Modyul Sa Filipino 8 - LIWANAG

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 54

BULACAN STATE UNIVERSITY

Lungsod ng Malolos, Bulacan

Kontemporaryong
Panitikan Tungo sa
Kultura at
Panitikang Popular

Likha ni: Larah D. Liwanag


1 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan
BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

PAUNANG SALITA

Ang paghahanda ng mga aralin ay isang malaking tulong sa mga guro


at mag-aaral na nagnanais na mapahalagahan ang iba’t ibang kulturang
popular.

Ang Modyul sa Filipino 8 (Ikatlong Markahan) ay isang isinaayos sa


maingat na kaparaanan nang sa gayon ay makaagapay ito sa
pagpapanibagong bihis ng pag-aaral ng panitikan at gramatika/retorika. Ang
modyul na ito ay naaayon sa K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016.
Layunin ng modyul na ito na nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)
Ang mga araling nakapaloob ang magiging saklaw ng mga magiging
pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito. Ang bawat aralin ay nakatuon sa
iba’t ibang aspekto ng kulturang popular (kontemporaryong babasahin,
broadcast media, at dokumentaryong pampelikula). Bawat paksang
nabanggit ay may kaakibat na aralin sa wika na makatutulong sa lalong
pagsusuri at pag-unawa sa mga ito.

- Bb. L

2 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito


Mga Aralin sa Yunit

Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

a. Panitikan: Popular na Babasahin


Pahayagan (Tabloid)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli

b. Wika: A. Antas ng Wika


Pormal
Di-pormal
Popular (Balbal)
B. Wastong Gamit
Gitling

Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng


Kulturang Pilipino

a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo


b. Wika: Konsepto ng Pananaw
a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan

a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza


b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

3 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

Mga Aralin

 Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


- Pahayagan (Tabloid)
- Magasin
- Komiks
 Antas ng Wika

Sa patuloy na paglakad ng panahon, maraming pagbabago ang


maaari nating kaharapin, ngunit hindi naman maikakaila na marami ring
kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa kasalukuyang henerasyon, iba’t ibang makabagong teknolohiya ang
nagsilipana at nagpabago sa takbo ng mundo. Kapansin-pansin na dahil sa
mga teknolohiyang ito ay nababago ang pamamaraan ng ating pamumuhay
at pag-aaral. Katulad ng telebisyon, kompyuter, cellphone, at iba pa, hindi na
talaga napag-iiwanan ang mga kabataan sa paglakip ng mga
napapanahong balita at impormasyon. Ang pagsabay sa paggamit ng
makabagong teknolohiya ay nagbibigay-daan para sa isang interaktibong
pag-aaral, kaysa sa tradisyonal na pamamaraan kung saan ang mga guro ay
nalilimitahan lamang sa isang partikular na estratehiya. Paano nga ba naiiba
ang tradisyonal na uri ng panitikan sa panitikan sa kasalukuyan? Bakit
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na panitikang Pilipino tungo
sa panitikan sa kasalukuyan?

Simulan na ang pagkilala sa ilang anyo ng kontemporaryong panitikan!

4 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Aralin 3.1 Ang Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at


Panitikang Popular
A. Panitikan: Popular na Babasahin: Komiks, Pahayagan
(Tabloid), Magasin, at Kontemporaryong Dagli
B. Wika: Antas ng Wika
Kakayahan (Domain):
Pag-unawa sa Napakinggan (PN), Pag-unawa sa Binasa (PB), Paglinang ng Talasalitaan (PT),
Panonood (PD), Pagsasalita (PS), Pagsulat (PU), Wika at Gramatika (WG)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

Pokus na Tanong:
1. Bakit kinawiwilihang basahin ng mga kabataan ang mga popular na babasahin?
2. Paano nakatutulong ang antas ng wika sa mabisang pagpapahayag?

Mahalagang Pag-unawa:
Malapit sa karanasan dahil kinapapanabikan ng kabataan, sapagkat sumasalamin sa
kasalukuyang pangyayari ang nilalaman ng mga popular na babasahin, kung kaya’t
makatutulong ito upang magkaroon sila ng sariling pagtataya sa lipunang kanilang
ginagalawan.

Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto:


Makabansa- Pagbibigay-halaga sa mga popular na babasahin sa Pilipinas. Pagtangkilik sa
sariling atin. Nakalahad dito ang mayaman nating kultura.

Kasanayang Pampagkatuto:
Mga Tunguhin:
 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia
 Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu
 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang tinatalakay sa
napanood na programang pantelebisyon o video clip
 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
balita, komentaryo, at iba pa
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
 Naihahambing ang ang iba’t ibang anyo ng panitikan batay sa:
- paksa - pananaw - paraan ng pagkakasulat
- layon - pagbuo ng salita - pagbuo ng talata
- tono - pagbuo ng pangungusap

5 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

I. ALAMIN
 Nasusuri ang kaibahan ng tradisyunal na panitikan sa panitikang popular
sa pamamagitan ng mga halimbawa nito

A. Panimulang Pagtataya

Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag sa ibaba. May mga linya ring
nagsasaad ng halimbawa sa mga tinutukoy na kontemporaryong panitikan.
Pagkatapos, hanapin sa kahon ang mga salitang tinutukoy nito.

1 – Pinipilahan ng mga
a b t k c e g h s i manonood, sa pinilakang
tabing ito’y itinatampok!
w e a o t y u i q n
“Ang pera natin hindi basta-
a s b m s d f g h t basta nauubos, pero ang
pasensya ko, konting-konti na
p e l i k u l a m e
lang! –Angelica Panganiban
z x o k c o y d a r
c v i s b n m l k n 2 – Kahong puno ng
makukulay na larawan at
j k d h g f d s a e usapan ng mga tauhan, tunay
y u i k g a f n u t na kinagigiliwan ng kabataan!
“Ding ang bato! DARNA!
c m a g a s i n p a
3 – Kuwadradong
t e l e b i s y o n
elektronikong kagamitan,
tampok ay iba’t ibang
palabas na kinaaaliwan! - Saan aabot ang 20 pesos mo? –Corneto komersyal

4 – Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag- FB, Twitter, o
magsaliksik pa.

5 – Musika’t balita ay mapakikinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan,


may FM at AM pa!
-Isang malaking check ng pink na ballpen! – Nicole Hyala

6 – Maliit na diyaryong inilalako sa daan; balita, tsismis, at iba pa ang laman

7 – Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong
tumatalakay sa iba’t ibang paksa.

6 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Pagganyak
 Naihahambing ang iba’t ibang anyo ng panitikan batay sa:
- paksa - pananaw - paraan ng pagkakasulat
- layon - pagbuo ng salita - pagbuo ng talata
- tono - pagbuo ng pangungusap

1. Ano nga ba ang katangian ng panitikang popular at tradisyunal na


panitikan? Pagsama-samahin ang panitikang popular gayundin ang tradisyunal
na panitikan. Isulat mo ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng
panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang
paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum na
ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan.

