MODULE 2 Mga Kakayahan at Kilos

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Kakayahan at Kilos

CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Kakayahan at Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: April M. Mendoza


Editor: Loida S. Pigon
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla, Cristy R. Temple, Elma
C. Palen, Ronalyn B. Conales, Ma. Luz N. Darjuan
Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana, Jefferson R. Repizo
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR.
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: [email protected]
7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Kakayahan at Kilos
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Aralin

1 Mga Kakayahan at Kilos

Alamin

Napakaraming pagbabago sa iyong sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa


iyong pangangatawan, sa iyong damdamin, at sa iyong pakikitungo sa kapwa.
Kinakailangan mong harapin ang napakaraming pagbabagong ito. Mahalagang
malagpasan mo ang anomang hamon na ibinibigay ng mga pagbabagong ito. Sabi
nga nila, “Naku, dapat mature ka na”. Ang daming inaasahan sa iyo. Sa iyong
pakiramdam lahat ay naghihintay sa mga bagay na iyong gagawin, sa mga salitang
iyong sasabihin at sa mga pagpapasyang isasagawa.

Kailangan ang mga inaasahang kakayahan at kilos upang malinang ang mga
talento at kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan.
Kaya nga mas nararapat na handa ka, maging mas maingat ka at maging mas
malawak sa iyong pag-iisip sa maraming bagay sa iyong paligid. Sabi nga nila,
“ganiyan talaga ang buhay”.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:
• Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa
mataas na antas (phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle late
adolescence): (paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa
pag-aasawa/ pagpapamilya, at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang
gabay sa mabuting asal), at pagiging mapanagutang tao.

1
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Subukin

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang-papel.

1. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito
na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha
ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral nang
mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa
tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya
ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit
hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?
A. Alam talaga kung ano ang nais sa buhay.
B. Nanatiling bukas ang komunikasyon.
C. Ipinakita ang tunay na ikaw.
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.

2. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang


kanyang pangarap?
A. Pagganyak sa kanyang pangarap.
B. Gabay sa pagtupad ng pangarap.
C. Disiplina sa araw araw.
D. Kakayahang iakma ang sarili.

3. Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na


lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga
kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
A. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan.
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.
C. Pagtamo ng mapanagutang asal.
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan.

4. Ang sumusunod ay paghahanda para sa paghahanapbuhay, alin dito


ang hindi?
A. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, at kalakasan.
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais.
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay.
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan.

2
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
5. Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si
ate na makatapos ng pag-aaral upang matulungan ang aming magulang sa
pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang gastusin sa bahay. Ano
ang katangian na ipinakita ni ate?
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
B. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal.
C. Paghahanda para sa pagpapamilya.
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae.

Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik T
kung ang pahayag ay tama at M naman kung ang pahayag ay mali. Itala ang iyong
sagot sa sagutang-papel.

6. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan


sa buhay.
7. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon
sila upang gawin ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
8. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang
mga nagbibinata at nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit
walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng kanilang buhay.
9. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung
ano talaga ang gusto mong mangyari sa iyong buhay.
10. Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na
ito sa kung anong kapalaran ang darating sa bawat isa.
11. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo
ay hindi kayang tanggapin ang sariling kahinaan.
12. Maaaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa
emosyon at maging sa pakikitungo sa kapwa.
13. Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan
at tungkulin.
14. Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila
ang nakakaalam ng tama bilang kasing-edad.
15. Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat lakipan ng tamang pamamahala at
kilos.

3
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Balikan

Gawain 1. Balik Tanaw


Panuto: Magtala ng ilang mga gawaing bahay na iyong ginagawa noong ikaw ay nasa
elementarya pa lamang at ilang gawain sa bahay ngayong ikaw ay nasa sekondarya
na. Isulat ang mga sagot sa iyong “journal notebook”.

