Filipino 1Q

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Region III- Central Luzon


Schools Division of Tarlac
District of Santa Ignacia
BOTBOTONES ELEMENTARY SCHOOL
Botbotones, Santa Ignacia, Tarlac

UNANG MARKAHAN

Filipino 4

PANGALAN: ___________________________________________
BAITANG AT SEKSYON:___________________________________
PETSA:  __________________________

I. Gamitin ang mga pangngalang nasa loob ng kahon upang mabuo ang talata. 
Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. 

Mga Katulong Sa Pamayanan 


 
  “Paano tayo natutulungan ng mga katulong sa pamayanan?”tanong ni

Melissa sa kanyang kaklase. “Tinutustusan tayo ng mga isda, kabibe, at hipon,

ng mga 

1.__________________,” sagot ni Lita. “Tinutustusan tayo ng 


2._________________, mais, at gulay ng mga magsasaka ”, wika ni Merla.

“Inihahatid tayo ng drayber sa mga lugar na gusto nating puntahan tulad ng

palengke at 3.____________ at nangangalaga naman ng katahimikan at

kaayusan ang mga 4.____________, ” sabad ni Francis “Ang ating mga doktor

naman ang siyang nag- aalaga sa ating kalusugan at nagbibigay ng tamang 

5._______________,”sagot ni James. “ Ang mga beterinaryo naman ay


tumutulong upang mapangalagaan naman ang ating mga alagang hayop tulad
ng aso,kalabaw at 6. ___________________,” sambit naman ni Flor. “Kami bang
mga 7______________________ ay katulong din  sa pamayanan?,” tanong ni Bb.
Roldan sa mga 8.____________________________.”Öpo. Tinuturuan po ninyo
kami,”sagot nila. 
Para sa aytem 9-10. Gamitan ng tamang pangngalan ang bawat patlang upang
mabuo ang pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa sagutang papel. 

                                A. magpuputo        B. magbababoy     

                                 C.mangangaso       D.maggugulay  

9. Sila ay_______  gumagawa ng  masarap at malambot na puto na kinakain


natin.                
10. Ako ay________  nagbebenta ng mga gulay na binibili ninyo. 

II. Ibigay ang tinutukoy na salita ng may salangguhit sa bawat pangungusap


na nararapat ilagay sa patlang.Piliin ang inyong sagot sa pagpipilian. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.   
 
1. Sumulat si Annie ng isang salaysay ng buhay   ng kanyang yumaong ama. 
A. awit C. tala 
B. kuwento D. talambuhay  
2. Si Jessa ay isang  tao na mahilig makipagtalo   sa ibang   bata. 
A. mabait  C. masayahin 
B. maingay D. pilosopo 
3. Nakahanda na ang puting tela para sa ipapalabas na pelikula sa plasa. 
A. kurtina  C. telibisyon 
B. pader  D. telon  
4. Mula sa bahagi ng bahay o gusali na nasa bungad o harapan ng
munisipyo, tanaw ang buong bayan ng San Felipe. 
A. balkonahe C. pintuan  
B. gusali  D. teleskopyo 
5. Ang aming mayor ay isang taong matalino, matalas, at mahusay sa
pakikipag unawaan. 
A. diplomatiko  C. matalino  
B. mahusay D. politiko  
6. Ito ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw na
karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar sa aming bayan,
madaling-araw pa lamang ay umiikot na ang banda ng musiko para
salubungin ang magandang araw ng pagdiriwang.  
  A. Kaarawan  C. Pasko 
B. Mahal na araw  D. Piyesta  
7. Marami ang dayuhan ; Hindi mamamayan ng bansa nagnanais
makapamasyal sa ating bansa.  
A. Banyaga               C. Pilipino 
B. OFW (overseas Filipino worker)        D. Tagalog 
8. Naging maunlad ang aming ito ay ang pinakamaliit na yunit ng
pamahalaan dahil sa masinop na pamamahala ng aming Barangay
Chairman.  
A. bansa C. lungsod 
B. barangay  D. mundo 
9. Kay gandang pagmasdan ang sabay-sabay na paglakad ng mga kadete. 
  A. pag-awit  C. pagmartsa 
B. pagguhit  D. pagtakbo 
10. Nasira ang maraming bahay dahil sa pagutok ng isang bundok na
may bukana na paibaba sa isang imbakan ng tunaw na bato sa iallim ng
balat ng lupa. 
  A. bulkan C. karagatan 
B. bulubundukin  D. sapa 
  

III. Basahin ang mga tanong at sagutin. Piliin ang titik ng tamang sagot mula
sa pagpipilian at isulat sa sagutang  papel. 

1. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang     tumutukoy sa


mga  gumaganap  sa kuwento? 
A. panimula       C. tauhan   
B. tagpuan           D. wakas 
2. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento  ang      tumutukoy
kung  saan ito naganap ? 
A. panimula C. tauhan   
B. tagpuan      D. wakas    
3. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa     
kuwento? 
A. banghay  C. tagpuan   
B. simula  D. wakas   
4. Alin sa mga sumusunod ang elemento  ng kuwento? 
A. tauhan, tagpuan, banghay   
B. tauhan, elemento, kuwento             
C. pangyayari, akda, pamagat 
D. tagpuan,naganap, kuwento 
5. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng banghay ng kuwento?           
A. simula,saglit na kasiglaan, kasukdulan, kakalasan at wakas 
B. simula, banghay, tagpuan, wakas, elemento 
C. pamagat, tauhan, banghay, wakas, tagpuan 
D. tauhan, tagpuan, pamagat, banghay  

6. Ano ang tawag sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa    


kuwento?            
A. saglit na kasiglaan    C. panimula  
B. kasukdulan      D. wakas 
7. Kung ang panimula ay nagsasabi kung saan at paano nagsimula  ang
kuwento, ano naman ang wakas? 
A. Ito ay bahagi ng kuwento kung saan unti-unti nang naaayos
ang problema. 
B. Ito ay nagsasabi  kung paano nagwakas o natapos ang
kuwento. 
C. Ito ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. 
D. Dito nangyayari ang problema sa kuwento. 
 
   Para sa aytem 8-10. Basahin ang mga halimbawa ng mga elemento ng
kuwento sa loob ng kahon, Pagkatapos, ibigay ang hinihinging sagot sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 
 
 
A. Kamila, Jose, Agos, mag- asawang magsasaka 
B. Sa isang malawak na lupain,Sa tabing ilog, Sa ilalim ng dagat 
C. Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan man sila magkita.
Patuloy na nilalagay sa puso ni Kambing ang nagawang tulong sa kanya
ni Kalabaw. 
D. Noong unang panahon may isang batang napakabait na lumaki lamang
sa Lolo at Lola. Ang kanyang pangalan ay si Ronie, anim na taong
gulang. 
 
       ______  8. Ito ang mga halimbawa ng mga tauhan sa kuwento. 
      _______ 9.  Ito ay maituturing na wakas ng kuwento. 
      _______10. Masasabi itong panimula ng kuwento. 

You might also like