Banghay Aralin Sa Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.2

Panitikan: Nilalaman ng Ibong Adarna- Unang Bahagi


Pakikipagsapalaran Sa Kaharian ng Berbanya at Bundok
Tabor
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IV-c-d-19)


1. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning
narinig mula sa akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IVc-d-21)


2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga
suliraning panlipunang dapat mabigyang solusyon.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IVc-d-19)


3. Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula
sa akda.

PANONOOD (PD) (F7PD-IVc-d-18)


4. Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi
ng nobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IVc-d-19)


5. Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda
na maiuugnay sa kasalukuyan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-IVc-d-19)


6. Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan.

Ikatlong Markahan| 12
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-IVc-d-18)


1. Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng
nobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

II. PAKSA

Panitikan: Damdaming May Kaugnayan sa Pakikipagsapalaran sa


Kaharian ng Berbanya at Bundok Tabor
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
1. Pagtatala ng Liban
2. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
3. Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (TELESERYE HUNT)


Magkakaroon ng laro sa klase kung saan huhulaan ng bawat pangkat ang
pamagat ng teleserye ng mga sumusunod na artista at hahanapin ito sa word
puzzle. Ang pangkat na may pinakamaraming mahuhulaan ang siyang
tatanghaling panalo.
P A T R I C H A A N N E
M A R A C L A R A B I G
E N I M N O L E R F D H
F G J A R E F F A O E I
G A X S M A S S K R F D
G K E T W O I I E E G E
H O N E R W S F L V E F
I S R O I G T G B E F G
J A M W I T E H O R G E
I Y I G O I R I D M E F
G R E A T E S T L O V E

Ikatlong Markahan| 13
Mara Clara Doble Kara

Half Sisters The Greatest Love


http://smg.photobucket.com/user/dryedmangoez/media/1110/maraclara.jpg.html
http://4.bp.blogspot.com/-SG3Pf55_ACI/VcJYUOoziWI/AAAAAAAAMPc/7HyHatVivIo/s1600/juliamontesdoblekaradsweetbox-752603.jpg
http://s2.dmcdn.net/IKvVA/1280x720-Occ.jpg
http://starcinemamedialibrary.blob.core.windows.net/movie-latestnews-imagethumb 460x280/corporate/2016/JULY3/Are%20your%20hearts%20ready%20for%20The%20Greatest%20Love-
460.jpg

Gabay na Tanong:
1. Ilarawan ang mga tauhan sa mga teleseryeng ito.
2. Ano ang pangkalahatang paksa ng mga panoorin?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

3. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang pangkalahatang damdaming may kaugnayan sa


pakikipagsapalaran ni Don Juan sa kaharian ng Berbanya at Bundok
Tabor na masasalamin sa tunay na buhay?
Ikatlong Markahan| 14
4. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube ng mga eksena mula sa
teleseryeng pinahulaan ng guro sa unang aktibidad.
THE GREATEST LOVE
https://www.youtube.com/watch?v=3-1YFSuIPBs

DOBLE KARA
https://www.youtube.com/watch?v=ginZYkujIxU

ANALISIS

1. Ano ang pangunahing isyung binabanggit sa inyong mga pinanood?


2. Isa-isahin ang inyong mga saloobin at damdamin sa mga tagpo sa
teleserye.
3. May sarili ka bang karanasan na may kaugnayan dito? Isalaysay ito sa
klase.
4. Bakit nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkakapatid sa
pamilya? Ano ang kadalasang sanhi at bunga ng mga ganitong
pangyayari?
5. Paano maiiwasan ang mga suliraning may kaugnayan sa hindi
pagkakaunawaan sa isang pamilya?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (TALA NG KAALAMAN)


Batay sa mga pahayag na nasa tala ng kaalaman ay bubuo ng
pangkalahatang konsepto ng aralin ang mga mag-aaral.

