Filipino Akademik Q2 Week 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Aralin Pagsulat ng Agenda

1
Mga Inaasahan

Sa araling ito, inaasahan na nauunawaan ang mga terminong akademiko


na may kaugnayan sa agenda.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayan


na:

Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may


kaugnayan sa piniling sulatin. CS_FA11/12PT-0m-o-90

Bilang panimula sagutin mo muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Isulat sa sagutang papel ang hinihinging tamang sagot sa bawat bilang.


1. Ito ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang gagawin.
A. Agere C. Agori
B. Ageri D. Agire
2. Piliin ang hindi kasama sa pagsusulat ng isang agenda.
A. Mga paksa na nais linawin at matapos.
B. Pangalan ng mga dadalo sa pagpupulong.
C. Mga paksa na walang kinalaman sa pag-uusapan.Pagsulat ng
oras at araw ng magiging pagpupulong.
3. Alin sa mga pagpipiliian ang hindi kasama sa mga dapat tandaan sa agenda?
A. Malinaw ang mga layunin na isusulat.
B. Pagbasa sa katitikan ng pulong ng nakaraang pagpupulong.
C. Pangalan ng mga taong walang kunalaman sa pagpupulong.
D. Pagbibigay-halaga sa lugar at oras ng pagpupulong

4. Sa pagsusulat ng agenda ay kinakailangan na .


A. sa mismong araw ng pagpupulong ibibigay ang agenda.
B. huwag nang magkaroon ng pokus sa paksa.
C. pagkatapos ng pagpupulong ibibigay ang agenda

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
2

D. tatlong araw bago ang pagpupulong ay naibigay na ang


agenda.
5. Alin sa mga pagpipiliian ang hindi dapat kasama sa nilalaman ng agenda?
A. Mga walang kinalaman sa pagpupulong
B. Lugar ng pagdadausan
C. Oras at araw ng pagpupulong
D. Mga paksang pag-uusapan
6. Ito ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong.
A. Katitikan ng pulong
B. Agenda
C. Panukang proyekto
D. Liham
7 Alin sa mga pagpipilian ang hindi paraan ng paggawa ng isang agenda?
a. Nililinaw ang mga layunin
b. Pangalan ng mga mangunguna sa pagpupulong
c. Walang oras at araw ng pagpupulong
d. Detalye ng mga paksang tatalakayin
8. Ito ay gamit ng agenda na sa paraang ito ay magiging produktibo ang magiging
pagpupulong.
a. Pagbuo ang miting
b. Istruktura ng miting
c. Mga dadalo sa miting
d. Mga ambag sa miting
9. Ito ay gamit ng agenda na mga dokumento na kailangang basahin o
pagtatalaga ng gawain sa loob ng pagpupulong (pagsulat ng katitikan ng pulong).
a. Oras
b. Impormasyon
c. Mga Dadalo
d. Araw
10. Alin sa pagpipilian ang hindi kahulugan ng isang agenda?
a. Isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na
ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang
partikular na problema sa negosyo o oportunidad.
b. Ito ay listahan o balangkas na kailangang ikonsidera o gawin sa mga
pagpupulong. Nakatutulong itong maging organisado ang mga
naisasagawang miting at malaman ang mga bagay na kailangang gawin
para matamo ang mga iyon.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
3

c. Ito ay parang kalendaryo dahil may petsa, oras, lugar, at balangkas ng


mga paksa na pag-uusapan.
d. Lumilikha nito para malaman ang layunin ng pagpupulong sa isang
kompanya o organisasyon.
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa
nakaraang aralin

Balik-tanaw

Humanap ng dalawang halimbawa ng panukalang proyekto. Gamit ang Venn


diagram sa ibaba, isulat ang mga bahagi ng panukalang proyekto para
matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa. Gawin sa sagutang
papel.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa pagsulat ng agenda.

Pagsulat ng Agenda

Kahulugan

• Mula sa salitang Latin na agere na ang ibig sabihin ay gagawin.


