Filipino Akademik Q2 Week 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin
Posisyong Papel
5 *

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin at mauunawaan mo ang masining at tamang


pagbibigay ng pangangatwiran gayundin ang panghihikayat. Mababatid mo rin
ang mga istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat at pagbuo ng
posisyong papel.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayan


na :

Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin-


CS_FA11/12PU-0p-r-94

Maaari mo nang simulan ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang tamang sagot sa sagutang


patlang.

1. Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at


karaniwang isinulat ng may-akda o ng natutukoy na entidad, gaya ng isang
partido pulitikal.

A. Posisyong papel C. Pamanahong papel


B Reaksyong papel D. Argumentong papel
2. Pangunahing isinasaalang-alang sa paggawa ng isang posisyong papel
A. Paksa
B. Ebidensya
C. Mga sanggunian na ginamit
D. Mga napapakinggang ideya na ginagamit
3. Maraming paraan upang matukoy na ang iyong pananaliksik ay magagamit sa iyong
posisyong papel. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo maaaring pagkuhanan ng mga
datos?
A. Binasang aklat
B. Napakinggan
C. Diksyunaryo
D. Mapagkakatiwalaang websites

4. Kadalasang ginagawa ng isang mananaliksik o manunulat upang matukoy na mabisa


ang paksa na kanyang napili sa paggawa ng posisyong papel

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
2

A. Ibinabatay sa madalas na marinig na pinag-uusapan


B. Kilalang tao o popular ang gumagamit ng paksa
C. Nagsasagawa ng panimulang pananaliksik
D. Iisa lang ang pinagkukuhanan
5. Alin sa sumusunod ang tamang hakbang sa pagsulat ng maayos na posisyong papel?
1. Pumili ng paksa na napapanahon
2. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
3. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o
posisyon.
A. 1,4,3,2 C. 2,3,4,1
B. 3,2,1,4 D. 1,3,2,4
6. Ginagamit upang pahinain ang depensa ng kasalungat na paninindigan upang
mahikayat na mapaniwala sa kaniyang pinaniniwalaan
A. Kontra-argumento
B. Binasang pahayag
C. Malalim na pananalita
D. Pagbibigay ng Halimbawa
7. Katangian ng posisyong papel na gumagamit ng pili at angkop na pananalita batay
sa isyung pinag-uusapan
A. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag
B. Pormal ang format at pananalita na ginagamit
C. Malakas na panimula
D. Malakas na katapusan
8. Upang maging epektibo ang pagsulat ng posisyong papel, alin ang dapat na iwasan
na gamitin?
A. Paggamit ng mga luma o masyado ng matagal na datos
B. Paggamit ng mga pahayag na napakinggan
C. Paggamit ng mga personal na opinyon sa kasalungat na paniniwala
D. Pagpili ng paksa na napapanahon
9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa wastong pagsulat ng panimula ng posisyong
papel?
A Tukuyin agad ang paksa sa nakakatawag pansin na pahayag
B Sumipi ng tuwiran mula sa aklat at hayaan na mag-isip ang mambabasa
C Tukuyin ang paksa at ang mga sanggunian
D. Sabihin ang mga mahahalagang paksa, lagumin, at manatiling bukas sa isyu
na maaari pang saliksikin
10. Uri ng posisyong papel na naglalaman ng mga pangyayari o isyu sa ating
ekonomiya
A. Akademya
B. Pulitika
C. Batas
D. Kalusugan

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Lagyan ng (/) ang pahayag kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat tandaan
sa pagsulat ng lakbay sanaysay at (X) naman kung ang mali. Maglagay ng maikling
paliwanag sa iyong sagot. Gawin sa sagutang papel.
1. Ang lakbay-sanaysay ay tumutukoy sa detalyeng pagsasalaysay ng mga lugar na
pinuntahan.

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
3

1. Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat na nasa ikalawang panauhan.

2.Mahalagang mailahad ang realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat.


3. Hindi kailangang maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng ganitong
uri ng sulatin.

4. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang paglalakbay
kung gagamitin sa pictorial essay._

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa maayos na pagsulat ng


akademikong sulatin at pagsunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin sa paglalapat ng pangangatwiran katulad ng posisyong
papel.

Akademikong Sulatin: Ang Posisyong Papel

Ang Posisyong papel o position paper ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-


kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o tumutukoy sa
identidad, gaya ng isang partido pulitikal.

Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan


ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita ang ebidensya na
magpapatotoo hinggil sa isyung pinaninindigan

Tatlong (3) uri ng Posisyong Papel

✓ Sa Akademya
✓ Sa Pulitika
✓ Sa Batas

Mga Dapat isaalang-alang para sa mabisang pangangatwiran

1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid-pagpili ng paksa batay sa interes

2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid

3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpatunay.

