Ap7 Las Q2 Week2 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Schools Division Office of Quezon


City
Novaliches High School
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: ______________________________________ Petsa ng Pagtanggap: __________


Pangkat: _______________________________________ Petsa ng Pagsagot: __________
Guro: _______________________________________ Marka: __________
LEARNING ACTIVITY SHEETS
WEEK 2-3 | QUARTER 2 | SCHOOL YEAR 2021-2022
MGA SINAUNANG SIBILISASYON NG SUMER, INDUS AT SHANG

Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang
Asyano AP7KSA-IIc-1.4

TIYAK NA LAYUNIN: Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Shang)

KABIHASNANG SUMER
May isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persaian Gulf hanggang sa dalampasogan
ng Mediterranean Sea. Kilala ang lugar na ito bilang FERTILE CRESCENT dahil sa hugis nito. Nasa
silangang bahagi ang lambak-ilog ng Tigris at Euphrates. Ang dalawang ilog na ito ay nagmumula sa
kabundukan ng Turkey at du,adaloy tungo sa Persian Gulf. Ang lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay
kilala naman sa pangalang Mesopotamia. Ang salitang Mesopotamia ay mula sa wikang Greek na
nangangahulugang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog”. Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris
at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan. Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang
Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa Zagros. Subalit hindi
naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia. Pagsasaka ang uri ng
pamumuhay ng mga mamayan ng Sumer. Nagtayo ng mga kanal at dike para sa sistema ng irigasyon.
Nagtatag din sila ng mga lungsod-estado sa tabi ng ilog at sa mga tributaryo at namuhay ng pangkat–
pangkat at magkakahiwalay.
PAMAHALAAN
Ang Sumer ay may 18 Estadong-Lungsod (city-states). Patesi o paring-hari ang tawag sa namumuno. May
kapangyarihang pulitika, panrelihiyon at taga hukom. Teokrasya ang tawag sa sistema ng pamumuno.
Kung saan isang pamumuno na walang limit ang kapangyarihan.Tinatawag na Teokrasya (Theocracy) ang
sistema ng pamahalaan na kung saan ang hari ay ang pari (patesi) ng bawat lungsod-estado at walang
iisang pinuno. Nakapangkat sa mga malayang lungsod–estado. Madalas ang alitan dahil sa hangganan
ng nasasakupan at pinunong sinusunod ng bawat estado. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay
ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa
Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga diyos na nagsisilbing panirahan
nito. Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform na binubuo ng 500 pictographs at
mga simbolong sinusulat sa tabletang luwad (clay tablet) gamit ang stylus. Kasunod nito ang pagkakaroon
ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet
na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari.
Sa pag-unlad ng sining natala ang mga ito gaya ng mahahalagang tradisyon,epiko na naging katibayan
ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng Gilgamesh. Ilan sa mga ambag at kontribusyon
ng Sinaunang Sumer ay ang pagkalikha ng unang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform,
pagkaimbento ng gulong, sentralisadong pamahalaan ng mga lungsod-estado, paggamit ng Kalendaryong
lunar, paggamit ng mga kasangkapan na gawa sa bronze. Umunlad ang mga pamayanan at naging
lungsod- estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway na siyang
dahilan ng walang pagkakaisa ng mga mamayan. Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang
mga pangyayaring ito at tuluyang nasakop ang mga ito. Bumagsak ang Kabihasnang Sumer dahil sa

AP7 PAGE1
kawalan ng pagkakaisa, walang natural na depensa sa mga mananakop, mahinang pamahalaan dahil sa
nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod.
KABUHAYAN
Pagsasaka ang painakamahalagang hanapbuhay sa sumer. Gumagawa sila ng kanal para sa irigasyon
ng kanilang palayan. Pagpapastol ng baka, kambing, tupa at asno (donkey) ang iba pang ikinabubuhay.
Ang gumagamit ng asno ang karamihan bilang transportasyon. Napaunlad ang sistema ng
pangangalakal (barter system) tulad ng buto ng kakaw, tanso,pilak at bronse kapalit ng mga bagay na
wala ang kanilang lungsod. Karamihan sa mga pananim ng mga Sumerian ay barley, chickpeaks, lentils,
wheat, dates, onions, garlic, lettuce, leeks at mustard. Ang iba ay nanghuhuli ng isda at ibon.. Ang mga
Sumerian ang naitalang manginginom ng beer. Ang beer ay gawa mula sa wheat at barley.

