De Vera, Kyle C. Bsa3a (Modyul 6 - Ppid)
De Vera, Kyle C. Bsa3a (Modyul 6 - Ppid)
De Vera, Kyle C. Bsa3a (Modyul 6 - Ppid)
B. Panimulang Ebalwasyon
1. Katotohanan
2. Katotohanan
3. Katotohanan
4. Opinyon
5. Katotohanan
V. PAGSASANAY
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong sariling panngungusap, ipaliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik.
- Mahalaga ang pananaliksik dahil ito ay ang isa sa mga bagay na nagtutulak sa mga tao na
makatuklas ng bagong kaalaman at malinang ang iba pang kaalaman ukol sa mga partikular na
paksang sinasaliksik. Dahil dito, lalong umuunlad ang mga tao hindi lamang sa pag-iisip kundi pati
sa kanilang buhay pang-araw-araw. Isa pang kahalagahan ng pananaliksik ay ang pagsukat sa
kakayanan ng tao kung hanggang saan ba ang kanyang nalalaman at kung hanggang saan nya
kayang tumuklas ng mga bagay na hindi nito alam o kay kakaunting kaalaman lamang.
2. Ano ang pananaliksik batay sa iyong natutuhan sa aralin?
- Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Nagaganap ito sa pamamagitan ng pasusuri at
pagsisiyasat sa mga partikular na paksa. Ang pananaliksik din ay hango sa salitang “saliksik” na
ang ibig sabihin ay masusing paghahanap. Ito ay makikita sa mga taong nagsasaliksik, masuring
binabasa ang mga akda na may kinalaman at nagsasagawa ng iba’t ibang sarbey, interbyu o
eksperimento para magkaroon ng datos nagagamitin sa pananaliksik at siyang oorganisahin,
susuriin at gagawa ng konklusyon ukol sa paksa na sinaliksik na syang magpapalawak sa kaalaman
ng tao.
B. Ibigay ang hinihinging kasagutan at ipaliwanag.
1. Magbigay ng 5 katangian ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
a) Matiyaga – ang mga mananaliksik ay dapat matiyaga maghanap ng mga datos sa iba’t
ibang klase ng akda. Maaaring ito ay nalilimbag o mga sagot ng mga kinakapanayam.
b) Mapamaraan – ang mga mananaliksik dapat ay may kakayahang gumawa ng paraan kung
sakaling hindi makakalap ng isang partikular na datos sa mga nakalimbag na aralin. Maaari
silang mag sarbey o interbyu.
c) Sistematiko – ang mga mananaliksik dapat ay may sinusundang skedyul sa mga ginagawa
at mga hakbang na dapat sinusunod habang ginagawa ang pananaliksik.
d) Maingat – ang mga mananaliksik ay dapat nagbibigay lamang ng akademikong papel na
nakabatay sa pawang katotohanan lamang.
e) Matapat – ang mga mananaliksik dapat ay gumagamit lamang ng datos na talagang
kanilang nakalap at hindi binago nang aangkop sa nais nilang resulta.
2. Magbigay ng 3 tungkulin ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
a) Iwasan ang short-cut – dapat ang mananaliksik ay lubusang sinusunod ang sistemakong
proseso ng pananaliksik at hindi lumalaktaw sa mga hakbang dahil lahat ng hakbang na
ito ay mahalaga upang makabuo ng isang tapat at magaling na pananaliksik.
b) Huwag manipulahin ang datos – dapat ang mga mananaliksik ay tapat sa paggamit ng
datos. Marapat lamang na gamitin nila ang mga datos na talagang kanilang nakuha at
huwag baguhin nang aangkop sa kanilang nais.
c) Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya – dapat ang mananaliksik ay hindi
nasasaktan sa mga puna ng babasa bagkus ay magpasalamat at gamitin ang mga puna na
ito upang paunlarin lalo ang ginawang pananaliksik.
Ito ang mga napili kong pahayag dahil ito ay naglalaman ng maikling kahulugan ngunit ito naman
ay kumpleto pagbinasa at inunawa. Lubos akong naniniwala sa dalawang pahayag na ito dahil
dito parehas na pinapakita kung ano ba talaga ang pananaliksik at kung ano ang bumubuo rito.
Sinasabi rin sa mga pahayag kung gaano ka kumplikado ang pananaliksik at kung gaano kahaba
ito gawi kaya’t ito ay nagbibigay ng suwestyon na ang pananaliksik ay hindi madali at hindi dapat
gawing laro lamang.