Aralin 7 Ang Instrumental Regulatori at Heuristikong Tungkulin NG Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Yunit II

Mga Kaalamang Pangwika, Mas Palalimin


at Palawakin!
Aralin 7
Ang Instrumental, Regulatori, at
Heuristikong Tungkulin ng Wika
Layunin ng Talakayan
 mabigyang-kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng
wika na nakatuon sa instrumental, regulatori, at heuristiko;

 maisa-isa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tungkulin ng


wika na instrumental, regulatori, at heuristiko;

 makabuo ng maikling talata at pahayag na gumagamit ng mga


komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa instrumental,
regulatori, at heuristiko; at

 masuri ang mga komunikatibong tungkulin ng wika sa mga


napanood na dokumentaryo.
Daloy ng Talakayan
Pag-aaral sa wika;

Ang Instrumental na tungkulin ng wika;

Ang Regulatori na tungkulin ng wika; at

Ang Heuristikong tungkulin ng wika.


Pag-aaral sa Wika

 Malowski – Ipinapalagay niya na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang


pangangailangan at konteksto (sa Haslett 2008). Ang silbi at tungkulin ng wika
ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na
kultura.

 Firth – Makikita naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni Firth


(1957) ang paglalarawan sa kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa
tiyak na konteksto.

 Halliday – Nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang
yugto ng pagkakagamit ng isang bata.
Ang Instrumental na Tungkulin ng Wika

 May instrumental na tungkulin ang wika kung layunin nitong


makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng
tagapagsalita.

 Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya,


kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. Sa aktuwal na
karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa
paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at
panghihikayat.
Ang Instrumental na Tungkulin ng Wika
Halimbawa
A. Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga
muna.

B. Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay.

Alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng mensahe ng


ninanais na pakikipaghiwalay?
Ang Regulatori na Tungkulin ng Wika

 May regulatori na tungkulin ang wika na may kakayahang


makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba.

 Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang


makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang kausap o
sinoman sa kaniyang paligid.

 Maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika sa mga


aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo.
Ang Regulatori na Tungkulin ng Wika
Halimbawa

Ano ang epekto sa iyo ng mga patalastas na ito?

Paano ka kinokontrol ng mga ginagamit na tagline nito?


Ang Heuristiko na Tungkulin ng Wika

 Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang


makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran, nagiging
heuristiko ang tungkulin ng wika.

 Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita ang tungkulin ng


wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon, pagtatanong,
at pananaliksik.
Ang Heuristiko na Tungkulin ng Wika
Halimbawa

“Ano’ng nangyari?” “Para saan?” “Bakit mo ginawa iyon?”

“Sabihin mo sa akin kung bakit?”

“Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno?”

You might also like