GRADE 10 Module 2 Parabula FINAL LAYOUT

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

10

Panitikang Pandaigdig
Self-Learninf Module
Unang Markahan – Modyul 2: Parabula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: ARIZ JADE A. BALAJADIA
Editor: Name
Tagasuri: April Joy B. Silva, Perlyn Joy E. Gregorio, Lips F. Hiso
Tagaguhit: Actual Picture
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Solivin Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Belen L. Fajemolin, PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa, PhD – EPS, LRMS
Prima A. Roullo – EPS, Filipino
Bernardita M. Villano – Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 228-8825/ (083) 228-1893
E-mail Address: [email protected]
10
PANITIKANG
PANDAIGDIG
Unang Markahan – Modyul 2:
Parabula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling 1.2 Parabula .

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Panitikang Pandaigdig ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Parabula .

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Maligayang pagbabalik sa lahat! Ang modyul na ito ay dinesenyo at isinulat


para sa inyo. Sa araling ito ay inyong pag-aaralan ang tungkol sa mga Parabula.
Sinasabing ito ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa
mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang Parabula ay hango sa banal na
kasulatan. Kadalasang maikling kuwento ito na kapupulutan ng aral sa usaping
moral, espirituwal, at relihiyoso. Popular ang mga parabulang matatagpuan sa
Bibliya gaya ng Kuwento ng Mabuting Samaritano, Ang Alibughang Anak at Ang
Tusong Katiwala.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


 Aralin 1 – Parabula
 Aralin 2 – Panitikan: Ang Tusong Katiwala
 Aralin 3 – Gramatika: Pang-ugnay sa pagsasalaysay
Sa pagtatapos ng araling ito, ang bawat isa ay inaasahang;

1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng parabula na naglalahad ng katotohanan,


kabutihan at kagandahang-asal;
2. Nasusuri ang nilalaman, at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga
ibinigay na tanong;
3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa akda;
4. Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng akda gamit ang mga
estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral;
5. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas);
6. Naisusulat nang maayos ang kahulugan ng collage ayon sa paksa;
7. Naipakikita ang kakayahan sa paggamit ng mga berbal at di berbal na
estratehiya.

Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento sa Banal na Kasulatan.
A. dagli B. nobela C. pabula D. parabula

1
2. Ang sumusunod ay kahulugan ng salitang Griyego na “Parabole” maliban sa
isa.
A. analohiya B. ilustrasyon C. katangian D. paghahambing

3. Ang sumusunod ay halimbawa ng isang akdang parabula maliban sa isa.


A. Ang Ama C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Alibughang Anak D. Ang Tusong Katiwala

Para sa bilang 4-10: Tukuyin kung ang pahayag ay tungkol sa “Puasa o Pag-
aayunong Islam” ay katotohanan, kabutihan o kagandahang-asal. Isulat ang sagot
sa sagutang papel

4. Pagiging disiplinadong tao.


5. Pakikibahagi sa tradisyon.
6. Ito ay nangyayari sa ika-siyam na buwan ng kalendaryong Islam.
7. Ang pag-aayuno ay hindi lamang sa pagkain at pag-inom kundi sa paggawa
rin ng masama.
8. Pagbibigay respeto sa mga turo ng Qur’an.
9. Pagsasakripisyo para kay Allah at para na rin sa sarili.
10. Pagpapatibay ng paniniwala.

Aralin

1 Parabula

Balikan

Matapos mong pag-aralan ang isa sa mga Mitolohiya ng mga taga-Roma, ikaw ay
gagabayan naman ng mga mensaheng matutuhan sa akdang pampanitikan na
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay – ang Parabula. Sinasabing ito
ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang
wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay buhat sa salitang Griyego na
“Parabole” na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang
pagtularin. Gumagamit ito ng mga Tayutay na Pagtutulad at Metapora upang
bigyang-diin ang kahulugan.