Tradisyunal na Panitikan

Panitikang Popular

Balagtasan Magasin Radyo


Sanaysay Dula Telebisyon
Tabloid Komiks Maikling Kwento
Pelikula Sarswela Internet

Suriin batay sa… Tradisyunal na Panitikan Panitikang Popular

Paksang tinatalakay

Wikang ginagamit

Paraan sa paghahatid

7 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

2. Sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng kulturang


popular. Sa katunayan, ang kulturang popular ang isa sa mga pangunahing
paraan kung bakit ang pag-aaral ay naging madali, mabilis, at mabisa. Kung
kaya naman napakaraming mag-aaral ang nahuhumaling sa kulturang popular
para sa kanilang pag-aaral.

Para sa iyo, iranggo ang kapakinabangan at kung gaano kapopular ang


mga sumusunod, 1 para sa pinakamataas at 4 para sa pinakamababa:

Pahayagan (Tabloid/Broadsheet)

Komiks

Magasin

Mga Aklat

Sa aking hinuha…
Ang pagkakaiba ng tradisyunal na panitikan at ang panitikang popular ay
________________________________________________________________________

Ang pagbabago ng panitikang popular ay dahil sa


________________________________________________________________________

Nalaman ko na ngayon na kailangan kong magbasa ng mga panitikang


popular dahil
________________________________________________________________________

Dagdag kaalaman…
Mayroong iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at
iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng
kabataan sa kasalukuyan. Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin,
internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa
kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.

8 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

II. PAUNLARIN

 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng


panitikang popular

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng


modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya, marahil
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na
ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasin
ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng
panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at
kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.
Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng
mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas
sa higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa
nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print
media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.

A. Pagbasa ng Lunsaran

Babasahin 1 Ang Tabloid ay isang anyo ng


kontemporaryong panitikan na nasa
anyong print media. Ito ay mas abot
Tabloid kaya ng masa kaysa sa broadsheet na
doble ang presyo. Ang mga balita o
impormasyon sa tabloid ay
naipalalabas na sa mga telebisyon o
napakinggan na sa mga radio, ngunit ito ay kinagigiliwan at tinatangkilik pa rin
ng mga tao.

9 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Iba’t iba ang nilalaman ng tabloid na siyang nagiging pang-akit sa mga


tao. Mayroon itong mga balita, tsismis, isports, literature, o di kaya ay mga
palaisipan, gaya ng Sudoku, Crossword Puzzle, at iba pa.

Sinasabi na ang tabloid ay mainam na pampalipas oras ng mga tao.


Kaya ito ay matuturing na dyaryong pangmasa, sapagkat ito ay nakalathala sa
wikang Tagalog sa halip na Ingles.

Patok na patok sa masa ang tabloid, dahil binibigyang-diin nito ang mga
kwento, artikulo, kolum, o tungkol sa mga tinaguriang sensational journalism.

Sa kasalukuyan, mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang


naman sa weekly tabloid na kasalukuyang umiikot sa buong bansa.

B. Pagpapaunlad ng Kaisipan

 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos tungkol sa


napag-aralan

Upang pagyamanin ang kaalaman sa tabloid, gawin ang sumusunod:

1. Sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid
kaysa broadsheet?

10 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na


internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga
pahayagan?

2. Magdala ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga bahagi
o pahina nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay o batayan ang
nilalaman nito kung bakit inilagay ang bahaging iyon at kung ano ang
inaasahan ng mambabasa tungkol sa nilalaman nito.
Pangalan ng Tabloid:
 Petsa ng Pagkakalathala:

A. Pagbasa ng Lunsaran

Babasahin 2 Ang komiks ay isang grapikong midyum na


ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o
komiks kuwento. Maaaring maglaman ang komiks
ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o
higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagama’t
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

11 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

12 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Narito ang isang halimbawa ng komiks at mga bahagi nito:

Pamagat ng kwento.

Kahon ng salaysay-
Pinagsusulatan ng
maikling salaysay.
Larawang guhit ng
mga tauhan sa
kwento.

Kuwadro-
naglalaman ng isang
tagpo sa kwento
(frame).

!!! Lobo ng usapan.


!!!
!!!

13 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Pagpapaunlad ng Kaisipan

 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang


tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip

Upang pagyamanin ang kaalaman sa komiks, bumuo ng comic strip,


lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng
comic strip upang makabuo ng isang kuwento.

GAWAIN: Mula sa napanuod na programang pantelebisyon, bumuo ng isang


comic strip na nagpapakita ng temang tinatalakay sa napanuod at sa temang
tinalakay sa panitikang popular na komiks.

HalimbawaNG Comic Strip:

MGA GABAY NA TANONG:

1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?


2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon
at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?

14 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

A. Pagbasa ng Lunsaran

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang


magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at
sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito upang
mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan Babasahin 3
ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang
Digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga
namang inaabangan ng mga miyembro ng magasin
pamilya at nagiging dahilan din ng kanilang
pagtitipon upang mabasa lamang lalo na
ang mga nobela.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina


ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
Iba’t ibang halimbawa ng magasin.

15 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

16 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Pagpapaunlad ng Kaisipan:

 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik

Ang BET ni Ma’am at Sir!

Magsagawa ng isang sarbey sa mga guro sa paaralan sa kung anong


popular na magasin ang binabasa nila. Gamiting gabay sa sarbey ang
kasunod na balangkas na nasa ibaba.

1. Pamagat ng sarbey.

2. Talaan ng bilang sa mga magasin na lumabas sa sarbey.

3. Kongklusyon bilang tagapanayam mula sa bilang at mga uri ng


magasin na lumabas ayon sa ginawang sarbey.

MGA GABAY NA TANONG:


1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa’t
isa?

Tabloid

Magasin Komiks

17 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

2. Sa iyong tingin, Paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad


ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?

A. Pagbasa ng Lunsaran

Ang “Dagli” ay isang uri o paraan ng


Babasahin 4
pagsusulat ng isang akda na mas maikli sa
isang maikling kuwento. Kaya naman ito ay
kilala rin sa tawag na “maikling maikling

dagli kuwento”. Matagal nang nakikita at


nababasa ang ganitong anyo sa ating lokal
na panitikan, at sa kasalukuyan, ilan lamang
sa mga kilalang kuwentista ng ating
panahon sina Eros Atalia (Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli).

