Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan IV

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

1.) Layunin:
 Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag aaral ay:

a) natutukoy ang mga bayani ng Pilipinas, noon at maging sa kasalukuyan.


b) nalalaman ang mga kabayanihang ginawa ng mga bayani ng Pilipinas sa panahon
ng pananakop.

Kahalagahan:
 Upang maunawaan ang sakripisyong ginawa ng mga bayani ng Pilipinas
makamtan lamang ang hinahangad na kalayaan ng bansa at upang malaman ng
mga mag-aaral ang mga simpleng pamamaraan upang maging bayani.

2.) Paksang Aralin


 Mga dakilang bayani ng lahing pilipino.

Sanggunian:
 Araling panlipunan IV pahina 88-94

Kagamitan:
 Maliit na baul na may lamang katanungan, larawan ng mga bayani,kompyuter o
laptop, overhead projector.

3.) Pamamaraang Pagtuturo:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Paglalahad ng gawain

Panalangin:
 Tumayo ang lahat para sa isang  (tatayo ang mga mag-aaral at
panalangin. dadasalin ang Diyos Ama.)

Diyos Ama salamat po sa lahat ng
bagay gawin nyo po kaming
mabubuting bata, masunurin sa guro
at magulang at mapagmahal sa
kapwa. Naway maging daan kami sa
kapayapaan ngayon at
magpakailanman amen.

Pagbati:
 Magandang araw !  Magandang araw din po,
Mabuhay!

Pagtukoy sa mga pumasok at hindi pumasok.

Pag tsek ng takdang aralin.

 Kuhanin ninyo ang inyong  (kukuhanin ng mag-aaral ang


kwadreno sa AP at sagutan natin kanilang kwaderno sa AP
ang inyong takdang aralin.

Ilan sa inyo ang nakakuha ng limang puntos?  (Ang mga mag-aaral ay magtataas ng
kamay.)

Balik Aral:
 Ngayon balikan natin ang ating aralin
kahapon.

 Ang rebulusyon ng lahing Pilipino.

Pagkilos at pagpupunyagi ng mga Pilipino


na mawaksan ang kolonyalismo.

Handa na ba kayo sa ating panibagong 


aralin?

Pagganyak:

(Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng


mga sikat na artista at larawan ng mga bayani.)

 Kilala nyo ba kung sino ang larawan  (ang mga mag aaral ay tutugon.)
na hawak ko? ( Maine Mendoza)

 Mahusay! Kilala nyo rin ba sya.  (ang mga mag aaral ay tutugon.)
(Alden Richard)

 Mahusay! Sila ay kilala sa tawag na


Aldub. Magaling kayo nga ay hindi
nahuhuli sa balita sa telebisyon o
maging sa internet.
 Kilala nyo rin ang larawan na hawak
ko ngayon? (Vice Ganda).  (ang mga mag aaral ay tutugon.)
 Mahusay! Tama si Vice Ganda ay isa
sa kilalang komedyante sa
kasalukuyan.
 Magaling mga bata! Sapagkat kilala
nyo ang mga sikat na bituin o artista
sa kasalukuyan. Ngayon kilalanin
naman natin ang mga sumusunod na
mga larawan.
 Kilala nyo ba sya? (Andres
Bonifacio)
 Kilala nyo rin ba sya? (lapu-lapu)
 Ano ang pagkakakilala nyo sa
dalawang larawan na pinakita ko sa
inyo.
 Mahusay! Sila nga ang ilan sa ating
mga bayani ano kaya satingin ninyo
ang ating aralin sa araw na ito?
 Magaling! Bigyan natin ng onyok
clap si cedric. (onyok clap)
 Ngayong araw ay tatalakayin natin
ang mga kilalang bayani ng lahing
Pilipino. Mas kikilalanin natin sila at
ating pag aaralan ang mga
kabayanihang na iambag nila sa
ating bansa. Handa naba kayo sa
ating bagong aralin?  Aha ! aha!