2
Tuklasin

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang


pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na
kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay
may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et .al. 2008. Texas, USA

Larawan ng Buhay!

Panuto: Basahin at unawain ang parabula ng mabuting manlalako.

Ang Parabula ng Mabuting Manlalako


Sa panulat ni: Rowena G. Francisco

Minsan may dalawang tinderong nagsikap na magtinda ng


pinakamasarap na puto sa bayan ng Polo. Ang unang tindero ay magaling sa
pagluluto ng puto. Ang ikalawang tindero naman ay masikap pagdating sa
paglalako. Dahil sa likas na angking galing ng unang tindero sa pagluluto ng
puto ay lubos na tinangkilik ng mga tao ang paninda nito.

Isang araw ay may dumating na matandang lalaki buhat pa sa malayong


lugar. Siya ay dumayo pa sa kanilang lugar upang tikman ang ayon sa bali-
balitang pinakamasarap na puto sa buong bayan.

Una nitong pinuntahan ang tinderong kilala sa pagluluto ng masarap na


puto. Narinig ng tindero ang bumibiling matanda ngunit dahil may iba pang
pinagkakaabalahan ang tindero kung kaya hindi niya ito pinansin. Dahil sa
sobrang tagal ng paglabas ng unang tindero ay umalis na lamang ang
matandang gutom na gutom. Sa paglalakad nito ay nakasalubong niya ang
ikalawang tindero.

“Tatang, mukha po kayong nagugutom, tikman po ninyo ang aking


paninda.” Wika ng ikalawang tindero. “Dito po sa bayan ng Polo kilalang-kilala
po ang aming putong polo dahil sa sobrang sarap nito!”

Nang maubos ang pagkain ay mabilis na binunot ng matandang lalaki


ang kaniyang kalupi at iniabot ang bayad sa tindero.
“Huwag na po ninyong bayaran, iyan po ay natirang puto buhat sa aking
pagtitinda. Huwag po kayong mag-alala hindi ko naman po ikalulugi ang
ibinigay ko sa inyong puto. Itago na lamang po ninyo ang inyong pera dahil
mukhang buhat pa kayo sa malayong lugar” pagmamagandang loob ng tindero.
Agad naman nagpasalamat ang matanda.

3
Nobyembre 12 kapistahan ni San Diego Alcala. Nagpatawag ng
pagpupulong ang pinuno ng kanilang bayan. Sinabi ng pinuno na bibigyan niya
ng parangal ang pinakamagaling magluto at magtinda ng putong Polo sa bayan.
Lubos ang tiwala ng unang tindero sa kaniyang sarili na siya ang mananalo
sapagkat sa lahat ng tindero, siya ang pinakamagaling magluto ng puto. Halos
nagulat ang lahat ng inanunsiyo ng pinuno kung sino ang nagwagi, walang iba
kundi ang ikalawang tindero. Sa galit ng unang tindero.. “Ako ang pinakamagaling
magluto ng puto dito sa ating bayan, bakit hindi ako ang nagwagi?” “Nakikilala
mo ba ako?” tanong ng pinuno. Ako ang matanda na bumili sa iyo ng puto na
hindi mo pinagbilhan dahil abala ka sa iyong ginagawa.

Tandaan mo ang talento ay nariyan ngunit kinakailangan ng sipag at


kababaang loob upang mas lalo itong umunlad. Walang puwang ang kapalaluan
sa mundong ibabaw.

Suriin

Mangkok ng Katanungan!
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang mahahalagang tauhan sa parabula?


2. Sa mga tauhan, sino sa kanila ang gumawa ng kabutihan?
3. Bakit tinulungan ng manlalako ang isang matandang lalaki?
4. Dahil sa ginawang kabutihan ng manlalako sa matandang lalaki ano ang
kaniyang natamo?
5. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng akda?
6. Paano nakakatulong ang mensaheng nakapaloob sa akda sa ugali ng isang
tao?
7. Maliban sa nabasang akda, magbigay ng iba pang sitwasyong nagpamalas/
kakikitaan ng kagandahang asal

4
Pagyamanin

Gawain 1.1: Bawat Pangyayari Mahalaga!