4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang


makapanghikayat

5. Pairalin ang pagsasaalang-alang ng katarungan, at bukas na kaisipan sa


pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.

6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katuwiran.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Pumili ng paksa na napapanahon.

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
4

2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.


3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon-
5.Alamin ang lahat ng mga posibleng hamon na kakaharapin ng iyong pinaninindigan.
Dapat harapin at kilalanin mo ang iyong posisyong papel maging ang mga kasalungat
na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba
pa) upang pahinain ang mga tindig nito.
6. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
7. Buoin ang balangkas ng posisyong papel

Katangian ng Posisyong Papel

1. Ito ay nararapat na maging pormal ang format, mga gagamiting termino


2. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya
3. Malakas na panimula
4. Pagpapakilala ng isyu, pagpapakilala ng iyong posisyon
5. Malakas na katapusan
6. Mayroong inilalahad na ebidensya.

Pagbasa ng Halimbawa ng Posisyong Papel

Posisyong Papel: Unified ID System


Ang pamamahala sa bawat Pilipino ay isang malaking responsibilidad ng
gobyerno. Ang kaagapay sa pamamahala ng Pangulo ay mga iba’t ibang departamento
sa pamamahagi ng mga tungkulin at mga kailangan gawin para sa pag-unlad ng ating
bansa. Sa madaling salita ay mas pinadali at mainam ang pagsagawa ng kanilang mga
tungkulin. Malaking tulong ang pagtatag ng Unified Identification System sa ating pang
araw-araw na mga gawain.
Ayon sa wikipedia, ang Unified ID System ay naipakilala noong 2010 na
naglayong gawin ang iba’t ibang transaksyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na
gamit ang isang card lamang at napakaloob na din dito ang paggamit nito sa pagboto
sa mga darating na eleksyon. Ang reponsable sa pag implementa nito ay ang Social
Security System (SSS), Government Service Insurance System(GSIS), at ang PhilHealth.
Ito ay nakapangalan sa House Bill 5060 na ipinasa ni Sonny Belmonte, Jr. na
naglalayong makatulong sa “anti-crime, anti-terrorism”na kampanya.
Sa panahon ngayon, malala na ang mga krimen kagaya ng droga, extrajudicial
killings at terorismo. Ang UID ay makakatulong sa mga nabanggit na sitwasyon dahil
makikita dito ang buong impormasyon ng isang tao sa pag subaybay kapag sila man ay
napapabilang sa mga iba’t ibang gawain, masama man o hindi. Gamit ang isang card
,dito mas mapapadali at maging mahusay ang mga transaksyon na may kinalaman sa
pag papatunay ng isang pagkakakilanlan ng isang tao.
Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino ang mga ilegal na imigrante na
nanatili sa ating bansa. Ang mga tao na hindi nagbabayad ng tamang buwis ay
malalaman ng mga nakakataas dahil sa tulong ng UID Electric governance, dito hindi
na kailangan na pag isa-isahin dahil sa paggamit lamang ng isang card mas simple at
pinadali ang pag proseso ng mga papeles na nangangailangan ng pagkakakilanlan ng
isang tao. Ang UID ay gumagamit ng biometrics kagaya ng fingerprints, handprints at
DNA sa tulong nito masisiguro na iisang tao lamang ang nag mamay-ari at gumagamit
nito. Makikita sa UID ang pagkakaiba ng bawat tao gamit ang kanilang mga katangian
at parte ng katawan na walang sinuman ang pwede makakagaya

Mula ang teksto sa link na


https://grouptressite.wordpress.com/2
017/10/01/posisyong-papel-soft-copy/

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
5

Mga Gawain

Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin ito sa pagbuo ng sariling


pangungusap at gamitin ang ilustrasyong nakalaan sa sagutang papel.

Mga Salita

1. Katibayan

2. Tiyak

3. Organisado

4. Opinyon

5. Kaugnayan

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga tanong

Batay sa binasa mong halimbawa, sagutin ang mga tanong. Gawin sa sagutang
papel.

1. Ano ang nilalaman ng tekstong binasa?

2. Anong bahagi ng teksto ang nagsasaad ng ebidensya? Patunayan ang sagot.

3. Paano nagkakaiba ang bawat bahagi ng posisyong papel sa bawat isa?


Ipaliwanag mo ang iyong sagot.

4. Paano hinikayat ng sumulat ang mambabasa na sumang-ayon sa kaniyang


panig?

5. Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba na magkaroon tayo ng unified


ID system? Bakit?

Gawain 1.3

Magsaliksik ng mga datos at katibayan na ang edukasyon ay


magpapatuloy sa kabila ng pandemya. Ilagay sa graphic oraganizer ang
sagot.

Edukasyon ay
magpapatuloy sa
kabila ng pandemya

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
6

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang masining na pagpapahayag ng pangangatwiran


at pagsulat nang maayos ng isang posisyong papel at, narito ang mga dapat mong
tandaan.