LIPUNAN
Tatlong pangkat ng tao sa lipunan:
1. Maharlika - sila ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa lipunan. Binubuo ang mga ito ng mga
pari at opisyales ng pamahalaan. 2. Pangkat ng mga mangangalakal at mga artisano
3. Pangkat ng mga magsasaka at alipin
Ang mga kababaihan ay may karapatang magkaroon ng mga ari-arian. May karapatang
makipagkalakalan. May karapatang maging testigo sa paglilitis. Ngunit walang kalayaang mamili ng
mapangasawa.

RELIHIYON
Ang mga taga Sumer ay sumasamba sa maraming diyos o polyteismo. Mga diyos/diyosa: Anu - diyos ng
langit at lupa; Enlil - diyos nghangin at bagyo; Ea - diyos ng tubig at katubigan; Marduk ay isang diyosa
Edukasyon
Ang mga batang lalaking maharlika lamang ang nakapag-aaral. Pari ang nagsisilbing guro. ang mga
asignaturang itinuturo ay pagbabasa, kasaysayan, matemateka (alegbra) at kartograpiya (paggawa ng
mapa). Ang mapa ng Nippur isang lungsod sa Sumer ang una nilang nilikha (1,500 BCE). Kodigo ni
UrNammu ng Lungsod ng UR ang unang batas na nilikha ng mga Sumerian noong 2,050 BCE.

PAGBAGSAK
Pagkawatakwatak at kawalan ng sentralisadong pamahalaan ang naging dahilan ng pagbagsak ng
Kabihasnang Sumer.
KABIHASNANG INDUS
Ang Kabihasnang Indus ay umusbong sa lambak ilog ng Indus River, pati na rin sa Ganges River.
Ang dalawang ilog na ito ay matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay binabantayan ng matatayog na
kabundukan sa Hilaga. Ang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush ay may ilang landas sa ilang
kabundukan nito, tulad ng Khyber Pass. Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa
sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng Hilagang Kanluran ng dating India
at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Ang tubig ng ilog Indus ay nagmumula
sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa Katimugang Tibet. Masasabing sedentaryo at agrikultural
ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May dalawang importanteng lungsod
ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo-Daro. Planado at organisadong lungsod mayroon ang
kabihasnang Indus. Bahagi ng lungsod ang (1) Citadel o mataas na moog na nasa bandang Kanluran at
nakapatong sa platform na brick na may 12 metro ang taas at napapalibutan ng pader, may malaking
imbakan ng mga butil, malaking bulwagan at pampublikong paliguan. (2) Mababang bayan naman ay may
mga grid-patterned na lansangan at pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Ang mga bahay
Ilog Indus at Ilog Ganges na daluyan ng kabihasnang ay gawa sa mga brick na pinatuyo sa pugon. Flat o pantayang
Indus bubong ng bahay at karaniwang nakatalikod sa pangunahing
kalsada. May ilang bahay na umaabot sa 2 o 3 palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy, may banyo
na konektado sa imburnal.
Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang
Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian
natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf. Dahil sa istruktura
ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa sentralisadong sistema ng tubo
at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at organisado at sentralisadong pamahalaan ang
mga Dravidian. Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan ang hindi masagot ng mga
arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus
na pictograph na unang ginamit bilang sistema ng pagsulat.

AP7 PAGE2
May mga artifact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig maglibang at maglaro
ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng
digmaan. Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaring may
matinding kalamidad na nangyari dito.