Panuto: Basahin at unawain ang akdang “Puasa: Pag-aayunong Islam”. Itala sa
kasunod na talahanayan ang bahaging para sa iyo ay naglalahad ng
katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal ng isang tao.
Puasa: Pag-aayunong Islam
Halaw sa Ingles na isinalin sa Filipino ni Elvira Estravo

Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga mg Muslim


sa Pilipino at Saum sa Arabic. Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Qur’an na
nagsasaad ng ganito: “Kayo ay naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo
at inutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa
sarili.”

Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama


na ang ano mang masamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog nito. Hinihinging mag-ayuno ang mga Muslim sa loob ng
29 hanggang 30 araw ng Ramadan, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong
Islam. Napili ang buwang ito dahil dito nangyari ang unang paghahayag ng
Qur’an kay Propeta Mohammad, sa kuweba ng Hira.

Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng


hapon, sama-sama o grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at
bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng mga
taga-Maguindanao. Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung
minsan, ang mga pagkain sa iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at
ipinakakain sa mga naroroon. Ang kanduli at pagliligo ang simula ng gawaing
Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.

Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang


bawat Muslim na may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal
na tinatwag na saul. Pagkakain ng saul o kaya’y bago sumikat ng araw, lahat ng
uri ng pagkain, maiinom o ano mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal.
Pagkakain, maaring bumalik sa pagtulog o magbasa ng Qur’an.
Ipinagpapatuloy ang araw-araw na Gawain sa panahong ito ng puasa. Ang
iba’y umuuwi nang maaga sa bahay o nagtitipon sa mosque kasama ang mga
kaibigan, nagbabasa ng Qur’an o nag-uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit na
ipinagbabawal ang pagtsitsismis.
Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang pagkakataon, ang
pagtigil ng pag-aayuno ay ginagawa sa bahay ng datu o sinuman sa komunidad
na boluntaryong maghahanda ng pagkain. Tinatawag na pembuka ang
paghahandang ito.

5
Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal

Gawain 1.2: Isalaysay Ang Nangyari!


Panuto: Gamit ang story frame, isalaysay ang mahahalagang pangyayaring naganap
sa panahon ng pag-aayuno o pausa.

(Pagsisimula)
(Pagpapadaloy ng
pangyayari)
(Pagwawakas)

Isaisip

WHAT’S ON YOUR MIND


Panuto: Dugtungan ang pahayag. Isulat sa sagutang papel.

Nabatid ko na ang parabula ay


_________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

6
Isagawa

Gawain 2: Likhain Mo!


Panuto: Sumulat ng isang maikling salaysay na nagpapakita ng pamantayang moral
ng isang tao.

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas


ng buhay.
A. dagli B. nobela C. pabula D. parabula

2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang akdang parabula maliban sa isa.


A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Kuwento ni Pagong at Matsing D. Ang Tusong Katiwala

3. Ang salitang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na “__________” na


nangangahulugang paghahambing, ilustrasyon, o analohiya.
A. parabole B. parabol C. parabula D. parabbole

Para sa bilang 4-10: Tukuyin kung ang pahayag tungkol sa “Puasa o Pag-aayunong
Islam” ay katotohanan, kabutihan o kagandahang-asal. Isulat ang sagot sa sagutang
papel

4. Ito ay nangyayari sa ika-siyam na buwan ng kalendaryong Islam.


5. Pakikibahagi sa tradisyun.
6. Ang pag-aayuno ay hindi lamang sa pagkain at pag-inom kundi sa paggawa
din ng masama.
7. Pagbibigay respeto sa mga turo ng Qur’an.
8. Pagpapatibay ng paniniwala.
9. Pagkakaroon ng tunay na takot sa Dakilang Allah.
10. Pagiging disiplinadong tao.

