EPP5 HE Mod1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

5

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Home Economics – Modyul 1:
Pangangalaga sa Sariling Kasuotan

CO_EPP5_
HE_Modyul1
Subukin

Gawain 1

Panuto: Tingnan ang bawat larawan at isulat ang tsek (√) kung ito ay nagpapakita ng
tamang pangangalaga ng damit at ekis (X) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

____________ 1. ____________ 4.

_____________ 2. ____________ 5.

_____________ 3.
Aralin
Pangangalaga sa Sariling
1 Kasuotan
Napapansin mo ba ang mga batang may malinis at maayos na pananamit? Di ba
kaaya-ayang silang tingnan?
Ang pagsusuot ng malinis at maayos na damit ay nakatutulong upang maging
kaakit-akit tingnan ang isang tao. Mamahalin man o lumang klase ng damit, kailangan
itong pangalagaan upang mapanatili ang kalidad, kaayusan at magamit ito ng matagal.

Balikan

Natatandaan mo pa ba ang naunang modyul? Alam mo ba ang mga gawain sa


paglilinis at pag-aayos sa sarili? Nakasusunod ka na ba sa ginagawang iskedyul? Tingnan
natin kung may natatandaan ka pa.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Kailan ginagawa ang pagpuputol ng kuko sa kamay at paa?

a. araw-araw b. taonan c. buwanan d. lingguhan

2. Alin dito ang tamang panahon sa pagpunta sa dentista upang magpalinis ng ngipin?

a. araw-araw b. dalawang beses sa isang taon c. buwanan d. taonan

3. Alin dito ang isa sa mga gawain sa paglilinis at pag-aayos sa sarili na ginagawa araw-
araw upang maalis ang di kanais-nais na amoy?

a. pagliligo b. pagsusuklay c. pagpapagupit d. pagpuputol ng kuko

4. Anong uri ng suklay ang mabuting gamitin para sa buhok na may kuto o lisa?

a. brush b. suyod c. karaniwang suklay d. headband

5. Ito ay pinakamabisang kagamitan na pangkuskos ng katawan habang naliligo.

a. tuwalya b. brush c. bimpo d. bato


Tuklasin

Handa na ba kayo!

Basahin ang isang maikling kuwento tungkol sa batang si Angela. Tingnan natin
kung paano niya pinangangalagaan ang kanyang kasuotan.

Sabado ng hapon sa labas ng kanilang bahay ay masayang naglalaro ng


tumbang preso si Angela kasama ang kaniyang mga kapatid. Habang sila ay
nagtatakbuhan, aksidenteng naapakan ang puting palda ni Angela kaya siya
ay natumba at naputikan. Agad-agad siyang umuwi, tinanggal niya ang mantsa
ng kaniyang damit habang ito ay sariwa pa gamit ang brush, sabon at tubig.
Nilabhan niya ito ng maayos, ay isinampay. Nang malaman ito ng kaniyang
nanay, hindi ito nagalit bagkus ay natuwa pa nga ito dahil naging responsable
si Angela sa pangangalaga ng kaniyang kasuotan.

May nakukuha ka bang aral sa kuwento? Basahin at unawain ang mga


katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

a. Ano ang nilalaro ni Angela?


b. Ano ang nangyari sa kanyang puting palda?
c. Paano niya pinangalagaan ang kanyang kasuotan?
d. Nagalit ba ang nanay sa ginawang pangangalaga ng kasuotan ni Angela?
e. Mabuti ba ang ginawa ni Angela sa kanyang kasuotan?
Suriin

Anong mga pamamaraan sa pangangalaga ng kasuotan ang alam mo?

Sa anumang uri ng damit na isinusuot ng ating katawan, mamahalin man o magagara


ay mawawalan rin ng halaga kapag hindi naman ito inaalagaan nang wasto. Makatitipid
ka ng oras, salapi at lakas kung uugaliin ang tamang pangangalaga ng mga kasuotan sa
lahat ng panahon.

Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

1. Pag-aalis ng mantsa - mainam na tanggalin kaagad ang mga mantsa sa damit


habang ito ay sariwa pa at upang hindi mahirapan sa pagtanggal. Mas malinis
ang damit na walang mantsa at kaaya-ayang tingnan.

2. Paglalaba - ginagawa ito sa mga kasuotan upang maiwasan ang di kanaisnais na


amoy, mawala ang dumi, pawis at alikabok na kumakapit dito gamit ang sabon at
tubig. Hindi madaling masira ang mga damit kapag nilalabhan nang maayos.

3. Pamamalantsa - hindi kaaya-ayang tingnan ang damit na gusot-gusot kaya


nararapat itong plantsahin upang maibalik sa dating hugis at ayos ang mga ito.

4. Pagsusulsi – ang may punit na damit ay dapat sulsihan kaagad upang hindi
lumaki ang sira at magamit pa ito ng mahabang panahon. Maaaring gawin ito sa
pamamagitan ng makina o di kaya’y pagsusulsi gamit ang kamay.

