaisa Mo.
Noel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Jacky:Magandang umaga ,partner!
Noel: Partner, talaga naming mainit na isyu ngayon ang pagbabakuna ng Covid vaccine.
Jacky: Oo nga, partner. Nagdadalawang –isip ang gating mga kababayan kung magpapaturok ba o
hindi. Ayon kay Sec Duque, may mga side effects daw ito gaya ng pagkakaroon ng lagnat,
pagkakaroon ng rashes sa balat at pag naging grabe daw ang side effect ay nakahanda
naman ang mga hospital.
Noel: Naku, partner. Nakatatakot naman iyang pahayag na ‘yan ni Sec Duque. Talagang
magdadalawang-isip nga ang ating mga kababayan niyan kung magpapaturok ba o hindi ng
covid vaccine.
Jacky: Oo nga partner , pero , bakuna ang nakikitang solusyon ng WHO upang makaahon tayo sa
pandemyang ito. Kaya, sa akin lang, partner , ha, dahil naniniwala ako sa pagbabakuna ay
dapat huwag magmadali sa pagbabakuna. Pag-aralan muna at obserbahan ang epekto nito
sa mga nauna nang mga bansa na nagpaturok ng covid vaccine. Kung makabubuti talaga,
di, sino ba ang aayaw sa buti?
Noel: Sang-ayon ako diyan , partner! May kasabihan nga na, ang lumakad nang matulin, kung
matinik ay malalim.
Jacky:Korek ka diyan, partner!
1. Paksa: ______________________________________
2. Tono: _______________________________________
3. Layon: ______________________________________

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
Kahulugan ng Dokumentaryo
Ang dokumentaryo ay kalipunan ng mga dokumento na maaaring maging daan upang maipakita
ang mga katibayan at ebidensiya tungkol sa isang paksa.
Maaari ding sabihin na ang isang dokumentaryo ay kalipunan ng mga literatura na makatutulong
upang lubos na maunawaan ang isang paksa.
Ayon naman sa diksyunaryo ng Cambridge, ang dokumentaryo ay pelikula, telebisyon o programang
panradyo na nagbibigay ng katotohanan at impormasyon tungkol sa isang paksa.

Ang Dokumentaryo sa Larangan ng Telebisyon


Ang telebisyon ay isang anyo ng midya na gamitin ng mga tao. Maraming mga programang
pantelebisyon ang kinahihiligan ng mga Pilipino. Ilan sa mga gustong panoorin ng masa ay ang mga
telenobela/ teleserye, mga programang may kinalaman sa pagluluto, mga game shows at mga reality
shows. Hindi lamang dapat manood ang mga Pilipino, kailangan din nilang malaman ang katotohanan at
impormasyon na makukuha mula sa mga nasabing programang pantelebisyon. Kailangang maging mulat
ang mga tagapanood sa impormasyon at katotohanang maibibigay ng isang programang pantelebisyon
kung kaya kailangang makapagsulat ang isang mag-aaral ng dokumentaryo tungkol sa isang programang
pantelebisyon. Ito ang magsisilbing daan upang maunawaan at mapahalagahan ng iba ang ganda at halaga
ng isang programang pantelebisyon.

Pamamaraan ng Pagsulat ng Dokumentaryong Pantelebisyon


Sa nakalipas na taon, ang pagsulat ng dokumentaryo ay naging palasak sa loob at labas ng bansa. Naging
daan ang dokumentaryong pantelebisyon upang makapagsulat ang mga tao sa pamamagitan ng digital
technology tulad ng blog at social media. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan ng kasanayan sa
pagsulat nito.

GAWAIN 3
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
_____ 1. Sa mga programang panlibang, pinakamahalaga ang pagbabahagi ng impormasyon.
_____ 2. Ang mga balita ay ipinapahayag sa seryosong tono.
_____ 3. Ang paksang tinatalakay sa mga programang pambalita ay kathang isip lamang.
_____ 4. Ang mga genre ng programang panlibang ay nakatatakot, nakatutuwa, nakaiinis at nakakikilig.
_____ 5. Ang tono ay makikita sa paraan ng pagsasalita; sa pormal at di-pormal.
_____ 6. Upang maipakita ang kaugnayang dahilan at bunga, maaaring gamitin ang mga salitang kung at
kapag.
_____ 7. Ang ugnayang lohikal ay nagdidikit ng dalawang magkahiwalay na ideya o konsepto.
_____ 8. Ang salitang dahil ay ginagamit upang magpakita ng dahilan at bunga.
_____ 9. Ang dokyumentaryong pantelebisyon ay basta na lang kinukuhanan ng video at hindi na isinusulat.
_____ 10. Ang mga dokyumentaryong pantelebisyon ay karaniwang tumatalakay ng mahahalagang paksa.