KABIHASNANG SHANG

Ang Kabihasnang Shang ay umusbong sa lambak sa pagitan ng mga Ilog Huang Ho at Yangtze sa
Sinaunang Tsina.Nagsimula ito noong 1500 B.C. nang maitatag ang mga Dinastiyang Shang at Zhou.
Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos
ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na
malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga
tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng
mga dike. Pinamumunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pagaayos ng kanilang lungsod na
napapalibutan ng mga matataas na pader na naging pa ghahanda sa mga madalas na digmaan sa
kanilang lupain. Piyudalismo ang sistemang panlipunan at politika sa Kabihasnang Shang at laganap
ang sistema ng pang-aalipin. Nagtatamasa ang mga aristokrata ng karangyaan samantalang namumuhay
na parang aso ang mga alipin. Naniniwala sa animism o naniniwalang lahat ng bagay sa kalikasan ay may
kaluluwa, mayroon silang mga oracle bone o bahay ng pawikan na sinusulatan ng pakikipag-usap sa
kanilang diyos at namatay na ninuno, sumasamba at nagaalay sa mga ninuno para magdala ng suwerte
sa pamilya.
Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino. Calligraphy ang sistema ng
kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino. Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga
oracle bones. Ilan sa mga ambag ng Kabihasnang Shang ay ang paggamit ng barya at chopsticks,
paghahabi at pagbuburda ng seda mula sa silkworm, paggamit ng bronze, paggamit lunar calender,
potter’s wheel, karwaheng pandigma at paglilimbag ng unang aklat.
Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito
nabuo ang paghahari ng mga dinastiya. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong
sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa
daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

GAWAIN 1: #SURIIN MO
Panuto: (TAMA O MALI) Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama at M kung
mali ang nakasaad sa pangungusap.
_______ 1. Ang kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa
isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan.
_______ 2. Sa pagkatuklas ng apoy, natutong magluto ng pagkain ang mga unang tao.
_______ 3. Ang wika ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan, karanasan,
mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.
_______ 4. Ang palarawang sining ng mga Asyano ay kilala sa pagsasalarawan ng mga makamundong
bagay tulad ng damit at pagkain.
_______ 5. Ang pagmamahal ay isang sakramento o seremonya sa pamilyang Asyano na batayan sa
pagsisimula o paglaki ng pamilya.
_______ 6. Ang pamahalaan ay isang institusyong ginagalang at sinusunod ng mga nasasakupan, may
mga pinuno at mga batas o alituntunin na pinatutupad.

_______ 7. Edukasyon ang humuhubog kung paano mamumuhay ang tao sa mundo at mabibigyan ito ng
kahulugan.
_______ 8. Sa pag-unlad ng agrikultura nagkaroon ng pantustos ng pagkain ang tao.
_______ 9. Ang sining ng mga Asyano ay umiinog sa relihiyon.
_______ 10. Sa ilalim ng pilosopiya ng Estadong Darma ay nagkaroon ng sentralisadong sistema ng
pagbubuwis.

AP7 PAGE3
Gawain 2:
Panuto: Sa pasanaysay (5 pangungusap o higit pa) na pagsagot, Ibigay ang sariling pananaw sa
katanungan. (5puntos)
1. Nagkaroon ng Fieldtrip sa inyong paaralan at sa isang museum kayo pupunta na matatagpuan
ang mga display ng mga lumang kagamitan. Paano ka dapat kumilos sa loob nito at anong mga
kaalaman ang makukuha mo sa pagbisita sa ganong lugar? Ipaliwanag.

Sanggunian:

Araling Asyano Modyul ng Mag-aaral Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng


Pagkakaiba https://prezi.com/z7b00l7cri9r/imperyalismo-sa-china/
https://www.slideshare.net/daehyun16/imperyalismo-sa-silangang-asya

Prepared by:

MARIA LOURDES B. MERCADO

Writer

AP7 PAGE4

You might also like