Fil11 Q2 Wk2 Aral2 1
Fil11 Q2 Wk2 Aral2 1
Fil11 Q2 Wk2 Aral2 1
Baitang 11
Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala
upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Walang anumang bahagi ng kagamitan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.
Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang
gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na
mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay ginawa upang matugunan ang
kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata
o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa kagamitan na ito.
Para sa mag-aaral:
Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na ito.
Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.
Handa ka na ba, Kaibigan? Simulan nang sagutin ang mga sumusunod na gawain.
Gawain A
Panuto: Magtala ng mga terminolohiyang ginagamit sa pelikula at dula, at bigyang- kahulugan ito.
Halimbawa:
Sinematograpiya- wastong pagkuha ng tamang anggulo ng eksena sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
Batay sa iyong natutuhan sa pelikula, paano mo masasabing intelektuwalisado ang kalagayang sitwasyong
pangwika?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kompetensi: Nasusuri at
naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood ( F11PD – IIb – 88); Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)
Gawain B
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang mga kaisipan ay wasto at Mali naman kung hindi tama. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, at chessy.
2. Karamihan sa mga hugot lines ay bugtong na kailangan ng sagot.
3. Naging sikat nang tuluyan ang hugot lines nang nagkaroon ng segment ang Bubble Gang na “Boy
Pick-up.”
4. Parehong nagpapakilig ang pick-up lines at hugot lines sa mga tagapakinig.
5. “BOOM” ang ekspresyon na sinasabi sa tuwing may binibitawang hugot lines.
Gawain C
Panuto: Magtala ng mga hugot lines at pick-up lines. Ang halimbawa ay ibinigay upang iyong maging gabay.
A. Basahin at Unawain
Panuto: Basahin at suriin ang nilalaman ng mga sumusunod na teksto.
Ang dula at pelikula ay bahagi na ng ating panititkan na naglalarawang ng buhay, gawi, kaugalian,
kultura, pamumuhay at tradisyon ng bayan. Tampok dito ang iba’t ibang paksa at tema na sumasalamin sa
pang-araw-araw na kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal. Halimbawa, dokumentaryo, drama, pantasya,
historical, katatakutan, komedya, musical, sci-fi (science fiction) at iba pa. Ito ay nakapagbibigay-aliw, libangan,
kaalaman at inspirasyon sa mga manonood. Sa pelikulang Pinoy, napakalaking hamon sa mga bumubuo nito
na makisabay sa industriya ng pelikulang pandaigdigan, lalo na sa panahon ngayon ng mga millennials at
pagkakaiba-iba ng mga interes ng mga manonood. Gamit ang makabagong pamamaraan at teknolohiya ay
naging maunlad ang industriya ng pelikula
Ang paggamit ng wika sa dula at pelikula ay napakahalaga upang maging mabisa ang pagpukaw ng
atensyon at damdamin ng mga tagapanood. Kaya ang midyum na wikang ginagamit dito ay wikang Filipino
kahit na ang pamagat ay nakasulat sa banyaga. Gaya na lamang ng: How To Be Yours, The Achy Breaky
Hearts, This Time, Imagine You and Me, Always be My Maybe, at iba pa. Mas tinatangkilik ang pelikula kaysa
sa dula, subalit mayroon pang ilang grupo at manunulat na patuloy na itinataguyod ang paglikha nito.
Magkaiba ang katangian ng dula at pelikula. Ang pelikula ay kilala bilang sine o pinilakang-tabing
samantalang ang dula ay isang akda na tinatanghal sa entablado o tanghalan.Kapupulutan ito ng aral na
kikintal sa isipan ng mga manonood at tatatak sa isipan ng mga tao kung ang daloy ng kwento ay makaantig
ng puso.
4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kompetensi: Nasusuri at
naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood ( F11PD – IIb – 88); Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)
Sitwasyong Pangwika sa Text
Hindi na uso ngayon ang telegrama, nakasanayan nang gamitin ng mga tao sa komunikasyon lalo na
sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe o SMS (short messaging system) ang paggamit ng
cellphone kilala bilang text message o text. Ang pagte-text ay nakakatulong upang mapabilis na maipaabot
sa taong padadalhan ng mensahe. Katunayan, araw-araw humigit kumulang apat na bilyong text ang
ipinadadala at natatanggap sa ating bansa kaya tinagurian tayong “Texting Capital of the World.”
