BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7 (Adarna)
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7 (Adarna)
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7 (Adarna)
Ikaapat na Markahan
I. Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang kahulugan at mga katangian ng korido;
2. nabibigyang-halaga ang pinagmulan ng koridong Ibong Adarna; at
3. nakabubuo ng isa hanggang dalawang saknong ng korido batay sa sariling karanasan.
II. Paksang-aralin:
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Sanggunian: Self-Learning Modules, Filipino 7, Kwarter 4
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Video Clip
III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Atendans
4. Pagbabalik-aral
5. Pagganyak
Maglalaan ang guro ng numero sa bawat mag-aaral bilang batayan sa
pagkakasunod-sunod ng mga sasagot sa katanungan.
Magpapakita ng tatlong larawan ang guro sa mga mag-aaral.
Panuto: Kikilalanin kung ano ang nasa larawan at ilahad ang sariling opinyon
1. 2. 3.
ukol rito.
b. Panlinang na Gawain:
Aktibidad:
Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat.
Magpapakita ang guro ng isang bidyu ng buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna. Pagkatapos ay isasagawa ang gawaing nakalaan para sa bawat
pangkat.
Unang Pangkat: Gumawa ng tulang nagtataglay ng dalawang saknong tungkol
sa napanood na bidyu. Isulat sa isang malinis na papel at ipresenta ito sa harap
ng klase sa masining na paraan.
Ikalawang Pangkat: Gumawa ng awiting nagtataglay ng dalawang saknong
tungkol sa napanood na bidyu. Isulat ang awitin sa isang malinis na papel at
ipresenta ito sa harap ng klase.
Ikatlong Pangkat: Gumawa ng isang graphic organizer na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng pagkakalikha o pinagmulan ng akdang Ibong Adarna.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Batayan Puntos
Kaangkupan ng impormasyon 10
Kahusayan ng presentasyon 10
Orihinalidad 5
Kaisahan ng pangkat 5
Kabuuan 30
Analisis:
1. Bakit itinuring ang koridong Ibong Adarna bilang angkop na babasahing
pampanitakn sa mga Pilipino?
2. Ano sa tingin mo ang nais na iparating ng hindi pa nakikilalang may akda ng
Ibong Adarna sa kaniyang mga mambabasa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapalaganap ang Panitikang Filipino?
Abstraksyon:
1. Ano ang korido?
2. Ano ang mga katangian ng korido?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna?
Aplikasyon:
Panuto: Gumawa ng isa hanggang dalawang saknong ng korido batay sa inyong
mga karanasan sa panahon ng pandemya. Ilagay ang inyong sagot sa sangkapat na
papel.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan
(10) (8) (6) ng pagsasanay
IV. (4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
makahulugan ang makahulugan ang malalim ang literal ang
kabuuan ng korido. kabuuan ng korido. kahulugan ng kabuuan ng
korido. korido.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwati simbolismo/pahiwatig simbolismo na pagtangkang
g na na nakapagpapaisip nakalito sa ginawa upang
nakapagpapaisip sa sa mga mambabasa. mambabasa. makagamit ng
mga mambabasa. Maybilang piling Ang mga salita simbolismo.
Piling-pili ang mga salita at pariralang ay di gaanong
salita at pariralang ginamit. pili.
ginamit.
Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat at
napakahusay at tugma ngunit may pagtatangka ng tugma kung may
angkop na sukat at bahagyang gumamit ng naisulat man.
tugma. inkonsistensi. sukat at tugma
ngunit halos
walang
konsitensi ang
lahat.
Pagsusulit:
Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung
TAMA ang pangungusap at M naman kung MALI.
_____1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay.
_____2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma.
_____3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na
buhay.
_____4. Ang Ibong Adarna ay isang korido.
_____5. Isa sa mga natatanging kaugalian at pagpapahalagang Pilipinong masasalamin sa
akdang Ibong Adarna ay ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos.
V. Kasunduan:
Pag-aralan ang mga katangian ng bawat tauhan sa akdang Ibong Adarna.
Inihanda ni:
JEZIL JOY C. APOLINAR
Student-Teacher