Panahon NG Bagong Kalayaan, Panahon NG Aktibismo at Bagong Lipunan, at Panahon Sa Kasalukuyan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 71

LAYUNIN:

1. Matalakay ang kalagayan ng panitikan at ng kasaysayan noong


panahong ng Isinauling Kalayaan, Aktibismo at ng Bagong Lipunan

2. Malaman natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang ideyalismong


Pilipino, ang ating pananampalataya at ang ating mga paniniwala,
kultura at kaisipang panlipunan noong mga panahong ito.

3. Masuri natin ang ating sariling panitikan ayon sa mga magagandang


katangiang taglay nito.

4. Maipakita ang pagbabago ng panitikan sa Pilipinas sa pag-alis ng


mga Espanol, Amerikano at Hapones.
Kabanata 7
Panahon ng
Bagong kalayaan
KALIGIRANG KASAYSAYAN
 Taong 1945- ang paghihintay ng mga
Pilipino sa pangakong pagbabalik ng
mga Amerikano ay natupad
 Nagdiwang ang mga Pilipino at ang
mga namundok na gerilya nang may
higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na
ng mga hukbong mapagpalaya ng mga
Amerikano.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
 Hulyo 4, 1946- naging makasaysayan sa
ating mga Pilipino ang petsang ito
sapagkat dito isinauli ang kalayaan.
Nawala ang tanikala, nawala ang gapos.
Sa unang pagkakataon ay naging
malaya sa turing ang mga Pilipino.
 Sa mga panahong ito, naging balakid
ng Pilipinas sa kaniyang pagsasarili
ang ekonomiyang naapektuhan ng
digmaan.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
 Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang
pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa
kamay ng mga Hapon.
 At dahil sa kalayaang natamo, higit ring
sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa.
 Ang halos naging paksa ng mga akda ay:
 tungkol sa kalupitan ng mga Hapones,
 ang kahirapan ng pamumuhay sa ilalim
ng pamamahala ng mga Hapones,
 ang kabayanihan ng mga gerilya at iba
pa.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
 Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino
sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan
ng mga aklat:
 Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni
Alejandro Abadilla
 Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro
Agoncillo
 Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-
Matute at marami pang iba
 Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga
panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na
mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika
ng panitikan ng Pilipinas.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
 Tila naging mapaghangad sa makukuhang
gantimpala ang mga manunulat nang
panahong ito bago pa sumulat ng anumang
akda ay inaalam muna kung aling
pahayagan kaya ang magbabayad dito ng
malaking halaga.
 Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari
sa panitikang Pilipino sa panahong ito ay
ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral
sa larangan ng panulat.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
 Naging mga ulirang manunulat na
Amerikano sina Ernest Hemingway,
William Saroyan, at John Steinbeck
sa kanilang mahusay na teknesismo
ng panulat. Sila ang nagbigay ng
diwang mapanghimagsik at
kapangahasan sa panitikang Tagalog
at Ingles. Hinangaan ng mga Pilipino
ang husay ng istilo ng kanilang
pagsusulat.
 Nabuksang muli ang palimbagan ng
mga pahayagan at mga magasin
tulad ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-
ilang, Sinag tala at iba pa.
 Nagkaroon ng laman at hindi salita’t
tugma lamang ang mga tulang
Tagalog.
 Ang maiikling kuwento ay may
mabuti-buting tauhan, ang mga
pangyayari ay batay sa katotohanan
at paksaing may kahulugan
 May mga nobela ring namalasak.(ang
layunin ay makapanlibang sa mga
mambabasa)
 Umusbong rin at dinumog ng pulu-
pulutong mga tao ang pakikinig sa
bigkasan ng tula(nakapagbigay-giliw
sa mga tao)
 May marami ring aklat ang nalimbag
sa panahong ito (ang aklat-katipunan
ang isang sangkap sa nagpasigla sa
panitikang Pilipino)
 Noong panahong ito rin muling
sumigla ang panitikan sa wikang
Ingles.
 Isa pang nagpasigla sa mga
manunulat natin noong panahong
ito ay ang pagkalunsad ng
Timpalak-Palanca o “Palanca
Memorial Awards for Literature” na
pinamumunuan ni Ginoong Carlos
Palanca, Sr. noong 1950.
Magpahangga ngayon, patuloy pa
rin ang pagbibigay gantimpala.
Mga Kilalang May-akda at Akda
sa Panahon ng Bagong Kalayaan

