Ang Pakikipaglaban NG Mga Pilipino Sa Pag-Usbong NG Nasyonalismong Pilipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang Pakikipaglaban ng mga

Pilipino sa Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino
Ang Ilustracion o Age of
Enlightenment
 
• Ang mga pandaigdigang pangyayari ay nagkaroon ng epekto sa

kolonyal na patakaran at mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-

18 siglo. Partikular na sa mga pandaigdigang pangyayaring ito

ay ang paglipas ng merkantilismo at pagsisimula ng malayang

kalakalan, pagwawakas ng Kalakalang Galyon noong 1815.


• paglaganap ng kaisipan mula sa Age of Enlightenment ng Europa (kilala

bilang La Ilustracion sa Espanya) na nagresulta sa pagbuo at pagpatupad

ng Cadiz Constitution ng 1812 sa Espanya. Ang mga pandaigdigang

pangyayaring ito ay nagkaroon ng kamalayang makabayan at pakikibaka

ng mga Pilipino.
• Ang La Ilustracion o Age of Enlightenment ay maituturing na

mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-aangat

ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng

pagpapaunlad ng pamahalaan, impraestraktura at mga institusyon ng

lipunan. Malaki ang naging epekto ng La Ilustracion o Enlightenment

sa naging kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa Pilipinas.


•Ito ay itinuring bilang isang kilusang intelektuwal na umunlad sa Europa

noong ika-18 siglo bunga ng pagtatangkang kumawala mula sa Middle

Ages, o ang panahon ng pamamayani ng pamahiin, bulag na pananampalataya,

at kawalan ng rason. Partikular na tinuligsa ng Enlightenment ang mga itinuturing

na konserbatibong kaisipan na nagbibigaydaan sa pagkakaroon ng mga imperyo

(at kaakibat na kolonya) gayundin sa pagiging makapangyarihan ng Simbahang

Katolika (at ang kaakibat na monopolyo ng karunungan).


• Hinubog ang La Ilustracion ng Europa sa mga modernong kaisipan

sa mga aspekto ng pamahalaan, demokrasya, edukasyon,

ekonomiya, sining, at panitikan. Karamihan sa mga kaisipang ito ay

ginagamit at pinakikinabangan pa rin ng daigdig hanggang sa kasalukuyan.

Ang ambag ng mga intelektuwal ng La Ilustracion ay nagkaroon ng epekto

sa untiunting paghina ng mga imperyo at ang kaakibat na mga pagbabago

sa larangan ng pangkaisipan lalo na hinggil sa politika at ekonomiya.


Dahil pinahahalagahan din sa panahong ito ang kakayahan ng tao

na mag-isip para sa ikabubuti ng sarili at lipunan, naging banta rin

nito ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang pinakamahalagang

impluwensiya ng Enlightenment ay masasalamin sa mga

rebolusyong politikal na sumiklab tulad ng French Revolution ng

1789 at ang American Revolution ng 1775-1783.


• Itinaguyod ng French Revolution ang konsepto ng kalayaan, pagkapantay-

pantay, at kapatiran (liberty, equality, at fraternity) at pinabagsak ang

monarkiyang nagsamantala sa mga mamamayan. Noong 1808, sa

pagpapalaganap ng kapangyarihan ng France sa Europa ay isa sa mga sinakop

nito ang Espanya. Sapilitang pinatalsik ng mga French, sa pamumuno ni

Napoleon Bonaparte, ang naluklok na Hari ng Espanya na si Ferdinand VII

para sa kanyang kapatid na si Joseph Bonaparte. Patuloy na nilabanan ng

Espanya ang mga French hanggang sa nakamit nila ang kasarinlan noong 1812

at naluklok muli bilang Hari ng Espanya si Ferdinand VII.


Gawain A: Tukuyin ang salita o konseptong inilalarawan
sa bawat bilang.
Gawain B: Sabihin kung TAMA o MALI ang mga
sumusunod na konsepto, pahayag o ideya.
____1. Ang estilong Antillean ay galing sa Sentral Amerika.
____2. Bilang panindak sa mga Pilipino, gumamit ang mga
Espanyol ng kawayan, pawid, at nipa sa pagpagawa ng
mga simbahan.
____3. Ang Doctrina Christiana ay isang aklat- dasalan na isinulat
sa Espanyol.
____4. Ang mga katutubo ay tinuruan ng wikang Espanyol.
____5. Madaling natutuhan ng mga katutubo ang wikang
Espanyol dahil malaki ang pagkakahawig ng tunog nito sa
mga wikang katutubo tulad ng Tagalog, Iloko, at Bisaya.

You might also like