Self Learning Kit EsP 8 Q2 Edited WITH WATER MARK

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

DIVISION OF CITY OF BOGO


Buac, Cayang, Bogo City, Cebu

KAPWA KASAMA KO

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
PAUNANG SALITA

Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Ano pa ang


kaganapan ng sariling pagsisikap kung walang ibang tao ang
mahahandugan nito, ito ang KAPWA, tulad ng pamilya,
kaibigan, kamag-anak, guro, kababayan, at iba pa. Ang lahat
ng iyong pinagsisikapan ay magiging kasaya-saya kung
maibabahagi ito sa ibang tao KAPWA.
Kung paano ka nagpapahalaga sa lahat ng uri ng
pakikipagkapwa-tao ang pag-aralan natin sa Self Learning Kit
na ito.

LAYUNIN:
1.Nakikilala ang mga taong tinawag na kapwa
2. Nakapagbigay ng sariling kahulugan ng salitang kapwa
3. Napahahalagahan ang naituring na kapwa

KASANAYANG PAMPAGKATUTO(EsP8PIIa-5.1)
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa

1
Gawain 1 : Word Puzzle
Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit ang
puzzle. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o padayagonal.
Bilugan ang mga titik sa nabuong salita.
G X R E R S H J K L Q O
F G N A G I B I A K D E
J M R K U C Y U O A P R
L S G R R H A I R A P U
U D H D O K T O R W W Y
O I J D P M A M I A C F
D T P Y N T T U J Y P U
X A K A E S A L K A K I
R P N H G H V B F S R E
M A L I K R X F H R R A
Y K R O L E B A T A L Y

Kaibigan Pari Kaklase Kapatid Nanay

Tatay Doktor Bata


Kaaway Guro
33

2
Gawain 2: Kasama ka!

Panuto:
1. Marami kang taong nakakasalamuha sa iyong buhay.
Gabay ang larawan sa ibaba isulat ang pangalan ng mga
taong itinuturing mong kapwa. Isulat ang pangalan sa may
ulo ng larawan.
2. Lagyan ng mukha at kulayan. Maaari ding gumuhit ng
karagdagang kasama.

3
Gawain :3 Concept Webs

Panuto:
1.Mag-isip at isulat sa bawat heksagon ang mga salitang may kaugnayan
sa Kapwa
2. Mula sa mga nakasulat na salita maaring magbuo ng sariling
kahulugan sa salitang Kapwa.

KAPWA

4
Dito isulat mo ang nabuo mong kahulugan ng KAPWA

Kapwa=___________________________________
__________________________________________
__________________________________________
______________________________

Ang tao ay nilalang na likas na mapagkapwa. Tayong mga Pilipino ay higit na


marunong makipagkapwa. Kinikilala natin na isang kalakasan ng ating karakter
ang pakikipagkapwa. Ibinibilang natin na ang ating KAPWA ay tunay na mga
nilalang ng Diyos na may karangalan o dignidad at kailangang igalang.
Batay sa masusing pag-aaral ng wika, ang salitang KAPWA ay
nangangahulugan ng nagkakaisang pagkakakilanlan. Para sa mga Pilipino; ang
salitang KAPWA ay nangangahulugan na sama-sama tayo sa pagpapaunlad ng
bawat isa sa atin sa pamamagitan ng pagmamalasakitan, pagtutulungan,
pagdaramayan, bayanihan at pagmamahalan.
Ayon kay Dr. Patricia Licuanan, isang sikolohistang Pilipino, ang pakikipagkapwa
ay mayroong tatlong mahahalagang sangkap:
1. Kakayahang makiramdam sa pangangailangan ng iba at
pagmamalasakit.
2. Pagtulong at pagkamapagbigay
3. Pagkakaroon ng katarungang panlipunan.

