Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5
ASSUMPTION COLLEGE OF NABUNTURAN
P-1 Poblacion, Nabunturan, Compostela Valley
FIL 303 PANULAANG FILIPINO PAGTATAYA 1
Pangalan: MICA O. NUGAL
Guro: Rammel T. Bayani
Para sa aking Mahal na Magulang
ni Eden Diao Apostol
Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Mula ng ako’y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa ‘ki’y totoo Pagmamahal ninyo’y nagsilbing lakas ko.
Ako’y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako’y pinag-aral Upang ‘di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko’y unti-unting natutupad Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat Ang magulang ay naglalarawan sa isang ina o ama; na siyang nagluwal sa atin at nag-alaga at pinuno tayo ng pagmamahal. Sila ang unang naging guro natin sa anumang aspeto ng buhay maging sa mga mabubuting asal, at ang palaging nandiyan sa hirap man at saya ang numero unong taga suporta ng bawat isa. Magulang ang siyang ating sandigan sa oras ng kagipitin, sa panahong may problema sila ang agad ang nalalapitan.
Sa tulang Para sa aking Mahal na Magulang na isinulat at binuo ni Eden Diao
Apostol ay ikinuwento at inilahad niya sa pamamagitan ng tula ang mga sakripisyo ng ating mga magulang simula ng tayo’y isinilang makikita sa unang saknong kung saan tayo nagmula at binuo hanggang sa kung paano tayo ipinalaki ng ating mga magulang at kung paano o sa anong paaran natin masusuklian ang lahat ng pagod na kanilang naranasan. Sa bawat linya ng tula ay may iba’t ibang kahulugan na isinasaad may mga mensahe sa pagpapahalaga bilang magulang sa anak at sa uri ng saya na maibibigay ng anak sa kanila. Sa bawat taludtod at saknong na may mga magagandang mensahe. Atin ngayong susuriin ang bawat elementp nito upang sa gayo’y higit na tatatak sa ating puso ang mga linya ng tulang para sa ating mga magulang.
Makikita natin sa tula Ang anyo nito ay napatradisyonal at may Sukat at
tugma sa bawat taludtod sapagkat ito ay may sinusunod na bilang. Mapapansin din natin na magkasintunog ang mga huling salita ng bawat taludtodo linya. Makikitaain din ito ng indayog at Tono kung atin atong babasahin sa anyong patula. Ang sukat nito ay may bilang na lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod. May apat na Saknong at apat na taludtod sa bawat saknong. Makikita rin sa tula ang tugma ng bawat salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Halimbawa nito.
Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Ang bawat mensahi at linya o mga salita din ng tula ay kakikitaan ng Kariktan sapagkat hindi lang sa isinulat ito ng mag-akda kundi naransan rin ito ng karamihang tulad ko, Kaya’t ito ay tatatak sa puso’t isipan ng ninuman sapagkat lahat tayo ay may magulang at lahat tayo’y may alam kung ano ang mga sakripisyo ang ginawa ng ating mga magulang lalo na kung ikaw ay nasa mababang uri ng pamilya tulad ko. Sa mga sakripisyo ng aking mga magulang tanging diploma ang magiging kayaman na naibigay o naisukli sa kanila. Sapagkat kung pera lang ay madaling namang mahahanap lalo na kung ikaw ay mayroong trabaho , Kaya ngat totoo ang mga payo nila na mag- aral ng mabuti sapagkat ang edukasyon lamang ang kayamanan na maaaring ipamana na hindi mananakaw ng iba at magdudulot ng kasiyahan na hindi mababayaran.
Bilang isang guro sa Filipino at tagapagturo ng tula ay gagawa tayo ng mga
iba’t ibang estratehiya sa siyang magiging epektibo para sa ating mga mag- aaral na hindi lamang tayo basta basta na magtuturo ng tula kundi alam din natin kung papaano makukuha ang atensyon ng mga bata na siyang magiging dahilan upang makapagpokus ang mga ito na alamin ang mga elemento, mga anyo, ang mensahi at kahulugan ng tula.