Nasa Elementarya Nasa Sekondarya


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Magbigay ng maikling pahayag sa tulong ng gabay na tanong. Ano ang mga


nakita mo na pagbabago o pagkakaiba ng iyong ginagawa noong nasa elementarya
ka pa at ngayong nasa sekondarya ka na?

1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________

Pamantayan sa Paggawa
Orihinalidad – 5 puntos
Nilalaman – 5 puntos (nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos
at 3 o higit = 5 puntos)
Pagkamalikhain – 5 puntos
Kabuoan = 15 puntos

4
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Tuklasin

Gawain 2. Pagbabago Tungo sa Pamamahala


Panuto: Magbigay ng apat (4) na hinihingi ayon sa iyong kasarian (kung babae o
lalaki). Punan ang bawat kahon ng mga pagbabagong nagaganap sa iyong katawan
mula nang ikaw ay tumuntong sa gulang na 9 na taon hanggang sa ngayon. Isulat
sa tapat nito ang mga dapat mong gawing pag-iingat o tungkulin. Ilagay o gawin ito
sa iyong “journal notebook”.

Pag-iingat na dapat gawin

1. Pagbabagong
Pang-emosyon/
Pandamdamin

2. Pagbabagong
Pisikal/Katawan

3. Pagbabagong 4. Pagbabago sa
Sosyal/ kaasalan/Ugali
Pakikipagkapwa

5
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos
Orihinalidad – 5 puntos
(Sariling gawa at walang pinagtularan)
______________________
KABUOAN = 25 Puntos

Suriin

Unawain at pagnilayan ang sumusunod na babasahin. Magkaroon ng


masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!

Mahalagang maunawaan mo na ang bawat tao ay may mga inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan
o gampanan. Kailangan ang mga ito upang malinang ang kaniyang mga talento at
kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan. Mahalagang kilalanin ang
mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo na sa yugto ng maagang pagdadalaga
o pagbibinata.

May tatlong mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.

Una, (GABAY) nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng
lipunan sa bawat yugto ng buhay. Mahalagang isagawa ito sa ilalim ng patnubay ng
magulang at mga guro.

Pangalawa, (MOTIBASYON) nagsisilbing pangganyak ang mga ito sa binatilyo


o dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa kaniya ng lipunan.

Pangatlo, (KAKAYAHANG IAKMA ANG SARILI) malilinang ang kakayahang


iakma ang kaniyang sarili sa mga bagong sitwasiyon; kaya’t maiiwasan ang stress o
nakahihiyang reaksiyon dahil makapaghahanda siyang harapin ang mga ito.

6
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang
kakayahan at kilos na dapat malinang ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11).
Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing edad. Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga
o pagbibinata, ang isang bata ay madalas na mas nakikipag-ugnayan sa
kapwa batang katulad niya ang kasarian. Halimbawa, kung babae ka,
mas gusto mong kalaro ang kapwa mo babae. Para sa isang bata, mahalaga
ang pagkakaroon ng kalaro dahil ito ang magtuturo sa kaniya ng
pakikipag-ugnayan. Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip, nababago ang
kaniyang pagtingin sa kaniyang kapwa. Nagiging mas malalim ang kanyang
pagtingin sa pakikipag-ugnayan. Naghahanap na siya ng mga taong
makakasama niya nang mas madalas sa araw-araw, makakasundo sa
maraming bagay at ibang gawain. Ang tawag niya rito ay mga kaibigan. Sila
ang mga taong tumutulong sa kaniya upang matanggap at mapabilang siya
sa isang pangkat na labas sa kaniyang pamilya. Ngunit mahalagang
maunawaan niya na may tungkulin siya sa paghubog ng isang maayos at
ganap na pakikipag-ugnayan.