PAGSULAT NG ISANG SURING-PELIKULA

Nakapanood ka na ba ng mga pelikula? Ano ang pinakanagustuhan mong pelikula na napanood?


Ang pelikula, na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging
pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakitang mga gumagalaw na larawan ang litratong pelikula sa
kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula.
Ang pelikula ay isang anyo ng sining. Ito ay tanyag na libangan at negosyo. Nililikha ito sa
pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartong-biswal
na nagtatangkang makita ang reyalidad at katotohanan ng buhay.
Isang halimbawa ng pelikula ay ang Hello, Love, Goodbye. Ipinakikita nito ang pagmamahal sa
pamilya. Gayondin ang katotohanang hindi lahat ng mga bagay na naisin ay naibibigay dahil may mga
pagkakataong kailangang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa pamilya.

Basahin sa ibaba ang suring-pelikula ng pelikulang Hello, Love, Goodbye o panoorin sa youtube
ang trailer sa link na “https://youtube/s7UyA4w6a7A.

Hello, Love, Goodbye


Sinuri ni Juverina A. Ligutan
Kapag dumating ka sa oras, na kailangan mong pumili sa pagitan ng pagmamahal o pag-ibig at sa pamilya
. Alin dito ang iyong pipiliin?
Tauhan
Ang mga tauhan ay may kaniya-kaniyang galing sa pagpaparamdam ng emosyon sa bawat eksena na
lalong nagpalutang sa papel na kanilang ginampanan. Si Joy (Kathryn Bernardo) ay isang OFW sa Hong
Kong na nagsusumikap upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa Pilipinas. Si Ethan
(Alden Richards) isang babaero, walang seryosong relasyon ay nagtatrabaho bilang isang bar tender sa
niraraketang bar ni Joy sa gabi habang naghihintay ng kaniyang citizenship.
Paksa/Tema
Sa pelikulang ito’y ipinakita ang reyalistikong mga sitwasyon sa buhay ng mga OFW, paglalahad ng mga
hindi kanais-nais na bunga na paglayo sa pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa. Katulad ni Joy
na siyang inaasahan na makakapagbigay ng mga pangangailangan ng kaniyang pamilya sa Pilipinas ay
kinailangan niyang pagsabay-sabayin ang pagiging kasambahay, pag-aalaga ng bata at matanda,
pagbebenta ng online products, at pagiging isang waitress sa isang bar. Idagdag pa ang kagustuhan niyang
makapunta sa Canada. Hanggang magtagpo ang kanilang landas.
Layon
May kaniya-kaniyang sitwasyong pinagdadaanan ang bawat isa. Kailangan lang maging positibo at maingat
sa lahat ng hakbang upang sa gagawing desisyon ay hindi magkamali. Ipinapakita din ng pelikulang ito na
kapag mahal ka ng isang tao hahayaan ka muna niyang tuparin ang pangarap mo, dahil kapag nagmamahal
ka, kailangan ay marunong kang magsakripisyo.
Gamit ng Salita
Ilan sa mga salitang ginamit sa pelikulang ito ay ang pambansang salita dahil sa pagiging romantiko nito.
Punong-puno ng hugot at iba’t ibang klaseng emosyon na may masasagi at masasaging bahagi ng iyong
puso na talaga namang matatangay ka ng mga linya.

GAWAIN 4
Panuto: 1-4 Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang
letra ng tamang sagot.
1. Ang trailer ________ upcoming KathDen film na “Hello, Love, Goodbye” ay mukhang nakuha na nito
ang puso ng madla.
A. nang B. ng C. lang D. sa
2. Nagpunta ng Sapporo, Japan _______ Lea at Tonyo.
A. kina B. sina C. nina D. sino
3. "Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo _____ ako... And I'm so stupid to make the biggest mistake of
falling in love with my best friend." ~ Bujoy (Jolina Magdangal) to Ned (Marvin Agustin).
A. ba B. na C. lang D. rin
4. Pelikula kilala _______ bilang sine at pinilakang tabing.
A. daw B. raw C. din D. rin
5-10 Ihayag ang sariling pananaw tungkol sa ilang mga sikat na iconic movie lines na tumatak sa mga
manonood. Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na
papel.
5. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” – Claudine
Baretto, Milan (2004). Sa suring – pelikula ito ay tungkol sa ________.
A. paglimot B. pagpapaalam C. pagmamahal D. pagsuko
6. Sa buhay ano ang mas higit na dapat sundin, piliin sa mga linya ng pelikula sa ibaba ang pinakaangkop
na diyalogo para sa pahayag na ito.
A. “There was never on us. There will never on us.”-Sarah Geronimo, Maybe this time (2014)
B. “Matalino akong tao e, Pero parang sayo, ewan ko, natatanga ako.” Kathryn Bernardo, The How’s
of Us (2019)
C. “Wala naman magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga diba?” – Jennylyn Mercado,
English Only Please (2014)
D. “Ethan, mahal kita pero sa ngayon mas mahal ko ang sarili ko. Sana mapatawad mo ako.”
Kathryn Bernardo, Hello Love, Goodbye (2019)