 Alejandro Abadilla - ay nakilala sa


pagsulat ng aklat na nagtataglay ng
antolohiya ng tula mula pa noong
panahon ni Balagtas. Ang mga ito
ay:
 Mga Piling Katha (1947-48)
 Mga Piling Sanaysay (1952)
Mga Kilalang May-akda at Akda
sa Panahon ng Bagong Kalayaan

 Amado V. Hernandez - kilala rin siya


bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang
pinuno ng mga Pilipinong manggagawa
at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong
kaniyang kapanahunan. Ang kanyang
kilalang obra ay:
 Isang Dipang Langit
 Ang aklasan
Mga Kilalang May-akda at Akda
sa Panahon ng Bagong Kalayaan

 Manuel Car Santiago - Buhay at iba pang


Tula
 Jesus A. Arceo - Buhat sa Dilim
 Teodoro E . Gener - Ang Kanyang
Padamdam ay Naging Mapurol at Hindi
Maari
 Clodualdo del Mundo - Gutom
 Salvador Barros - Paniningil ng Alila
 Nakilala sa Panitikang Pilipino
ang pagtatag ng samahang
pampanitikan at isa na rito ang
“Kadipan, Usbong at Panitikan”
na kasapi ang iba’t ibang
kolehiyo at pamantasan.
 Sa samahang ito nakilala ang
makatang sina: - Bienvinido
Ramos, Benjamin Condeno,
Marietta Dischoso, Rafael Dante
at iba pa.
Kabanata 8

Panahon ng Aktibismo at
Bagong Lipunan
 Naging mainit ang pamamalasak ng
aktibismo ng mga kabataan noong taong
1970 – 72. Ang dahilan ng kanilang pagiging
aktibista ay samutsaring paniniwala.
 Iba’t ibang samahan ang naitatag at
nasapian ng ating mga kabataan nang
panahong ito. Karamihan sa mga kabataang
ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng
Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang
isinisigaw ng mga estudyante sa bawat
pagmimiting o rally. Ito ay ang
imperyalismo, feudalismo, at facismo.
 Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak
ng lakas o impluwensya;
 ang feudalismo ay mga suliranin sa
pagmamay-ari ng mga lupang sakahan;
at
 ang facismo ay ang pagiging diktador o
paggamit ng kamay na bakal at hindi
paggalang sa karapatan ng kapwa.
 May mga kabataang nabilang sa
Bagong Hukbo ng Bayan (New People’s
Army), may mga naging “Burgis”
radikal o rebelled at mayroon ding mga
nanatiling parang mga walang pakialam
sa takbo ng pamahalaan.
 Sa kalahatan, maraming mga kabataan
ang naging aktibista upang humingi ng
pagbabago sa takbo ng pamahalaan.
 Maraming akda ang naisulat sa
panahong ito, ngunit sa higpit ng
pamahalaan noon, ay kakaramput na
lamang ang natira ngayon.
Humantong sa pagdedeklara ng
Batas Militar o Martial Law
noong 1972 ang binhi ng
aktibismo.
Sa mga panahong ito nauso ang
duguang plakard. Ang pagrarali
ng mga aktibista at ilan pang
taliwas sa gobyerno nang may
plakard na kasingpula ng dugo
ang ipinangsusulat.
Ang karaniwang paksain at laman
ng mga pahayagan at panitikan
noong panahong ito ay punong-
puno ng damdaming
mapaghimagsik.
Ang mga dating aristokratang
manunulat ay nagkaroon ng
kamulatang panlipunan. Madalas
tungkol sa kabulukan ng lipunan
at pulitika ang talakay nila noong
panahong ito.
 Masasabing halos nagtataglay ng
tatlong katangian ang mga tulang
makata noong panahong ito:
 Una ay ang pagmamasid at
pagsusuri ng kalagayan ng bata;
 pangalawa ay ang pagsisiwalat ng
mga katiwalian at dayukdok na
pagpapasasa ng mga
nanunungkulan,
 at ang ikatlo ay ang tahasang
masasabing labag sa kagandahang
asal na panunungayaw at karahasan
sa pananalita.
Labis na naging mapangahas ang mga
manunulat ng dula, maikling kwento o
maging nobela sa panahong ito, hindi
lamang sa paksa kundi maging sa
usapan at salitaan ng kanilang mga
tauhan sa akda. Naging palasak din ang
panghihiram ng mga salitang Ingles,
Kastila at iba pang likhang salita sa
kanto at pabalbal.
 Maging ang mga awiting tagalog sa
karaniwang naririnig sa mga radio,
telebisyon, o sa panahon ng demonstrasyon
ay nagpapahiwatig ng di-pagkakaroon ng
kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan
natin noon. Ang mga awiting: Inang Laya,
Pagpupuyos, Babae ka, Wala ng Tao sa Santa
Felomina, Base Militar, Walang Lagay at
Titser ay buhat sa isipan ng mga
nangungunang kabataang nagtatanong at
nagpapahiwatig ng mga kalituhan na
naghahanap ng lunas.
 Pinakamasigla rin ang mga panitikang
namayagpag sa media gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito
ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood,
ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi
Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging
laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina
Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata,
Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko
ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at
Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na
Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang
pinakatanyag na Pugad Baboy.
 Sa larangan naman ng nobela at maiikling
kuwento, payak ngunit makatotohanan ang
salitaan o lenggwaheng ginagamit nila.
 Nang panahong ding ito ng aktibismo,
nagsimulang napanood ang mga pelikulang
malalaswa. Tinawag itong mga pelikulang
“bomba”. Sinamantala ng mga may akda ng
mga pelikulang ito ang gulo na
namamayagpag sa bansa upang gumawa ng
mga malalaswang pelikula. Gayundin sa mga
komiks na nagsulputan, na ang karaniwang
mga larawan ay walang saplot ang katawan.
Mga akda sa Panahon ng
Aktibismo:

Mga tula:
 Mga Duguang Plakard– mahabang tulang alay sa mga
demonstrador na pinatay sa Mendiola ni Rogelio
Mangahas.
 Ang Burgis sa Kanyang Almusal– pagtuligsa sa
kawalang pakialam ng mga middle class sa karukhaan
ng taumbayan Ni Rolando S. Tinio
 Tata Selo– iba pa sa maikling kwento ni Romulo
Sandoval
 Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan
de la Cruz – ni Jose “Pete” Lacaba
 May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni P.T. Martin
 Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio Almario
Mga katipunan ng tulang naisaaklat sa panahon
ng aktibismo:

 “Mga A! Ng Panahon” (1970) ni


Alejandro Q. Perez
 “Kalikasan” (1970) ni Aniceto Silvestre
 “Peregrinasyon at Iba pang Tula”(1970)
ni Rio Alma
 “Sitsit sa Kuliglig “(1972) ni Rolando S.
Tinio
 “Mga gintong Kaisipan”(1972) ni
Segundo Esguerra
Mga akda sa Panahon ng Aktibismo:
Mga Nobela:
 Daluyong ni Lazaro Francisco
Luha ng Buwaya ni Amado V.
Hernandez
Dugo sa Bukang-Liwayway ni
Rogelio Sicat
Sa Mga Kuko ng Liwanag ni
Edgardo Reyes
Mga akda sa Panahon ng Aktibismo:

Mga Maiikling Kuwento:

 Banyaga ni Liwayway Arceo


 Impeng Negro ni Rogelio Sicat
 Tata Selo ni Rogelio Sicat
 Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg
 Servando Magdamag ni Ricky Lee
 Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey
Munsayac
Kabanata 8

