Araling Panlipunan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 5
Ang mga Katutubong Pilipinong
Lumaban Upang Mapanatili ang
Kanilang Kasarinlan

AIRs - LM
Araling Panlipunan 5
Ikatlong Markahan - Modyul 5: Ang mga Katutubong Pilipinong Lumaban
Upang Mapanatili ang Kanilang Kasarinlan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Erwin E. Nimes


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Mario P. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin

Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo at iba pang patakaran


upang masakop ang Pilipinas. Subalit hindi lahat ng pangkat etniko ay
napagtagumpayan nilang sakupin. Dahil sa heograpikal na katangian ng
Pilipinas at katapangang ipinamalas ng ilang pangkat etniko, hindi sila
nasakop ng mga Espanyol sa kabila ng maigting na pagtatangka ng mga ito
na sakupin sila. Pangunahin dito ang mga Igorot sa Cordillera at ang mga
Muslim sa Mindanao. Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga dahilan ng
paglunsad ng pakikidigma ng mga Espanyol sa mga Igorot at mga Muslim, at
kung bakit hindi sila napagtagumpayang sakupin.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Nasusuri ang naging tugon ng mga katutubong pangkat sa


armadong pakikibakang inilunsad ng mga Espanyol laban sa kanila.

1
Simulan

Bago ka magsimula sa bagong aralin, subukan


mo munang sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

Panimulang Pagsusulit
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat tanong.

_____1. Bakit napasailalim sa pananakop ng mga Espanyol ang mga


Pilipino noon?

A. Gumamit ng dahas ang mga Espanyol.


B. Marami sa mga Pilipino ay Muslim.
C. Walang sariling relihiyon ang mga Pilipino noon.
D. Dati nang mga Kristiyano ang mga Pilipino noon.

_____2. Bakit hindi naimpluwensiyahan na maging Kristiyano ang ilang


pangkat ng mga Pilipino?

A. Sila ay mga pagano


B. Sila ay mga dating datu at sultan
C. Sila ay nanlaban at hindi maabot ang lugar.
D. Sila ay nanirahan sa mga lungsod at may armas

_____3. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?

A. Malawak ang lugar na ito.


B. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol.

_____4. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng Kalayaan ang


mga Muslim?

A. Masunurin ang mga ito.


B. Mayayaman ang mga ito.
C. Hindi nila inabot ang lugar nito.
D. Hindi nila masupil ang mga ito.

2
_____5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban
sa mga Espanyol?

A. Wala silang pinuno.


B. Wala silang pagkakaisa.
C. Wala silang sapat na dahilan.
D. Wala silang anumang armas.

_____6. Sinalakay at pansamantalang inokupa ng mga kolonyalistang


Espanyol ang Lanao at Sulu noong 1637. Lalo nitong pinasidhi
ang paglaban ng mga katutubong Muslim sa Mindanao.
Naglunsad si Muhammad Dipatuan Kudarat ng digmaan sa mga
Espanyol noong 1656. Ano ang tawag sa digmaang ito na
inilunsad ni Muhammad?

A. banal na kautusan
B. jihad
C. pakikidigma
D. pag-aalsa

_____7. Ano ang tunay na hangad ng mga Espanyol kung bakit gusto nilang
sakupin ang mga katutubo sa Cordillera?

A. Gusto nilang pabagsakin ang pwersa ng mga katutubo


dahil nakakasagabal sila sa ginagawang pagsakop ng mga
Espanyol sa bansa
B. Makakatulong ang mga katutubo na gumawa ng mga
armas para sa mga Espanyol
C. Nais ng mga Espanyol na kunin ang mga lupain ng mga
katutubo upang pagtaniman ng palay
D. Ipalaganap ang Kristiyanismo at hanapin ang mga ginto
sa Cordillera

_____8. Noong 1571 sinimulang sakupin ng mga dayuhan ang Mindanao,


dito na nagsimula ang digmaan. Ano ang tawag sa labanang ito ng
mga Muslim at Espanyol?