Kadalasan, ang isang Dagli ay binubuo lamang ng isandaan hanggang


tatlongdaang salita. Upang maging epektibo ang isang Dagli, ito ay ilan
lamang sa mga kinakailangang isaalang-alang:

1.) Mensahe – maaari kang magparating ng isang mensahe sa pamamagitan


ng pagsulat ng isang Dagli. Kahit na kathang-isip lang ang isang Dagli ay
maaari mo itong gamitin bilang salamin ng reyalismo.

2.) Tagpo at Diyalogo – importante ang pagbuo ng isang makabuluhang tagpo


sa umpisa ng iyong Dagli, upang maiksi man ang iyong akda ay mayroon pa
ring mabuong imahen ang mambabasa.

3.) Damdamin – lahat ng uri ng pagsusulat, awit, kuwento, nobela o tula ay


nangangailangan ng damdamin. Kaya naman kinakailangang epektibo ang
“pagtatahi” ng mga salita sa pagbubuo ng isang Dagli. Nang sa gayo’y
sumibat pa rin sa damdamin ng ating mga mambabasa ang bawat Dagli na
iyong isusulat sa hinaharap.

18 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Halimbawa:

Walang Hugutan

ni Juan Bautista

Isang gabi, naglalakad ako sa isang napakadilim na eskinita. Sisipul-sipol


pa ko habang bitbit ang pancit na pasalubong para sa mag-iina ko, nang bigla
na lang akong undayan ng saksak ni Berto. Kilalang adik at tulak sa lugar
namin. Tangka na niyang huhugutin ang ‘ice pick’ mula sa pagkakabaon nito
sa bandang ilalim ng aking tiyan nang hablutin ko ang kanyang kamay.

– Pare, parang awa mo na huwag mong huhugutin. Sabi ko.


– At bakit hindi?
– Kapag hinugot mo ‘tong ice pick, maiuuwi ko pa itong pancit sa bahay, pero
hindi na ‘ko aabot ng ospital.
– At kapag hindi ko hinugot?
– Aabot pa ko sa ospital. At ‘pag dinalaw ako ng mag-iina ko, may
pagsasaluhan pa silang pancit.
– Sinasabi mo ba sakin na kapag namatay ka hindi na makakakain ng pancit
kahit kailan ang pamilya mo?
– Oo pare.
Agad akong itinakbo ni Berto sa ospital. At magmula nuon hanggang ngayon,
magkaibigan pa rin kami.

HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFLAKES


ni Abdon Balde Jr. ni Eros Atalia

"Kung kaya mong magbreakdance Alas dose na. Nagsilabasan na ang


sa JS", sabi ni Cherry. May halong biro. mga kasamahan niya sa opisina.
Para na rin niyang sinabing, "Pagputi Lunch break. Niyaya siya ng mga ito
ng uwak." Ngunit hindi ganoon ang na mananghalian. "Sunod na ako,
dating kay Dindo. Sinuway ni Dindo tapusin ko lang itong pinipagawa ni Sir,
ang bilin ng magulang. Inilihim niya sa kailangan daw ng 2 pm, e.", wika niya.
mga kaibigan ang balak. Nagpalakas Naiwan siya sa opisina. Pinaspasan
siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si niya ang trabaho. Unti-unti nang
Dindo. Hindi alintana ang sakit at umiinit. Hinubad niya ang blazer.

19 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

hirap. "Puwede ka na," sabi ni Sam Pinapatay kasi ang aircon sa opisina
pagkaraan ng isang buwan. Isang nila kapag lunch break. 12:40 tapos na
linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni ang trabaho. Tinext siya ng kanyang
Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa mga kaopisina kung nasaan na siya.
canteen. "Para sa'yo, handa na ako", Nag-reply siya" D p tpos. Nxt time n lng.
sabi ni Dindo. "Oh, shocks!" sagot ni Nwy, I'll just eat my baon
Cherry, nakangisi, "Serious ka? Kami na here."Kinakailangang niyang ma-
ni Joko, no!" Malungkot na tumalilis si promote. Kailangan niya lang siguro
Dindo, iika-ika, hila ang paa na may ng magandang break. Sa
polio. Malupit ang pag-ibig. pinapatrabaho ng kaniyang boss,
baka ito nga ang kaniyang
break.Mula sa kaniyang kinauupuan,
kitang-kita niya ang nagdidilim na
langit. Dinukot ang pitaka. Binuksan.
Tinitigan ang larawan ng mga anak.
Binilang ang barya sa pitaka. Muli
tiningnan ang langit. "Wag kang uulan.
Wag." Kumakalam na ang kaniyang
tiyan. Binuksan niya ang drawer. May
isa pang pakete ng biskwit. Binuksan
niya ito. Kumain. Tumungo sa water
dispenser. Kumuha ng disposable cup.
Uminom ng tatlong basong malamig
na tubig. Napadighay siya. Bumalik sa
pwesto. Muling tumingin sa langit. Hindi
niya tiyak kung makulimlim o
maaraw.Napailing siya." Makisama ka
naman. Wag kang umulan. Wag."
Muling binilang ang barya sa pitaka.

20 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Pagpapaunlad ng Kaisipan:

 Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa


isang paksa

Sa tulong ng T-Chart, makipagpalitan ng ideya at opinyon mula sa ibang tao


upang mailahad ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay
sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig.

HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFAKES


Abdon M. Balde Jr. Eros Atalia

Kaisipan Kaisipan

1. sarili: 1. sarili:
2. pamilya: 2. pamilya:
3. pamayanan: 3. pamayanan:
4. lipunan: 4. lipunan:
5. daigdig: 5. daigdig:

III. UNAWAIN AT PAGNILAYAN

A. Kasanayang Panggramatika

Ang mga nabanggit na anyo ng


kontemporaryong panitikan ay
gumagamit ng iba’t ibang antas ng wika.
Nahahati ang antas ng wika sa dalawa:
Antas ng Wika Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat
isa ay may iba pang antas. Sa Pormal,
nariyan ang pambansa, pampanitikan, at
teknikal samantala, ang mga Di-pormal
naman ay lalawiganin, kolokyal, at balbal.

21 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang
balbal.

1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga


aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng
bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
panuntunang gramatikal.

2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang


ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang.
Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga
panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin,
daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na
parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng
mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga
kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o
pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito
upang maiakma sa paggamit.

B. Pagsubok sa Kasanayang Panggramatika

 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa


impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga antas ng wika, gawin ang


sumusunod:

1. Sumuri ng tig-iisang tabloid, magasin, at komiks. Tingnan ang antas ng wikang


ginagamit ng mga ito at kung bakit ganoon ang mga ginagamit nilang antas
ng wika.

22 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Bakit ganito ang Antas


Antas ng Wika
ng Wika?
Magasin
Tabloid
Komiks

C. Pagnilayan:
 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa

1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa iba’t ibang panitikang


popular? Patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi
mula sa halimbawa.