Gawain
 Ngayong araw sisimulan natin ang ating
talakayin sa isang Gawain. Mayroon akong
isang malit na baul rito at naglalaman ito
ng mga katanungan tungkol sa ating mga
bayani. Susubukan nating alamin kung
gaano nyo kakilala ang ating mga bayani .
At upang sagutin ang mga katanungan,
aawitin natin ng sabay sabay ang “Pilipinas
kong mahal” at kung kanino mahinto ang
baul kasabay ng paghinto ng awitin sya ang
maswerteng sasagot ng katanungan.
Matapos ang lahat ng katanungan doon pa
lamang natin ito sasagutin upang itoy ating
mapag aralan ng mabuti.

 Naintindan ba ang gagawin?


 Opo Sir!
 Ngayon ay simulan na natin ang ating
gawain.

(Aawitin ng guro at mga mag aaral ang


Pilipinas kong mahal.)

 Nasiyahan ba akyo sa ating Gawain?


 Opo Sir!
 Handa naba kayong muling balikan ang
mga tanong upang sagutin at pag aralan  Opo Sir!
ang mga ito?
Pag-aaral ng mga katanungan

1. Kauna-unahang bayani ng mga Pilipino?


 Lapu-lapu
2. Pinaka batang heneral na naatasang
magbantay sa pasong tirad?
 Hen.Gregorio del Pilar
3. Nagtatag ng KKK?
 Andres Bonifacio
4. Kinikilala bilang pambansang bayani ng
Pilipinas.
 Dr. Jose Rizal
5. Kilala sa tawag o sa bansag na “Tandang
Sora?”

 Melchora Aquino

Paglalahad ng Aralin

 May kinikilalang bayani ang bawat


bayan, lalawigan, at rehiyon sa
ating bansa. Tinaguriang bayani
ang isang taong nagmamalasakit sa
kanyang kapwa at sa kanyang
bayan. May mga bayaning inialay
ang kanilang buhay para
sakanyang kapwa at sakanyang
bayan, mayroon din naming
ginagamit ang kanilang taglay na
talento o kakayahan at katapatan
para sa ikauunlad ng bayan. Bawat
isa ay makagagawa ng
kabayanihan sa kapwa at sa bayan
sa mumunting kaparaanan ng
walang pinipiling edad at katayuan
sa buhay. Ngayon naman ay
dadako na tayo sa mga kilalang
bayani ng Pilipinas.

 Handa naba kayo?

Mga kilalang bayani sa ating bansa.

 Lapu-lapu

Siya ang itinuturing na kauna-unahang


bayani ng mga Pilipino. Siya ang hari ng
mactan na nakipaglaban sa mga espanyol
sa pamumuno ni Ferdinand Magellan.
Naganap ang madugo nilang tunggalian
noong abril 29,1521 kung saan napatay ni
lapu-lapu si Magellan.
 Gomburza

Kilala ang gomburza sa pinagsama-samang


panagalan nina

- Padre Mariano Lopez


- Padre Jose Burgoz
- Padre Jacinto Zamora
Isinulong nila ang serkularisasyon sa ating bansa
na dating hawak ng mga paring pransiskano at
dominikano o ng mga orden. Sila ay pinaratangan
ng mga kasong nag-uugnay sa pag-aalsang mga
manggagawa ng arsenal sa cavite noong 1872 sila
ay hinaulan ng garote o bitay.

 Dr. Jose Rizal

Kinikilala na Pambansang bayani ng


Pilipinas o ng mga Pilipino. Siya ang
sumulat ng mga nobelang Noli me tangere
at El filibusterismo na nagsasaad ng
kawalang katarunmgan at pagmamalupit
ng mga espanyol sa mga Pilipino. Binaril si
Jose Rizal sa bagumbayan noong
Disyembre 30,1896.

