Banghay Aralin Sa Filipino 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran at Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Bisayas
Sangay ng Lungsod ng Bansa
Mataas na Paaralang Congressman Ramon A. Arnaldo
(Teknikong- Bokasyunal ng Paaralan)
Banica, Lungsod ng Roxas
Taong Panuruan- 2018-2019

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. masusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa/tema, layon, gamit ng mga salita,
F8PB-IIIg-h-32
b. natutukoy ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera, at
c. naipapahayag ang kahalagahan ng wastong kuha ng kamera.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: “Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera”
b. Sanggunian: Panitikang Pilipino 8, Pahina 178
c. Kagamitan: Powerpoint presentation, projector, manila paper, cartolina, envelop.
d. Pagpapahalagang Moral: Pagmamahal sa Pamilya
III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Panimulang Gawain
1.1 Pagdarasal
Dyesebel, pangunahan mo ang ating Panginoon, maraming salamat po. . .
panalangin.
Magandang araw po Bb. Pedrosa!
1.2 Pagbati Salamat po.
Magandang araw sa lahat!
Maupo ang lahat.

1.3 Pagtala ng liban at di liban


May lumiban ba sa araw na ito? Wala po Ma’am.

1. 4 Pagbabalik-aral
Ano ang pinagkaiba ng dokyumentaryo at Ang dokumentaryo ay tungkol sa
pelikula? katotohanan ng buhay at lipunan
samantala ang pelikula naman ay isang
1.5 Pagganyak larangan na sinasakop ang mga
Magpapakita ng mga grupo ng larawan at ang gumagalaw na larawan bilang isang anyo
mga mag-aaral ay susubukang hulaan ang pinapahiwatig ng sining na maaring kathang-isip lamang.
ng mga ito. Ang makakuha ng tamang sagot ay
makakatanggap ng puntos.

Mga sagot:

1. Luha
2. Araw
3. Karera
4. Artista
A_A_
5. Gubat
_U_A
K A A_T_S _ _6. Tubig K A L B T A
_ _LRE_B_ T D
W M H O P R K A L S T D W M H O P R
K A L _AB_ T D T M I O A R
G_ _U_ _ G
R M A O P R
K A L B K T DG L B T D
W M H O U P RM H O I R
Mga Katanungan:
 Ano ang inyong napapansin sa mga grupo ng
larawan?
 Ano ang pagkakaiba ng bawat larawan?

2. Panlinang na Gawain
2.1 Paglalahad
Ngayon upang mas maunawaan ninyo ang tungkol sa
mga anggulo ay tatalakayin natin ang
“Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera”.

Ang ating mga layunin sa araw na ito ay sa


pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. masusuri ang napanood na pelikula batay sa:


paksa/tema, layon, gamit ng mga salita,
F8PB-IIIg-h-32
b. matutukoy ang iba’t ibang uri ng anggulo at
kuha ng kamera; at
c. maipapahayag ang kahalagahan ng wastong kuha
ng kamera.

Ngayon bago tayo tumungo sa bagong aralin ay


tunghayan muna natin ang isang pelikula. Nais kong
inyong suriin ng mabuti ang pelikula dahil mamaya ay
mayroon akong mga katanungan para sa inyo.

Mga Katanungan:
 Nagustuhan niyo ba ang pelikula?
 Ano ang inyong masasabi sa pelikula?
 Ano ang inyong natutunan sa pelikula? Mga posibleng sagot:
 Napansin niyo rin ba ang iba’t-ibang anggulo sa Iba’t-iba ang pokus o anggulo ng bawat
pelikula? larawan.
 Alam niyo ba ang tawag sa mga ito?
2.2 Pagtatalakay
“Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng
Kamera”

 Ano ang masasabi niyo sa unang larawan?


Magaling!
1. EXTREME CLOSE-UP- ito ay ang pinakamataas na
lebel ng close-up shot at ang pinakapokus nito ay mula
sa isang bagay lamang mula sa close-up.

 Ano ang nasa pangalawang larawan?


Mahusay! Opo Ma’am.
 Ano ang kaibahan ng unang larawan sa Nagbibigay inspirasyon sa buhay.
pangalawa? Pagmamahal sa pamilya at pagtanaw ng
Napakahusay! utang na loob.
2. CLOSE-UP SHOT- ang pokus ay nasa isang partikular Opo.
na bagay lamang at hindi binibibigyang diin ang nasa Hindi po.
paligid.

Ang mga sagot ay maaring iba-iba:

 Ano ang inyong masasabi sa mga larawan? Nakapukos lamang sa iisang bagay.
Magaling!
3. MEDIUM SHOT – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas
o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa
mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang
taong nag-uusap. Gayundin kapag may ipakikitang isang
maaksyong detalye.

