Final Demo LP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 8

Inihanda ni: Rigen G. Amaro


Nobyembre 28, 2019

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng


panitikang
popular sa kulturang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
Kamalayan sa pamamagitan ng multimedia.
Panitikan: Popular na babasahin (pahayagan, komiks, magasin, kontemporaryong dagli),
komentaryong
Panradyo, dokumentaryong pantelebisyon, pelikula.

I. Layunin
Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral sa ikalawang
baiting ng Diamond ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na may 75%
antas ng kakayahan;

 nasusuri ang larawan batay sa uri ng anggulo at kuha ng kamera, (F8PB-


IIIg-h-32)
a. nakakikilala ng uri ng anggulo at kuha ng kamera,
b. nailalahad ang ipinahihiwatig ng bawat anggulo at kuha ng kamera,
c. nagagamit ang kakayahan sa pangkatang gawain na may kaugnay sa paksa.

II. Paksang Aralin: Mga karaniwang Uri ng Anngulo at Kuha ng Kamera.


Sanggunian: Modyul sa Filipino 8
Kagamitan: PPT Presentation, Telebisyon, Kagamitang Biswal

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pangunahing Gawain
1. Panalangin

“ Rivera, pangunahan mo ang panalangin.” - (“amen”)

2. Pagbati

“ Magandang hapon sa lahat.” - (“Magandang


hapon po
ma’am Rigen.”)
“Bago umupo, pulutin ang mga basura sa paligid at ayusin ang
upuan.”

3. Pagtala ng mga Lumiban

“May lumiban ba ngayon hapong ito?” - (“wala po


ma’am.”)
“Mabuti naman.”

4. Pagbabalik-Aral

“ Bago tayo magsimula sa bagong aralin, sino ang


makakapagsabi sa naging talakayan kahapon?” - (“Ang natalakay
po natin
kahapon ay
tungkol sa
element ng
pelikula”
“Tama!”

“Naaalala nyo pa ba kung ano ang mga ito?” - (“Ang elemento


ng pelikula po
ay ang sequence
iskrip,
sinematograpiya
, tunog ng
musika.”)

“Magaling!, mabuti naman at may naututunan kayo sa


talakayan kahapon.”

B. Pagganyak

“Ngayon, bago tayo magsimula. Maglalaro muna tayo. - (“opo ma’am”)


Gusto nyo ba iyon?”

“Isa itong pangkatang gawain. Ang inyong gagawin ay


bubuo kayo ng isang puzzle ngunit bago nyo ito mabuo ay sa
bawat piraso ng puzzle na inyong bubuin ay mayroon
kayong sasagutin na math problems. Ang unang grupong
makatapos ay syang mananalo.”
“naiintindihan ba?” - (“opo ma’am”)

“okey,magsimula na.”

Group 1:

(5x0+3)=0
(8x2+1)=0
(9+2x1)=0
(6x3+5)=0

Group 2:

5+5 =0
1

4+4 =0
2

10+8 =0
3

8+4 =0
6
Group 3:

(2)1 = 0
(3)3 =0
(4)2 = 0
(5)5 = 0

Group 4:

1,861-1750=0
1081-1043=0
3141-3111=0
4561-4548=0

“Nagustuhan nyo ba ating ginawang laro?” - (“opo ma’am”)

“mabuti naman, ngayon may kaugnayan ang ating laro sa ating - (“sa tingin ko
aralin. Base sa mga larawan na inyong binuo, may ideya ba kayo po ma’am, ito
kung ano ang ating aralin?” ay tungkol sa
kuha ng
kamera”)
“Tama! Ito ay tungkol sa kuha ng kamera.”
C. Paglalahad

“ Ang ating bagong aralin ay tungkol sa uri ng anggulo at


kuha ng kamera.”

“Pamilyar ba kayo sa ibat’ibang anggulo na kuha ng - (“hindi po


kamera?” ma’am.”)

“Okey, ngayon hapon na ito ating aalamin ang mga uri ng


anggulo at kuha ng kamera, handa na ba kayo?” - (“opo ma’am!”)

D. Pagtatalakay

“ Narito ang ibat-ibang uri ng anggulo at kuha ng Kamera, - (“close-up shot,


ano-ano nga ang mga ito? high angle shot,
medium shot,
establishing/lon
g shot at
extreme close-
up shot po
ma’am.”)

“Okey, ngayon magsimula tayo sa establishing/ long shot, - (“Sa ibang


basahin mo nga Bangguis?” termino ay
tinatawag na
“scene-setting.
Mula sa malayo
ay kinukunan
ang buong
senaryo o lugar
upang bigyan ng
ideya ang
manonood sa
magiging takbo
ng buong
pelikula o
dokumentaryo.”
)

“okey, ayon sa binasa ni Bangguis, ano ang ibig sabihin ng


establishing long shot?”

- (“ibig sabihin
po na ang
establishing/
long shot ay
kuha ng kamera
mula sa malayo
upang makita
“Tama!, narito ang halimbawa ng establishing/long shot.” ang buong
senaryo.”)

“Dumako naman tayo sa Medium Shot, basahin ninyong sabay-


sabay ang kahulugan.”

- (“Isa itong kuha


“okey, maraming salamat, ngayon kalian ba ninyo makikita ang ng kamera mula
isang medium shot sa isang pelikula?” tuhod paitaas o
mula baywang
paitaas.”)

“Cissi” - (“kapag nag-


uusap po ang
dalawang tao
ma’am.”)

“Tama!, karaniwang ginagamit ang Medium Shot tuwing may


diyalogo o may nag-uusap at kapag may isang maasksyong
detalye.”