A. Labanan ng mga katutubong Muslim


B. Sagupaan ng mga Espanyol at Pilipino
C. Digmaang Moro
D. Pakikipaglaban para sa kalayaan

3
_____9. Paano nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga Espanyol na
sumalakay sa Mindanao?

A. Hindi agad sumuko ang mga Muslim, nilabanan nila ang


pwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa Mindanao
B. Umatras sila dahil hindi nila kaya ang mga sundalong
Espanyol
C. Unti-unti nilang sinalakay ang kampo ng mga Espanyol
D. Sinalakay ng mga Muslim ang imbakan ng armas ng mga
Esapanyol para gamitin sa pakikipaglaban.

____10. Paano napagtagumpayan ng mga katutubong Pilipino sa Cordillera


na maiwasan ang hangarin ng mga Espanyol na sila ay magapi at
masakop?

A. Binigyan nila ng ginto ang mga mananakop upang hindi


na sila sakupin at binyagan upang maging Kristiyano
B. Biglaang pagsugod sa mga kuta ng mga Espanyol,
kunwa-kunwariang pakikipagkaibigan, hindi tunay na
pagtanggap sa Kristiyanismo at nagpakalayo sa mga
kabundukan.
C. Nagbayad sila ng buwis na sinisingil ng mga
dayuhan at naging masunurin sila upang hindi na sila
sakupin pa ng mga Espanyol
D. Isinuko ang kanilang kalayaan at ipinagpalit ang
kanilang kinagisnang pananampalataya at kultura sa
mga Espanyol para hindi sila pagmalupitan ng mga
dayuhan.

4
Lakbayin

Noong 1578 ay ipinadala ni Gobernador-Heneral Francisco Sande ang


kauna-unahang ekspedisyon sa Mindanao. Ang ekspedisyon ay
pinangunahan ni Kapitan Esteban Rodriguez de Figueroa kasama ang mga
kawal na Espanyol at mga Kristiyanong Pilipino. Una nilang sinalakay ang
pulo ng Jolo sa Sulu. Sa labanan, natalo ang mga Muslim sa Jolo subalit
hindi sila nasakop. Sa pangyayaring ito nag-alab sa puso ng mga Muslim ang
matinding galit kaya sa pangunguna ni Sultan Panguian ay nagpahayag siya
ng jihad o pakikidigma laban sa mga Espanyol.

Nabigo rin ang mga Espanyol na maitatag ang kapangyarihan ng Espanya


sa mga bulubunduking rehiyon sa Luzon. Ilan sa mga ito ay ang mga
pangkat-etnikong naninirahan sa bulubundukin ng Cordillera. Dahil
masyadong liblib at masukal ang mga kabundukang pinaninirahan ng mga
Igorot at iba pang grupo ay hindi ito nagawang pasukin o puntahan ng mga
Espanyol. Kaya naman, hindi rin napalaganap dito ang relihiyong
Kristiyanismo. Nagawang panatilihin ng mga Katutubo ang kanilang mga
natatanging kultura at pagpapahalaga sa kabila ng mahabang panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sa bansa.

Ang kabundukan ng Cordillera ay isang malawak na bulubundukin sa


gitnang hilaga ng pulo ng Luzon, sa Pilipinas. Matatagpuan dito ang mga
lalawigan ng Benguet, Abra, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ifugao, at
ang Lungsod ng Baguio na nasa Lalawigan ng Benguet. Noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol, ang buong kabundukan ay tinatawag na Nueva
Provincia (Bagong Lalawigan).