5. Pagtatagpi - ito ay isinasagawa kapag ang damit ay may butas. Tinatakpan nito
ang bahaging may butas sa pamamagitan ng pagtatagpi gamit ang isang
kapirasong tela.

6. Pagtutupi - higit na mapangangalagaan ang mga damit kung ito ay maayos na


nakatupi ayon sa kulay at gamit nito at may maayos na lalagyan tulad ng cabinet,
aparador o malinis na kahon. Kapag organisado ang pagtutupi at paglalagay ng
damit sa aparador makatitipid ng oras at lakas sa paghahanap nito araw-araw.

Mahalagang panatilihing malinis ang mga kasuotan upang maging kaaya-aya sa


paningin ng ibang tao. Nagpapakita ito ng pagiging malinis sa katawan at nagpapaunlad
ng buong personalidad. Higit sa lahat, ito ay nagiging daan tungo sa maayos at matiwasay
na pamumuhay ng isang tao.

Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan


Sa mura mong gulang, ang pangangalaga ng damit ay madaling matutunan,
kailangan lang sanayin ang sarili sa ganitong uri ng gawain. Maglaan ng kaunting oras
o panahon para sa pangangalaga ng inyong mga kasuotan.

Narito ang ilan pang mga paraan upang mapangalagaan ang mga kasuotan at
magamit pa ito ng matagal:

1. Kailangang pahanginan ang mga damit na basa ng pawis.

2. Ang mga damit panlakad ay dapat i-hanger at huwag ihalo sa mga damit
pambahay. Gamitin ang mga ito na angkop sa panahon at okasyon.

3. Kung may mga damit na hindi masyadong ginagamit, tiklupin ito ng pabaliktad at
ilagay sa plastic bag.

4. Bago labhan ang mga damit, kumpunihin muna ang mga sira nito tulad ng mga
may tanggal na butones at tastas.

5. Huwag umupo kaagad sa mga upuan. Punasan muna ang uupuang lugar bago
umupo o maaari ding lagyan muna ng sapin.

6. Huwag hayaang nakakalat lang nang kung saan-saan ang mga hinuhubad na
damit. Ilagay ito sa tamang lalagyan o basket.
Pagyamanin

Gawain 1: Obserbahan ang iyong Nanay o nakatatandang kapatid kung ano ang mga
paraan sa pangangalaga ng kasuotan ang kanilang ginawa. Maaari mo silang
tanungin kung paano nila ito ginawa. Pagkatapos, sagutin ang pagtatasa 1.

Panuto: Lagyan ng salitang DAPAT ang patlang kung ang larawan ay nagpapakita ng
pangangalaga sa kasuotan at DI DAPAT kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

________ 1. ________ 5.

________ 2.

________ 3.

_________ 4.

Gawain 2: Basahing muli at unawaing mabuti ang tungkol sa mga nararapat na


paraan sa pangangalaga ng kasuotan na nasa bahagi ng suriin. Tandaan ito
at sagutin ang pagtatasa 2.
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahiwatig
ng tamang pangangalaga sa kasuotan at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

__________ 1. Ang paglalagay ng sapin sa uupuang lugar ay mabuti upang


mapangalagaan ang kasuotan.

__________ 2. Hinahayaan ang mga mantsa, tastas, sira o punit ng damit.

__________ 3. Ihalo ang lahat ng mga uri ng damit, damit-pambahay at panlakad sa iisang
lalagyan.

__________ 4. Tinatanggal kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa bago labhan.

__________ 5. Plantsahin ang mga damit na malinis na ngunit gusot na gusot.

Isaisip

May nalalaman ka ba sa mga gawain?

Sa mura mong gulang ay maaaring ka nang masanay sa mga paraan sa


pangangalaga ng kasuotan upang mapanatiling maayos ito.

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Punan ng tamang salita ang patlang upang
mabuo ang kaisipang ipinahayag dito. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Ilan sa mga paraan ng pangangalaga ng ating ________ ay ang paglalaba,


ginagamitan ito ng _________ at tubig. Inaaalis ang dumi, pawis at alikabok na
kumakapit. Araw-araw nagpapalit ng damit para hindi gaanong marurumi at madali lang
ang paglalaba. _________ ito sa maaraw na lugar kung puti at sa malilim na lugar ang
may kulay para hindi kukupas. Ang pagsusuri sa kasuotan ay ginagawa bago labhan ang
damit kung may mantsa ba ito o nangangailangan ng pagkukumpuni para hindi lumala
ang pagkasira. Kung may punit _________, kung may butas tinatagpian. __________ rin
ang gusot-gusot na tuyong damit lalo na kapag bagong laba.

Pinakamahalagang tandaan natin na araw-araw ay panatilihing malinis ang


kasuotan dahil ito ay nakatutulong sa pagbuo ng kompiyansa sa sarili. Ang pagkakaroon
ng positibong pananaw sa sarili ay nabubuo kung marunong ka magayos at magpahalaga
sa sarili.

You might also like