2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag


niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.

3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.

IV. ILIPAT
Sa pamamagitan ng mga mag-aaral sa klase, bumuo ng sang literary
folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay.

Pahayagan Komiks Magasin Lipunan


(Tabloid)

Ano ang Literary Folio?


 Ito ay kalipunan ng iba’t ibang akdang pampanitikan
 Ito ay maaaring sariling gawa o sinipi mula sa mga tula, maikling kwento,
dula, pabula, at iba pa.

23 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Mga dapat isaalang-alang sa Paggawa ng Literary Folio


1. Makiisa ang klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary
folio. Kasama na rin ang pagbuo ng logo, konsepto ng pabalat, at
kinakailangang larawan.
2. Kinakailangan ng Talaan ng Nilalaman Sikaping mauri ang bawat isang
nakalap na akdang pampanitikan upang madaling makita ng mga
mambabasa ang tula, maikling kwento, dula, at iba pa.
3. Pinakatampok sa literary folio ang koleksyon ng iba’t ibang akdang
pampanitikan na orihinal o sinipi na sinulat ng bawat isa sa klase na
dumaan sa proseso ng pag-eedit.
Mga Bahagi ng Literary Folio
a) Panimula
b) Pasasalamat
c) Paghahandog sa unang bahagi ng literary folio
d) Talaan ng Nilalaman
e) Koleksyon ng mga Akdang Pampanitikan
4. Lagyan din ito ng pabalat o cover at may kasamang logo na
pinagkasunduan ng klase.
Mga Pamantayan

5 4 3 2 1
A. Malikhain
B. Kaisahan (Pagkakaugnay-ugnay
ng pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasailalim sa
lipunang kinagagalawan)
d. Pormal at responsible gamit ng
wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng
mga salita at bantas)

LEYENDA:
20-25 Napakahusay
15-20 Mahusay
10-15 Katamtamang Husay
5-10 Nangangailangan ng rebisyon

24 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

PANGWAKAS NA PAGTATAYA:

Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

___________1. Isang grapikong midyum na ng mga salita at larawan ay


ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang
2,000 libong salita.
___________3. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-
araw na usapan.
___________4. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang
wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.

SINTESIS

Ang natutuhan ko sa araling ito ay___________________________________________.


Nabago ang aking pananaw sa ____________________________________________.
Dahil dito, sisikapin kong ____________________________________________________.

Sa susunod na aralin, bibigyan ng pansin ang mundo ng broadcast


media. Aalamin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon
sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong na ang napakikinggan
at napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa kamalayan sa
mahahalagang kaganapan sa ating lipunan.

25 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito

Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad


ng Kulturang Pilipino

Telebisyon
Radyo

Panitikan: Panitikan:
Komentaryong Dokumentaryong
Panradyo Pantelebisyon
Wika: Wika:
Mga Ekspresyong Mga Ekspresyong
Nagpapakilala ng Nagpapakilala ng
Konsepto ng Kaugnayang
Pananaw Lohikal

Dokumentaryong Panradyo

Dokumentaryong Pantelebisyon

26 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng


Kulturang Pilipino
RADYO
a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo
b. Wika: Konsepto ng Pananaw
Kakayahan (Domain):
Pag-unawa sa Napakinggan (PN), Pag-unawa sa Binasa (PB), Paglinang ng Talasalitaan (PT),
Panonood (PD), Pagsasalita (PS), Pagsulat (PU), Wika at Gramatika (WG)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

Pokus na Tanong:
1. Paano nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular at
kamalayang panlipunan?
2. Paano nakatutulong ang mga ekspresyong nagpapakilala sa konsepto ng pananaw at
kaugnayang lohikal sa mabisang pagpapahayag?

Mahalagang Pag-unawa:
Ang broadcast media ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaigting ng
kamalayang panlipunan at pagpapalaganap ng kulturang popular ng mga mamamayan ng
isang bansa.

Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


Makatao- Nalalaman natin ang mga isyung panlipunan na kinahaharap ng bansa. Natututo
tayong maglahad ng mga solusyon na makatutulong sa kanila.
Maka-Diyos- Napagtatanto ng isang mag-aaral ang kahalagahan ng pananalig sa lahat ng
pagkakataon. Ang palagiang paghingi ng gabay upang maging matuwid ang landas na
tatahakin.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na
interpretasyon ng kausap
 Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling
opinyon tungkol sa mga ito
 Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling papanaw, opinyon at saloobin
 Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)

27 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

I. ALAMIN:

A. Panimulang Pagtataya
 Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling papanaw, opinyon at
saloobin

Ang Paborito Kong Istasyon at Programa!

Isulat sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas,


at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang
programa. Ipaliwanag mo rin ang mga kadahilanan, kung bakit mo
pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.

Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain ang mga komentaryong


panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa
lipunang iyong ginagalawan, ang “Freedom of Information Bill” bilang pokus ng
isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang
programang panradyo na komentaryo ang lapat.

28 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL


(FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia
at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit
pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng
mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan!
Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat
naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay
ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo
Tañada III, “Pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang
tuluyan na itong maibabasura.”
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia mula sa: http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

29 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Mga Gabay na Tanong:

Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang
mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?

II. PAUNLARIN
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting

Sa bahaging ito, bigyan muna ng pansin ang radyo bilang isa sa mga midyum
ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo
sa mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan ang gampanin
ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

Ang Radyo…

1. Paghahatid ng musika – kadalasang nakikinig tayo lalo na ang mga


kabataan ng musika sa radyo, lalo na nakabatay ito sa tinatawag nating
“mood” kaya nga may iba’t ibang uri ng musika na inyong
pinapakinggan, gaya ng pop, rnb, rock, hip-hop, at mga senti-love songs.
(maaaring maging daan ito upang ang imahinasyon ng mga mag-aaral
ay magsimulang mabuhay at magkaroon kayo ng masayang talakayan).
2. Paghahatid ng balita
3. Pagpapakilala ng mga produkto
4. Pagpapahatid ng mga panawagan
5. Paghahatid ng pulso ng bayan

 Ang radyo ang nagsisilbing orasan ng marami sa ating mga


kababayan lalo na sa mga nayon kaya masasabing ito ay
mahalaga din sa pagbibigay-hudyat.