Nasa partikular na bagay ang pokus at


hindi ang paligid.
Mas malapit ang kuha ng kamera sa unang
 Ano naman ang masasabi niyo sa pang-apat na larawan kaysa sa pangalawa.
larawan?
Mahusay!
4. PANNING SHOT - ito’y isang mabilis na pagkuha ng
anggulo ng isang kamera upang masundan ang
detalyeng kinukunan.

 Ano naman ang nasa pang-apat na larawan? Ang kuha ng kamera ay mula sa beywang
Magaling! pataas.
 Saan kaya nakapuwesto ang kamera?
Tama! Mahusay!
5. LOW ANGLE SHOT- nasa bahaging ibaba ang kamera
kaya ang anggulo ay nagmumula sa ibabang bahagi
tungo sa itaas.

 Ano ang inyong masasabi sa mga larawan?


Magaling! Kinukahanan ang mga mabilis na
 Ano kaya ang pinagkaiba nito sa low angle shot sa paggalaw ng mga bagay.
mga larawan?
Mahusay!

6. HIGH ANGLE SHOT – Ang kamera ay nasa bahaging


itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa
mataas na bahagi tungo sa ilalim.

Nasa ibaba nakapwesto ang kamera.

 Ano ang nasa pang limang larawan?


Mahusay!

7. LONG SHOT - sa ibang termino ay tinatawag na scene-


setting na kinukunan mula sa malayo ang buong
senaryo.

Nasa itaas na bahagi ang kamera.


Ang low angle shot ang kamera ay nasa
ibaba samantala ang mga larawang ito ang
kamera ay nasa itaas.

 Ano naman ang nasa pang huling larawan?


Tama! Magaling!
8. BIRD’S EYE VIEW- ito ay maari ring maging aerial
shot na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi
at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.

Ating balikan ang pelikula kanina, pwede ba kayo


makapagbigay ng senaryo doon na may iba’t-ibang
anggulo?

Mga Karagdagang Katanungan:


 Bakit mahalagang pag-aralan natin ang wastong
pagkuha ng mga anggulo? Malayo ang pagkakuha ng mga larawan.
Mahusay!
 Mayroon ba kayong mga katanungan?
 Naiintindihan niyo na ba?
Napakataas ang kamera na kuha ang
buong lugar.

Ang mga mag-aaral ay iisa-isahin ang mga


senaryo na nagpapakita ng mga iba’t-
ibang anggulo.

Mahalaga na isa-alang-alang ang bawat


kuha at anggulo ng kamera sapagkat lalo
nitong pinagaganda ang screenplay ng
isang obra maestra. Malaki rin ang
bahaging ginagampanan nito sa emosyon,
lalim at kakintalan, at ang magiging
implikasyon ng isang dokumentaryo sa
mga manonood nito.
Wala na po.
Opo.
3. Pangwakas na Gawain
3.1 Paglalapat
Magkakaroon ng pangkatang gawain. Ang klase ay Ang mga mag-aaral ay magtutulungang
hahatiin sa tatlong pangkat. Ang bawat grupo ay gawin ang kanilang gawain.
bibigyan ng iba’t-ibang gawain. Ang unang pangkat ay
bubuo ng mga larawan at tutukuyin nila kung anong
anggulo ang pinapakita. Ang pangalawang grupo ay
kukuha ng mga litrato ayon sa anggulo na ibibigay ng
guro. Ang pangatlong grupo ay bibigyan ng mga larawan
at kanilang ipapaliwanag kung bakit ganoong anggulo
ang ginamit sa larawan. Bibigyan ng limang minuto ang
mga mag-aaral para gumawa. Pagkatapos ay iuulat ito sa
unahan.

3.2 Paglalahat
1. Ano-ano ang mga uri ng anggulo ng kamera? Ang mga uri ng anggulo ay extreme close-
2. Ano ang mga pagkakaiba ng bawat isa? up shot, close-up, medium shot, low-angle
3. Paano masusuri ang isang pelikula? shot, high-angle shot, panning shot, long
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang wastong pagkuha shot, bird’s – eye view shot.
ng anggulo?
Ang pagkakaiba ng bawat isa ay . . .

Masusuri ng mabuti ang isang pelikula sa


pamamagitan ng panonood na mabuti at
pagbibigay ng atensyon sa bawat detalye
ng pelikula.

Mahalaga na isa-alang-alang ang bawat


kuha at anggulo ng kamera sapagkat lalo
nitong pinagaganda ang screenplay ng
isang obra maestra. Malaki rin ang
bahaging ginagampanan nito sa emosyon,
lalim at kakintalan, at ang magiging
implikasyon ng isang dokumentaryo sa
mga manonood nito.

IV. Pagtataya
Tukuyin kung anong uri ng anggulo ang ipinapakita ng bawat larawan.

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10
..
V. Takdang-aralin
Gamit ang inyong kamera ay subukang kumuha ng mga larawan na nasa iba’t-ibang anggulo.

BB. JHONA D. PEDROSA


Tagapakitang Guro

You might also like