Dahil sa pisikal at kondisyong pangheograpiya ng Pilipinas bilang isang


bansang kapuluan, nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop ang mga
naninirahan malapit sa dalampasigan ng Luzon at Visayas. Isa pa sa mga
naging dahilan ng kahinaan ng mga Pilipino laban sa paglaganap ng
kolonisasyon ay ang kakulangan ng pagkaunawa ng mga katutubo sa tunay
na motibo ng pagdating ng mga dayuhan sa bansa. Nagkaroon ng epektibong
control ang mga Espanyol sa mga lugar kung saan nanirahan ang
nakakaraming tao. Samantala, nanatiling Malaya ang mga tao sa rural o sa
mga mabundok na rehiyon sa Luzon at Mindanao hanggang sa kalagitnaan

5
ng ikalabingwalong siglo. Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng di
pagtanggap ng mga katutubong pangkat sa mga Espanyol ay ang pagtutol
nila sa bagong relihiyon, hindi paggalang ng mga pinunong Espanyol sa diwa
ng pakikipagsanduguan sa mga katutubong pinuno, pangangamkam ng lupa
ng mga katutubo, at di makatarungang pagbubuwis at pagpapatrabaho.

Gumamit ng armadong puwersa ang mga Espanyol para supilin ang mga
Pilipino. Itinayo nila ang hukbong kolonyal sa bansa. Pinalakas ito sa
pamamagitan ng sapilitang pagkalap ng mga katutubo upang gawing
sundalo. Ginamit ang hukbong ito para labanan ang pagtutol at paglaban ng
mamamayan. Malupit na sinalakay ng hukbong kolonyal ang mga
magsasakang nag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Ginamit ang
hukbong ito sa paulit-ulit na pagsalakay sa mga Moro sa Mindanao at sa mga
Katutubo sa bulubunduking Cordillera. Gayunpaman, ilan sa mga
katutubong pangkat sa bansa ang nanindigang hindi mapasailalim sa kamay
ng mga dayuhan.

Nang dumating si Magellan noong 1521, ang mga sultanato ng Sulu at


Maguindanao ay nagpapalaganap na ng kanilang impluwensiya sa ibang mga
katutubo. Sa panahon ni Legazpi, ang malakas na pagtutol sa kanya ay
nanggaling sa Maynila kung saan ang namumuno ay isang prinsipeng
Muslim, si Rajah Soliman. Noong 1578, matapos masakop ang sultanato ng
Borneo ay ipinadala ni Gobernador-Heneral Sande si Kapitan Esteban
Rodriguez de Figueroa para masakop ang mga isla ng Sulu at Maguindanao.
Ito ang naging hudyat ng simula ng pananakop sa Mindanao. Ang
ekspedisyon de Figueroa ay nagtagumpay na maipasailalim ang Sulu sa
Espanya at ipinagkasundo na magbayad ng tributo sa Espanya. Subalit,
nabigo siyang masakop ang Maguindanao dahil nagkulang siya sa probisyon
at hindi nakapasok sa Rio Grande de Mindanao. Nagpatuloy ang mga taga-
Maguindanao at Jolo sa paglaban sa kolonisasyon.

Sa kasagsagan ng Digmaang Moro laban sa pananakop ng mga Espanyol


noong ikalabimpitong siglo, si Sultan Kudarat, pinuno ng Maguindanao ay
nakipaglaban para sa kalayaan. Sa kanyang pamumuno, nagkaisa ang mga
naninirahan sa Lanao, Cotabato, Basilan, Davao, at Zamboanga sa pagtutol
na palaganapin ang Kristiyanismo sa kanilang lugar. Ang kampanya ng mga
Espanyol laban sa kanila ay nagbunga ng kanilang pagkakasunduan at
pagkakaisa kasabay nito ang pagdeklara ng jihad o “holy war” laban sa mga
mananakop at mga Kristiyanong katutubo. Isa sa mga pangunahing

6
kinahantungan nito ay ang madalas na mga paglusob na isinagawa ng mga
Moro sa mga Kristiyanong bahagi ng Visayas.

Noong 1596, namuno si Magalat sa isang pag-aalsa dahil sa pagpapataw


ng mataas na buwis at pang-aabuso ng mga encomendero sa Cagayan. Ang
iba’t ibang datu o pinuno ng Tuguegarao ay sumali sa rebelyong ito. Tumagal
nang walong buwan bago ito nasugpo.

Tinangka ng mga Espanyol na sakupin ang Bulubunduking Cordillera at


kontrolin ang mga minahan dito, ngunit dahil sa matatarik na daanan at sa
paglaban ng mga Igorot, hindi nila ito nagawa.