Kapansin-pansin ang pamamaraan ng iilan sa atin ng pagte-text, may ilan sa atin na gumagamit ng
code switching o mga salitang pinaikli/dinaglat o kaya’y ang paggamit ng jejemon. Sa code switching, ito ay
pinaghalong wikang Filipino at wikang Ingles.
Ginagamit ito ng iilan lalo na kung mahabang mensahe ang ipapadala o sadyang gusto niya na ganito ang
estilo ng kanyang pagta-type sa keypad kasi limitado lamang ang characters na isinusulat. Halimbawa:
XOXO (Hugs and Kisses); LOL (Laughing out loud); OIC (Oh, I see); HBD ( Happy birthday); “ d2 na me.Wr u
na?” ; “ r u goin 2 c me 2day?”. Ang paggamit ng code switching ay ginagamit din sa pagpo-post sa social
media.
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular: FlipTop;Hugot Lines; Pick-up Lines
Usong-uso ngayon sa mass media ang paggamit ng mga anyo ng kulturang popular lalo na sa mga
pelikula o palabas na ating pinapanood. Gaya na lamang ng paggamit ng hugot lines at pick-up lines sa mga
dayalogong sinasalita ng mga tauhang gumanap. Halos lahat ng mga palabas mapateleserye o pelikula man
ay makikitaan ng paggamit nito, kaya, mas tumatatak sa isipan ng mga tao ang tauhang gumanap at
pangalan ng palabas. Kahit sa social media, madalas napapanood sa mga tiktok nang ilang kilala sa lipunan
at pangkaraniwang tao. Halimbawa: “Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal
mo ako because that is what I deserve.”- Mia (Kathryn Bernardo), Barcelona.
Ang hugot lines ay tinatawag ding love lines o love quotes dahil ang mga linya ay hinggil sa pag-ibig na
nagpapakilig, nakatutuwa, cute, chessy, o minsa’y nakaiinis. Minsan ito ay nakasulat sa wikang Filipino o
Taglish (pinaghalong wikang Filipino at wikang Ingles. Ang mga kataga ay makikitaan ng kasiningan dahil sa
malalim nitong hugot na kung minsan ay tagos sa puso. May katangian din ang hugot lines na kapareho ng
pick-up lines. Dahil, ang pick-up lines ay mga salitang nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute,
chessy, at masasabi ring corny. Nakilala at sumikat ito sa isang segment ng Bubble Gang na “Boy Pick-up”
na pinagbidahan ni Ogie Alcasid, at lalong naging matunog dahil ilan sa mga talumpati at aklat na “Stupid is
Forever” ni Dating Mariam Defensor Santiago ay gumagamit nito bilang pang-aliw at pampukaw-atensyon sa
mga tagapakinig. Ito ay isang makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang
nililigawan. Ang wikang ginagamit ay wikang Filipino at mga barayti ng wika subalit nagagamit din ang Ingles
oTaglish.
Halimbawa:
BOY: Modyul ka ba? GIRL: Bakit?
BOY: Kasi sa iyo na umiikot ang oras ko.
BOY: ML ka ba?
GIRL: Bakit?
BOY: Kasi umaga’t gabi ikaw na lang lagi sa aking isip.
Ang fliptop naman ay nakilala rin sa social media dahil sa anyo at pamamaraan ng paggamit nito ng
wika. Ito ay isang makabagong pamamaraan ng balagtasan. Subalit ang mga salitang ginagamit dito ay
impormal at masasakit ang mga salitang
sinasalita. Wala itong sinusunod na pamantayan o iskrip at walang malinaw na paksang
pinagtatalunan. Ito’y isang pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Laganap ito sa kabataan at
katunayan may malalaking samahan na silang nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na Battle
League. Naging patok ito sapagkat maaari na itong mapanood sa YouTube.Ilan sa mga kilalang nagfli-flipTop
ay sina Abra, Aklas, Bassilyo at marami pang iba. Kailangan dito ang tibay ng loob at sikmura dahil kung
minsan ang salita ay hinggil na sa pisikal at personal na katangian.
5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kompetensi: Nasusuri at
naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood ( F11PD – IIb – 88); Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)
Gawain A
Panuto:Tukuyin ang mga katangian ng sitwasyong pangwika ng pelikula at dula na binaggit sa binasang teksto.
PELIKULA DULA
2. Dapat bang isaalang-alang ang mga linggwistiko at kultural na pagkakaiba sa lipunang Pilipino sa
paggawa ng Pelikula? Patunayan
Gawain B
Panuto: Magsaliksik at manood ng halimbawa ng fliptop at balagtasan sa Youtube. Sa tulong ng Venn
Diagram, itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng balagtasan at fliptop batay sa napanood na video.
