Filipino 10 Reviewer

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Batayang Konsepto Tungkol sa Nobela

Ang nobela ay isang mahabang akda at salaysay ng mga kawil-kawil na mga pangyayari at


nagtataglay ng maraming tauhan. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad
ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas ng mga pangyayari.

Tatlong bagay ang hindi dapat mawala sa nobela: tagpuan, banghay, at tauhan.

Ang tagpuan ay sumasaklaw sa panahon at pook na pinangyayarihan ng kuwento.

Ang banghay (plot) naman ay balangkas ng buong kuwento at ang nagbibigay ng hugis sa


nobela.

Ang mga tauhan ng nobela ay dapat magkaroon ng sariling tatak ng pagkatao. Sila ang
gumagalaw o nagpapakilos sa mga pangyayari sa nobela.

Iba pang Elemento ng Nobela


Paksang diwa
Ang isang nobela ay nagtataglay ng isang paksang diwa. Bilang isang manunuri dapat makita
ang paksang binibigyang-diin sa nobela. Palagiang tanong ay tungkol saan ang isang akda?

Paningin
Ang paningin ay isa rin sa mahalagang tinitingnan kapag nagsusuri. Iba-iba ang ginamit na
pananaw ng mga nobelista: unang paningin kung kasali ang may-akda sa kuwento, ikalawang
paningin kung ang may-akda ay nakikipag-usap sa ibang tao, at ikatlong paningin kung ito ay
batay sa obserbasyon o nakikita ng may-akda.

Simbolismo at Pahiwatig
Nagbibigay ng higit na malalim na kahulugan ang paggamit ng simbolismo sa isang nobela.
Binibigyan naman ng katimpian ng nobelista ang kilos at pananalita ng mga tauhan sa nobela
sa pamamagitan ng pahiwatig.

Pagsusuri ng Nobela
Bigyang pagsusuri ang pamagat ng nobela
Bilang manunuri kailangang bigyang kahulugan ang pamagat ng nobela at ang kaugnayan nito
sa mga pangyayari, tauhan, at tagpuan o sa kabuoang nilalaman ng nobela. Mahalagang makita
kung bakit ito ang pamagat ng may-akda. Karaniwan sa pamagat ng nobela mahihinuha kung
ano ang nilalaman at saan iikot ang buong nobela.

Kilalanin ang may-akda


Mabuting malaman at makilala ang maikling talambuhay ng may-akda, ano ang nag-udyok sa
pagsulat niya ng nobela at mga mahahalagang pangyayari sa lipunan sa panahon ng
pagkakasulat ng nobela upang maiugnay ang mga pangyayaring ito sa kaniyang katha.

Paglalarawan ng mga tauhan


Iisa-isahin ang mga tauhan. Ano ang kanilang papel na ginagampanan sa nobela? Sila ba ay
pangunahing tauhan o pantulong na tauhan? Sila ba ay protagonista o antagonista? Maaaring
bigyan ng pagsusuri ang kanilang kilos, paraan ng pagsasalita, ang kanilang paraan ng
pananamit, at iba pang kanilang pagkakilanlan. Mainam na mailarawan hindi lamang ang
panlabas nilang kaanyuan kundi ang panloob rin nilang katangian na nagbibigay kulay sa daloy
ng nobela.

Ilarawan ang tagpuan


Isasalaysay kung kailan at saan umiinog ang buong nobela. Mahalagang maiugnay ang lunan sa
pangyayari gayundin ang mga taihan na kaakibat ng nobela.

Ibuod ang nobela


Hindi mawawala sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan ang paglalagom o pagbubuod nito
upang matiyak kung lubos na naunawaan ng manunuri ang kabuoan ng akda.

Pagsusuri ng Nobela
Kilalanin ang ng Kabisaan ng akda sa Mambabasa
A. Bisa sa Isip – Ito ay tumutukoy sa mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan matapos
mabasa ang nobela. Ilahad kung bakit mahalaga ang mga ito.

B. Bisa sa Damdamin - Ito ay naglalarawan sa mga damdamin na napukaw sa iyo at epekto


nito sa sarili mong pagkatao

C. Bisa sa Kaasalan - Sumasalamin ito sa mga pag-uugali at pagpapahalaga na sa tingin mo ay


dapat na palakasin o paunlarin batay sa mga pangyayari sa nobela.

Tukuyin ang teoryang pampanitikan na kaugnay ng akda.


Sa isang akdang pampanitikan, maaaring magkaroon ng higit sa isang dulog o teoryang
pagtutuunan ng pansin sa pagsulat. Ito ang LENTE na ginagamit ng isang mambabasa at ng
isang manunuri.

Bumuo ng kongklusyon mula sa pagsusuring ginawa.


Sa bahaging ito ng pagsusuri ang isang manunuri ay magbibigay ng konklusyon o patunay mula
sa kanyang kabuoang pagsusuri. Maaaring magbigay ng reaksiyon at komento ang isang
manunuri na kung saan ay napatunayan o naobserbahan sa mismong akda.

Pagsusuri ng mga Tauhan sa Nobela


Nabubuo ang isang tauhan dahil sa imahinasyon at karanasan ng manunulat. Sa ibang akda,
hindi lamang tao ang maaaring maging tauhan. Maaari rin ang mga hayop tulad ng sa pabula
subalit sa nobela, madalas na maging tauhan ay mga tao dahil ipinakikita ang realidad sa
lipunan.

Ginawa ang isang tauhan upang maging representasyon ng isang indibidwal. Inilalantad ang
kanilang ideolohiya, pananaw at pag-uugali na makatutulong sa pagiging masining ng nobela.

Sa pagsusuri ng tauhan ng isang nobela, kailangang mailantad ang ilan sa mga impormasyon
tungkol sa kanila tulad ng:hitsura,edad, personalidad, pananalita, kasarian, pinag-aralan,
hanapbuhay, estado sa buhay, relihiyon, ambisyon, at ideolohiya.

Pagsusuri ng Tauhan sa Akda


TAUHANG LAPAD (FLAT)
Ito ang tauhang hindi nagbabago. Simula hanggang sa wakas ng nobela ay hindi nagbabago
ang kaniyang pagkatao. Napananatili ng tauhang ito ang kaniyang katangian sa kabuuan ng
kuwento.

TAUHANG BILOG (ROUND)

Ang tauhang ito ay may iba't ibang katangiang mahirap makilala. Nagbabago
ang ipinapakitang katangian sa nobela. Maaring sa simula ay kampi sa bida
subalit pagdating ng wakas ay nagbago ito.

Pagsusuri ng Tauhan sa Akda


PROTAGONISTA

Sila ang pangunahing tauhan o bida. Sila ang ehemplo o modelo ng kagandahang-asal.
Karaniwang sa kanila umiikot ang buong pangyayari sa nobela.

ANTAGONISTA

Sila ang kalaban o pantapat na tauhan sa protagonista. May negatibong katangian. Sila ang
tinatawag na kontrabida.

Sa paggawa ng tauhan ng isang nobela, gumagamit ang manunulat ng karakterisasyon. Ito ang
representasyon o pagkakalikha ng mga tauhan o personalidad sa katha. Ipinakikilala rito o
inilalarawan ang personalidad ng isang tauhan sa nobela. May dalawang pamamaraan ng
karakterisasyon: direkta at di-direkta.

You might also like