Pangangalaga Sa Sariling Kasuotan: Week 1-Day 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Pangangalaga sa

Sariling
Kasuotan

WEEK 1-DAY 1
Pansinin nga ang inyong mga
kasuotan?

Ano ang masasabi Ninyo sa inyong


suot na pumasok sa paaralan?
Pagmasdan ang mga larawan at paghambingin.

Ano ang masasabi niyo sa mga larawan?


Tingnan ang nasa larawan

Ano ang ginagawa ng iyong nanay


o magulang upang magkaroon ka
ng maayos at malinis na
kasuotan?
Tinutulungan ba ninyo ang inyong
magulang sa paglalaba ng inyong
mga kasuotan?
Sa mga naunang larawan na
ipinakita sa inyo, napansin niyo ba
na kaaya-ayang tingnan ang batang
maayos at malinis ang kasuotan?
Ang pagsusuot ng malinis at maayos na
damit ay nakatutulong upang maging
kaakit-akit tingnan ang isang tao.
Mamahalin man o lumang klase ng
damit, kailangan itong pangalagaan
upang mapanatili ang kalidad, kaayusan
at magamit ito ng matagal.
Itanong:
Ano ang iyong gagawin upang maging
kaakit-akit o kaaya-ayang tingnan ang
iyong kasuotan?
Ilan sa mga paraan ng pangangalaga ng ating
kasuotan ay ang paglalaba, ginagamitan ito ng
sabon at tubig. Inaaalis ang dumi, pawis at
alikabok na kumakapit. Araw-araw nagpapalit ng
damit para hindi gaanong marurumi at madali
lang ang paglalaba. Sinasampay ito sa maaraw na
lugar kung puti at sa malilim na lugar ang may
kulay para hindi kukupas.
Ang pagsusuri sa kasuotan ay ginagawa bago
labhan ang damit kung may mantsa ba ito o
nangangailangan ng pagkukumpuni para hindi
lumala ang pagkasira. Kung may punit
sinusulsihan, kung may butas tinatagpian.
Pinaplantsa rin ang gusot-gusot na tuyong damit
lalo na kapag bagong laba.
Pinakamahalagang tandaan natin na araw-araw
ay panatilihing malinis ang kasuotan dahil ito ay
nakatutulong sa pagbuo ng kompiyansa sa sarili.
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa
sarili ay nabubuo kung marunong ka mag-ayos at
magpahalaga sa sarili.
Panuto: Lagyan ng salitang DAPAT ang patlang kung ang larawan ay
nagpapakita ng pangangalaga sa kasuotan at DI DAPAT kung hindi.
Kapag ang iyong damit ay may
butas, agad mo ba itong itapon?

Ano ang nararapat mong gawin?


Paano mapapangalagaan
ang iyong kasuotan?
Panuto: Tingnan ang bawat larawan at isulat ang tsek (√) kung ito ay nagpapakita
ng tamang pangangalaga ng damit at ekis (X) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Pangangalaga sa
Sariling
Kasuotan

WEEK 1-DAY 2
Panuto: Tingnan ang bawat larawan at sabihin ang “Fact” kung ito ay nagpapakita
ng tamang pangangalaga ng damit at “Bluff” naman kung hindi.
Paano mapapangalagaan
ang iyong kasuotan?
Basahin ang isang maikling kuwento tungkol sa batang si
Angela. Tingnan natin kung paano niya pinangangalagaan
ang kanyang kasuotan.
Sabado ng hapon sa labas ng kanilang bahay ay
masayang naglalaro ng tumbang preso si Angela
kasama ang kaniyang mga kapatid. Habang sila ay
nagtatakbuhan, aksidenteng naapakan ang puting palda
ni Angela kaya siya ay natumba at naputikan.
Agad-agad siyang umuwi, tinanggal niya ang mantsa
ng kaniyang damit habang ito ay sariwa pa gamit ang
brush, sabon at tubig. Nilabhan niya ito ng maayos,
ay isinampay. Nang malaman ito ng kaniyang nanay,
hindi ito nagalit bagkus ay natuwa pa nga ito dahil
naging responsable si Angela sa pangangalaga ng
kaniyang kasuotan.
Pagtatalakay;

a. Ano ang nilalaro ni Angela?