30 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

A. Pakikinig sa Lunsaran

 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at


personal na

Radyomentaryo at Radyopinyon

Bilang bahagi ng gawain, gamitin ang link upang mapakinggan ang isang
komentaryong panradyo. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.interaksyon.com/article/42031/teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-
afraid-of-foi

Tandaan: Habang nakikinig, sikaping magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa:
1) Pamagat ng paksang tinalakay;
2) Mga batayan ng mga salaysay, at
3) Mga aral na natutuhan

Mga Gabay na Tanong sa Pakikinig:


1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng
mga komentarista?
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

Dagdag Kaalaman…

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO


ANG MGA DAPAT TANDAAN:

 Magsaliksik ng mga impormasyon


 Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit
sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
 Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

31 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

III. ILAPAT

A. Pangkatang Gawain:
 Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo

Radyopormasyon
Ang “Kwentuhang Midya” ay isang uri sulating nagsasaad ng opinyon sa
paraang nakikipag-usap sa mga mambabasa o conversational style (Maaaring
maghanap ng iba pang sipi na may katulad na format na tumatalakay sa mga
isyung higit na napapanahon at may kaugnayan sa mga mag-aaral.)

Bumuo ng limang pangkat, bigyan ng limang minuto bawat grupo upang


makapagpalitan ng kuro-kuro kaugnay sa kanilang binasa. Pumili ng isang
mag-aaral sa bawat pangkat, upang maging tagapagsalita ng bawat grupo.

Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto,


punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin ito sa
papel.

Mga nagpapahayag ng impormasyon

Mga pahayag ng mga personalidad

Sariling pananaw

B. Pagsulat (Dalawahang Gawain)

Radyotik

Halimbawa ay isa kang kilalang komentarista sa radio broadcasting ng


inyong paaralan, mula sa iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain,
alam kong handa ka na.

Bilang manunulat ng Journalism ng inyong paaralan, ikaw ay


inanyayahang maging manunulat ng iskrip ng isang programang panradyo.
Ang programa ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang tulad mo
na maglahad ng kani-kaniyang opinyon kaugnay ng mga napapanahong isyu.

32 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Inaasahang ikaw ay magbabahagi ng opinyon kaugnay ng isa sa mga


sumusunod na isyu:
a. Cyber Bullying
b. Extra-Judicial Killing
c. Kasalukuyang Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa

Inaasahang makagagamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng


pananaw sa paglalahad ng iyong opinyon. Maaari magsaliksik upang
mapalawak ang pagtalakay ng paksang napili.

NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG


PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula


Pamantayan
4 3 2 1

Makabuluhan at
Komprehensibo at Masaklaw, napapanahon ang May makabuluhan at
makabuluhan ang makabuluhan at mga impormasyong napapanahong mga
Masaklaw na
napapanahon mga napapanahon ang inilalahad sa impormasyong inilahad
paglalahad ng
impormasyong mga impormasyong materyal alinsunod sa sa materyal ukol sa
napapanahong
inilalahad sa materyal inilalahad sa paksang itinatampok paksang itinatampok
impormasyon
alinsunod sa paksang materyal alinsunod sa ngunit may mga ngunit limitado ang mga
itinatampok. paksang itinatampok. detalyeng hindi ito.
nailahad

Natatangi ang
Masining at maingat Masining at maingat Masining na ginamit ang
paggamit ng wika
Masining at na nagamit ang wika na nagamit ang wika wika sa karamihan ng
nang higit pa sa
maingat na sa kabuuang sa karamihan ng pahayag sa nabuong
inaasahang
paggamit ng wika pagpapahayag sa pahayag sa materyal ngunit hindi
pamamaraan sa
nabuong materyal. nabuong materyal. maingat ang paggamit.
materyal.

Taglay ang lahat ng


Taglay ang mga
Tipong propesyonal kailangang elemento
susing elemento sa Naipamalas sa materyal
ang pagkakagawa sa sa mabisang pagbuo
mabisang pagbuo ang minimal na antas ng
Mahusay na materyal dahil sa ng materyal.
ng materyal at pagtatagpi-tagpi ng
aspetong teknikal husay ng pagtatagpi- Naipapamalas ang
naipamalas ang elemento at teknikal na
tagpi ng mga kahusayan sa
angkop na teknikal pagganap.
elemento nito. teknikal na
na pagganap.
pagganap.
IV. PAGNILAYAN
Naging madali ba ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito
naimulat ang isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin ito sa papel.

33 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng


Kulturang Pilipino
TELEBISYON
a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
Kakayahan (Domain):
Pag-unawa sa Napakinggan (PN), Pag-unawa sa Binasa (PB), Paglinang ng Talasalitaan (PT),
Panonood (PD), Pagsasalita (PS), Pagsulat (PU), Wika at Gramatika (WG)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

Pokus na Tanong:
1. Paano nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular at
kamalayang panlipunan?
2. Paano nakatutulong ang mga ekspresyong nagpapakilala sa konsepto ng pananaw at
kaugnayang lohikal sa mabisang pagpapahayag?

Mahalagang Pag-unawa:
Ang broadcast media ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaigting ng
kamalayang panlipunan at pagpapalaganap ng kulturang popular ng mga mamamayan ng
isang bansa.

Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


Makatao- Nalalaman natin ang mga isyung panlipunan na kinahaharap ng bansa. Natututo
tayong maglahad ng mga solusyon na makatutulong sa kanila.
Maka-Diyos- Napagtatanto ng isang mag-aaral ang kahalagahan ng pananalig sa lahat ng
pagkakataon. Ang palagiang paghingi ng gabay upang maging matuwid ang landas na
tatahakin.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa
 Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa
paksa
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o mensahe
 Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan
 Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran
 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-
bunga, paraan-resulta)

34 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

I. ALAMIN:

A. Panimulang Pagtataya
 Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling papanaw, opinyon at
saloobin

Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng


pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin ang pamilyar sa
iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag
kung bakit.

Your Show is Familiar!

Art Angel (Children Show)

i-Witness (Documentary Program)

Teen Gen (Youth Oriented Program)

Talentadong Pinoy (Variety Show)

TV Patrol (News Program)

XXX (Public Service Program)

Weekend Getaway (Travel Show )

Umagang Kayganda (Morning Show)

Matanglawin (Educational Program)

Rated K (Magazine Show)

35 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Pagganyak

 Nailalahad ang mga programang pantelebisyon gayundin ang dahilan


kung bakit ito pinanonood

Magbigay ng mga programa sa telebisyon, gayundin ay ibigay ang dahilan


kung bakit kinagigiliwan itong panoorin.

II. PAUNLARIN

A. Pagkilala sa mga Lunsaran


 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o
mensahe

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa ibaba.


Ibigay ang pagkakatulad nito batay sa mga detalyeng napanood mo.

S.O.C.O Investigative Frontrow


Documentaries

Reel Time Krusada Failon Ngayon

36 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Dagdag Kaalaman

Gaya ng pelikula ang mga programang


pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin
ng isang tao. Ito ay mahalaga at mabisang sangay ng
kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura,
pangmoralidad, pang-edukasyon, at iba pa. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang
nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw
ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
mga pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon– Mga palabras ay


naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan
ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa
isang lipunan.