Sa puntong ito, makatutulong sa iyo ang sumusunod na hakbang:

a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais. Kailangang


malinaw sa iyo kung ano ang iyong nais sa isang pakikipag-ugnayan.
Halimbawa, gusto mong magkaroon ng isang kaibigan na
maaari mong ituring na parang sarili mong kapatid dahil ikaw ay
nag-iisang anak.

b. Ipakita ang tunay na ikaw. Mula sa iyong pagkabata, natuto ka


nang gumanap sa iba’t ibang gampanin sa iba’t ibang sitwasiyon.
Kasama dito ang pakikipag-ugnayan. Sa unang yugto ng iyong
pagdadalaga o pagbibinata, ginagawa mo ang lahat upang matanggap
ka ng ibang tao na iyong kasing-edad. Handa kang makiayon sa
kanila upang mapabilang lalo na sa isang barkada. Ngunit maaaring
makalimutan mo na ang totoong ikaw. Huwag kang mahiyang ipakita
sa kanila ang tunay mong pagkatao. Matuto kang ipahayag ang iyong
pagtutol sa mga bagay na labag sa kabutihan.

c. Panatilihing bukas ang komunikasyon. Ang pagbabahagi ng iyong


nararamdaman, ninanais, mga plano, mga takot, kasiyahan at iba pa
ay mahalaga tungo sa isang ganap na pakikipag-ugnayan. Mas
makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anomang
itinatago sa bawat isa.

7
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
d. Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao. Ang
pakikipag-ugnayan ay walang kondisyon. Mahalagang tanggapin
ang isang tao bilang tunay na siya. Hindi makatutulong kung ganap
mong babaguhin ang tao ayon sa iyong nais. Halimbawa, hindi mo
maaaring pilitin ang iyong kaibigan na maging katulad ng iyong
pag-iisip, kilos at paniniwala sa lahat ng pagkakataon. Hindi mo rin
magugustuhan na nagpipilit ang isang tao na maging isang taong
hindi naman totoong siya. Hindi tatagal ang isang pagkakaibigang
puno ng pagpapanggap. At lalo’t higit hindi magiging kuntento ang
iyong kaibigan na malaman na hindi mo kayang tanggapin ang totoo
niyang pagkatao.

e. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa. Kung walang tiwala sa isa’t


isa, mahina ang pundasyon ng ugnayan. Kung mananatili ang
pagtitiwala sa isa’t isa, kayang lagpasan ang anomang mga pagsubok
sa pakikipag-ugnayan. Kaya lang, iwasang maging masyadong
pamilyar sa isa’t isa. Ibig sabihin, hindi lahat ng sensitibong bagay
sa iyo (tulad ng isang karanasang may negatibong epekto sa iyo) ay
dapat mong ibahagi. Baka gamitin ang impormasyon na ito sa
ikapapahamak mo balang araw. May kasabihan sa Ingles na
“Familiarity breeds contempt.”

f. Maglaro at maglibang. Walang pinakamasarap kundi ang maging


bata (childlike). Kung minsan sa labis na pagiging seryoso natin sa
buhay, nakalilimutan na natin ang halaga ng paminsan-minsang
paglalaro at paglilibang na kasama ang mga kaibigan. Sa paraang ito,
nakalilimutan natin ang maraming pag-aalala, takot, pagdududa, at
insekyuridad (insecurities).

g. Mahalin mo ang iyong sarili. Kung hindi mo matututuhang


mahalin ang iyong sarili, hindi mo matututuhan ang magpahalaga sa
ibang tao. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao
kung hindi mo kayang tanggapin ang sarili mong mga kahinaan.
Kung hindi ka masaya sa maraming bagay tungkol sa iyong sarili,
walang anomang gagawin ang ibang tao na makapagpapasaya sa iyo.
Kung kaya mahalagang simulan mo ito sa tunay na pagtanggap sa
kung ano ang tunay mong pagkatao at sa pagpapasalamat sa lahat
ng biyaya ng Diyos sa iyo.