https://em.wattpad.com/47fb63bbf1390e5b8b5d8769595ff5b2982a8d86/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f77617474706 1642d6d656469612d736572
766963652f53746f7279496d6167652f685466776e7951514551794f67413d3d2d3232343537373432352e313433363030653664333863646434652e706e67?s=fit&w=1280&h=12
80

Ikatlong Markahan| 15
Ang pangkalahatang damdaming masasalamin sa tunay na buhay na may
kaugnayan sa pakikipagsapalaran ni Don Juan sa Berbanya at Bundok
Tabor ay ang inggitan ng magkakapatid.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( PAPARAPPAPPAP, LOVE KO S’YA)


Isusulat ng mga mag-aaral sa puso ang pangalan ng kanilang mga kapatid.
Pagkatapos ay ililista ang mga saloobin at damdamin mo sa kanila at ibibigay
ang mga paraan upang magkaroon kayo ng maayos na pagsasamahan.

SALOOBIN AT
PANGALAN NG DAMDAMIN SA
KAPATID: KANILA:

PARAAN UPANG
MAGKAROON KAYO
NG MAAYOS NA
PAGSASAMAHAN:

V. KASUNDUAN

1. Gumawa ng isang scrapbook na naglalaman ng mga larawan ng inyong


pamilyang sama-samang namamasyal. Lagyan ito ng mga talatang
nagsasalaysay ng inyong naging karanasan sa pamamasyal na ito.
Nakatulong ba ito sa inyong samahan? Paano?

2. Basahin ang mga saknong sa Ibong Adarna tungkol sa


pakikipagsapalaran ni Don Juan sa kaharian ng Berbanya at Bundok
Tabor. Ibuod ang bahaging ito.

Ikatlong Markahan| 16
LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IVc-d-21)


3. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IVc-d-19)


4. Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na
maiuugnay sa kasalukuyan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IVc-d-19)


5. Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa
akda.

II. PAKSA

Panitikan: Suliranin sa Kaharian ng Berbanya


Pakikipagsapalaran sa Bundok Tabor
Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
6. Pagtatala ng Liban
7. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
8. Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (ANG AMING KAHARIAN)


Magbibigay ang guro sa bawat pangkat ng larawan ng kastilyo. Pagkatapos
ay isusulat ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa kanilang
pamilya at ididikit ito sa kastilyo. Ibabahagi rin ang kanilang ginawa sa klase.

PANGALAN NG AMA: __________ PANGALAN NG INA: _________


KATANGIAN:_________________ KATANGIAN:________________

Ikatlong Markahan| 17
PANGALAN NG ATE: __________ PANGALAN NG KUYA: _______
KATANGIAN:_________________ KATANGIAN:_______________

PANGALAN NG BUNSO:________ PANGALAN NG IBA PANG KAPATID:


KATANGIAN:_________________ KATANGIAN:________________

SULIRANIN NG PAMILYA: PAANO SINOSOLUSYUNAN:


____________________________ ___________________________
____________________________ ___________________________

ANG AMING KAHARIAN

Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong naging damdamin sa ginawang aktibidad?
2. Paano ninyo ilalarawan ang bawat pamilya batay sa ginawa?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

3. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng magkakapatid sa kaharian ng


Berbanya at sa kanilang pakikipagsapalaran sa Bundok Tabor?

Ikatlong Markahan| 18
4. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (I-CONNECT MO)


Sa pamamagitan ng paglilinya ay ikokonek ang mga salitang di-pamilyar na
nasa hanay A sa mga salitang nasa hanay B upang mabigyang linaw ang
kahulugan ng mga pamilyar na mga salita. Pagkatapos ay gagamitin ang mga
ito sa makabuluhang pangungusap.

HANAY A HANAY B

nagnuynoy mapahamak
dumaratal magwawakas
maglilo dumarating
lilimiin iisipin
magpalisya mapahamak
lugong-lugo kahilingan
hahangga nanghihina
panambitan napag-isipan

5. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)


Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi
ng akdang Ibong Adarna.
Sa Kaharian ng Berbanya
Pakikipagsapalaran sa Bundok Tabor

Ikatlong Markahan| 19
Ikatlong Markahan| 20
Ikatlong Markahan| 21
Ikatlong Markahan| 22
Ikatlong Markahan| 23
Ikatlong Markahan| 24
Ikatlong Markahan| 25
Ikatlong Markahan| 26
Ikatlong Markahan| 27
Ikatlong Markahan| 28
Ikatlong Markahan| 29
Ikatlong Markahan| 30
Pagbubuod ng ginawang reader’s theater.