7. “Hindi naman talaga tayo napapagod masaktan eh, dahil sa totoo lang, hindi rin naman tayo
napapagod na magmahal.” – Angel Locsin, Unofficially Yours (2012). Alin sa mga sumusunod ang may
kaugnayan sa pahayag na binanggit?
A. Huwag mawalan ng pag-asa.
B. Maging matiyaga at matiisin.
C. Magmahal hanggang sa wakas.
D. Kapag umiibig huwag magsawang maghintay at ipaglaban.
8. "Wala naman magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga diba?” – Jennylyn Mercado, English
Only Please (2014). Nilalayon ng pelikulang ipabatid sa manonood ang ________.
A. pagmamahal ng sobra
B. paulit-ulit na nasaktan
C. magmahal ng walang kapalit
D. magpatawad at magsimulang muli
9. “I was willing to wait, kaya lang napagod ako, napagod ang puso ko na maghintay, magtanong,
magalit.”- Piolo Pascual, Starting Over Again, 2014, ano ang mahihinuha sa pahayag?
A. Mahirap maghintay.
B. Nakapapagod magmahal.
C. Ang pagmamahal ay may limitasyon.
D. Nakasasawang maghanap ng sagot sa mga tanong.
10. “Siguro, kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin, dahil may darating pang ibang mas magmamahal
sa ‘tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paaasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” –
John Lloyd Cruz, One More Chance (2007). Ano ang nais ipabatid ng pahayag na ito?
A. magbigay ng inspirasyon sa iba
B. maging matibay sa lahat ng pagsubok
C. huwag susuko sa anomang hamon ng buhay
D. lahat ng bagay na nangyayari ng may kadahilanan
11-13. Suriin kung anong sangkap ng nilalaman ng pelikulang nabasa/napanood maiaangkop ang mga
sumusunod na pahayag:
11. Panganay na anak. Isang ama na nahihirapang matustusan ang pangangailangan ng sariling pamilya.
A. layon B. tema o paksa C. tauhan D. gamit ng salita
12. Ayon sa pelikula, nagkasakit ang kanilang ama at may taning na ang buhay kaya’t silang
magkakapatid ay nagkaroon ng pag-uusap/kasunduan na magkita-kita tuwing Linggo upang mapasaya
ang kanilang ama.
A. layon B. tema o paksa C. tauhan D. gamit ng salita
13. Mahalin ang magulang habang siya’y malakas pa. Bilang magkakapatid, magmahalan at
magmalasakitan dahil ito’y isang kasiyahan ng sinomang magulang.
A. layon B. tema o paksa C. tauhan D. gamit ng salita
14. Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa isang pelikula upang mas ______.
A. lumutang ang damdamin ng may akda
B. lalong makasabay ang mga tagapanood
C. mabigyang-kahalagahan ang diyalogo ng mga nagsiganap
D. lalong maunawaan ng mga tagapanood ang nais iparating nito
15. Ginagamit ang mga salita sa mundo ng pelikula upang higit na mabigyang-kahulugan ang mga
pahayag depende kung ano ang ______.
A. pelikulang paggagamitan C. pahayag na nais ipabatid
B. totoong pahayag ng pelikula D. salitang mauunawaan ng manonood

GAWAIN 5 PAGSULAT NG SURING PELIKA (PERFORMANCE TASK)


Panuto: Pumili ng alinman sa mga pelikulang iyong napanood. Ilahad ang iyong sariling bayas o pagkiling
tungkol dito, bigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit at suriin ito ayon sa paksa, layon, at mga tauhan.
Gayahin ang pormat sa ibaba at sagutin ito Sa isang coupon bond.

I. Pamagat
II. Buod ng Pelikula
III. Mga Tauhan
IV. Direksiyon/Direktor
V. Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan

Inihanda nina: Sinuri ni:

APPLE ANN S. OCSILLOS, LPT CRISTOBAL P. CRISTOBAL, PhD


Punong-Guro IV
IVY GRACE REPALDA, LPT
Guro I

Iniwasto ni:
MARIETTA V. ARGAO
Ulong-Guro III

You might also like