TG Araw-03 FIL127

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan

Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Pamagat ng Aralin: Pagbibigay-kahulugan sa Panitikang Kagamitan:

Panlipunan Activity sheets

Sanggunian:
Layunin ng Aralin: http://astrodeus.blogspot.com/2008/
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay dapat nang: 06/panitikan-at-lipunan.html
1. naipapaliwanag ang kaugnayan ng panitikan at lipunan; at
https://www.slideshare.net/karenmfajardo/
2. nakasusulat ng sariling kahulugan ng panitikan. kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-
pampanitikan-katangian-ng-isang-
mahusay-na-kritiko

https://brainly.ph/question/122170

Makabuluhang Payo

Hangad ko ang matamis mong ngiti sa araw na ito. Ang ngiting magdadala sa’yo sa
maginhawa at mapayapang kaisipan sa kabila ng mga pagsubok na ating
nararanasan ngayon.

Basahin mong mabuti ang mga panuto sa bawat activity upang maging maayos ang
iyong pagsagot at sundin ang oras na nakalaan dito. Kaya mo yan!
A. Pahapyaw sa Aralin /Rebyu
Ngiti lang ! Marahil hindi na bago sa iyong kaalaman ang salitang panitikan.
1) Panimula (2 minuto) Pero alam mo ba kung paano nabuo ang salitang ito?

Sa Ang salitang PANITKAN ay nabuo sa mga sumusunod na

Magandang Araw! prosesong pagbabagong morpoponemiko: pang+titik+an –
pan+titik+an – pan+itik+an = Panitkan
Handa ka na ba?
Sa madaling salita, ang Panitikan ay may salitang-ugat na “titik”.

Tinatawag ding literatura ang panitikan. Ito ay tumutukoy sa mga

akdang katangi-tangi sa masining at malikhaing pagtatanghal ng
mga ideya at damdaming unibersal at panghabang panahon.

sesyon na ito, tatalakayin natin ang kahulugan ng panitikan mula sa iba’t

Page 1 of 7
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

ibang manunulat at dalubhasa. Sisikapin mo ring magbigay ng iyong sariling pakahulugan sa panitikan mula sa
iyong pananaw.

Sa Aktibiti 1, may inihandang tsart na kailangan mong punan. Basahing mabuti ang panuto bago mo sagutin
sapagkat ang tsart na ito ang sukatan ng iyong natutunan pagkatapos mong pag-ralan ang paksang aralin.

2) Aktibiti 1: Tsart para sa Aking Nalalaman Part 1 (3 minuto)

Panuto: Sa gawaing ito, sagutin mo muna ang unang kolum ng tsart. Sasagutin ang ikatlong kolum
kapag nakarating ka na sa Aktibiti 4.

Ano ang Aking Nalalaman Mga Tanong Ano ang Aking Natutunan
(Activity 4)

1. Ano ang panitikan?

2. Ano ang kaugnayan ng

Panitikan at Lipunan?

3. Bakit mahalagang pag-aralan

ang panitikan?

B. PANGUNAHING ARALIN
1) Aktibiti 2: Araling Pangnilalaman (13 minuto)

Narito ang konseptong aralin. Unawain at pag-aralan mo ito. Ito ang magiging
gabay mo sa mga susunod pang aktibiti. Basahin mo rin ang kahulugan ng mga
ito sa ibaba.

Ayon kay Zeus Salazar, Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino,

ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri
ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang
mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o
ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang
kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong
gumahis o kaya'y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya
Page 2 of 7
sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang
banda, maituturing ang panitikan na isang kakaibang
karanasan
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Ito ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang ating
mga sensorya tulad ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at pandama. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-
iisip at maging sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang ating nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay
nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa
at damdamin. Ang panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang
at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.

Ang lipunan ay kalipunan o grupo ng mga taong may pare-parehong interes at naiibang kultura at institusyon. Maaring
nagmula sa magkakaibang pangkat-etniko ang mga kabilang sa isang lipunan. Maari rin itong tumukoy sa partikular na
grupo ng mga tao o sa mas malawak na grupong kultural. Tumutukoy rin ito sa sistematikong grupo ng mga tao na pinag-
uugnay ng layuning makarelihiyon, kultural, pulitikal, siyentipiko, makabayan at iba pa. 
Sa agham pampulitika, ang lipunan ay karaniwang nangangahulugan ng kabuuan ng relasyong pantao, salungat sa
estado na kasangkapan ng pamumuno o pamahalaan sa loob ng isang teritoryo. Ibig sabihin, ang lipunan ang totalidad
ng mga konsepto ng mga relasyon at institusyon sa pagitan ng mga tao.

Sa agham panlipunan naman, partikular sa sosyolohiya, ginagamit ang lipunan upang ipakahulugan ang grupo ng mga
taong bumubuo sa isang sistemang sosyal, kung saan halos lahat ng interaksiyon ay sa kapwa indibidwal na kabilang sa
grupo.

Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing pagkakakilanlan. Ang ating kaugalian ay mababakas sa ating mga
kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan at sinaunang dula. Ayon sa mga
mananakop na dayuhan, ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga katitikan na nagbibigay ng kasiyahan at
nagtatampok sa kalinangan at kultura ng ating lahi. Ang mga ito ay gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat
ng punungkahoy bilang mga sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay matutulis na kahoy, bato o bakal

2) Aktibiti 3: Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti (18 minuto sa pagsagot+ 2 minuto sa pagwaswasto)

A. Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang nakasulat ng pahilis. Isulat sa patlang ang
sagot.