Bagong
Lipunan
 Noong Setyembre 21, 1972 nagsimula
ang panahong ng Bagong Lipunan.
Luntiang Rebolusyon, Pagpaplano ng
Pamilya, Wastong Nutrisyon, Drug
addiction, Polusyon at iba pa ang
karaniwang naging paksain ng
panitikan nang panahong ito.
 Sa panahong ito rin pinagsikapang
putulin ang mga malalaswang mga
babasahin at pelikula gayundin ang
mga akdang nagbibigay ng masamang
impluwensiya sa moral ng mga
mamamayan.
 Nagtatag ang pamahalaan ng military
ng bagong kagawaran na tinawag na
“Ministri ng Kabatirang Pangmadla”
upang siya ang mamahala at
sumubaybay sa mga pahayagan, aklat,
at mga iba pang babasahing
panlipunan.
 Muling naibalik ng dating Ginang
Imelda Romualdez Marcos ang ating
mga sinaunang dula tulad ng senakulo,
sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at
iba pa.
 Ipinatayo niya ang Cultural Center of the
Philippines, Folk Arts Theater at maging ang
Metropolitan Theater.
 Naging laganap ang pag-aawit noon sa
wikang Pilipino.
 Malaki rin ang naitulong ng mga lingguhang
babasahin tulad ng Kislap, Liwayway at iba
pa sa pag-uunlad ng panitikan.
 Tahasang masasabi na nagningning ang
panitikang Pilipino noong panahong ito.
 Naging paksa rin ng mga tula ang
pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa
pambansang kultura, ugali, kagandahan ng
kapaligiran, at iba pa.
 Nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting
Pilipino noong 1975 nang ang mga awiting
tulad ng “TL Ako Sa Iyo” ng grupong
Cinderella, “The Way We Were” ni Rico J.
Puno at iba pa ay nagsilitawan.
 Ang mga awiting ito ay naging popular sa
tawag na Himig-Maynila. Sa kaligirang ito rin
ay nadagdagan pa ng ilan pang mang-aawit at
kompositor ang larangan ng awiting Pilipino.
 Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay
ng panitikang Pilipino na nanaluktok sa
Bagong Lipunan ay ang mga sanaysay, awit,
mga talumpati at tula.
 Nobela - kung ang paksa ang pag-
uusapan, masasabing nagbalik sa
romantisismo ang karamihan sa mga
nobelang lumabas sa Liwayway sa
panahong ito.
 Mailking Kuwento - naging paksain ang
mga simulain ng Bagong Lipunan, gaya
ng mga tauhang nasasakal na sa
magugol at mausok na lungsod,
kahirapan ng pagkakatoon ng maraming
anak, mga pang-araw-araw na
pangyayaring kapupulutan ng aral.
 Ang Dula at Dulaan
 Inuri ni Nicanor Tionson ang dula sa
dalawa:
 Una, ang dulang palabas na siyang karaniwang
tawag sa iba’t ibang dilang Pilipino, may
impluwensya man ng Kastila gaya ng mga
bodabil at Stage show. Ganito ang itinaguri niya
sa mga dulang ang pangunahing layunin ay
magdulot ng aliw. Ang mga ito raw ay eksapista
sa kalikasan at sa mga sandali ng panonood ay
nakapagpapalimot ng mga suliranin.
 Ang inuri naman niyang paloob ay iyong
“sumasalamin sa lipunan at sa pakikisangkot ng
tao sa lipunang iyon.”
 Sa pagpasok ng panahon ng Bagong
Lipunan ay nabigyang- sigla ang mga
pagsasadula. Nagpatuloy ang
napasimulan nang mga pagsasalin sa
Pilipino ng mga klasikong opera.
Nagkaroon din ng mga pinagsanib na
dula, awit at sayaw na nagtatampok ng
mga katutubong atin.
 Ang Tula
 Katulad ng iba pang naunang panitikan, ang tula ay
kinakailangan ding makisunod sa uri ng panahon.
Ang ilang makata ay bumalik sa mga paksang
ligtas talakayin, gaya ng pag-ibig, buhay at
kalikasan. Ang iba naman ay nagpatuloy sa mga
higit na malalim na kaisipan ngunit maingat na
ikinubli sa mga simbolismo at iba pang
pamamaraan ang mga tunay na saloobin.
 Sa ano’t ano man, ang panulaan sa panahong ito
ay may malawak na nasasaklawang mga
magagamit na paksang- diwa at ang
pinagkakatalunan na lamang ay ang pamamaraan
at lalim ng pagtalakay na magagawa ng makata sa
kabila ng umiiral na paghihigpit.
Kabanata 9