• Ayon sa Merriam Webster, ito ay listahan o balangkas na kailangang
ikonsidera o gawin sa mga pagpupulong. Nakatutulong itong maging
organisado ang mga naisasagawang miting at malaman ang mga bagay na
kailangang gawin para matamo ang mga iyon.
• Ito ay parang kalendaryo dahil may petsa, oras, lugar, at balangkas ng
mga paksa na pag-uusapan.
• Lumilikha nito para malaman ang layunin ng pagpupulong sa isang
kompanya o organisasyon.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
4

MGA GAMIT
Nagbigay ang www.skillsyouneed.com ng mga gamit ng pagsulat ng isang
agenda. Narito ang sumusunod na gamit ng agenda:

a. Malaman kung sino-sino ang mga dadalo sa miting. Sa pagbuo ng


balangkas ng paksang pag-uusapan ay malalaman na agad kung sino ang
mga dadalo at hindi dadalo.
b. Malaman ng mga dadalo ang kanilang maiaambag sa miting. Ang
paunang pag-alam sa mga paksang pag-uusapan sa isang pagpupulong
ay malaking tulong para mapag-isipan ng mga dadalo ang kanilang mga
suhestiyon o komento dito, o magpakita ng mga bagay na may kinalaman
sa pag-uusapan. Sa paraang ito ay magiging produktibo ang magiging
pagpupulong.
c. Mabuo ang miting. Ang pinakalayunin ng isang pagpupulong ay magawa
nang mahusay at tama ang mga naitakdang layunin.
d. Magkaroon ng istruktura ang miting. Dahil sa agenda ay nagkakaroon
ng maayos na patutunguhan ang pagpupulong. Naiiwasan ang mga paksa
na walang kinalaman sa mga natakdang layunin. Mas nakapokus sa mga
bagay na nararapat na gawin at matapos.
e. Malaman kung ang miting ay naging matagumpay. Malalaman ng mga
dumalo kung ang naisagawang pagpupulong ay naging matagumpay base
sa mga napag-usapan at malaman kung ang mga iyon ay maaaring pag-
usapan sa susunod.

Mga Dapat Tandaan sa Paraan ng Pagsulat ng Agenda

1. Gawin ang agenda tatlong araw bago ang miting. Makatutulong ito na
mas maayos ang gagawing agenda. Makokonsidera ang mga ilang bagay
na nararapat at malalaman ng mga dadalo ang kanilang inaasahan sa
pagpupulong.
2. Mag-umpisa sa mga simpleng detalye. Katulad ng lugar, oras, araw ng
pagpupulong, at sino ang mga kailangang dumalo.
3. Ilahad ang mga layunin. Dito kailangang malaman ng mga dadalo kung
bakit magsasagawa ng isang pagpupulong. Magkakaroon ng prayoridad sa
mga pag-uusapan at kailangang tapusing mga trabaho.
4. Lagyan ng oras ang bawat na paksang pag-uusapan. Sa paglalagay ng
oras ay makatutulong ito na hindi mapahaba ang mga pag-uusapan.
Maaaring gawing 15 minuto ang bawat paksa.
5. Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon sa miting. Halimbawa
mga dokumento na kailangang basahin o pagtatalaga ng gawain sa loob
ng pagpupulong (pagsulat ng katitikan ng pulong).

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Tingnan ang isang halimbawa ng agenda.

Agenda
Pulong ng 11 HUMSS-A
Lunes, Agosto 24, 2020, 1:00 n.h. -2:00 n. h.
Room 205, Cariños Building, AHS

1. (1:00 n. h. - 1:03 n. h.) Pagbubukas ng pulong na pangungunahan ng bise


presidente ng 11 HUMSS-A.
2. (1:03 n. h. - 1:08 n. h.) Pag-ulat ng nkaaraang katitikan ng pulong na
pangungunahan ng sekretarya ng 11 HUMSS-A.
3. (1:08 n. h. – 1:18 n. h.) Pagmumungkahi ng mga kakailanganing gamit sa
loob ng klase na pangungunahan ng president ng 11 HUMSS-A.
4. (1:18 n. h. – 1:43 n. h.) Pagbibigay ng suhestiyon o komento ng mga mag-
aaral sa mga kakailanganing gamit at pagdidisenyo ng silid-aralan.
5. (1:43 n. h. - 1:55 n. h.) Pagdedesisyon sa pangkalahatang napag-usapan.
6. (1:55 n. h. – 2:00 n. h.) Pagtatapos ng pulong.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagbigay ng depinisyon

Isulat ang mga salitang naiisip na nakaugnay sa salitang “agenda.” Kompletuhin


ang semantic web. Ilagay sa sagutang papel ang iyong sagot.

Agenda

Gawain 1.2 Pagsulat ng Agenda

Gawan ng mga agenda ang sumusunod at sundin ang napag-aralan na paraan ng


pagsulat nito. Isulat ito sa sagutang papel.

a. Nagpatawag ng miting ang adviser ng inyong klase para pag-usapan ang


pagtatalaga ng class officers at mga kakailangan sa inyong silid-arala

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
6

b. Pagkakaroon ng pulong para sa mga nararapat na plano o gawain ng sangguniang


kabataan para sa mga kabataang katulad mo sa inyong barangay.