Balagtasan Fliptop
Tanong
Paano ginamit ang wika sa dalawang sitwasyon?
__________________________________________________________________________________
Eksena:
Matagal ng magkasintahan sina Carlos at Athena, ngunit isang araw sila’y hindi nagkasundo dahil
hindi sumipot si Carlos sa lugar na kanilang pagkikitaan. Tunghayan ang sitwasyon…..
Athena: Bakit ngayon ka lang? (Inis at nakasimangot) Alam mo bang matagal na kitang hinihintay rito
Carlos?
Carlos: (Napakamot sa ulo) Pasensya na Mahal, ano kasi….ano kasi nakaligtaan ko ang ating
pinag-usapan. Inaanyayahan kasi ako ni Pareng Ben na maglaro ng ML.
Sorry na Mahal…..
6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kompetensi: Nasusuri at
naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood ( F11PD – IIb – 88); Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)
Athena: Sorry?! (Mangiyak-ngiyak) Ilang beses na ba akong naghihintay lagi sa tuwing magde-
date tayo? Ilang beses mo na ba akong pinapaasa? Sana cellphone mo na lang ako para nasa
akin ang iyong atensiyon at mabigyan mo naman ako nang sapat na oras. Sana ML din na lang
ako, “MAKAKASAMA LAGI”, sa t’wina. Hanggang kailan Carlos….hanggang kailan?
Pamprosesong tanong:
3. Malinaw bang naiparating ng tagapagsalita sa kanyang kausap ang mensahe? Paano? Patunayan.
______________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang nasa eksena? Anong hugot ang isasagot mo kay Athena?
______________________________________________________________________________
Gawain A.
Panuto: Pumili ng isang pelikulang iyong napanood at dulang nabasa na umantig sa iyong puso at
marami kang natutuhan. Itala sa loob ng kahon nito ang mga isyu, aral, kultura at
paniniwalang tinalakay.
Pamagat ng Pelikula
Pamagat ng Dula
7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kompetensi: Nasusuri at
naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood ( F11PD – IIb – 88); Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)
Gawain B.
Panuto: Sumulat ng isang orihinal na hugot lines at pick-up lines na maiangkop mo sa iyong sarili at
ipaliwanag ang dahilan, anyo, at paraan ng paggamit ng wika sa dalawang sitwasyon.
Gumamit ng mga matalinhagang salita at iwasan ang paggamit ng mga malalaswa.
Pamantayan Napakagaling (8-10 puntos) Magaling (5-7 puntos) May kapasidad (1-4 puntos) Iskor
Kabuuan:
Magaling Kaibigan! Nawa’y nakintal sa iyong isipan ang mga araling napag-aralan. Sukatin naman natin ang
iyong mga natutuhan.
Gawain A.
Suring-Pelikula
Panuto: Itala ang pamagat ng pelikulang napanood at dulang nabasa na tumatak sa iyong isipan.
Punan ng mga impormasyon ang talahanayan hinggil dito.
Pamagat Tauhan Uri ng Panahon Paggamit ng
Lipunan/Kultura Salita
Pelikula
8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kompetensi: Nasusuri at
naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood ( F11PD – IIb – 88); Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS – IIb – 89)
Dula
Ano-ano ang mga pagkakaiba ng aspetong linggwistiko at kultural na ipinakita sa pelikulang Pinoy
at Dula?
Gawain B.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa papel.
1. Ano-anong mga katangian ng hugot lines at pick-up lines na magkapareho ang anyo at pamamaraan
nito sa sitwasyong pangwika?
______________________________________________________________________________
2. Ano ang naidudulot ng hugot lines sa social media? Maaari ba itong makapagbago ng persepsyon ng
tao sa kanyang buhay, paniniwala at kaugalian?
_____________________________________________________________________________
3. Anong tungkulin ng wika ang nangingibabaw sa hugot lines at pick-up lines?
_____________________________________________________________________________
4. Bakit naging patok sa panlasa ng kulturang Pinoy ang paggamit ng pick-up lines? Patunayan.
_____________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, aling katangian ng dalawang kulturang popular na ito ang mas nagugustuhan ng
tao?
______________________________________________________________________________
Binabati kita Kaibigan! Nalagpasan mo naman ang ikalawang sanayan. Ipagpatuloy ang iyong
determinasyon at dedikasyon sa pagsagot! Ipagpatuloy ang iyong mabuting gawain sa susunod na aralin.
9