C. Pagpapaunlad ng Kaisipan

 Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa


itinakdang mga pamantayan

Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang


dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na
matatagpuan sa Youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related

37 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Telementaryo

Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong


napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang
makabuo ng kaisipang inilalahad nito.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.


2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng
pagkain.
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________.
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
_________________________________________.
5. Matapos kong mapanood ang dokumentaryo, ___________________.

TELEHANAYAN NG KASAGUTAN

Basahin at unawain ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan


ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT


TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM


* Magpaalam sa taong gustong kapanayamin.
* Kilalanin ang taong kakapanayamin.
* Para sa karagdagang gamitin ang kasunod na site.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Things to do before an interview
Interview Technique
Pre-Interview

2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat na ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.

38 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Interview Technique
Interviewing Success

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam.
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
Post Interview

D. KASANAYANG PANGGRAMATIKA

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o


pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon
o kaugnayang lohikal tulad ng ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan
at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta


Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari.
Naglalahad naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

1. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga
halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)


nakatapos siya ng kanyang kurso.

Nakatapos siya ng kanyang (resulta + paraan)


kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng


sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

39 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

2. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat


sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa
bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)


sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)


kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + bunga)


nag-aral kang mabuti,
matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)


kapag/ sa sandaling/ bastat
nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-


ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang
salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit
ang kapag, sa sandaling o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap
ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

E. Paglalapat ng Wika at Gramatika


 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta)

Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal,


sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin ito sa papel.

40 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

IV. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

 Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran

Pagbuo ng Islogan:

Sumulat ng slogan na nagpapaliwanag sa gampanin ng broadcast media sa


pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang
bansa.

Kumpletuhin ang pahayag:

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay,


sapagkat ______________________________________________________________.
Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang
nais isaad dito.
1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kanyang
paligid sa pamamagitan ng ____________________.
2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, _____________________.
3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay
__________________________________________________.

41 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito

Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Dokumentaryong
Pampelikula

Paglikha ng
Ang Kaligiran ng Sequence Script ng
Dokumentaryo isang pelikula
Komunikatibong
Paggamit ng
Pahayag

Katuturan ng
Dokumentaryong Mga Pamantayan sa
Pampelikula Mga Uri ng paglikha ng
Pahayag “Sequence Script”
para sa
Kaligirang Dokumentaryong
Pangkasaysayan Pampelikula

Mga Elemento ng
Dokumentaryong
Pampelikula

42 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan


a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

Kakayahan (Domain):
Pag-unawa sa Napakinggan (PN), Pag-unawa sa Binasa (PB), Paglinang ng Talasalitaan (PT),
Panonood (PD), Pagsasalita (PS), Pagsulat (PU), Wika at Gramatika (WG)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

Pokus na Tanong:
1. Paano nakakaambag ang mga pelikula sa pagpapaigting ng kuturang popular at
kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa?
2. Paano nakatutulong ang pagpapahayag komunikatibo sa mabisang pagpapahayag?

Mahalagang Pag-unawa:
Ang mag-aaral ay nakalilikha ng isang iskrip para sa isang dokumentaryong pampelikula at iba
pang uri ng midya gamit ang wika sa pagpapahayag na pangkomunikatibo.

Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


Makatao- Nalalaman natin ang mga isyung panlipunan na kinahaharap ng bansa. Natututo
tayong maglahad ng mga solusyon na makatutulong sa kanila.
Maka-Diyos- Napagtatanto ng isang mag-aaral ang kahalagahan ng pananalig sa lahat ng
pagkakataon. Ang palagiang paghingi ng gabay upang maging matuwid ang landas na
tatahakin.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahala-gang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula
 Naipaliliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood na pelikula sa
pamamagitan ng mga komunikati-bong pahayag
 Nasusulat ang isang suring-pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay
na pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring- pelikula
 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita
- mga tauhan

43 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

I. ALAMIN

A. Panimulang Pagtataya

Panuto: Punan ang mga patlang ng mga titik na bubuo sa salitang tumutukoy
sa hinihingi ng bawat bilang.

1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang


higit itong mas maging makatotohanan. D _ _ U _ _ _ T _ _ Y _

2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga


patimpalak. S_ _ D_ _ T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.

3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo


ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _

4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film


ay ang batikang Direktor na si B _ _ L L _ N T _ _ E _ D O _ A.

5. Si _ O _ _ _ A _ _ IN ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at


produkto ng Indie Films.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang


kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at
kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?

2. Bilang isang uri ng midyum, paanong ang isang dokumentaryong


pampelikula ay isang mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at
pagbabagong panlipunan?

Paanong mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin, at mga


pananaw para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum
para sa pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel.

44 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

II. PAUNLARIN
 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
- paksa/tema - gamit ng mga salita
- layon - mga tauhan

Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang mga


kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga kasagutan
sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel.

Alin sa mga palabas o pelikula na nakalarawan ang


iyong kinagigiliwan? Magbigay ng tatlo (3) at
ipaliwanag kung bakit.

Anu-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang tumatak


sa iyong isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at
ipaliwanag kung bakit.

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang isang


tanong na nais mong tanungin sa mga tao sa likod ng
mga pelikula o palabas na ito?

45 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Dagdag Kaalaman

Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante


Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa
paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa
kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng
mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay
nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga
pangyayari ng filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong maging
makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang
popular.
Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-
tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa
CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors Award sa
Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John
John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo
sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at film industry
bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino.
Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging limitado
nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula, mapapansin
na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang
“mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa
wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang pagsasalin
nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa
upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-
Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro)

Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong mga


parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa.

46 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

B. Pagbasa sa Lunsaran

Mga Elemento ng Pelikula:


a. Sequence Iskrip – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
c. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. inupukaw ang interes at
damdamin ng manonood.

Iba pang mga Elemento:


a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang
kuwento sa telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula
sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya
ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

PATINIKAN SA PANITIKAN
Balikan ang iba’t ibang mga eksena mula sa Dokumentaryong
Pampelikula na “Manoro” (Ang Guro), para sa iyo ano kaya ang mga nais
bigyang-tuon nito? Isulat ang sagot sa papel.

47 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

MGA URI NG PAGPAPAHAYAG

a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin:


1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)
2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-aalinlangan)
3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang
yaon.” (pagtanggi)
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.”
(pagsalungat)
b. Pagpapahayag at pag-alamPangwakas na Pagtataya
sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama
1. Pagbibigay-babala “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.”
(pagbibigay-babala)
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
2. Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”
3. Di-pagpayag “ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

PAHAYAG KO, TUGON MO!


Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat
pangungusap. Pillin ang iyong kasagutan mula sa kahon. Isulat sa papel ang
mga sagot.
Pagtanggi Pagsang-ayon
Pagbibigay-babala Panghihinayang
Panghihikayat Pagsalungat

“Ama mag-ingat ka sa iyong O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng


paglalakbay, mapanganib sa daan!” pananghalian natin.”

“Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat “Ang sampagitang ito ay para sa mga
kasama natin siya sa pagboto.” ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag
kang mahiya, bagay sa iyo ito.”

“Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala


akong hindi naman ito makapagpapababa “Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan
at makababawas ng aking pagkatao.” nila ng tahanan ng mga ibon.”

48 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

III. UNAWAIN AT PAGNILAYAN


Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo
Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano
mo ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at
sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot.

“Hindi na ako bomoto, sapagkat para _______________________________


sa akin, hindi ito makapagpapababa _______________________________
at makababawas ng aking pagkatao” ______________________________

“Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, _______________________________


pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo _______________________________
naman ang mga Koreano, kelangan ko na
______________________________
mag-fill-up ng aplikasyon.”

“Apo Namalyri
_______________________________
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa
_______________________________
Kami ngayo’y nangagtipon ______________________________
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”

DOKYUFIL (Pelikula at Dokumentaryong Filipino – Epekto Sa Iyo)

MANORO (Ang Guro)


Dokumentaryong Pampelikula

IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI PAMILYA LIPUNAN

49 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

IV. ILIPAT

Bumuo ng isang kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social awareness


campaign, maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang midyum na iyong natutuhan mula sa
modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan
gaya ng komiks. Maaari rin namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa
anyong video na ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon
at pelikula. Maaari ring i-post sa internet ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang
maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong baranggay at
ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na suliranin ayon sa
inyong taglay na kakayahan at abilidad.
Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang
balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mga
mahahalagang plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung
makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa
pangkalahatang produkto.
Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang mahahalagang
paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena sequence
script at iskrip na pandayalogo:
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan upang
higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging
malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga dayalogo. Gamitin ang iba’t
ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng
mga dayalogo. Dapat na magkakaugnay ang bawat dayalogo at eksena ng isang
mabisang iskrip.

Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong proyekto:

Orihinalidad at Pagkamalikhain - 40 %
Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena - 20 %
Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 10 %
Epektibong Gamit ng Wika - 20 %
Aplikasyong Teknikal - 10 %
100 %

50 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 8
Pangalan: _____________________________________ Marka: ________________
Baitang at Pangkat: ____________________________ Petsa: _________________
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang mga bilang.

_____1. Kung hindi nagtatrabaho ang mga


batang Badjao, marahil ay nasa paaralan _____6. Laging maging responsible at isaisp
sila at nag-aaral. Ano ang nagpapahiwatig ang mga netiquette na dapat gawin ng
ng panghinuha? isang netizen. Ano ang isinasaad ng
a. kung c. hindi pahayag?
b. kasi d. marahil a. nagtatampo c. nagbibigay-payo
Basahin para sa bilang 2-5 b. nagsasalaysay d. nagbibigay
I. Lahat ng tao ay may ambisyonp hangarin. Ang pagkilala
hangarin ang nagbubunsod sa tao upang Si Ma’am Kasi
magsikap pang lalo. Nagduda na ang prof., gawain kasi ng ibang
II. Ngunit hindi lahat ng tao ay natutupad ang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone.
ambisyon. Hindi, sapagkat kulang sila ng Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng
pananalig sa kanilang sarili. cellphone ay umiyak na ang estudyante.
III. (1) Naaabot ng isip ang pinakamalayong “Give me your phone, you’re cheating!”
maaaring maabot. (2) Sa palagay ko, kapag Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa
iniisip mo ay siyang mangyayari. (3)Isipin mong di teacher, dinampot na nito ang bag, at saka
maaari, ito nga raw ang mangyayari. (4) Palitan bumira ng takbo papalabas ng klasrum. Iniwan
moa ng paniniwala mo at sabihin sa sarili mong ang test paper.
POSIBLE, mangyayari ang bagay at gagawin mo. “Class, you’re all my witnesses, your classmate
(5) Tignan moa ng magaganap kapag nagawa is cheating. Will you read kung anong nakalagay
mo ito. sa message?”
_____2. Sa ikatlong talata, aling bilang ng Tumayo ang estudyanteng inutusan. Binasa
pangungusap ang nagpapahayag ng ang phone.
opinyon? “Y u di sagot tawag namin? Wala na si Dad. D
a. 1 c. 4 niya na-survive ang operation. D2 kmi hospital.”
b. 2 d. 5 _____7. Anong uri ng panitikan ang nasa
_____3. Ano ang ibig sabihin ng salitang kahon?
nagbubunsod? a. dula c. sanaysay
a. naglilinang c. naggaganyak b. dagli d. maikling kwento
b. nagbubukas d. nagsasagawa _____8. Anong antas ng wika ang “Y u di” na
_____4. Lumipad ka, nasa iyo ang dunong at ginamit sa akda?
lakas na gagamitin. Anong damdamin ang a. balbal c. pormal
nais ipahiwatig ng pangungusap? b. kolokyal d. lalawiganin
a. nagbibilin c. nababagabag _____9. Alin sa ang hindi katangian ng dagli?
b. nangangaral d. nanghihikayat
a. maikli c. panandalian
_____5. Anong antas ng wika ang ginamit sa
b. temporal d. may kakintalan
tesksto?
_____10. Ano ang matuturing na broadcast
a. pormal c. di pormal
media?
b. kolokyal d. lalawiganin
a. aklat at pahayagan
b. komiks at magasin
c. radyo at telebisyon
d. pelikulat at telebisyon

51 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Basahin para sa bilang 11-14 _____15. Anong panitikang popular makikita