2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki. Ang mga


nagdadalaga o nagbibinata ay bumubuo ng kanilang sariling kahulugan ng
pagiging lalaki o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na ibatay ito sa
nakagisnang kultura. Halimbawa, ang lalaki ay malakas, matapang at ang
babae naman ay mahina, palaasa. Ngunit hindi nararapat na lagyan ng
hangganan ang kakayahan ng bawat isa batay lamang sa kaniyang
katangiang biyolohikal. Sa tulong at paggabay ng mga nakatatanda,
kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na hubugin ang kanilang
mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae.

8
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, mabilis
ang mga pisikal na pagbabago sa katawan kung ihahalintulad sa ibang yugto
ng buhay, maliban sa unang dalawang taon ng isang bata. Sa isang binatilyo
o dalagita, ang pagkakaiba niya sa iba sa bilis ng paglaki ay maaaring maging
dahilan ng insekyuridad (insecurity). Maaaring magkaroon ng epekto ang mga
pisikal na pagbabago sa katawan, sa emosyon at pakikitungo sa kapwa. Likas
at panlahat ang mga ito, kaya di dapat mag-alala ang dalagita o binatilyo.
Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult), magulang o
taong pinagkakatiwalaan.
Kailangan ang masustansiyang pagkain sa yugtong ito, sapat na
ehersisyo at malusog na pamumuhay tulad ng pagtulog sa loob ng
walong oras at pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw
at panapanahong pamamahinga (periodic rest). Kailangan din ang paraan
ng pagrerelaks at malalim na paghinga upang maalis ang mga tensiyon
sa katawan.

4. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.


(Desiring and achieving socially responsible behaviour). Habang lumilipas
ang panahon at ikaw ay nagkakaisip, nakikita mo ang unti-unting paglawak
ng mundong iyong ginagalawan. Mula sa iyong tahanan, lumalawak
ito habang nadaragdagan ang iyong edad. Ang pagiging mapanagutan
sa pakikipagkapwa ay lagpas na sa simpleng paggalang sa kapwa. Ito ay
pag-unawa at pagbibigay-halaga sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao
para lamang sa kaniyang sarili. Kailangan natin ang ibang tao upang tunay
na makita ang ganda at halaga ng buhay. Para sa isang nagdadalaga o
nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kaniyang pagkatao,
upang matukoy kung saan siya nababagay sa lipunan at upang mabuo ang
kaniyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.


Ang isang bata ay labis na palaasa sa kaniyang mga magulang. Sa yugto ng
pagdadalaga o pagbibinata, kinakailangang matutong linangin ang
kakayahan sa maingat na pagpapasya. Mahalagang sumangguni sa mga
nakatatanda o awtoridad na higit na may alam sa mabuting pamumuhay
(tulad ng magulang o kapatid) sa mga pasiyang gagawin; ngunit sanayin na
ang sarili na piliin ang patungo sa kabutihan – yaong makabubuti sa sarili,
sa kapwa, pamayanan, at sa bansa.

9
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay. Sa ating lipunan, iminumulat
ang mata ng mga nagdadalaga o nagbibinata na matutuhan ang mga
kakayahan na kailangan upang makakuha ng magandang hanapbuhay sa
hinaharap. Makatutulong sa iyo ang sumusunod:
a. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
b. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan
(extra curricular activities).
c. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal
na ibig kunin sa hinaharap.
d. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
o negosyo upang magtanong tungkol sa mga ginagawa nila sa
nasabing hanapbuhay o negosyo.
e. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahan sa pagpapasiya.
f. Hingin ang payo ng mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso
para sa iyo.

7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya. Kasama sa mga


kakayahan at dapat gawin na lilinangin sa isang nagdadalaga o nagbibinata
ay ang mapaghandaan ang pag-aasawa at pagpapamilya. Ngunit
mahalagang maunawaan na ganap lamang na matatamo ang kakayahang ito
sa huling yugto ng pagdadalaga o pagbibinata at sa maagang yugto ng
pagtanda (adulthood). Sa kasalukuyang yugto ng iyong buhay, ituon mo
muna ang iyong pansin sa pag-aaral upang makamit ang iyong mga
pangarap at mithiin.

