Q2-Week 3 FSPL

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 80

PAUNAWA,

BABALA AT
ANUNSYO
Ano nga ba ang babala?

 nagsasaad ng dapat o di-dapat gawin sa


isang lugar lalo na sa mga pampublikong
lugar. Ito ay ginagamitan ng mga simpleng
simbolo ngunit ang ilan ay pasalita.

 Sa pagsulat pagsulat ng babala, mainam na


gumamit din ng attention icon para sa
epektibong babala.
Ano nga ba ang babala?
 Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging
panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao
na maaaring magresulta sa kamatayan, sakit o
pagkabalda. Pautos at awtoritatibo ang tono nito
upang magbigay ng pakiramdam ng pagiging
alisto o takot sa mambabasa. Maaaring sa
pamamagitan ng salita o larawan maisasaad ang
isang babala
Iba pang halimbawa ng mga babala na
nagpapaalala sa atin
Ano nga ba ang paunawa?
 isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang
impormasyon at mistula rin itong magsasabi kung ano
ang maaari at hindi maaaring gawin.
 Maari ring pumapaksa ang paunawa tungkol sa
anumang pagbabago ng naunang nabanggit na
impormasyon, notice ang tawag nito sa Ingles.
 Halimbawa: Inaabisuhan ang lahat na mula ngayong
Lunes, ika-30 ng Marso ay hindi muna magpapasok ng
mga tao sa gusali na ito upang makaiwas sa sakuna.
 Ang mga paunawa ay hindi lamang makikita sa mga
lugar na madaling makita kundi maririnig at makikita rin
ito sa radyo, telebisyon at social media.
Ano nga ba ang anunsyo?
 Nilikha ang mga ito upang magbigay ng mga detalye
hinggil sa isang pangyayari kagaya ng panayam,
pagpupulong, talakayan at iba pang pagtitipon.
 Makikita sa mga anunsyo ang nakatakdang petsa,
oras, lugar na pagdarausan at iba pang batayang
kaalaman hinggil sa paksang inaanunsyo (Perez et al.
2016).
Karaniwang mababasa ang mga sulating ito sa mga
magasin, flyer, dyaryo, pamphlet, bulletin board at iba
pa. Naririnig din ang mga ito sa radyo at telebisyon.
Ano nga ba ang anunsyo sa
ekonomiks?
 Sa ekonomiya o ekonomiks ang ang pag-
aanunsyo ay isang pamamaraan upang
hikayatin ang mga konsyumer na
tangkilikin ang isang produkto o
paglilingkod gamit ang mga kilalang
personalidad.
 May apat na uri ang pag- aanunsyo:
bandwagon, testimonial, brandname at fear.
4 na Uri ng Pag-Aanunsyo sa Ekonomiks
 Sa bandwagon gumagamit ito ng maraming tao
upang ipakita sa lahat na maraming gumagamit
sa nasabing produkto o paglilingkod. Layunin
nito na sumang- ayon o makiisa ang isang
mamimili sa desisyon ng pangkat na mamimili.
Ginagamitan ito ng mga ekspresyong "Are you the
one of us?" at "Join us now!"
 Sa pag-aanunsyong testimonial naman gumagamit
ng mga kilalang personalidad tulad ng mga artista,
pulitiko at sikat na manlalaro upang mag-endorso
ng isang produkto na nanghihikayat sa mga tao
upang gamitin ang produktong kanilang ginagamit.
4 na Uri ng Pag-Aanunsyo sa Ekonomiks
 Sa pag-aanunsyo ng brandname hindi na
gumagamit ng kahit na ano pang pakulo. Ang
pinakikilala na lang ay ang tatak ng produkto o
paglilingkod.
 Sa pag- aanunsyong fear naman ay gumagamit ng
kaunting pananakot sa hindi paggamit ng produkto
o paglilingkod. Halimbawa ay ipinapakita sa
produktong iniendorso na kapag hindi gumamit ng
ganitong uri ng sabon, maraming germs ang maaari
mong makuha na magiging sanhi ng mga sakit.
Paunawa, Babala at Anunsyo

 Ang anumang paunawa, babala o anunsyo ay


tinatawag na patalastas. Sapagkat ito ay
nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga
nakababasa nito
Pagsulat, Babala at Anunsyo
Mahalaga na malaman at matutuhan natin ang
mga paunawa, babala at anunsyo sapagkat ito ang
nagsisilbing paalala at gabay natin sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Nakatutulong ang mga
babala upang maiwasan ang mga sakuna,
aksidente o iba pang hindi kanais-nais na
pangyayari para sa isang indibiduwal. Marapat
lamang sundin ang mensaheng ipinaparating ng
mga ito kung ayaw na mapahamak. (Perez et
al.,2016)
Pagsulat, Babala at Anunsyo
Dagdag pa ni Perez et al. (2016), ang mga babala at
paunawa ay karaniwang malalaki ang sukat at estilo
ng pagkakasulat na matatagpuan sa isang lugar na
madaling makita. Inaasahan ding malinaw ang
pagkagawa at pagkapaskil sa mga ito. Hindi sa lahat
ng pagkakataon ay purong teksto ang bumubuo sa
mga babala kundi maging mga guhit o larawang
madaling matukoy at maunawaan ng mga
nakakakita nito. Tiyak at direkta ang kadalasang
paraan ng pagkakasulat ng mga paunawa at babala,
hindi sobrang haba at kuha agad ang ibig iparating
na mensahe upang mabilis na maalala.
Mga Konsiderasyon sa Pagbuo ng mga
Paunawa, Babala at Anunsyo
1. Nilalaman at pagkakabuo
Dapat tiyak at direkta ang paraan ng pagkakasulat,
hindi sobrang haba at kuha agad ang ibig iparating
na mensahe upang mabilis na maalala. Karaniwan
ding malalaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat.
2. Paggamit ng wika
Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa
anumang inilagay sa paunawa, babala, at anunsyo.
Mahalaga, kung gayon, na ang salitang gagamitin ay
simple at mabilis na maiintindihan.
Mga Konsiderasyon sa Pagbuo ng mga
Paunawa, Babala at Anunsyo

3. Paggamit ng imahe o simbolo


Ang infographics ay ang paggamit ng imahe at/o
simbolo, kalakip ang mahahalagang impormasyon.
Sa kasalukuyang panahon, mas nakapupukaw sa
mag-aaral ang paggamit ng mga infographics dahil
sa pagiging malikhain, kakaunti ang tekstong
babasahin, malinis ang pagkakagawa, at nakaaakit
sa mata dahil sa kulay.
Panuto: Tukuyin ang sumusunod kung
paunawa, babala o anunsyo. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
1.
BABALA
2.
ANUNSYO
3. PAUNAWA
4.BABALA
5. ANUNSYO
6. BABALA
7. PAUNAWA
8. BABALA
9. PAUNAWA
10.
ANUNSYO
11.

PAUNAWA
12. ANUNSYO
13. BABALA
14.
ANUNSYO
15. ANUNSYO
16.
BABALA
17. ANUNSYO
18.
BABALA
19.
PAUNAWA
20.
ANUNSYO
Panuto: Gawan ng anunsyo ang
makikitang larawan sa ibaba. Pumili
lamang ng tatlo at isulat ito sa short size
bond paper. Sa pagsulat ng anunsyo,
isaalang-alang ang mga konsiderasyon sa
pagbuo nito.
Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na
larawan bumuo ng dalawa hanggang tatlong
pangungusap bilang pagpapakahulugan sa
bawat larawang ibinigay. (30 puntos).

1. 2.
3. 4.
5. 6.

You might also like