7
8
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. D Katotohanan: 1. D
2. C  Ang puasa ay 2. B
3. A nangyayari sa ika-siyam 3. D
4. kagandahang-asal na buwan ng 4. katotohanan
5. kabutihan kalendaryong Islam. 5. kabutihan
6. katotohanan  Ang pag-aayuno ay hindi 6. katotohanan
7. katotohanan lamang sa pagkain at 7. kagandahang-asal
8. kagandahang-asal pag-inom kundi sa 8. kabutihan
9. kagandahang-asal paggawa din ng masama 9. kagandahang-asal
10. kabutihan 10. kagandahang-asal
Kabutihan
 Pakikibahagi sa
tradisyon
 Pagpapatibay ng
paniniwala
Kagandahang-asal
 Pagbibigay respeto
sa mga turo ng
Qur’an
 Pagiging
disiplinadong tao
 Pagkakaroon ng
tunay na takot sa
dakilang Allah.
Susi sa Pagwawasto
kasalukuyan? Patunayan ang sagot
Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa
Karagdagang Gawain
Aralin PANITIKAN: ANG TUSONG
2 KATIWALA
(Parabulang Naganap sa Syria)

Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay ang mga elemento ng pabula maliban sa __________.


A. aral B. diyalogo C. tagpuan D. tauhan

2. Elemento ng parabula na tumutukoy sa mga gumaganap sa isang kuwento


na hinango sa banal na bibliya.
A. tauhan B. tagpuan C. aral D. diyalogo

3. Elemento ng parabula na naglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring


naganap sa kuwento.
A. tauhan B. banghay C. tagpuan D. aral

4. Tumutukoy sa pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy


sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. diyalogo B. tagpuan C. tauhan D. aral

5. Ito ang mga matutunan ng isang tao matapos mabasa ang kuwento.
A. tauhan B. tagpuan C. diyalogo D. aral

Para sa bilang 6-10: Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali.

6. Ang parabula ay sinulat upang mang-aliw ng mambabasa o tagapakinig.


7. Ang parabula ay isang salaysay.
8. Ang nilalaman ng parabula ay mga mensahe o mga kuwentong kapupulutan
ng aral na pawang galing sa Sagradong Bibliya.
9. Walang aral na makukuha sa mga akdang parabula.
10. Ang parabula ay isang metapora.

9
Balikan

Sa unang bahagi ng aralin ay pinag-aralan mo ang kahulugan at kasaysayan ng


parabula. Ngayon ikaw ay gagabayan sa pag-aaral ng mga elemento at katangian
ng isang parabula. Sa bahaging ito ay iyong pag-aaralan ang parabula ng “Tusong
Katiwala” parabulang naganap sa Syria.

Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Ito ay nasa hangganan ng
Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalang “Syria” ay dating
magkasingkahulugan sa Levant (Kilala sa Arabic bilang al-sham) habang
sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang
kaharian at imperyo.

Tuklasin

Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyang diin ang


kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay
sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi
nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa kuwento.

Elemento ng Parabula
1) Tauhan – ito ang anumang tao o karakter na gumaganap sa istorya o kuwento.
2) Tagpuan – tumutukoy sa oras, panahon at lugar na pinagdausan ng kuwento
at istorya. Maaari itong maging dalawa o higit pa.
3) Banghay – ang kabuuan at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.
4) Aral – mga mahahalagang matutunan pagkatapos mabasa ang kuwento.