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting


asal. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, kailangang mahubog ang iyong
mga pagpapahalaga. Kailangang maging maingat at di padalos-dalos sa mga
gagawing pagpapasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng tulong o
payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng mabuting
pamumuhay. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Ito ay
maaaring bumuo o sumira ng iyong kinabukasan. Ang pinakamahalaga,
kailangang buong-buo ang iyong tiwala sa iyong sarili at sa iyong mga
kakayahan. Mahalaga ito upang mapagtagumpayan mo ang anomang hamon
na iyong kakaharapin.
Mahirap ang pinagdaraanan mo, ngunit tandaan na hindi ka nag-iisa.
Lahat ng nagdadalaga o nagbibinata ay may katulad na pinagdaraanan.
Maiiba lamang ito ayon sa kung paano mo isinabuhay ang mga kakayahan
at kilos na kinakailangan para mas mapaunlad mo ang iyong sarili at ang
iyong pagkatao.

10
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Pagyamanin

Gawain 3. Self Check


Panuto: Punan ang talahanayan at lagyan ng tsek (✓) ang bawat araw kung ito ay
iyong naisasagawa, ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa iyong “journal notebook”.
Gayahin ang pormat.

Mga Paraan ng
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo
Paglinang
1. Ang gagayahin
ko sa kapwa
kasing-edad ko ay
yung mabubuting
gawain lamang.
2. Tutulong ako sa
aming barangay o
sa aming
pamayanan.
3. Sisikapin ko na
hindi makasakit
sa aking kapwa
maging sa
dadamdamin nila.
4. Bago ako gumawa
nga anumang
pasya ay
magtatanong o
isasangguni ko
muna sa aking
magulang o sa
guro.
5. Lagi kong iisipin
ang makatapos
ng pag-aaral
anuman ang
maging balakid o
hamon na
dumating sa
buhay.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO
Nilalaman 15 puntos (1-5 na tsek = 5puntos, 6-10 =10 puntos
11-15 tsek= 15 puntos)
Pagkamalikhain ng Gawa 5 puntos
___________
Kabuoan = 20 puntos

11
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Isaisip

Gawain 4. “Word Clues”


Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Pagkatapos, isulat ang titik ng
iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang pahayag. Gawin ito sa iyong
“journal notebook”.

I - A - S

1. Kakayahan ng nagdadalaga/nagbibinata na inaasahan na maiayon ang sarili


sa bawat sitwasyon.

2. Pundasyon ng matibay na ugnayan sa isa’t isa.

P L

3. Sa pagbabago nito ay naaapektuhan ang emosyon o damdamin at maging ang


pakikitungo sa kapwa.

O B Y

4. Ito ay ibinibigay na tulong ng magulang at ng pamilya sa kabataan upang


magsilbing pagganyak na gawin ang mga inaasahan sa kanila ng lipunan.

A A A

at
I S

5. Mga inaasahan sa bawat tao at sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan.

12
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Isagawa

Gawain 5. Pagiging Mapanagutang Tao


Panuto: Buoin ang sumusunod na pahayag batay sa sariling pananaw. Itala ang
sagot sa iyong “journal notebook”. Maging malikhain sa gawaing ito.

1. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, ang sumusunod na kilos na dapat kong


gawin ngayon bilang pangangalaga sa aking sarili ay:
a. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, ako ay inaasahan na makakatulong sa:


a. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Aking napag-alaman na mahalaga ako sa dahilang:


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Malikhaing Konsepto –10 puntos


Pagkamalikhain sa Paggawa –5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng Gawa –5 puntos
Orihinalidad –5 puntos (Sariling gawa at walang
pinagtularan)
____________________________
KABUOAN = 25 Puntos

13
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Tayahin

Panuto: Suriin ang sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat
ang letra sa sagutang papel.