Sa Kaharian ng Berbanya Pakikipagsapalaran sa Kataksilan kay Don


Bundok Tabor Juan

ANALISIS

1. Ano ang dahilan ng pagkakasakit ni Haring Fernando? Nagkaroon ba ito


ng lunas? Paano? Sino sa magkakapatid ang nakakuha ng lunas sa sakit
ng hari?
2. Bakit hindi nagtagumpay sina Don Pedro at Don Diego sa paghuli sa
Ibong Adarna? Paano naiiba ang paglalakbay ni Don Juan sa kanyang
dalawang kapatid?
3. May mga pangyayari ba sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunang dapat mabigyang solusyon? Ano- ano ang mga ito?
4. Paano nasolusyunan ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa
kanilang kapatid?
5. Magmungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula
sa nabasa.

Ikatlong Markahan| 31
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( BUUIN)


Tutulungan ng mga mag-aaral si Don Juan na buuin ang kaharian ng
Berbanya upang mabuo ang pangkalahatang konsepto ng aralin.

ay
ang
pagkakasakit
sa
ng
kaharian
kanilang
ng Berbanya
ama

at ang
ang mga
inggitan suliraning
sa kinaharap
pagitan ng
ng magkakapatid
bawat
isa.

Ang mga suliraning kinaharap ng magkakapatid sa kaharian ng Berbanya


ay ang pagkakasakit ng kanilang ama at ang inggitan sa pagitan ng bawat
isa.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (SLOGAN)


Gagawa ang mga mag-aaral ng isang slogan na nagpapakita ng solusyon
upang maiwasan ang inggitan sa pagitan ng magkakapatid. Ibabahagi ito sa
klase.

Ikatlong Markahan| 32
EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Si Don Pedro ang butihing hari ng payapang Kaharian ng Berbanya. Siya


at ang kanyang mapagkalingang asawang si Donya Valeriana ay
biniyayaan ng tatlong anak na lalaki na nagngangalang Don Pedro, Don
Diego at Don Juan. Isang araw ay nanaginip ang hari na may mga taong
gumulpi sa kanyang anak. Dahil dito, nagkasakit ang hari dala ng labis na
pag-aalala. Ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang
gamutin ang hari ngunit walang makapagpagaling dito. Hanggang sa
isang manggagamot ang dumating. Ano ang naging tugon ng
manggagamot?

a. Ang lunas sa karamdaman ng hari ay ang mahiwagang lobo na


matatagpuan sa kaharian ng Armenya.
b. Ang sakit ng hari ay hindi na magkakaroon ng kalunasan habambuhay
at ito ay lalong lalala.
c. Ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna
na matatagpuan sa bundok Tabor.
d. Gagaling lamang ang hari kapag nag-asawa na ang kanyang tatlong
anak.

2. Bakit hindi nagtagumpay sa kanyang misyon si Don Diego?

1. Hindi siya nakarating sa kinaroroonan ng Ibong Adarna dahil siya ay


napagod na.
2. Nakatulog siya nang mahimbing sa paglalakbay pa lamang papunta sa
bundok Tabor.
3. Masama ang binabalak niya sa ibon at ito ay kanyang itinago sa kanyang
dalawang kapatid.
4. Nagbawas ang ibon at inabot siya ng patak kaya siya ay naging bato at
hindi nagtagumpay sa kanyang misyon.

5. Alin ang saknong sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan


na dapat mabigyang solusyon?

1. Uuwi sa kaharian c. O, Birheng Inang marilag


Sa pag-ibig sa magulang tanggulan ng nasa hirap
May araw ding malalaman kahabagan di man dapat
Ang nangyaring kataksilan ang aliping kapuspalad.

