Yunit 5 Kabihasnang Asyano
Yunit 5 Kabihasnang Asyano
Yunit 5 Kabihasnang Asyano
Sinaunang
Kabihasna
ng Asyano
Baitang Pito
Teacher Ian
Kabihasnang
Sumer
Ang kasaysayan ng bawat kabihasnan ay
nagsimula sa pag-unawa at pag-angkop
nila sa kapaligiran. Malaki ang naging
gampanin ng agrikultura at mga lambak-
ilog para sa pagsisimula at pagyabong
ng bawat kabihasnan. Sa mga ito ay
nangunguna ang isa sa pinaka
matatandang kabihasnang Asyano—ang
kabihasnang Sumer.
Pag-usbong at
Pamumukadkad
Ang kabihasnang Sumer o
Sumerian ay tinatayang
umusbong at umunlad sa
pagitan ng 3,500-3,000
BCE (Before Common Era)
sa mga lambak-ilog ng
Tigris at Euphrates na
matatagpuan sa matabang
lupain ng Mesopotamia.
(Mesos=pagitan; Potamos=
ilog)
Pag-usbong at
Pamumukadkad
Ang pagsibol ng kabihasnang ito ay bunga
ng pagtugon ng mga Asyano sa
pangangailangan sa sistema ng patubig o
irigasyon, na lubhang mahalaga upang
tugunan ang mga gawaing pang-
agrikultura.
Sa tulong ng bawat kasapi ng pamayanan o
lungsod-estado (city-state) ay naging
organisado at sistematiko ang pagsasaka na
naging daan sa higit na maayos at matatag
na kapamahalaan at higit pang maunlad na
kulturang nagpatuloy sa paglago.
Sistemang Pampulitika
at Panrelihiyon
Ang kabihasnang Sumer ay nahati sa iba’t
ibang lungsod-estado na may kani-kaniyang
pinunong kadalasan ay paring-hari na
kumatawan sa pulitikal at espirituwal na
responsibilidad.
Ilan sa pinakakilalang lungsod na umusbong
dito ay ang Ur, Uruk, at Lagash. Ang mga
hangganan at tagapagitan ng mga ito ay
napalibutan ng mga kanal at mga batong
muhon, patunay na nagkaroon na ng
mataas na antas ng pagplanong teknikal at
organisasyon sa kabihasnang ito.
Sistemang Pampulitika
at Panrelihiyon
Sa ziggurat, pinangunahan ng mga
patesi ang pag-alay para sa mga
diyos at diyosa sa bawat lungsod-
estado at sa kabihasnan sa
pangkalahatan sa ilalim ng kanilang
politeistikong paniniwala o
paniniwala sa maraming diyos o
diyosa.
Ang ziggurat ay nasa gitna ng bawat
lungsod-estado upang maipakita ang
kanilang labis na pagpapahalaga sa
kanilang mga diyos at diyosa.
Sistemang Panlipunan
Mapapansin sa estratipikasyon o
paghahating ito na ang mga pari at
hari ang nasa pinakamataas na
posisyon sa lipunang Sumerian.
Kasunod ay ang mga sundalo,
mangangalakal, artisano (may
mataas na antas ng kasanayan), at
eskribo o tagasulat. Pangatlo, ang
mga magsasaka na pinahalagahan
din sa lipunan, dahil sa
pagpapahalaga nila sa agrikultura.
Nasa pinakamababa ang iba’t ibang
uring alipin.
Sistemang Pang-ekonomiya
Dahil sa matabang lupain sa pagitan
ng masaganang mga ilog ang
kinatayuan ng kabihasnang Sumer,
halos buong taon ay maunlad ang
kanilang gawaing agrikultural.
panahon naman ng tagtuyot at pag-
apaw ng tubig sa mga ilog ay
naipagpatuloy pa rin nila ang
kanilang gawain dahil sa matitibay
nilang dike, kanal, at sistema ng
irigasyon.
Sistemang Pang-ekonomiya
Ilan sa kanilang mga
produkto sa halos buong
taon ay ang trigo, barley,
bawang, at datiles na
kanila namang ipinagpalit
din sa mga kalapit na
lungsod-estado at kaharian
para sa iba pang kailangang
produkto.
Mahahalagang
Pamana ng
Kabihasnang
Sumer
CUNEIFORM WRITING
Cuneiform writing (sistema ng
pagsulat sa basang tabletang
luwad gamit ang stylus (panulat
na kadalasan ay gawa sa
pinatulis na tangkay ng damo).
Ang mga tala rito ay nasa anyo
ng mga hugis sinsel (wedge) na
pinagbatayan din naman ng
pangalang cuneiform (Latin:
cuneus = wedge; forma = form).
ZIGGURAT
Ziggurat (matataas na
templong tore na simbolo ng
kanilang pagpapahalaga sa
mga diyos at diyosa)
Lunar calendar
(kalendaryong pinagbatayan
kung kailan aapaw ang mga
ilog upang maiwasan ang
pinsalang maaaring maidulot
nito sa kabihasnan)
Gulong
Teacher Ian
Pagsibol at Paglago
ng Kabihasnang Indus
Pagsibol at Paglago
Ang mga natunaw na yelo mula sa
kabundukan ng Himalayas ay
nagdala ng kaputikan tungo sa ilog
ng Indus, Ganges, at Brahmaputra
na nagpainam naman sa lupang
malapit dito para sa agrikultura.
Dito na umusbong ang kabihasnang
Indus sa pagitan ng mga lambak-ilog
ng Indus at Ganges.
Sinasabing ang mga Dravidian
(katutubong Indian) ang bumuo ng
kabihasnang ito. Ipinalalagay na
umusbong ang kabihasnang Indus
noong bandang 2,700 BCE.
Pagsibol at Paglago
urban planning
grid pattern
sewerage system
drainage system
Sistemang Pang-ekonomiya
decimal system
great bath
malikhaing gawang sining
citadel
Sistemang Pang-ekonomiya