SSLM HE4 Week 1 Cinco Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

HOME ECONOMICS – 4

Pangalan:Lady
____________________________
Bielle T. Horcerada Petsa:__________
11/17/2021

Baitang: ____________________________
Ikaapat na Baitiang Pangkat: Pangkat
________Dante

Markahan: Ikalawang Linggo: 1 SSLM No. 1


MELC(s): Napangangalagaan ang sariling kasuotan. (EPP4HE-Ob-3)
_________________________________________________________
 Layunin: Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis na
kasuotan (hal. mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng tamang
kasuotan sa paglalaro, atbp.)
 Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4
 Kabanata: 2 Pahina: 221
 Paksa: Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan
 Layunin: Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis na
kasuotan (hal. mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng tamang
kasuotan sa paglalaro, atbp.)

Tuklasin Natin

Ang iyong kasuotan ay nagbibigay proteksyon sa iyong katawan.


Ang mga ito ay isinusuot upang isanggalang ang katawan sa init, ulan at
lamig. Nagbibigay rin ito ng pansariling kasiyahan. Marami at iba-iba ang
inyong pansariling kasiyahan. Marami at iba-iba din ang inyong
pansariling kagamitan. Ang mga ito’y katulong ninyo sa paggawa at
ginagamit na dapat pangalagaan.Dapat lamang na pangalagaan ang
mga kasuotan at kagamitan upang mapakinabangan nang matagal. Ang
pagpapahalaga sa iyong sarili ay nakikita sa kaayusan ng iyong
kagamitan at kasuotan. May iba’t ibang kasuotan tayong ginagamit sa

1 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


iba’t ibang pagkakataon. Ito ay dapat isinusuot at ginagamit sa wastong
panahon o okasyon upang mapangalagaan ang sariling kasuotan. Ang
mga kasuotan ay dapat bigyan ng tamang pangangalaga upang
mapanatiling maganda ang anyo, malinis at kaaya-ayang tingnan.
Gayundin, mapanatili ang kulay at kagandahan nito.
Iba’t ibang pamamaraan ng wastong pangangalaga ng kasuotan.
➢ Ingatan ang palda ng uniporme anumang damit na may
pleats. Huwag itong hayaang magusot sa pag-upo.
➢ Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi
marumihan ang damit o pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar
na uupuan.
➢ Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito
agad para madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit
ang dumi o mantsa.
➢ Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa.
➢ Gamitin ang naaayon sa kulay ng damit. May mga chlorox
para sa puti at bleach para sa may kulay.
➢ Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa gawain. Huwag
gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan. Pagdating sa
bahay galing sa paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan.
➢ Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng
pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog
upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.
Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi sa
bahay upang hindi ito tuluyang lumaylay.

Subukin Natin

Panuto: Lagyan ng (✓) ang patlang kung ito ay nagsasaad ng gawaing


nauukol sa wastong pangangalaga ng sariling kaasuotan at ekis(X)
naman kung hindi.
1. Tahiin agad ang sirang damit bago ito labahan.
2. Tupiin ang mga damit at ilagay sa tamang lalagyan.
3. Gawing pantulog ang uniporme sa eskwelahan.
4. Gumamit ng bleach sa paglalaba upang matanggal ang dumi
sa damit.

2 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


5. Huwag umupo kung saan-saan para hindi marumihan ang
damit at mamantsahan.
6. Ang may maayos na kasuotan ay kaakit-akit tingnan.
7. Ugaliing magsuot ng damit pantulog tulad ng pantalon at polo
upang maginhawa sa pakiramdam.
8. Hayaang magusot sa pag-upo ang palda na may pleats.
9. Magsuot ng sando at shorts kapag maglalaro ng basketball.
10. Ilagay sa basurahan ang damit na may dumi o namantsahan.

Isagawa Natin

Panuto: Ang paglalaba ay pangunahing paraan upang maging malinis


ang mga damit at maisuot itong muli. Paano ito gagawin? Pagsunud-
sunurin ang tamang hakbang sa paglalaba. Isulat ang bilang 1-5 sa
bawat patlang.
3
Isa-isa basain ang bawat pirasong lalabhan. Kusutin ng bahagya
upang unti-unting maalis ang dumi sa damit.
1 Ihanda ang mga kagamitan tulad ng sabon, palanggana, batya,
balde at tubig. Kunin ang mga maruruming damit. Ihiwalay ang
mga damit na puti sa may kulay.
4
Ikula ang mga puti. Ilatag ang mga ito sa lugar na naarawan.
Manaka-nakang basain ng tubig na may sabon ang damit na
nakakula upang di matuyo. Samsamin ang mga ikinula
pagkatapos mainitan. Sabunin at kusutin ang mga ito hanggang
sa maalis na lahat ang dumi.
2
Lagyan ng sabon ang palangganang may tubig, pabulain.
Isa-isang kusutin ang mga damit. Simulan sa mga pirasong puti
at parte ng damit na madaling kinakapitan ng dumi tulad ng
kuwelyo, leeg, manggas at laylayan.
5 Banlawan nang makailang ulit ang mga damit hanggang sa
maalis na lahat ng bula ng sabon sa tubig. Pigaing mabuti ang
binanlawang damit at isampay upang matuyo. Lagyan ng sipit
ang mga sampay upang hindi malaglag ng hangin.

3 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Ilapat Natin

Panuto: Bilugan ang larawang HINDI nagpapakita ng tamang


pangangalaga ng kasuotan.

1)

2)

4 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


3)

4)

5)

5 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Sanggunian

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.


2019. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4,
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig: Vibal Group, Inc.

Ma. Luisa L. Balanon, Ruth Ferial T. Casidsid, Sis. Ma.


Consolacion Atacador, RVM, Luisa D. Cortez, Resurreccion
P. Pineda, Aurora O. Hernandez. 1997. Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4. Manila: Innovative
Educational Materials, Inc.

SSLM Development Team


Writer: Mary Ann C. Cinco
Content Editor: Libertine V. Salvador
LR Evaluator: Leolibel S. Quebuen
Illustrator: Mary Grace T. Ecay
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: EPP/TLE/TVL- Amalia C. Caballes
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

6 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Susi sa Pagwawasto

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14,


2021

You might also like