2. Ang piging nang matapos na d. Ang dalawa ay nagkamay


Ermitanyo ay kumuha bago sila nagwalay
Ng lamang nasa botelya matanda sa kabundukan

Ikatlong Markahan| 33
Lunas na kataka-taka. Sa Berbanya si Don Juan
3. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa saknong?

Kaya kami’y naglakbay


Sa kay amang kagalingan
Ano’t ngayong magtagumpay
Hahangga sa pag-aaway

1. magsisimula c. magwawakas
2. mauulit d. matatamo

3. Nais mong mag-sleep over sa bahay ng iyong kaklase nang sa gayon ay


matapos na ninyo ang inyong proyekto na kailangan nang maipasa sa
makalawa ngunit ayaw kang payagan ng iyong ina sapagkat walang mag-
iintindi sa iyong mga kapatid. Tutuloy ka pa ba sa plano ninyong sleep
over?

1. Oo. Iintindihin ko muna ang aking mga kapatid, pakakainin ng hapunan at


saka ihahabilin sa kapitbahay hanggang sa kunin sila ng iyong ina
pagkadating nito galing trabaho.
2. Hindi. Sasabihin ko na lamang sa kaklase ko na maghati kami sa gawain
at sa bahay ko iyon gagawin habang binabantayan ko ang aking mga
kapatid.
3. Oo. Pipilitin ko ang aking ina na payagan ako kahit na alam kong walang
mag-aasikaso sa mga kapatid ko.
4. Oo. Hindi ko na iintindihin ang kapatid ko dahil malaki na siya.

Sagot:
C D A C A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Isa-isahin ang mga saknong sa Ibong Adarna na nagpapakita ng mga


suliraning kinaharap ng magkakapatid sa kaharian ng Berbanya. Iugnay
ito sa mga kasalukuyang pangyayari.

Ikatlong Markahan| 34
2. Basahin ang mga saknong sa Ibong Adarna tungkol sa pagbabalik nina
Don Juan at Donya Maria sa Kaharian ng Berbanya. Ibuod ang bahaging
ito.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IV-c-d-19)


3. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig
mula sa akda.

II. PAKSA

Panitikan: Solusyon sa Suliranin sa Kaharian ng Berbanya


Ang Awit ng Ibong Adarna
Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
6. Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (AKROSTIKS)


Ililista ng mga mag-aaral ang mga problemang kinahaharap nila sa kanilang
buhay. Ang mga problemang ito ay nagsisimula sa mga salitang PROBLEMA.
Isusulat rin nila ang mga solusyon sa mga problemang ito.

Mga suliraning kinahaharap Mga solusyon sa mga problema

P -
R -
O -
B -
L -
E -

Ikatlong Markahan| 35
M -
A -
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga problemang inyong kinahaharap ang mahirap lutasin? Bakit?
2. Paano ninyo hinaharap ang iyong mga suliranin sa buhay?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

3. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano nagkaroon ng kalutasan ang mga suliranin sa Kaharian ng


Berbanya?

4. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)


Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi
ng akdang Ibong Adarna.

Hinagpis ni Don Juan


Awit ng Ibong Adarna
Pagtitiwala: Daan ng Pagkapahamak

Ikatlong Markahan| 36
Ikatlong Markahan| 37
Ikatlong Markahan| 38
Ikatlong Markahan| 39
Ikatlong Markahan| 40
Ikatlong Markahan| 41
Pagbubuod ng ginawang reader’s theater.
Hinagpis ni Don Juan Awit ng Ibong Adarna Pagtitiwala: Daan sa
Pagkapahamak

5. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa saknong
na binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Angkop na Solusyon sa


Paksa: Angkop na Solusyon sa Suliranin sa Akda
Suliranin sa Akda
Mungkahing Estratehiya: Iskit