b. Ano ang nangyari sa kanyang puting palda?
c. Paano niya pinangalagaan ang kanyang kasuotan?
d. Nagalit ba ang nanay sa ginawang pangangalaga ng
kasuotan ni Angela?
e. Mabuti ba ang ginawa ni Angela sa kanyang kasuotan?
Sa anumang uri ng damit na isinusuot ng ating
katawan, mamahalin man o magagara ay
mawawalan rin ng halaga kapag hindi naman ito
inaalagaan nang wasto. Makatitipid ka ng oras,
salapi at lakas kung uugaliin ang tamang
pangangalaga ng mga kasuotan sa lahat ng
panahon.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
kasuotan:

1. Pag-aalis ng mantsa - mainam na tanggalin kaagad


ang mga mantsa sa damithabang ito ay sariwa pa at
upang hindi mahirapan sa pagtanggal. Mas malinis ang
damit na walang mantsa at kaaya-ayang tingnan.
2. Paglalaba - ginagawa ito sa mga kasuotan
upang maiwasan ang di kanaisnais na amoy,
mawala ang dumi, pawis at alikabok na
kumakapit dito gamit ang sabon at tubig.
Hindi madaling masira ang mga damit kapag
nilalabhan nang maayos.
3. Pamamalantsa - hindi kaaya-
ayang tingnan ang damit na gusot-
gusot kaya nararapat itong
plantsahin upang maibalik sa dating
hugis at ayos ang mga ito.
4. Pagsusulsi – ang may punit na damit ay
dapat sulsihan kaagad upang hindi lumaki
ang sira at magamit pa ito ng mahabang
panahon. Maaaring gawin ito sa
pamamagitan ng makina o di kaya’y
pagsusulsi gamit ang kamay.
5. Pagtatagpi - ito ay isinasagawa
kapag ang damit ay may butas.
Tinatakpan nito ang bahaging may butas
sa pamamagitan ng pagtatagpi gamit
ang isang kapirasong tela.
6. Pagtutupi - higit na mapangangalagaan ang mga
damit kung ito ay maayos na nakatupi ayon sa kulay at
gamit nito at may maayos na lalagyan tulad ng cabinet,
aparador o malinis na kahon. Kapag organisado ang
pagtutupi at paglalagay ng damit sa aparador
makatitipid ng oras at lakas sa paghahanap nito araw-
araw.
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang TAMA
kung ito ay nagpapahiwatig ng tamang pangangalaga sa
kasuotan at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

__________ 1. Ang paglalagay ng sapin sa


uupuang lugar ay mabuti upang mapangalagaan
ang kasuotan.
__________ 2. Hinahayaan ang mga mantsa,
tastas, sira o punit ng damit.
__________ 3. Ihalo ang lahat ng mga uri ng
damit, damit-pambahay at panlakad sa
iisang lalagyan.
__________ 4. Tinatanggal kaagad ang
mantsa ng damit habang sariwa pa
bagolabhan.
__________ 5. Plantsahin ang mga
damit na malinis na ngunit gusot na
gusot.
Bilang isang bata, Bakit
kinakailangang pangalagaan ang
mga damit/kasuotan?

Ano-ano ang mga paraan sa


pangangalaga ng kasuotan?
Panuto: Piliin sa Hanay B ang paraang tinutukoy sa Hanay A
upang mapanatiling malinis at maayos ang damit na binabanggit.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
Lingguhang
Pagsusulit

WEEK 1-DAY 2
Catch-Up Friday

WEEK 1-DAY 3

You might also like