Isa sa katangian ng mahusay na pagtuturo sa tula o sa Filipino. Ang batayan
upang mabisa at maganap ang pagkakatuto ng mga mag-aaral sa pagtuturo ay ang paggamit natin ng mga mahalangang dulog tulad ng dulog na INTERAKTIBO sa pagtuturo dapat ito ay buhay na buhay , kitang kita, damang dama rito ang pakikilahok ng mga mag-aral sa loob ng klase. Sa pamamagitan nito dapat lahat ng estudyante ay kasali at walang maiiwan. Maging Malaya silang magkaroon ng interaksyon ng mga mag-aaral at guro. Kinakailangan may nagaganap na usapan ngunit hindi lamang puro guro ang nagtatanong dapat pati ang mga mag-aaral kailangan nauugnay ang lahat ng mga natutunan ng bawat isa. Kinakailangan sa klase ay nasasangkot lahat upang maging epektibo sabi ng nila sa DepEd no student/ child left behind dapat walang. Halimbawa na lamang sa pagtuturo ng tula at sa pagsusuri nito bibigyan natin ang mga mag-aaral ng pagkakataon na sumuri ng tula o bumuo ng mga katanungan ayon sa mensahi o kahulugan ng tula maari suriin nila sa bawat taludtod nito o saknong lalo na kung may mga matatayog at matatalinhagang tula na kung susuriin ay iba ang may ibang nais ipakahulugan. Magandang estratiya at dulog ito upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong.
.Ang KOLOBORATIBO tulad din ng KOOPERATIBO ay isa din sa paraan
upang magiging epektibo at nagdudulot na makuha ang interes ng mga mag- aaral na makilahaok. Kapag ang dulog na ito ay ginagawa ng isang guro ay gusto niya ang pakikipagtulungan sa klase sapagkat dito ay maraming mga ideya ang naibabahagi ng bawat mag-aaral. Mahalaga ang dulog na ito sa pangkatang Gawain sapagkat magaganap ang pagtutulungan sa klase at syempre mayroon din itong Kooperasyon upang maisakatuparan ang gawain na ibinigay . kung pagbabasihan sa kung paano bibigyang marka ang mga mag-aaral sa Guidelines ng Deped ay masmalaki ang porsyente ng performance task basing mga-aaral kaya ang kolaboratibo at kooperatibo ay kinakailangan. Maari ding ipapangkat mo ang klase bilang isa sa iyong estratihiya para higit na mapaunlad at magtulungan ang bawat grupo, Nangyayari kasi kung sa paraang ito ang pakikilahok ng bawat isa maging ang mga mag-aaral na may mababang kaalaman ay maiimpluwensiyahan ng kanyang kasapi. Ang bawat isa ay makapagbabahagi ng kanilang mga kaalaman kapag hindi sila nagbahagi parang naging kooperatibo lang sila sa klase kasi kapag sinabi natin na kooperatibo gumagana lahat ng makrong kasanayan natin kaya lahat dito ay may ginagawa. Maari rin bilang isang guro sa pagbibigay puntos ay ibibigay sa mga mag-aaral ang pagkakataon na sila mismo magdedesisyon sila ang magbibigay ng puntos sa bawat isa o maari ka din na pumili ng pinuno o leader ng bawat pangkat at maaari mong hatiin ang kalahating porsyento sa pagpupuntos ang magbibigay ay ang pangkat ang kalahati naman ay sa guro. Ang kolaboratibo ay hindi lamang siya masasabi na performace ang lalo na ang gawain na pag-uulat sapagkat kailangan din nito na gumana ang kanilang mga senses. Maaring magbigay ng gawain pero hindi yung lahat nalang ay puro gawain sapagkat may mga panahon din na napapagod ang mga mag-aaral o sila ay nababagot kinakailangn din na maghanap ng iba pang mga estrathiya na magdudulot sa kanila ng maganda. Halimbawa dito sa pagpapangkat na Gawain tungkol sa tula o pagbuo ng tula, maaring ang bawat isa ay may maiiambag na salita o linya ng tula na gagawin o bubuuhin at pagkatapos ay kanilang susuriin ang kanilang mga ginawang tula at ilalahad sa loob ng klase sa paraan ng patula. at saka naman ang ibang pangkat ang siyang magbibigay komento at magbibigay ng puntos na nararapat para sa kanila ng sa gayo’y sa ganitong paraan ay nadedebelop ang pakikipaglaban ng bawat grupo na kanilang gagalingan ngunit hindi sa pakikipagkompetensiya na paraan kundi sa paraan na maipamalas nila ang kanilang galing. Marami pa naman na paraan, dulog at estratehiya ang maarig gawin at ituturo ng guro ang mahalaga lang ditto ay maisaalang-alang ng bwat guro ang kakayahan hindi lang ng isang mag-aaral kundi sa lahat ng mga mag-aaral, lalo na sa ating panitikan o panulaan maituro natin hindi lamang ang tamang pagbigkas kundi maging sa kahalagahan kung papaano susuri ng isang tula at akda.