Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20
MGA LAYUNIN
Natatalakay ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon; Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon. Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon 1. Salitang Kolokyal Karaniwang pinaikling anyo ito ng salita o mga salita. Dahil impormal ang komunikasyon, nagiging mas magaan at mabilis ang pagsasalita kaya nabubuo ang salitang kolokyal. Halimbawa:
Mayroon -Meron Nasaan - Nasan
Paano -Pano Sa akin - Sakin Diyan - Dyan Kailan - Kelan Ganoon - Ganun Puwede - Pede At saka- Tsaka Kamusta - Musta Naroon- Naron Aywan - Ewan 2. Salitang Banyaga
Karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa
pakikipagkomunikasyon ang mga salitang banyaga. Lagi nang humahalo ang mga salitang ito saan mang usapang impormal. 2. Salitang Banyaga Halimbawa: 1. Spagetti 2. Toothpaste 3. Diapers 4. Esclator 3. Salitang Balbal Ito ang pinakamababang uri ng antas ng wika. Nabubuo ito ng isang pangkat ng lipunan para sa kanilang partikular na pagkakakilanlan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Kung minsan, bulgar ang dating nito kaya dapat ingatan ang paggamit. 3. Salitang Balbal
Kabilang dito ang gayspeak o ang
lengguwahe ng mga bakla o tomboy. Karaniwang nauuso lamang ito at paglipas ng ilang panahon, maaaring mawala at mapalitan ng iba. Halimbawa: Nanay (mother) – Madir, mudra, mudrakels, mamu Kasintahan − Bata, syota, dyowa Pulis − Lespu, parak, Pera − Datung sigarilyo – yosi Praning - baliw Palabuan ng salitang Balbal 1. Hinango mula sa mga salitang katutubo Halimbawa: gurang (Bikol, Bisaya) – matanda utol (Bisaya) – kapatid 2. Hinango sa Wikang Banyaga Halimbawa: tisoy, tisay (Espanyol: mestizo, mestiza) sikyo (Ingles: security guard) 3. Binaligtad (Inverted or Reversed Category) Halimbawa: tsikot – kotse astig – tigas/strong 4. Nilikha (Coined Words) Halimbawa: hanep – papuri bonsai – maliit 5. Iningles (Englisized Category) Halimbawa: jinx – malas Bad trip – naiinis 6. Dinaglat ( Abbreviated Category) Halimbawa: KSP – Kulang Sa Pansin SMB – Style Mo Bulok JAPAN – Just Always Pray At Night PANGKATANG GAWAIN: PAGSULAT GAMIT ANG MGA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON
PANGKAT 1: Pahayagan (pagsulat ng napapanahong
balita) PANGKAT 2: Komiks (Pagsulat ng nakaaaliw na kuwento) PANGKAT 3: Magasin (Pagsulat ng artikulong halaw sa napiling magasin PANGKAT 4: Pagsulat ng Komersiyal PANGKAT 5: Pagsulat ng Plataporma PANGKAT 1 RUBRIC PANGKAT 2 RUBRIC PANGKAT 3 RUBRIC PANGKAT 4 at 5 RUBRIC PAGSASANAY 3 Bawat araw ay nahaharap tayo sa iba’t ibang sitwasyon ng buhay. Upang maiwasan ang pagkakamali o pagkabigo, kailangan nating maging maingat sa pagharap sa mga sitwasyong ito lalo na sa mga pagkakataong kailangan nating ipahayag o magsalita sa mga oras na yaon. Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwasyong nakatala sa ibaba gamit ang mga impormal na uri ng salitang nasa loob ng panaklong. 1. Namamasyal kayo ng lola mong galing sa Amerika at may gusto kang ipabili sa kanya. (BANYAGA) 2. May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa kanya kaya kinaibigan mo siya. (BALBAL)
3. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang naliligaw ka.
Paano ka magtatanong sa mga taong pwede mong hingan ng tulong sa daan? (KOLOKYAL)