Ayon sa UNICEF, 82% ng mga bata sa Pilipinas ang ganitong guhit?
ay nakararanas ng pisikal na pananakit. Sa pag- a. komiks c. radio
aaral, 60% ng mga magulang ang umaming b. tabloid d. magasin
pinarurusahan ang kanilang mga anak. _____16. Anong isyu ang maiuugnay sa
Kaya naman, isinulong ang House Bill 4455 na
larawan?
nagbabawal sa corporal punishment at
nagsusulong ng alternatibong paraan ng a. panlipunan c. pansimbahan
pagdidisiplina. Ang naturang batas ay b. pampamilya d. pang-isports
naglalayong makulong ang mga magulang, _____17. Alin sa mga nakalipas na balita ang
guro, yaya, gwardya, at iba pang nakatatanda maiuugnay mo rito?
kapag sinaktan nila ang bata. Taliwas ito sa a. Pagdeklara ng Martial Law
pananaw ng ilan. Anila, tila mahirap ang b. Pagkasangkot ng mga pulis sa extra
isinasaad ng batas baka lalo lamang tumigas ang judicial killing
ulo ng mga bata. Pero kung maisasakatuparan c. Pagkasangkot ng ilang senador sa pork
ito, bababa na ang bilang ng batang inaabuso.
barrel
Magiging aware na rin ang mga kabataan sa
kanilang karapatan. d. Paghingi ng tulong sa pangulo ng iba’t
-GMA News TV, Kara David ibang sector ng lipunan
_____11. Tungkol saan ang nasa kahon? _____18. Alin sa mga ito ang hindi opinyon?
a. Bilang ng nasasaktang mga bata. a. Batay sa sarbey, lalong dumarami ag
b. Pagdami ng batang palaboy sa bansa mahihirap.
c. Pagtutol ng magulang sa HB 4455 b. Sa tingin ko, gumanda ang ekonomiya.
d. Pagpapasa ng HB 4455 na nagpaparusa c. Para sa akin, bigyang karapatan ang tao.
sa mga mananakit sa bata bilang d. Palagay ko, dapat tulungan ang mahirap.
pagdidisiplina _____19. Anong bahagi ng tabloid ang
_____12. Ano ang layon ng palabras na ito? makikita sa larawan?
a. magpabatid c. magsalaysay a. isports c. editorial
b. maglarawan d. mangatwiran b. lathalain d. panlibangan
_____13. Ibigay ang damdamin: “Tila mahirap Basahin para sa bilang 20-23
ang isinasaad ng batas baka lalo lamang Sholbog silang lahat, mama
Sa emote kong Dayanara
tumigas ang ulo ng mga bata.”
Sa national costume pa lang
a. natatakot c. naghihimagsik Hitsura na ay Puerto Rican
b. nagagalit d. nag-aalinlangan
_____14. “Ang naturang batas ay Sa talent portion, bongga rin
naglalayong makulong ang mga magulang, Ate Guy aking in-acting
guro, yaya, gwardya, at iba pang “Walang himala!” Shout akesh
nakatatanda kapag sinaktan nila ang bata.” Crayola lahat ng backless
Anong lohikal ang isinasaad ng pahayag? (Mula sa tulang “Maila”
a. sanhi at bunga c. paraan at layunin ni Greman V. Gervacio)
b. paraan at resulta d. kondisyon at resulta _____20. Anong antas ng wika ang tula?
Para sa bilang 15-19 a. pambansa c. pampanitikan
b. pabalbal d. panlalawigan
_____21. Ano ang ibig sabihin ng, “Sholbog
silang lahat”?
a. taob c. tagilid
b. tumba d. talbog
_____22. Ang intonasyon ng aktwal nito ay___
a. maglahad c. magpakilala
b. magmalaki d. magkwento

52 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

_____23. Anong uri ng print media ang _____36. Puno ng makukulay na larawan at
nagpapakita ng grapiko at lobo ng usapan? usapan ng mga tauhan ang _____________.
a. dagli c. magasin a. magasin c. pahayagan
b. komiks d. pahayagan b. komiks d. tabloid
_____24. Ibigay ang saloobin ng pahayag, _____37. Mabibili sa bangketa na
Maayos na kaya ang kalagayan ng mga naglalaman ng nakagugulat na balita at
biktima makaraan ang isang buwan mula tsismis ang _________.
nang masalanta ng lindol? a. komiks c. magasin
a. pagtanggi c. pag-aalala b. tabloid d. pahayagan
b. paghimok d. pagsang-ayan _____38. Matuturing na babasahing popular.
_____25. Magkaisa tayo sa pagtulong sa mga a. radio at telebisyon
biktima ng kalamidad. b. aklat at pahayagan
a. pag-asa c. pag-aalala c. komiks at magasin
b. pagtanggi d. panghihikayat d. pelikula at telebisyon
_____26. Sasama ako ng field trip kung _____39. Ang pagyoyosi ang isa sa mga
papayagan ako ng aking magulang. Ano dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa baga.
ang isinasaad ng pahayag? Ang salitang may salungguhit ay salitang
a. sanhi at bunga c. paraan at layunin __________.
b. kondisyon at bunga d. layunin at kinalabasan a. balbal c. pormal
_____27. Naiwan ni Marie ang kaniyang ID. b. pambansa d. kolokyal
baka hinsdi siya papasukin ng gwardya. Ano ____40. Ang payayag na binanggit sa bilang
ang damdamin o tono nito? 39 ay isang ____________.
a. pagkainis c. pagpapaalala a. opinyon c. katotohanan
b. pag-aalala d. pagbibigay-babala b. kuro-kuro d. salindila
_____28. Laging tandaan, Think Before You _____41. Tinuturing na pahayagan ng masa.
Click, maraming napapahamak sa post. Ano a. tabloid c. magasin
ang layon ng pahayag? b. komiks d. broadsheet
a. naglalarawan c. nagpapabatid _____42. Kuwadradong elektronikong
b. nagpapaalala d. nagbibigay-papuri kagamitan, tampok ay iba’t ibang palabas
_____29. Ano ang kahulugan ng mapukaw na kinaaaliwan ng madla.
ang interes? a. radyo c. magasin
a. humikayat c. pinakamalakas b. komiks d. telebisyon
b. mass media d. umimpluwensiya _____43. Sa isang click lang mundong ito’y
_____30. Anong popular na media ang mapapasok na para mag-Fb, Twitter o pati
ipinakilala noong 1953 sa Pilipinas? ang pagsasaliksik.
a. radyo c. magasin a. internet c. telebisyon
b. komiks d. telebisyon b. kompyuter d. laptop
31-35 Piliin mula sa kahon ang tamang _____44. Pabalat nito’y may larawan pa ng
bantas na hinihingi ng bawat bilang. sikat na artista. Nilalaman ay mga artikulong
a. tuldok ( . ) c. gitling ( - ) tumatalakay sa iba’t ibang paksa.
b. kuwit ( , ) d. tutuldok ( : ) a. tabloid c. magasin
_____31. de lata b. komiks d. broadsheet
_____32. Mayo 10 2989 _____45. Musika’t balita ay napapakinggan
_____33. Bb Loira Lopez na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may
_____34. Mateo 6 33 FM at AM pa!
a. radyo c. magasin
_____35. bawang sibuya at kamatis
b. komiks d. telebisyon

53 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan


BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan

46-50. Kilalanin ang bahagi ng komiks na


tinutukoy sa bawat bilang.

53

51 54
55

52

a. Pamagat ng Komiks
b. Lobo ng usapan
c. Kahon ng Salaysay
d. Kwadro
e. Larawang Guhit

46. _____________________________
47. _____________________________
48. _____________________________
49. _____________________________
50. _____________________________

54 |P a h i n a Modyul sa Filipino 8 Ikatlong Markhan

You might also like