Katangian ng Parabula
1) Ang parabula ay isang salaysay – ang mga sangkap na bumubuo sa isang
maikling kuwento, gaya ng tauhan, tagpuan, banghay, tema, pananaw, at iba
pa ay mga sangkap na maaaring gamitin sa parabula. Ang kinaiba ng parabula
sa maikling kuwento ay wala sa mga sangkap na bumubuo rito kundi sa uri
ng mensaheng taglay nito.
2) Ang parabula ay isang metapora – may mga pagkakataong nagkukulang ang
tuwirang paglalarawan sa isang bagay upang maintindihan ito ng tao. Sa
ganitong sitwasyon angkop ang paggamit ng mas masining na pagpapahayag,
gaya ng paggamit ng metapora. Ang metapora ay isang masining na pananalita

10
na tumutulong sa isang tao na maintindihan ang anumang hindi niya alam o
nakalilito sa kaniya gamit ang bagay na dati niyang alam.

Gawain 1: Ano ang Kahulugan?


Panuto: Bigyang puna ang estilong ginamit ng may-akda. Hanapin sa loob ng kahon
ang damdaming angkop sa pahayag.

Lungkot Galit Panghihinayang

Pagtataka Pagkaawa Pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang


nilulustay nito ang kaniyang ari-arian”.
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin”.
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa aking pangangasiwa. Hindi
ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos”.
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tatanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan”.
5. “At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

Panitikan: Tusong Katiwala mula sa Syria


Panuto: Basahin nang may buong pag-unawa ang tekstong “Ang Tusong Katiwala”.
Bigyang pansin ang pagkakabuo ng mga pangyayari ng akda

Ang Tusong Katiwala (Parabula mula sa Syria)


(Lukas 16:1-15)
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al. pahina 47-48

1)Nagsimula uli si Hesus sa kaniyang mga alagad. “May taong mayaman na


may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko
tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na
kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, ‘Ano ang gagawain
ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng
lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis
man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya
ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang
tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t
palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman nya ang
isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang

11
kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo
ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito.”

9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin


ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din
sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking
bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng
mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?” 12) At kung
hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo
ng talagang para sa inyo?”

13) “Walang aliping maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon


sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat
ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa
Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Priseo, kinutya nila si Hesus
sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “ Nagpapanggap
kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mag-alaga ng mga tao ay kasuklam-suklam
sa paningin ng Diyos.”

Suriin

Mangkok ng Katanungan!
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.


2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga
taong may obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng
katiwala para sa iyong negosyo?
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa
kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawing kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
6. Batay sa mga salita at ekspresiyong ginamit sa parabula, paano ito
nakakatulong sa estilo ng may-akda?
7. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
8. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng
binasang parabula?
9. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?

12
10. Paano makatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng
mensahe nito? Patunayan.

Pagyamanin

Gawain 2: DAYAGRAM
Panuto: Ilahad ang katangian ng parabulang binasa sa iba pang akdang
pampanitikan.

Parabula

Katangian

Patunay

Gawain 2.1: Mga Bahagi… Suriin!


Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa akdang babasahin batay sa nilalaman,
kakanyahan at elemento gamit ang grapikong presentasyon.

Ang Alibughang Anak


Parabula / By wikakids

May isang mayamang ama na may dalawang anak na


kapwa lalaki. Hiniling ng bunsong anak na ang manang
kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa
kanya. Nang makuha na ng bunso ang kanyang mana ay
ipinagbili niya agad ito makalipas lamang ang ilang araw.
Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa malayong
bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang
kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom
sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng
mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na
alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.

13
Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay
kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad
siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang
nagbalik na anak. “Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-
dapat na maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila,” sabi ng
anak sa ama.
Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng
pinakamagarang kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing,
at binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang
matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.

“Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang


pagbabalik,” ang sabi ng nagagalak na ama.

Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.


Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang
malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit kaya’t
di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.

“Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi


ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha
ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at
magdiriwang!”
Sumagot nang marahan ang ama, “Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng
akin ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay
muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita.”

Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan

Isaisip

Y SPEAK!
Panuto: Dugtungan ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bilang isang kabataan ng bagong henerasyon


aking nabatid na sa tulong ng mga
parabula_________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_______________
14
Isagawa

Gawain 3: Likhain Mo!