A. katangian C. kaalaman E. kalulwatihan

B. pangkat D. mapagtagumpayan F. imahinasyon

_____1. Maari itong gumahis o kaya'y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang
sariling bartolina ng porma at istruktura.
_____2. Ito ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga guniguning likhang-isip
lamang
_____3. Pinupukaw din nito ang ating nahihimbing na kamalayan.
_____4. Ang lipunan ay kalipunan ng mga taong may pare-parehong interes at naiibang kultura at
Page 3 of 7
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

institusyon.
_____5. Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing pagkakakilanlan.

B. Sa ibaba, makikita mo ang isang larawan. Sumulat ka ng isang saknong ng tula ukol dito. Isulat mo ang
iyong sagot sa loob ng kahon.

Sagot:

C. Panuto: Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aaral ng panitikan. Basahin at pag-aralan mong
mabuti para magkaroon ka ng giya sa mga sumusunod na aralin. Sa bilang 6, ikaw naman ang
magbibigay ng kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinohan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang malaman natin na tayo ay may dangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga
impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang lugar.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipino na mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan
ang ating panitikan.
6. ____________________________________________________________________________________

3) Aktibiti 4:Tsart para sa Aking Nalalaman part 2 (2 minuto)

Sa bahaging ito, balikan mo ang “Tsart para sa Aking Nalalaman” na sinagutan mo sa Aktibiti 1. Pero sa
pagkakataong ito, punan mo ang hinihingi ng ikatlong kolum sa tsart.

4) Aktibiti 5: Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)

A. PANUTO: Isulat sa patlang kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag.
Page 4 of 7
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

_______1. Ang panitikan ay nasusulat at di nasusulat na mga tala.

_______2. Ang mga akdang pampanitikan ay mga “nonfiction” na sulatin.
_______3. Ang panitikan ay sumasalamin sa kultura at paniniwala ng tao.
_______4. Ang panitikan ay nagbibigay ng identidad sa bawat lipunang kinalakhan.
_______5. Ang panitikan ay may tatlong kaanyuan.

B. Pangatuwiranan: Dapat bang pag-aralan sa kolehiyo ang Panitikan? Patunayan mo ang iyong
sagot.

________________________________________________________________________________

____________________________________________________________

Rubric sa pagbibigay ng puntos

Makabuluhan ang bawat Bawat pahayg ay may May kakulangan sa Hindi angkop ang
pahayag dahil sa husay sapat na detalye. detalye ang pahayag. iniligay na detalye sa
na pagpapaliwanag at pahayag.
pagtalakay tungkol sa
paksa
5 puntos 4 na puntos 3 puntos 2 puntos

C. WRAP-UP SA ARALIN

1) Aktibiti 6: Pag-iisip tungkol sa Natutunan (5 minuto)

Ngayon, markahan mo ang kinalalagyan ng iyong natutunan sa “word tracker” para mamonitor mo ang
iyong napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano pa ang mga kailangan mong gawin.

Page 5 of 7
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

1. Ano ang nararamdaman mo sa pag-aaral ng paksang aralin ngayon? Naging madali ba sayo o nahirapan ka
sa paksang aralin?
__________________________________________________________________
2. Bakit ganito ang iyong naradaman?
__________________________________________________________________
3. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?
__________________________________________________________________

FAQs
Ang mga sumusunod mga karagdagang kaalaman sa paksang aralin ngayon na maaaring makatulong pa sa
iyong pagkatuto. Basahin mo ito nang may pang-unawa.

1. Bakit panitikan ang tawag?

Sagot: Dahil ang salitang-ugat nito ay titik. Pagsasatitik ng mga kaisipan at dadamin tulad ng mga tula,
maikling kuwento at iba pa.

2. Lahat ba ng panitikan ay nasusulat?

Sagot: Hindi. Dahil ang panitikan ay maaaring nasusulat o di nasusulat na tala.

Pagwawasto ng mga Sagot.

Aktibiti 3 Aktibiti 5 ( Iwawasto ng guro ang sagot)

A. 1. D 2. F 3. C 4. B 5. A A. 1.Tama 2.Mali 3.Tama 4. Tama 5. Tama
B. Iwawasto ng guro B.Iwawasto ng guro
C. Iwawasto ng guro

Pangunahing Aktibiti ng Guro

A. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa loob ng klasrum, gagawin ang mga sumusunod:
1) Kolektahin ang natapos na SAS.
2) Maglaan ng oras para sa pagtuturo, monitoring at kulsultasyon para sa estudyante o mga
estudyante.
3) Maaari kang magbigay ng pagsusulit, demonstrasyon, graded recitation, presentasyon, performance task
sa harapang sesyon.
4) Maaari ring magbigay ng mga pampalawak na gawain na lilinang ng kolaborasyon sa bawat isa
basta isaalang-alang ang social distancing.
5) Maaari ring magpanood ng mga videos bilang suplimentaryong gawain.

Mahalagang tandaan, kapag ang estudyante ay hindi nakapasok gawa ng kalusugan at kaligtasang mga
dahilan, hindi dapat bigyan ng mababang marka ang estudyante bagkus magbigay ng alternatibong
summative tests.

Page 6 of 7
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Patnubay ng Guro Aralin #01

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

B. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa bahay, dapat gawin ang mga sumusunod:
1) Iwasto at bigyan ng iskor ang SAS at iba pang gawain ng estudyante.
2) Mag-iskedyul ng pagtawag sa anumang paraan (phone calls/virtual calls/virtual chats) sa bawat
estudyante o sa maliit ng grupo ng estudyante para i-monitor ang gawain, magbigay ng payo, sumagot
sa mga tanong at alamin ang antas ng kanilang pang-unawa sa aralin.

Page 7 of 7

You might also like