Isa pang kilos na ginawa ng mga katutubong pangkat bilang reaksiyon sa


armadong pananakop ay ang pagtakas sa pamamagitan ng pagpunta sa
matataas na lugar upang maiwasan ang impluwensya ng mga Espanyol. Mas
pinili nilang manirahan sa labas ng lipunang kolonyal upang makaiwas sa
pang-aalipin at di makataong patakaran ng mga Espanyol. Tinawag sila ng
mga Espanyol na taong labas o tulisan. Sa pagdaan ng panahon, lumaki ang
bilang ng mga taong nanirahan sa mga bundok kung saan hindi sila
napasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol. Napanatili nila ang kanilang
kultura. Sa kasalukuyan ang karamihan sa kanila ay kabilang sa tinatawag
na cultural minority.

7
Galugarin

Napag-aralan mo na ang mga katutubong Pilipinong lumaban


upang mapanatili ang kanilang kasarinlan, kaya’t handa ka
na para pagyamanin ang kaalamang ito. Sagutin ang mga
sumusunod na gawain.

Gawain 1:

Panuto: Tukuyin ang posibleng bunga o epekto ng sumusunod na mga


pangyayaring makikita sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

A B.
_____1. Naging abusado at
mapagsamantala ang mga a. Nabigong sakupin ng mga
encomendero sa Cagayan. Espanyol ang Maguindanao.
_____2. Nagkulang sa probisyon at di b. Nag-alsa si Magalat kasama
napasok ng grupo ni Figueroa ang iba pang mga datu ng
ang Rio Grande ng Mindanao. Tuguegarao.
_____3. Nakipaglaban ang mga Igorot c. Nabuo ang mga cultural
sa mga Espanyol at hindi agad minorities kung saan ang
mapasok ang kanilang lugar kanilang kultura ay
dahil sa matatarik na daan kanilang napanatili.
nito. d. Nabigong sakupin at kontrolin
_____4. Lumaki ang bilang ng mga ng mga Espanyol ang
katutubong nanirahan sa mga kabundukan Cordillera.
bundok dahil sa kanilang e. Ang mga Muslim sa Mindanao
ginawang pagtakas sa mga ay hindi nasakop ng mga
Espanyol. Espanyol.
_____5. Nagkaisa at buong tapang na
nilabanan ng mga Muslim sa
Mindanao ang mga Espanyol.

8
Gawain 2:

Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang letra ng


tamang sagot.

A. B.
_____1. Ang nagpadala ng kauna- a. cultural minority
unahang ekspedisyon sa b. Gobernador-Heneral
Mindanao Francisco de Sande
_____2. Taguri sa banal na digmaan c. Islam
ng mga Muslim d. jihad
_____3. Tawag sa Kabundukan ng Cordillera e. Kabundukan ng
na nangangahulugang Bagong Cordillera
Lalawigan. f. Kapitan Esteban
_____4. Siya ang ipinadala ng Espanyol para Rodriguez de Figueroa
sakupin ang mga isla ng Sulu at g. Magalat
Maguindanao. h. Nueva Provincia
_____5. Sultan ng Maguindanao na i. Rajah Soliman
matapang na nakipaglaban sa mga j. Sultan Kudarat
Espanyol.
_____6. Nanguna sa pag-aalsa laban sa
pang-aabuso ng mga encomendero
sa Cagayan.
_____7. Ito ang tawag sa relihiyon ng mga
Muslim.
_____8. Taguri sa mga katutubong
naninirahan sa mga kabundukan na
nananatiling nagpapahalaga sa
kanilang paniniwala at tradisyon.
_____9. Malawak na bulubundukin sa
gitnang hilaga ng pulo ng Luzon.
____10. Pinuno ng Maynila na tumutol sa
Pananakop ni Legazpi.

9
Palalimin

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek ( ) ang bawat bilang kung
ito ay tumutukoy sa paraan ng armadong pananakop ng mga
Espanyol sa mga katutubong pangkat ng Pilipinas at ekis ( X ) kung
hindi.