KARANASAN KO, IBAHAGI KO!
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa akda na maaaring iugay sa sariling
karanasan o tunay na buhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sariling Karanasan

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang mga matutunan ng isang tao matapos mabasa ang kuwento.
A. aral B. tagpuan C. diyalogo D. tauhan
2. Ang sumusunod ay ang mga elemento ng parabula maliban sa __________.
A. tauhan B. tagpuan C. diyalogo D. aral
3. Elemento ng parabula na naglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring
naganap sa kuwento.
A. diyalogo B. tauhan C. banghay D. aral
4. Elemento ng parabula na tumutukoy sa mga gumaganap sa isang kuwento
na hinango sa banal na bibliya.
A. aral B. tagpuan C. tauhan D. diyalogo
5. Tumutukoy sa pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy
sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. tauhan B. tagpuan C. aral D. diyalogo

Para sa bilang 6-10: Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali.

6. Ang parabula ay isang salaysay.


7. Ang parabula ay isang metapora.
8. Ang parabula ay sinulat upang mang-aliw ng mambabasa o tagapakinig.
9. Walang aral na makukuha sa mga akdang parabula.
10. Ang nilalaman ng parabula ay mga mensahe o mga kuwentong kapupulutan
ng aral na pawang galing sa sagradong Bibliya.

15
Karagdagang Gawain

1. Sa isang short bondpaper, gumuhit ng poster ukol sa kabuuang nais ipabatid


ng natapos na aralin.
2. Pag-aralan ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin.

Susi sa Pagwawasto

tama 10. 10.tama


mali 9. 9. mali
mali 8. tama 8.
tama 7. tama 7.
tama 6. mali 6.
B 5. D 5.
C 4. B 4.
C 3. B 3.
C 2. A 2.
A 1. C 1.

Tayahin Pagyamanin Subukin

Aralin
GRAMATIKA: Pang-ugnay
3 sa pagsasalaysay

Subukin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa mga tiyak na salita o parirala na ginagamit upang maging


magkakaugnay ang mga pangungusap.
A. pangngalan B. pang-ugnay C. panghalip D. pang-abay

2. Ang mga pang-ugnay na at, at saka, pati, gayundin, bukod dito ay mga pang-
ugnay na may layuning ___________.
A. pagdaragdag B. paghahambing C. pag-iiba D. pagwawakas

16
3. Ang mga pang-ugnay na gaya ng, katulad ng, kawangis ng ay mga pang-ugnay
na may layuning _____________.
A. paghahambing B. pagwawakas C. pag-iiba D. pagdaragdag

4. Ang mga pang-ugnay na ngunit, subalit, datapwat ay mga pang-ugnay na may


layuning _____________.
A. pagdaragdag B. paghahambing C. pagwawakas D. pag-iiba

5. Ang mga pang-ugnay na sa wakas, sa kabuuan, sa madaling salita ay mga


pang-ugnay na may layuning _____________.
A. paghahambing B. pagdaragdag C. pag-iiba D. pagwawakas

Para sa bilang 6-10: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa papel.

6. Tinuruan kami ng aming guro na igalang ang sinumang tao (sa kabila, kahit
na, dahil sa) ng pagkakaiba sa paniniwala at pananampalataya.
7. Lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Maylikha (samakatuwid, kung kaya,
dahil sa) kailangang igalang natin ang bawat isa.
8. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang posisyon ko sa isyu (kung kaya, samakatuwid,
ngunit) ayaw nilang makinig.
9. Nilikha tayo na (kawangis ng, kaiba ng, kung kaya) Panginoon (datapwat,
kung kaya, dahil sa) marapat na kumilos tayo nang naaayon sa Kaniyang mga
aral.
10. (Sa kabuuan, Sana ay, Kung kaya) ng kaniyang pagtalakay, binigyang-diin
niya ang kahalagahan ng pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng kapwa.