“Narito ang halimbawa”


“Ang susunod ay ang Close-up Shot, mga lalake pwede bang - “(Ang pokus
basahin?” nito ay nasa
isang partikular
nan a bagay
lamang, hindi
binibigyang-diin
ang nasa
paligid.”)

“Maraming salamat!”
“Ang halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresyon ng mukha
o sulat ng isang kamay. Tulad nito class.”

“Naintindihan ba ang close-up shot class?” - (“Opo ma’am”)

“Okey, ngayon pumunta naman tayo sa Extreme-close up.”

“Ano sa tingin nyo ang ibig sabihin ng extreme-close up?” - (“sa tingin ko
po ma’am ay
ang pokus
lamang nito ay
isang pinka
pokus na
detalye ng
larawan po.”)

“Tama! Magaling!

“Pansinin ninyong mabuti ang halimbawang aking ipapakita.”


“Ang pang-huli uri ng anggulo at kuha ng kamera ay ang High - (“Ang kamera
Angle Shot., basahin ang kahulugan mga babae.” ay nasa
bahaging itaas,
kaya ang
anggulo o pokus
ay nagmumula
sa mataas na
bahagi tungo sa
ilalim.”)

“Maraming salamat, pansinin nyo ang halimbawa aking


ipapakita.”

“Mapapansin nnyong nasa itaas ang kamera hindi ba? - (“opo ma’am”)

“okey, karaniwang ginagamit ito kapag may tinitingnan ang


isang tao sa itaas.”
“Naiintindihan ba?” - (“opo ma’am”)

“May katanungan pa ba?” - (“wala na po


ma’am”)

“Magaling!”
“Ngayon may gagawin tayong isang pangkatang gawain, gusto - (“opo ma’am”)
nyo ba yon?”

“Mabuti naman kung ganoon.”

E. Paglalapat

“Ipapangkat ko kayo ng apat, bawat pangkat ay may iba’t-


ibang gagawin.”

“Sa unang pangkat, ang inyong gagawin ay bibigyan ko


kayo ng limang larawan at bawat larawan ay ibibigay ninyo
kung ano ang uri ng anggulo at kuha ng kamera pagkatapos
ay ibibgay ninyo kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat
larawan.”

“Sa pangalawang pangkat, ang inyong gagawin ay mag-


guguhit kayo ng limang larawan at ibibigay kung ano ang uri
ng angggulo at kuha ng kamera.”

“Sa pangatlong grupo ay gagawa ng kanta ng tungkol sa uri


ng anggulo at kuha ng kamera.”

“Sa pang-apat na grupo ay ibibigay ang kahalagahan sa


totoong buhay ng bawat uri ng anggulo at kuha ng kamera.”

“Naiintindihan ba ng bawat pangkat?” - (“opo ma’am.”)

“Okey, ngunit bago tayo mag-simula, basahin nyo muna ang


pamantayan para sa pangkatang gawain.”
Pamantayan 5 3 2
Kalinisan Malinis at May Madumi ang
Sa maganda ang kaunting pagkasulat.
pagsulat pagkasulat. bura ang
pagkasulat.
Nilalaman o Tama at may Kulang pa Walang
mensahe na mensahe na ng mga makabuluhan
ipinahihiwati nais suportang g
g ipahiwatig. detalye. mensahe
Nagtutulong- Ang ibang Napaka-ingay
tulungan at myembro ay at ang mga
hindi hindi myembro ay
maingay ang tumutulong hindi
bawat grupo. sa gawain. nagkakaisa sa
gawain.
Maganda at Kulang ng Walang
pinaghandaa buhay ang buhay at hindi
Presentasyon n ang presentasyon handa sa
presentasyon . presentasyon.
.

“Nasiyahan ba kayo sa inyong pangkatang gawain?” - (“opo ma’am”)

“Dahil nagawa nyo nang mahusay ang gawain, palakpakan nnyo - (YEHEYY!!)
ang inyong mga sarili.”

F. Paglalahat

“Base sa inyong ginawang pangkatang gawain, ano ang inyong - (“naintindihan


naiintindihan sa ating aralin ngayon?” ko po ang ibat-
ibang uri ng
anggulo at kuha
ng kamera.”)
“Magaling!, ano naman ang ibat-ibang uri ng anggulo at kuha ng
kamera?” - (“Ang uri ng
anggulo at
kamera ay ang
establishing/lon
g shot, medium
shot, close up
shot, extreme-
close up shot at
high angle
shot.”)
“Tama! Ngayon ano ang kahalagahan nito sa totoong buhay?” - (“Mahalaga po
ito dahil sa
pamamagitan po
nito ay
nabibigay kung
ano ang
ipinahihiwatig
ng isang
larawan po
“Magaling, talagang may natutunan kayo.” ma’am.)

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang diin ang
nasa paligid.
a. Close up shot b. extreme-close up shot c. high angle shot
2. Ano ang tawag ng anggulo at kuha ng kamera kapag ang kamera ay nasa itaas na
bahagi?
a. High angle shot b. establishing long shot c. medium shot
3. Ito ay kuha ng kamera kapag ang dalawang tao ay nag-uusap o kung may
maaksyong detalye.
a. Close-up shot b. extreme-close up shot c. medium shot
4. Ito rin ay tinatawag na “scene setting”.
a. Medium shot b. establishing/long shot c. high angle shot
5. Kapag ang kamera ay pinakapokus ang isang detalye lamang halimbawa, ang
pokus ng kamera ay nasa mata lamang.
a. Close-up shot b. medium shot c. extreme-close up
shot

V. Takdang Aralin
Panuto: Gamit ang inyong cellphone o digital camera. Kumuha ng larawan ng ibat-
ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera at ilagay sa bond paper.

You might also like