 Sultan Kudarat

Pinuno ng Maguindanao kilala bilang isang


mandirigmang matapang, matalino at
magiting. Idiniklara ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos na si Sultan kudarat ay
tunay na bayani hndi lamang ng Mindanao
kundi maging ng buong bansa nong 1975
ipinangalan din sakanya ang isang tanyag
na lugar o lalawigan ng Sultan Kudarat sa
Mindanao na bahagi ng
SOCCSKSARGEN.

 Apolinario Mabini

Maari nyo bang ilahad saakin ang bansag o  Siya po ay kilala sa bansag na dakilang
tawag kay Apolunario Mabini? lumpo.

MAGALING! Tama sya ay kilala sa


bansag na dakilang lumpo at kilala bilang
isa sa utak ng rebulosyon o ng himagsikan.
Siya ay nagging tagapayo ni Heneral
Emilio Aguinaldo sa panahon ng digmaang
Pilipino.

 Andres Bonifacio
Siya ang nagtatag ng KKK.
 Maaari nyo bang ilahad ang kahulugan ng  Kataas-taasang kagalang-galangan
KKK? katipunan na mga anak ng bayan.
Magaling ! siya ang nagtatatag ng KKK
noong hulyo 1892 ang mga katipunero na
handang lumaban sa mga espanyol sa
pamamagitan ng dahas.

 Melchora Aquino
Siya ay nagsilbing “Nurse” noong panahon
ng himagsikan. Sya ang gumagamot sa
mga sugatang katipunero .kilala sa bansag
na tandang sora.

 Josefa llanes Esconda

Siya ay kilala sa tawag na pepay ng


kanyang pamilya. Siya ang tumulong at
nagsilbing volunteer noong panahon ng
ikalawang digmaan pandaigdig. Nagdala
san g mga gamut damit pagkain sa mga
sugatang sundalo. Siya rin ang nagtatag ng
Girl Scout of the Philippines.

 Heneral Gregorio Del Pilar

Ang pinaka batang heneral na inatasang


magbantay sa pasong tirad upang iligaw
ang 400 na mga sundalong amerikano na
tutugis kay Emilio Aguinaldo.

 Emilio Jacinto

Siya ang pinaka bata sa mga katipunero.


Nagging kalihim sya ni Andres Bonifacio
kilala di sya bilang utak ng himagsikan.

 Mga sundalo at tagapagtanngol ng


bayan

Itinuturing din na bayani ang mga


magigiting na sundalo na nakipaglaban sa
mga kaaway ng pamahalaan at bansa.

 Ang mga OFW’s (Overseas Filipino


Workers)
 Sino sainyo ang may mga magulang,  (ang mga mag-aaral ay tutugon.)
kapatid tito o tita na nasa ibang bansa?

Alam nyo bang maging silay itinuturing na


mga bayani ng kasalukuyan? Nararapat
lamang na silay tawaging mga bayani
sapagkat buong puso silang naglilingkod sa
bayan at kanilang pamilya tinitiis ang hirap
na mapalayo sa kanilang pamilya maibigay
lamang ang kanilang mga
pangangailangan.

At sila ang mga bayani ng lumang


henerasyon at ng kasalukuyan.
 (Sir ! maari po ba naming sabihin
 May iba pa bang katanungan? na bayani ang aming mga
magulang?)
 Oo naman sapagkat sila ang nagsisilbing
bayani ng ating tahanan, sila ang  (Sir kami rin po ba ay maaring
pundasyon at ilaw ng sambahayan. maging bayani?)

 Oo naman katulad ng sinabi ko kanina sa


mga simpleng kapamamaraanan maari
kayong maging bayani katulad na lamang
ng pagpulot ninyo ng mga basura sa daan
pagtulong sa mga matatanda kung sila ay
tatawid o may bitbitin. Iyan lamang ang
ilan sa mga halimbawa ng kabayanihan sa
simpleng paraan.

 May iba pa bang katanungan?  Wala napo.