Pagtatanghal ng iskit na
1
Mungkahing Estratehiya:
Tawag ng Tanghalan 2
Paggawa ng awiting nagpapakita ng
nagpapakita ng angkop na angkop na solusyon sa suliranin sa
solusyon sa suliranin sa akda akda at pag-awit nito sa klase

Paksa: Angkop na Solusyon sa Paksa: Angkop na Solusyon sa


Suliranin sa Akda Suliranin sa Akda
Mungkahing Estratehiya:
Song Interpretation 3 Mungkahing Estratehiya:
Sabayang Pagbigkas 4
Pagtatanghal ng interpretasyon ng Pagtatanghal ng isang sabayang
isang awit na nagpapakita ng angkop pagbigkas na nagpapakita ng angkop
na solusyon sa suliranin sa akda na solusyon sa suliranin sa akda

Ikatlong Markahan| 42
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

6. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

7. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

8. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano ang masamang sinapit ni Don Juan sa kanyang mga kapatid? Kung
ikaw si Don Juan, mapatatawad mo ba ang iyong mga kapatid na gumawa
sa iyo ng kasalanan?
2. Paano naligtas si Don Juan? Sa paanong paraan siya agad gumaling
mula sa kalagayang halos panawan na ng lakas at buhay? Isalaysay ang
pangyayari.
3. Ano ang papel na ginampanan ng Ibong Adarna sa paglutas ng suliranin
sa kaharian ng Berbanya?
4. Bakit paulit- ulit ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego sa kanilang
bunsong kapatid? Nagaganap ba ito sa tunay na buhay? Ipaliwanag.
5. Paano magkakaroon ng solusyon ang mga suliranin sa inyong pamilya na
may kaugnayan sa saknong na tinalakay?

Ikatlong Markahan| 43
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( KADENA NG KONSEPTO)


Bubuuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag na nasa kadena upang mabuo
ang pangkalahatang konsepto ng aralin.
ng nagkaroon Ibong Adarna

kalutasan ang ng

sakit ng hari

ng Berbanya sa

ng pamamagitan awit

Nagkaroon ng kalutasan ang sakit ng hari ng Berbanya sa


pamamagitan ng awit ng Ibong Adarna.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( PANALANGIN)


Gagawa ang mga mag-aaral ng kanilang panalangin sa Panginoon kapag
dumaranas ng mga suliranin sa buhay katulad ng ginawang panalangin ni
Don Juan sa naging suliranin nila sa kaharian.
ANG AKING PANALANGIN
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Ikatlong Markahan| 44
EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Samantala, nagdasal ang nanghihinang si Don Juan at humingi ng tulong


sa Mahal na Birhen. Kapagdaka’y isang matandang lalaki ang tumulong
sa kanya at siya ay hinilot hanggang sa gumaling. Dagling umuwi si Don
Juan sa Berbanya, at sa kanyang pagdating ay umawit na ang ibong
Adarna. Ang pitong awit ng mahiwagang ibon ay patungkol sa ginawang
kasamaan nina Don Pedro at Don Diego sa kanilang kapatid. Bakit kaya
nagtaksil ang dalawang magkapatid sa kanilang bunsong kapatid?

1. Ang bunsong anak ay may ginawa ring masama sa dalawa niyang


nakatatandang kapatid kaya sila ay naghiganti.
2. Ang dalawang magkapatid ay binayaran ng malaki kaya sila nagtaksil kay
Don Juan.
3. Ang dalawang magkapatid ay wala sa tamang pag-iisip kaya nagawa ang
pagtataksil.
4. Ang inggit ang namayani sa dalawang magkapatid kaya nagtaksil ang
dalawa sa kanilang bunsong kapatid.

5. Si Don Juan sa gitna ng kalapastanganan ng kanyang mga kapatid ay


nagpatawad. Hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito. Alin sa mga
sumusunod na pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa
pangyayari?

a. pagmamahal sa magulang c. pagiging responsable


b. pagmamahal sa kapatid d. pagiging matulungin

6. Paano mabibigyang solusyon ang mga suliranin ng magkakapatid na


tinalakay sa akda?

