Esp 10 Pagsusulit
Esp 10 Pagsusulit
Esp 10 Pagsusulit
Seksiyon: _________________________
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot sa inyong kwaderno.
_____1. Anong isyu moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag at pag-alis ng fetus o sangul na hindi
maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. aborsiyon c. Euthanasia
b. alkoholismo d. pagpapatiwakal
_____2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. balita c. kontrobersiya
b. isyu d. opinyon
_____3. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong posisyon sa
kanila ng ibat-ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.
b. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili,
at magmahal.
c. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawi, at kilos.
d. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang
katotohanan sa kaniyang paligid.
_____4. Ito ay mga isyung tungkol sa buhay maliban sa isa
a. alkoholismo c. prostitusyon
b. aborsiyon d. pagpapatiwakal
_____5. Ang mga sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag inom ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal ng isip
b. Nagpapahina sa enerhiya
c. Nagiging sanhi ng ibat-ibang sakit
d. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa
_____6. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi ginagamitan ng medical o artipisyal na
pamamaraan.
a. induced (sapilitan) c. miscarriage (kusa)
b. hindi sinasadya d. sinasadya
_____7. Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan. Dahil dito,
naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal,
nakagagawa na siya ng mga bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw. Marami ang
nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata. Ipaliwanag ang naging
kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at kilos-loob ni Matteo at sa kaniyang
maling pagpapasiya.
a. Ang isip ay nagiging “blank spot”, nahihirapang iproseso ang ibat ibang impormasyonna
dumadaloy ditto sanhi ng maling kilos at pagpapasiya.
b. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag-abuso rito at di pag-ayon ng
kilos-loob sa pagpapasiya.
c. Ang isip at kilos-loob ay hindi nagtugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip.
d. Ang isip at kilos-loob ay humihina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito
ng kabutihan.
_____8. Tumutukoy sa pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
a. aborsiyon c. Euthanasia
b. alkoholismo d. pagpapatiwakal
Basahin at unawaing mabuti ang talata. Sagutin ang aytem walo at siyam ayon sa pagkakauunawa mo
dito.
Sa isang klase, nagbigay ng sitwasyon ang guro upang mapag-isipan ng mga mag-aaral. Ayon
sa kanya, isang barko ang nasiraan sa gitna ng karagatan at nanganagnib nang lumubog. Dahil
dito, inihanda ng mga tauhan ng barko ang mga lifeboat upang maiigtas ang mga pasahero.
Ngunit limitado lamang ang bilang nito at hindi lahat ng mga pasahero ay makagagamit nang
sabay-sabay. Nangangahulugan ito na may maiiwan aak ang kanilang kaligtasan. Nagbigay ang
guro ng maikling paglalarawan ng mga nasa loob ng barko. Kabilang dito ang mag-asaw at ang
kanilang ana, accountant, manlalaro ng basketball, guro, doctor, inhinyero, artista, mang-
aawit, pulis, sundalo, isang batang Mongoloid, matandang babae, at marami pang iba. Mula
sa nabanggit, dapat pumili ang mga mag-aaral kung sino-sino ang mga sasakay sa lifeboat at
ang mga maiiwan sa barko.
_____9. Sa pahayag na “Limitado lamang ang bilang ng mga lifeboat at hindi lahat ng mga pasahero ay
makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang
kaligtasan,” ano ang dapat na maging kaisipan ng taong may hawak ng lifeboat?
a. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.
b. Mahalaga ang kontriusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin.
c. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan.
d. Mahalaga ang edad sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng sasakyan sa lifeboat.
_____10. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa kasagraduhan
ng buhay?
a. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.
b. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtigin sa kasagraduhan ng buhay.
c. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.
d. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay.
_____11. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa
labas ng bahay-bata ng kaniyang ina.
a. Pro-life c. Miscarriage
b. Pro-choice d. Induced
_____43. Tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng
isang usaping kahiya-hiya upang ditto maibaling.
a. Officious lie c. Jocose lies
b. Pernicious lie
_____44. Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin sa buhay. Sa
bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay
naninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at pagyamanin. Ano ang
kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao?
a. Kaligayahan at karangyaan
b. Kapayapaan at kaligtasan.
c. Kaligtasan at katiwasayan
d. Katahimikan at kasiguruhan
_____45. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng
gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.
a. Intellectual piracy c. Copyright infringement
b. Theft d. Whistleblowing
_____46. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na
manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay
intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?
a. Prinsipyo ng Confidentiality
b. Prinsipyo ng Intellectuality
c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
d. Prinsipyo ng Katapatan
_____47. Matagal nang napapansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpapasa ng
proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang-ari (copyright), dahil dito, nais niya itong
kausapin upang mabigyan ng babala sa kung ano ang katapat na parusa sa paglabag dito. Tama
ba ang kaniyang gagawing desisyon?
a. Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.
b. Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase.
c. Tama, sapagkat ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha.
d. Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapuwa.
_____48. Ito ay uri ng korapsiyon, paglalayag ng mga kamag-anak na may katungkulan sa ahensya at
pamahalaan.
a. Korapsiyon c. Nepotismo
b. Kolusyon d. suhol
_____49. Ano ang tamang kahulugan ng kapangyarihan?
a. Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas
b. Ang kapangyarihan ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita, lakas, at tatag ng kalooban.
c. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan sa pagpapalakad ng isang
pinuno.
d. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa pagkaka-impluwensiya ng pinuno sa kaniyang
nasasakupan.
_____50. Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na
ang mga lihim ay nabunyag na.
a. promised secrets c. natural secrets
b. permicious lie d. officious lie