_____1. Ginamit ng mga Espanyol ang mga hukbo para supilin ang pagtutol
at paglaban ng mga katutubong pangkat.
_____2. Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo upang madali nilang
makuha ang loob ng mga katutubo.
_____3. Binigyan ng mga Espanyol ang mga katutubo ng mga regalo.
_____4. Malupit na sinalakay ng hukbong kolonyal ang mga magsasakang
nag-aalsa sa iba’t ibang kapuluan.
_____5. Gumamit ng mga armas para salakayin ang mga Moro sa Mindanao.
_____6. Gumamit ng mga makabagong kagamitan ang mga dayuhan upang
supilin ang lumalabang mga katutubo.
_____7. Tinuruan ang mga katutubo ng wikang Espanyol upang madali nilang
maunawaan ang mga pagbabagong hatid ng mga dayuhan.
_____8. Sinalakay sa kabundukan ang mga katutubong tumakas sa mga
Espanyol.
_____9. Nakipagkalakalan ang mga Espanyol sa mga katutubo mula sa iba’t
ibang panig ng kapuluan.
_____10. Nilabanan ng mga katutubo ang armadong puwersa ng mga
Espanyol gamit ang mga sibat at pana.

10
Sukatin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at


MALI kung hindi.

________1. Hangarin ng mga Espanyol na sakupin ang kabuuan ng Pilipinas.


________2. Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga ginto na nasa mga
kabundukan ng bansa.
________3. Ang mga pangkat-etniko ay natakot sa mga Espanyol kung kaya’t
madali silang napasuko.
________4. Naging malikhain sa paggawa ng armas ang mga Muslim laban sa
mga Espanyol.
________5. Kinilala ng mga Espanyol ang Kalayaan at relihiyon ng mga Muslim
sa kanilang kasunduan.
________6. Nagsagawa ang mga Espanyol ng maraming pagtatangka na
sakupin at mapasuko ang mga katutubong nasa mga kabundukan
at mga Pilipinong Muslim.
________7. Nakipaglaban pa rin ang mga katutubo kahit walang panama ang
kanilang mga armas.
________8. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga katutubo sa
bulubundukin at ng mga Espanyol.
________9. Nagtagumpay ang mga Espanyol na gawing Kristiyano ang mga
Muslim sa Mindanao.
______10. Masayang tinanggap ng mga katutubo ang mga sundalong
Espanyol sa kanilang pamayan.

Magaling! Natapos mo na ang


modyul na ito.

11
12
Sukatin Palalimin
1. TAMA 1.
2. TAMA 2. X
3. MALI 3. X
4. TAMA
5. TAMA 4.
6. TAMA
5.
7. TAMA
8. MALI 6.
9. MALI 7. X
10. MALI
8.
9. X
10.
Galugarin
Gawain 2
Galugarin
1. B
2. D Gawain 1
3. H Simulan
4. F 1. B
5. J 2. A 1. A
6. G 3. D 2. C
7. C 4. C 3. D
8. A 4. D
5. E
9. E 5. B
10. I 6. B
7. D
8. C
9. A
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Maria Annalyn P. Gabuat, Michael M. Mercado, Mary Dorothy dL. Jose.


2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City, Vibal Group, Inc. pp. 208 -213

Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallao. 2017.


Kayamanan 5 1977 C.M. Recto Avenue, Manila, Rex Bookstore, Inc. p.
191

Reynaldo D. Oliveros Dr. Conchita V. Yumol, John Paul E. Andaquig 2015.


Kasaysayan ng Mamamayan ng Pilipinas 5 114 Timog Avenue, Quezon
City, IBON Foundation, Inc. p. 130

Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc. 2017. Bagong Lakbay ng Lahing


Pilipino 5 927 Quezon Ave., Quezon City, PHOENIX PUBLISHING HOUSE,
INC. pp. 263-266

Marie Fe Bosales. 2016. Lahing Kayumanggi 5 111 Panay Ave., Quezon


City, The Library Publishing House, Inc. pp. 271-277

13

You might also like