1. Si Ferdie ay malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na


lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga
kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
A. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
C. Pagtamo ng mapanagutan asal
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan

2. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito
na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha
ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral nang
mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa
tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya
ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit
hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?
A. Alam talaga kung ano ang nais sa buhay.
B. Nanatiling bukas ang kumonikasyon.
C. Ipinakita ang tunay na ikaw.
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.

3. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang


kanyang pangarap?
A. Pagganyak sa kanyang pangarap.
B. Gabay sa pagtupad ng pangarap.
C. Disiplina sa araw araw.
D. Kakayahang iakma ang sarili.

4. Ang sumusunod ay paghahanda para sa paghahanapbuhay. Alin dito


ang hindi?
A. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig at kalakasan.
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais.
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay.
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan.

14
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
5. Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si
ate na makatapos ng pag-aaral upang matulungan ang aming magulang sa
pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang gastusin sa bahay. Ano
ang katangian na ipinakita ni ate?
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
B. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal.
C. Paghahanda para sa pagpapamilya.
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae.

Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik T
kung ang pahayag ay tama at M naman kung ang pahayag ay mali. Itala ang iyong
sagot sa malinis na papel.

6. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang


mga nagbibinata at nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit
walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng kanilang buhay.
7. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung
ano ang iyong talagang gustong mangyari sa buhay mo.
8. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan
sa buhay.
9. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon
sila upang gawin ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
10. Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan
at tungkulin.
11. Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila
ang nakakaalam ng tama bilang kasingedad.
12. Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat langkapan ng tamang pamamahala
at kilos.
13. Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na
ito sa kung anong kapalaran ang darating sa bawat isa.
14. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo
ay hindi kayang tanggapin ang sariling kahinaan.
15. Maaaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa
emosyon at maging sa pakikitungo sa kapwa.

15
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Karagdagang Gawain

Gawain 6. Panunumpa ng Pangako


Panuto: Gumawa ng isang pangako. Dugtungan ang nasimulan na. Maaaring
gumawa ng sariling desinyo na nais o kayang gawin. Isulat ito sa iyong “journal
notebook”

Bilang isang nagdadalaga/nagbibinata, ako ay nangangako at


magsasagawa ng:

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Tulungan nawa po ako ng Maykapal sa pagtupad at
pagsasabuhay ng lahat ng ito.

______________
Pangalan

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo,


tumungo ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang
mga gawain sa modyul na ito.
Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

16
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
17
Subukin Isaisip Tayahin
1. A 1. IAKMA ANG 1. B
2. B SARILI 2. A
3. B 2. TIWALA 3. B
4. D 3. PISIKAL 4. D
5. B 4. MOTIBASYON 5. B
6. T 5. KAKAYAHAN AT 6. M
7. T KILOS 7. T
8. M 8. T
9. T 9. T
10. M 10.T
11.T 11.M
12.T 12.T
13.T 13.M
14.M 14.T
15.T 15.T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 Learner’s Material (Unit 1 & 2) pahina 16-22

Hurlock, E. Developmental Psychology: A Life-Span Approach. New York:


McGrawHill Book Company. 1982

http://alis.alberta.ca/ep/eps/tips/tips.html?EK=142. Hinango noong Mayo 10, 201

Rodriguez, Marilyn. 7 Steps to creating healthy relationship.


http://www.charmingarticles.com/children/article4261.htm. Hinango noong
Mayo 9, 2010

Self-Confidence and Self-Worth; Needing the Approval Of Others


http://www.takeyour-power.com/1.htm. Sinipi noong Mayo 10, 2010

What Are the Developmental Tasks Facing Adolescents?


http://www.education.com/reference/article/Ref_Adolescence/. Hinango
noong Mayo 8, 2010 Helping Teenagers Prepare for the World of Work.

18
CO_Q1_ESP 7_ Module 2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like