1. Magkaroon ng kampihan ang magkakapatid sa pamilya batay sa mga


magkakatulad na opinyon o paniniwala ng bawat isang miyembro ng
pamilya.
2. Magkaroon ng unawaan ang magkakapatid at igalang ang opinyon ng
bawat isa kahit na ito ay salungat sa kanilang mga pinaniniwalaan at
pinaninindigan.
3. Ang panganay ang dapat laging nasusunod sa lahat ng desisyon
sapagkat siya ang unang anak at ang lahat ng kapatid ay nararapat na
sumunod sa kanya.
4. Pagbibigyan ang bunso sa lahat ng bagay sapagkat siya ang pinakamahal
sa pamilya.

Ikatlong Markahan| 45
5. Alin ang pangyayari sa tunay na buhay na nagpapakita ng kalutasan sa
mga isyung tinalakay sa akda?

1. Sina Patricia at Tanya ay magkapatid. Dahil sa panganay si Patricia ay


natuto siyang maging mapagpakumbaba para kay Tanya na siyang bunso
ng pamilya. Si Tanya naman ay sumusunod sa kanyang ate sa mga utos
nito.
2. Tatlo ang kapatid ni Marie. Sa tatlo ay si Ariane ang paborito niya
sapagkat ito ang bunso at siyang lagi niyang kasama.
3. Inggit na inggit si Jessa kay Reah sapagkat bukod sa matalino ang
kanyang kapatid ay ito ang paborito ng pamilya.
4. May kapatid si Lai sa labas ngunit hindi niya ito matanggap dahil anak ito
ng kanyang ama sa ibang babae.

5. Ano ang katangiang ipinakita ni Don Juan sa saknong na ito:


Napawi ang pag-aantok
Dahil sa tindi ng kirot
Si Don Juan ay lumuhod
Nagpasalamat sa Diyos

1. maalalahanin b. madasalin c. maunawain d. mapagtimpi

Sagot:
D B B A B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Punan ang tsart ng mga suliraning tinalakay sa akda at kung paano


nalutas ang mga suliraning ito.

MGA SULIRANIN SA IBONG ADARNA SOLUSYON SA SULIRANIN

2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 4.2. Magdala ng mga materyales na


gagamitin.

Ikatlong Markahan| 46
ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-IVc-d-19)


3. Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunang may kaugnayan sa kabataan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.2


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
6. Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya ( ANONG SAY MO)


Magbibigay ang bawat pangkat ng kanilang saloobin at damdamin tungkol sa
mga suliraning panlipunan na masasalamin sa akdang may kaugnayan sa
mga kabataan sa kasalukuyan.

INGGIT PAGTATAKSIL

PAGSISINUNGALING PAGMAMATAAS

Ikatlong Markahan| 47
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang


suliraning panlipunang may kaugnayan sa kabataan.

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat ng isang teksto.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan

SITUATION: Ang pahayagang BERBANYA PUBLICATION ay


nangangailangan ng mga manunulat na tatalakay sa isang
makabuluhang paksang may kaugnayan sa kabataan para sa
pagbubukas nito sa sirkulasyon.

PRODUCT: Tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning


panlipunang may kaugnayan sa kabataan.

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita ng Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng talata. nilalaman ng talata. mga naisulat nang
(4) (4) (3) mga talata.(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga salitang mahusay ang naging
SALITA sa talata. ginamit sa talata. pagpili ng mga salitang
(3) (3) (2) ginamit sa talata.(1)

Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang


PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at maayos at
TALATA talata ang naisulat. organisadong talata organisadong talata
(3) (3) ang naisulat. ang naisulat.
(2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang maiwasan ang mga


isyung panlipunang tinalakay sa akda? Isa-isahin ang iyong mga sagot.
2. Basahin ang saknong sa Ibong Adarna tungkol sa pakikipagsapalaran ni
Don Juan sa kaharian ng Armenya. Ibigay ang buod ng mga pangyayaring
babasahin.

Ikatlong Markahan| 48

You might also like