Gawain 1.3 Pagsagot sa bawat bilang

1. Bilang mag-aaral, gaano kaimportante na magsulat muna ng agenda bago magkaroon


ng pagpupulong?
2. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong pag-aralan ang pagsulat ng isang agenda?
Paano ito nakatulong sa iyong strand na kinuha?
3. Paano makasusulat ng isang epektibong agenda?

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos pag-aralan ang pagsulat ng agenda, narito ang mga dapat mong
tandaan.

1. Ang agenda ay listahan o balangkas na kailangang ikonsidera o gawin sa


mga pagpupulong. Nakatutulong itong maging organisado ang mga
naisasagawang miting at malaman ang mga bagay na kailangang gawin
para matamo ang mga iyon.
2. Narito ang mga gamit sa pagsulat ng agenda, (a) malaman kung sino-sino
ang mga dadalo sa miting, (b) malaman ng mga dadalo ang kanilang
maiaambag sa miting, (c) mabuo ang miting, (d) magkaroon ng istruktura
ang miting, (e) malaman kung ang miting ay naging matagumpay.
3. Ito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng agenda, (a) gawin ang agenda
tatlong araw bago ang miting, (b) mag-umpisa sa mga simpleng detalye, (c)
ilahad ang mga layunin, (d) lagyan ng oras ang bawat na paksang pag-
uusapan, (e) ilagay ang mga kinakailangang impormasyon sa miting.

Isang gawain pa ang inilaan para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Isipin na isa ka sa kasapi ng inyong barangay. Sumulat ng isang agenda


na nagpaplano ng mga kailangang gawin sa pagpapatupad ng GCQ sa
inyong lugar sa panahon ng pandemya. Ikonsidera ang mga bagay na
naiisip mong kailangan ng inyong barangay. Isulat ito sa sagutang papel.

Rubrik sa pagsulat:

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
7

Pamantayan Napakahusay Mahusay- Mahusay (5) Kailangan ng


(10) husay (8) tulong (3)
a. Mga angkop na
salita ang ginamit.

b. Sinunod ang nasa


panuto.

c. Ginamit ang mga


paraan sa pagsulat
ng agenda batay sa
napag-aralan
d. Walang maling
ispeling o
typographical error.

e. Nakikitaan ng
organisasyon ang
sulatin.

Pangwakas na Pagsusulit

Isulat ang T kung tama ang mga pahayag at M kung mali naman ang mga
pahayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang agenda ay isang sulatin na naglalaman ng mga layunin na kailangang


magawa ng isang organisasyon.
2. Hindi kasama sa dapat ikonsidera ang mga dadalo sa pagpupulong.
3. Ito ay parang kalendaryo dahil may petsa, oras, lugar, at balangkas ng mga
paksa na pag-uusapan.

4. Maganda na lagyan ng oras ang bawat paksang isusulat para hindi tumagal
ang pagpupulong.

5. Mas mainam na gawin ang agenda limang minuto bago ang pagpupulong.

6. Hindi kailangang ilagay ang mga dokumento/impormasyon ng paksang pag-


uusapan.
7. Mula ito sa salitang Latin na agere na ang ibig sabihin ay gagawin.
8. Ang pagsulat ng agenda ay komplikado lang sa gagawing pagpupulong.
9. Kailangang isama ang mga simpleng detalye sa sulating agenda katulad ng
oras, lugar, at araw ng pagpupulong.
10. Isa sa mga gamit ng agenda ay malaman ng mga dadalo ang kanilang
inaasahan na pag-uusapan.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
8

Pagninilay

Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na nakasulat ka na ng agenda.


Sagutan ang hinihingi sa bawat patlang. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
At maaari itong pag-usapan kasama ang buong klase.

Sa aking napag-aralan, natutuhan ko ang mga

Nagkaroon ako ng kalituhan sa

dahil .

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan
ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
9

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)-12


SAGUTANG PAPEL-ARALIN 3

Markahan: _Ikalawa Linggo: Ikatlo

Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 6

2 7

3 8

4 9

5 10

Gawain 1.1

AGENDA

Gawain 1.2

A.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
10

B.

Gawain 1.3

1.

2.

3.

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10

Pagninilay

Sa aking napag-aralan, natutuhan ko ang mga

Nagkaroon ako ng kalituhan sa

dahil .

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
11

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like