Balikan

Sa ikalawang bahagi ng aralin ay pinag-aralan mo ang mga elemento at katangian


ng parabula. Binasa at inunawa ang akdang Ang Tusong Katiwala na nanggaling
sa Syria. Pinag-aralan mo rin ang ilang impormasyon tungkol sa Syria. Ngayon ay
gagabayan ka naman sa pag-aaral ng gramatika partikular sa mga pang-ugnay na
ginagamit sa pagsasalaysay.

Tuklasin

Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
May mga tiyak na salita o parirala na ginagamit upang maging magkakaugnay
ang mga pangungusap na isusulat sa isang talata. Kailangang gumagamit ng
paglilipat-diwa o transisyunal na salita o parirala.

17
Layunin Pang-ugnay sa pagsasalaysay
Pagdaragdag o at, at saka, pati, gayundin, bukod dito, una (ikalawa,
pagpupuno ikatlo…), dagdag pa rito, susunod, sa ibabaw ng lahat,
rin/din
Pagtutulad o gaya ng, katulad ng, kawangis ng, gayundin (naman),
paghahambing animo’y, anaki’y kapara, tila
Pag-iiba Ngunit, subalit, datapwat, sa kabilang dako, maliban
sa/kay
Paglalahda ng sa ganoon/ sa ganito, saw akas, sa dakong huli, kung
bunga o gayon, samakatuwid, sa madaling sabi, alinsunod ditto,
kinalabasan bilang resulta
Paglipas ng Samantala, habang, sa bandang huli, sa loob ng
panahon madaling panahon, di naglaon, hanggang sa
Pagwawakas Sa wakas, sa kabuuan, sa madaling salita, bilang
pagwawakas, kaya nga, sa kalahatan, suma-total

Uri ng komunikasyon

1. Berbal – ito ay itinuturing bilang komunikasyong pinakagamitin sa


lahat ng sitwasyon at larangan. Ito ang komunikasyon na gumagamit
ng wika; maaari itong maging pasalita o pasulat.
2. Di-berbal – ayon kina Vaughan at Hong (1998), ang di-berbal na
komunikasyon at ang pagpasa ng makahulugang impormasyon mula
sa isang tao patungo sa kapwa sa isang paraan na hindi sinasabi o
sinusulat. Sa madaling salita, ito ang komunikasyong hindi
gumagamit ng wika.

Gawain 1: Gawin Mo!


Panuto: Ibigay ang mga katangiang taglay ng itlog, carrot at butil ng kape. Isulat
ang sagot sa papel.

Katangian

Katangian

18
Katangian

Ang Mensahe ng Butil ng Kape

“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”


Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015


nina Vilma C. Ambat et.al.
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang
nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang
anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay
dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang
anak at tinawag niya papunta sa kusina.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.


Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila
angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang
palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli,
butil ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na
aking inilahok?” tanong ng ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit
ang anak sa mga palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.

Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama


na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo
at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,


itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-
iba ang naging reaksiyon.

19
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos
mailahok sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan.
Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang
ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang
sangkap na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.

“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka
tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang


pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas
na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng
kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay
may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya
o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang
kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na
nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape,
nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng


pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa
paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay


sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang
maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...”
katulad mo mahal na ama.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA

Suriin

Mangkok ng Katanungan
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang masasabi mo sa larawang nasa Gawain 1? May kahalagahan ba ang


bawat isa?
2. Paano mo haharapin ang buhay, bilang isang anak?

20
3. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay
inilahok sa kumukulong tubig.
4. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag sa buhay ng tao?
5. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

Pagyamanin

Gawain 2
Panuto: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa
loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala


ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2.
(Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang
langis. 3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayun
din, Dahil sa) ang ginawa ng isa pa. Ginawang walumpung kabang trigo mula sa
isandaang trigo. 5. (Dahil sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang
tusong katiwala.