Ang kapwa ay taong labas sa iyong sarili, maaaring iyong magulang, kamaganak,
kaibigan, kaklase, at pati na rin kaaway (Agapay, 1991). Ang pagtukoy at
pagkilala sa mga tao na itinuturing mong kapwa ang simula ng paglinang sa
intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal na aspekto ng iyong
pagkatao

5
Ang KAPWA ay binigyang kahalagahan sa panlipunang buhay ng tao sa
sikolohistang sina Enriquez at Santiago. May walong paraan ang KAPWA sa
panlipunang pakipag-ugnayan:
(1)Pakikitungo, (2) pakikisalamuha, (3) pakikilahok, (4)
pakikibagay,
(5) pakikisama, (6) pakikipagpalagayang loob, (7) pakikisangkot, (8)
pakikiisa.
Ang pinakamahalagang kaalaman sa pagkakaugnay ng mga paraang ito ay
ang pagiging antas ng bawat isa. Ang KAPWA ay iba sa iyong sarili.
Sila ang KAPWA Mo.
Gawain 1: Kilalanin mo ang kapwa mo, isulat ang pangalan ng mga larawan sa
pagtutukoy ng iyong kapwa.

1________ 2_________ 3________ 4__________

5__________ 6___________ 7 __________ 8_________

9__________ 10__________ 11___________ 12__________

13 ______________ 14____________ 15________________

6
Gawain 2: ACROSTIC GAME
ACROSTIC Ito ay isang uri ng pagsulat kung saan ang mga titik ng
salita nagbaybay ng isang mensahe
Bigyan ng kahulugan ang salitang KAPWA ayon sa kanyang
kaganapan:

Halimbawa: Ang KAPWA ang


taong tanggap ko kahit ano ang
kanyang trabaho;
K=arpentero
A=bogado
P=ulis
W=eyter
A=rketekto

2. Ang KAPWA ang taong 2. Ang KAPWA ang taong


tanggap ko kahit ano tanggap ko kahit ano
ang kanyang lahi; ang kanyang relihiyon;
K=
K=
A=
A=
P=
P= W=
W= A=
A

3. Ang KAPWA ang 4. Ang KAPWA ang


taong tanggap ko kahit ano taong tanggap ko kahit ano
ang kanyang kulay; ang kanyang edad/gulang;
K= K=
A= A=
P= P=
W= W=
A= A=

5. Ang KAPWA ang


taong tanggap ko kahit
saan lugar siya galing ;
K=
A=
P=
W=
A=
7
Gawain 3: Magsulat ng maikling Tula handog sa iyong;
KAPWANG FRONTLINER

( Tulang may isang saknong at limang taludtud Lagyan ng Pamagat)

______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________
_______________________________________________________

______________________________________________________

Pagtataya:
Paano mo pahahalagahan ang iyong kapwa, upang mapananatili ang
magandang ugnayan.

1.
Guro:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

8
2.

_ Kapatid:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3.
Mga Kaklase:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4.
Magulang:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5.

Drayber:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region VII

DIVISION OF CITY OF BOGO

ROSELLER N. GELIG
Schools Division Superintendent

NILO J. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

LOURDESITA P. GUARDIARIO
Education Program Supervisor, LRMDS

MYRNA A. GARCIA,Ed.D
Education Program Supervisor, Edukasyon sa Pagpapakatao

REGIONAL OFFICE

DR. SALUSTIANO T. JIMENEZ


Regional Director, RO7

DR. CRISTITO A. ECO


Assistant Regional Director, RO7

DR. MARIA JESUSA C. DESPOJO


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
Education Program Supervisor, LRMDS/MTB

10
Buod:
Ang tao ay isang panlipunang nilalang hindi niya kayang manirahan
na mag-isa kailangan niya ang kanyang KAPWA.
KAPWA ang taong labas sa iyong sarili, sila ang guro, kapatid,
magulang, kaaway. Katrabaho, kapitbahay, at etc.

Ang May-Akda: Miraflor Lepon Jumao-as


Ang may-akda ay guro ng Edukasyon sa Pahpapakatao (EsP)
sa City of Bogo Science and Arts Academy, isang Master
teacher I ng EsP. Nakapagtapos sa pag-aaral ng Religious
Education (RE) sa University of San Carlos. Nakapagsanay sa
ibat ibang programa ng Edukasyon sa Pagpapakatao gaya ng
SEDP, DBD hanggang sa K to 12 .

SANGGUNIAN:
Batayang Aklat ng Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
AKO I:Biyayang
Pinahahalagahan(Edkasyon sa
Pagpapahalaga)Twila G. Punsalan Rex
Book Store

Curriculum and Learning Management Division(CLMD)


Learning Resource Management and Development Center(LRMDC)
11
Department of Education Region VII

You might also like