 Naunawaan nyo ba ang ating aralin?  Opo.

 Sino ang itinuturing na kauna-unahang  Lapu – lapu


bayani ng lahing Pilipino?

 Sino naman ang itinuturing na mga bagong  Ang mga OFW’s po.
bayani?

Magaling! Tunay ngang naunawaan ninyo ang


ating aralin sa araw na ito ngayon ay maghanda
kayo dahil magkakaroon tayo ngayon ng
indibidwal na gawain .

Indibidwal na Gawain:

Panuto: ilagay ang tamang sagot sa loob ng kahon


tignan at suriin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
mga pangalan ng mga bayaning tinutukoy sa bawat
pahayag.
Mga katanungan:

1.Kauna-unahang bayani ng lahing Pilipino. Hari ng


Mactan na nakipag laban sa mga kastila sa pamumuno
ni Ferdinand Magellan.

2.Nagtatag ng kilusang KKK ang bayaning gumamit ng


dahas sa pakikipag laban sa mga kastila.

3.Kinikilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas at


sumulat ng mga nobelang Noli me tangere at El
filibusterismo.

4.Pinuno ng Maguindanao kilala bilang isang


mandirigmang matapang, matalino at magiting.
Idiniklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na si
Sultan kudarat ay tunay na bayani hndi lamang ng
Mindanao kundi maging ng buong bansa nong 1975
ipinangalan din sakanya ang isang tanyag na lugar o
lalawigan ng Sultan Kudarat sa Mindanao na bahagi ng
SOCCSKSARGEN.

5.Siya ay nagsilbing “Nurse” noong panahon ng


himagsikan. Sya ang gumagamot sa mga sugatang
katipunero .

 Tapos na ba kayo sa inyong Gawain?


 Ipasa ninyo ng tahimik ang inyong papel  Opo sir.
mula sa likod papunta sa harapan.

 Ngayon naman ay tahimik kayong tumayo


at pumunta sainyong kanya kanyang grupo,  Ang mga mag-aaral ay tahimik na
sisimulan natin ang ating pangkatang pupunta sakanilang grupo.
gawain.
PANGKATANG GAWAIN:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod gamit ang
apat na larawan na ibibigay itaas lamang ang
bandera ng inyong pangkat o grupo kung alam
ninyo ang sagot.

Pangkat 1: Asul
Pangkat 2: Dilaw
Pangkat 3: Pula
Pangkat 4: Puti

Handa naba?  Aha! Aha!

1.)

2.)

3.)
4.)

5.)

6.)
 Nasiyahan ba kayo sa ating Gawain.?  Opo sir

 Ngayon naman magkakaron tayo ng


pagsusulit tungkol sa ating aralin sa araw
na ito, maghanda ng isang buong papel
kopyahin at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

Pagtataya
Isulat sa patlang ang mga pangalan ng bayaning tinutukoy sa bawat pahayag.

________1. Nagtatag ng kilusang KKK?

________2.Kinikilala bilang pambansang bayani?

________3. Kauna-unahang bayaning Pilipino?

________4. Tinaguriang dakilang lumpo.

________5. Ang tatlong paring martir?

________6. Ipinagtanggol ang pasong tirad sa mga sundalong amerikano?

_________7. Ipinagtanggol ang isla ng mactan sa mga espanyol?

_________8. Ang mga bagong bayani ng bansa?

_________9. Nagsilbing nurse na gumamot sa mga sugatang katipunero.

________10. Kilala sa tawag na pepay at nagtatag ng Girl Scout of the Philippines?

Takdang aralin:
 May kilala ka bang bayani sa makabagong panahon na ginamit ang kanyang
kakayahan at talento sa pagtulong sa kapwa? O sa bayan sa inyong lugar? Itala sa
espasyo ang pangalan at ang nagawa niyag kabayanihan.

 Pangalan ng bayani sa bagong panahon  Nagawang kabayanihan

You might also like