1. Ang posisyong papel ay laman ng akademikong sulatin, ito ang opinyon, saloobin,
at pananaw na pinagyaman upang maging matibay na paninindigan. Sa
akademikong sulating ito mamamalas ang matibay na paglalahad ng katuwiran.

2. Mahalagang inilalatag ng posisyong papel ang mga posibilidad ukol sa panig na


pinaninindigan. Malinaw ng ipinakikita ang sanhi at bunga ng mga panig upang
makita ang maaaring kahinatnan ng ibinibigay na posisyon.

3. Magkaugnay sa posisyong papel ang paninindigang sumang-ayon o tumutol sa


isang usaping dapat bigyang linaw.

4. Mahalagang kasangkapan sa posisyong papel ang pagtitimbang-timbang ng iba’t


ibang perspektiba upang ang ipinapahayag na paninindigan ay
makaimpluwensiya at katigan ng ibang mambabasa o mamamayan. Mangyayari
ang isang matatag na posisyon sa pamamagitan ng komprehensibong
pagsasalansan ng mga impormasyon, datos, at patunay na dapat isiwalat sa
posisyong nais ipahayag.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Pumili at manood ng isang dokyumentaryo at pagkatapos punan ang mga hinihingi sa


loob ng bawat kahon sa tulong ng graphic organizer. Gagamitin mo itong pantulong
upang makabuo ng isang posisyong papel. Pagkatapos itong isagawa ay sumulat ng
posisyong papel. Isagawa sa sagutang papel.

Mga Pagpipiliang Dokyumentaryo

A. I- Witness: “Kawayang Pangarap ; dokumentaryo ni Kara David

https://www.youtube.com/watch?v=dFVNRE5ZyA4

B. “Bayang Uhaw”, ni Kara David

https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/iwitness/565417/ldquo-bayang-
uhaw-rdquo-dokumentaryo-ni-kara-david-ngayong-sabado-sa-i-witness/story/

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
7

Dokumentaryo

Pamagat:

Katibayan
Paksa
Nilalaman

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos
Kompleto at malinaw ang impormasyong inilahad 10
Mahusay ang paggamit ng wika 10
Malikhain at gumagamit ng katibayan 10
Malinis at maayos ang kabuoang gawa 10
Kabuoan 40
*Hango sa #ABKD (Ako Bibo Kase Dapat) Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham
Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino ni Voltaire M. Villanueva

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat bilang sa ibaba. Tukuyin at isulat


ang wastong sagot sa tulong ng mga salita na nasa loob ng kahon. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
posisyong papel paksa katibayan

kontra-argumento makapanghikayat pagpapakilala ng isyu

napapanahon ekonomiya ebidensya


politika

1. Isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang


isinulat ng may-akda o tumutukoy sa identidad, gaya ng isang partido pulitikal.

2. Pinakamahalagang isinasaalang-alang sa pangangatwiran.

3. Ginagamit upang pahinain ang depensa ng kasalungat na paninindigan upang


mahikayat na mapaniwala sa kaniyang pinaniniwalaan

4. Mahalagang ipinakikita upang mapatotoo ang mga pinaninindigan.

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
8

5. Pangunahing layunin ng posisyong papel

6. Nilalaman ng teksto sa panimula ng posisyong papel

7. Katangian ng paksa na ginagamit sa posisyong papel

8. Ginagamit na isyu sa pamahalaan upang makapaghikayat ng madla na may mga


kaakibat na ebidenya

9. Pinakamakapangyarihang ginagamit sa pangangatwiran upang paniwalaan at


makapaghikayat.

10. Uri ng posisyong papel na naglalaman ng mga pangyayari o isyu sa ating ekonomiya.

Pagninilay

Basahin at suriin ang larawan na mula sa facebook at sagutin ang gabay


na tanong.

https://www.facebook.com/erwintulforeal

Gabay na Tanong:

1. Ano ang pinagbatayan ng mga mambabasa upang makapagbigay ng reaksyon


hinggil sa larawan o isyu na mula sa facebook.
2. Bakit mahalagang timbangin ang iba’t ibang paninindigan ng tao? Ipaliwanag
ng mabuti ang sagot.

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan
ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
9

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)-12


SAGUTANG PAPEL-ARALIN 5

Markahan: _Kwarter 2 Linggo: Ikalima

Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 6 1.

2 7 2.

3 8 3.

4 9 4.

5 10 5.

Gawain 1.1

Mga Salita Kasingkahulugan Pagbuo ng pangungusap

1. Katibayan

2. Tiyak

3. Organisado

4. Opinyon

5. Kaugnayan

Gawain 1.2

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 1.3

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
10

Edukasyon ay magpapatuloy
sa kabila ng pandemya


Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10
Pagninilay

Modyul sa Senior High School- Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like