Gawain 2.1

Panuto: Pumili sa sumusunod na paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento


o pangyayari. Salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit sa pagsulat.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Paksang Pagpipilian

1. 3.
Edukasyon Pamilya

2. 4.
Pag-ibig Propesyon

21
Isaisip

Panuto: Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan


ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Parabula

Kahalagahan Pag-unawa

Isagawa

Gawain 4: Likhain Mo!


Panuto: Gumawa ng isang collage patungkol sa akdang binasa (Ang Tusong Katiwala
mula sa Syria). Pagkatapos ay gawan ng pahayag at salungguhitan ang mga
pang-ugnay na ginamit. Isulat ito sa sagutang papel.

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga pang-ugnay na gaya ng, katulad ng, kawangis ng ay mga pang-ugnay
na may layuning _____________.
A. pagdaragdag B. paghahambing C. pag-iiba D. pagwawakas

2. Ang mga pang-ugnay na ngunit, subalit, datapwat ay mga pang-ugnay na may


layuning _____________.
A. pagdaragdag B. paghahambing C. pag-iiba D. pagwawakas

22
3. Tumutukoy sa mga tiyak na salita o parirala na ginagamit upang maging
magkakaugnay ang mga pangungusap.
A. pangngalan B. pang-ugnay C. panghalip D. pang-abay

4. Ang mga pang-ugnay na sa wakas, sa kabuuan, sa madaling salita ay mga


pang-ugnay na may layuning _____________.
A. pagdaragdag B. pagwawakas C. pag-iiba D. paghahambing

5. Ang mga pang-ugnay na at, at saka, pati, gayundin bukid dito ay mga pang-
ugnay na may layuning ___________.
A. paghahambing B. pag-iiba C. pagdaragdag D. pagwawakas

Para sa bilang 6-10: Piliin sa panaklong ang angkop na pang-ugnay sa bawat


pangungusap. Isulat ang sagot sa papel.

6. Kumakain ako ng popcorn (habang, kaya) nanood ng sine.


7. Mabigat ang trapiko (dahil sa, kaya) nahuli ako sa klase.
8. Matutulog ako ng maaga (kasi, upang) hindi ako mahuli sa klase bukas.
9. Huwag mong gawin ang mali (sapagkat, sa wakas) walang maibubungang
maganda iyan sa’yo.
10. (Bilang pagwawakas, Samantala) sa kaniyang talumpati ay binigyang diin
niya na bago matamo ang pagbabago sa bansa ay umpisahan muna sa sarili.

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Magtala ng natutuhang mensahe sa mga pangyayari sa buhay.

23
24
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B 1. kaya’t 1. B
2. A 2. C
3. A 2. unang 3. B
4. D 4. B
5. D 3. saka 5. C
6. sa kabila 6. habang
4. gayun din
7. kung kaya 7. kaya
8. ngunit 5. dahil sa 8. upang
9. kawangis ng; kung 9. sapagkat
kaya 10. Bilang pagwawakas
10. sa kabuuan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat
Panitikang Pandaigdig 10 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

De Laza, Crizel S., Sanchez, Maria Wevenia R., Camba, Moreal at Infantado,
Remedios. Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan: Batayang at Sanayang Aklat
sa Filipino. Rex Book Store

Elements of Literature nina Holt et .al. 2008. Texas, USA

Internet
https://pilotonline.com/life/article_2fa6ba81-68e9-5ddf-a83b-f99a1605137.html

www.jessicagavin.com
https://news.abs-cbn.com/business/08/13/17/pagkahilig-sa-kape-maaaring-
pagkakitaan-ng-pera
https://www.wikakids.com/filipino/parabula/ang-alibughang-anak

25
PAGHATID – LIHAM

Ang sariling pagkatutong modyul na ito ay nalinang ng Kagawaran ng Edukasyon,


Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pambublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0 mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

26

You might also like