Ap 7 2ND Week 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

MGA SINAUNANG

KABIHASNAN
SA ASYA
Anu-ano ang nangyari o
pagbabago sa paglipas ng
panahon?
Konsepto at Kahulugan
ng Kabihasnan at
Sibilisasyon
SIBILISASYON
Ang sibilisasyon ay mula sa
salitang-ugat na civitas
na salitang Latin
na ang ibig sabihin ay
lungsod.
Ito ay nangangahulugang
masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.
KABIHASNAN
Ang kabihasnan ay nagmula
sa salitang-ugat na bihasa na
ang ibig sabihin ay eksperto.
Ito ay pamumuhay na
nakagawian ng maraming pangkat
ng tao. Kasama rito ang
wika, kaugalian, paniniwala at
sining.
KABIHASNANG
SUMER
KABIHASNANG SUMER
Ang Mesopotamia
ang kinilala bilang cradle
of civilization dahil dito
umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng
tao.
Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang
Silangan na
tinawag na
Fertile Crescent
kung saan
matatagpuan ang
kambal- ilog na Tigris at
Euprates.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya

Ilan sa mga
pinakamahalagang
lungsod na lumitaw
sa Sumer ay ang Ur,
Uruk, Eridu, Lagash,
Nippur, at Kish.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya

Pagtatanim, pangangalakal,
pangangaso at pag-aalaga ng hayop ang
pangunahing hanapbuhay ng mga
Sumerian.
Sistemang Panrelihiyon

Ang pinakamalaking
gusali sa Sumer ay ang
templo na tinatawag na
Ziggurat.
Pinamunuan ng mga
haring pari ang mga
lungsod dito.
Sistemang Panlipunan

Sa usaping pamumuhay may


espesyalisasyon ang mga Sumerian na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng uring
panlipunan. Mataas ang tingin sa mga
pinunong hari, kasunod nito ang mga
mangangalakal, artisano, at mga scribe,
at sa huli ay mga magsasaka at alipin.
Mga Ambag ng Sumerian

Isa sa mga ambag ng mga


Sumerian ay ang sistema ng pagsulat
na tinawag ba cuneiform kung
saan naitala ng mga scribe sa
mga clay tablet ang mga
mahahalagang pangyayaring
Iba pang kontibusyon
• Epic of Gilgamesh
• Araro at mga kariton na may gulong
• Palayok
• Perang pilak
• Lunar calendar
• Decimal system
KABIHASNANG
INDUS
KABIHASNANG INDUS
Sa Timog Asya makikita ang
lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Dito umusbong ang kabihasnang
Indus.
Sistemang Pampulitika at Pang-
ekonomiya

Mohenjo-Daro at
Harappa
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
May dalawang importanteng lungsod
ang umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-
Daro. Planado at organisado ang mga
lungsod na ito na ipinakita sa mga
lansangang nakadisensyo sa kuwadrado
(grid-patterned) at pare-pareho ang sukat
ng bloke ng kabahayan.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
• Pinalagay na ang mga Dravidian ang
bumuo ng kabihasnang Indus.
• Pinamunuan ang kabihasnang ito ng
mga haring pari.
• Pagsasaka ang ikinabuhay ng mga
tao dito.
• Natuto rin silang makipag-
kalakalan sa mga karatig lungsod.
Sistemang Panrelihiyon

Sinasamba ng mga Dravidian


ang maraming Diyos na
sumisimbolo sa pwersa ng
kalikasan.
Mga
Ambag
Ang mga Dravidian
ay gumamit ng mga
pictogram bilang sistema
ng pagsulat, ngunit
hanggang ngayon ay wala
PICTOGRA
pa ring nakakaalam kung M
ano ang kahulugan ng
mga ito.
KABIHASNANG INDUS
Naging mahiwaga ang paglaho ng
kabihasnang Indus . May paliwanag ang iskolar
dito. Ayon sa kanilang teorya :
1. Kalamidad
2. Pananakop
Ngunit walalang matibay na
ebidensyang naipakita sa mga
paliwanag na ito.
KABIHASNANG
SHANG
KABIHASNANG SHANG
Ito ang kabihasnang nagsimula sa lambak
ng Huang Ho sa China na tinawag ding Yellow
River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig
nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na
malapit dito.
SistemangPampulitika at
Pang-ekonomiya
May mga pamayanan ng umusbong dito
bago ang Shang. Ito ang kalinangan ng Yanshao
(3000 BCE – 1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE -
2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing
gawain sa panahong ito.
SistemangPampulitika at
Pang-ekonomiya
Ang Lungshan ay naging transisyon
tungo sa Kabihasnang Shang. May hinalang may
naunang dinastiya na natatag dito, ang Xia
subalit wala itong matibay na basehan
ebidensyang arkeolohikal.
Mga
Ambag

ORACLE BONES CALLIGRAPHY

Calligraphy ang sistema ng kanilang


pagsulat na nagsilbing taga pag-isa sa mga
Tsino. Gianamit na simbolo ng pagsulat ang
mga oracle bone.
Ito ang kabihasnang nagsimula
sa lambak ng Huang Ho sa
China na tinawag ding Yellow
River dahil pagkatapos ng
pagbaha ang tubig nito ay nag-
iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing
agrikultural na malapit dito.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa


kahulugan ng kabihasnan?

A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng


maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang
bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira
sa mga ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
2. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng
Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?

A. Sistema ng pagsulat na tinawag na


cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D.Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal
system
3. Ano ang tawag sa templong dambana na
itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?

A. Great Wall of China


B. Taj Mahal
C. Ziggurat
D. Hanging Garden
4. Ito ang sistema ng pagsulat na
ginagamit ng kabihasnang Shang.

A.cuneiform
B.pictograph
C.calligraphy
D.oracle bones
5. Ito ang pinakamahalagang lungsod sa
Kabihasnang Indus.

A.Tigris at Euphrates
B. Ur at Uruk
C.Huang Ho at Yang tze
D.Mohenjo-Daro at Harrapa
Sagot:
1. A
2. A
3. C
4. C
5. D
Takdang Aralin

1. Magsaliksik at lumikom ng mga datos


mula sa aklat o internet tungkol sa
kaisipang Asyano sa pagbuo ng Imperyo.
2. Paano nabuo ang imperyo batay sa mga
pananaw, tradisyon at paniniwala na
nagsilbing haligi ng kanilang pag unlad?
Ipaliwanag.

You might also like