Kasalukuyan,
Tungo sa
Taong 2020
 Batay sa resulta ng halalan, laganap ang
anomalya at karahasan sa buong kapuluan
na nagtakdang nananatiling nakaluklok ang
dominanteng partido ng Kilusan ng Bagong
Lipunan. Subalit sa pagsusuri ng NAMFEL,
si Gng. Corazon Cojuanco Aquino ang
nararapat hirangin bilang bagong pangulo
ng bansa. Sa kalaunan, sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng sambayanan, nailuklok si
Pangulong Aquino at napatalsik ang
diktaturyang Marcos. Sa panahong ito,
naisulong ang demokrasya.
Panulaan
Pinakapayak man na anyo ng
pahayag, ang mga tulang naisulat
mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan ay nakapaglalarawan
ng kabuuang sistema ng
panahong kinapapalooban.
 Maikling Kuwento
 Nasa antas pa lamang ng panibagong
pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang
Filipino noong mga unang taon ng dekada ’80.
Kaakibat ng pagpapayaman at pagpapalawak
ng talasalitaan ng ngayo’y isinabatas na
wikang pambansa ang pag-aangkat ng
salitang banyaga bagamat ipinananatili ang
tradisyunal na pagbaybay. Mula noon
hanggang sa kasalukuyan, malaya ang daloy
ng wika sa mga kuwento at walang mariing
pagtutol sa mga akdang nasusulat sa Taglish
(Tagalog-English).
 Dula at Dulaan - ang dulaan marahil
ang pinakamasigla nitong mga
nakaraang taon. Patunay rito ang kabi-
kabila at sunod-sunod na pagtatanghal
sa mga paaralan at tanghalan sa
buong bansa.
 Sanaysay - marami sa mga nagwaging
sanaysay mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan ay pagsusuri sa mga
akda ng mga kilala kundi man
higanteng persona sa larangan ng
panitikan.
 Radyo at Telebisyon
 Maririnig na sa kasalukuyan na
nakapagpapahayag na ng tunay na
niloloob nangwalang takot o
pangamba ang mga tagapagsalita sa
radyo at mga lumalabas sa telebisyon.
 Marami na sa panahong ito ang mga
komentarista sa radyo at telebisyon
kung saan pawang laman ng bibig ng
mga ito ang hayagang pagpuna nila sa
mga gawain ng mga nasa pwesto
 Pahayagan, magasin, at iba pang
babasahin
 Matapos mawakasan ang Batas-Militar,
tila hudyat na rin ito ng
pagpapanumbalik sa karapatan ng
lahat ng mga Pilipino hinggil sa
pamamahayag. Dumami pa ang
nagsulputang mga pahayagan sa
panahong ito gaya ng:
 Inquirer
 Manila Bulletin
 Manila Times
 Philippine Standard
 Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo,
higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa
trend o pinauso na dulot ng media.
 Kinilala ang Eraserheads (isang bandang
binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa
pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa
marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa
Yano, Siakol, Green Department, the Teeth,
Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng
bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga
bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng
musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the
Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng
bawat pagtanghal at bagong awitin.
 Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay
ang:
 Huling El Bimbo
 Iskin
 Banal na Aso Santong Kabayo
 Himala
 Silvertoes
 Alapaap
 Overdrive
 Peksman
 Prinsesa
 Pare Ko
 Miss sa Loob ng Jeepney.
 Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni
Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa
na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
 Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong
pambata lalung-lalo na ang Batibot, Ang TV at 5
and Up.
 At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman
ng mga nakatatanda.
 Puspusan din ang produksyong pampelikula na
nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa
pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit,
tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng
marami pang dulang pampelikula.
 Naipanganak din ang maraming genre ng
pelikula gaya ng independent films at cinema
veritae film.
 Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan
hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at
aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas
pantelebisyon o kaya’y programang panradyo;
kundi sa pamamagitan din ng hi-technology –
ang Internet.
 Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video
clipping at audio airing na patuloy na
bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino
kundi ng ibang lahi man din.
 Patuloy na dumarami ang mga manunulat na
Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan
gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga
inumpisahang kurso sa mga unibersidad at
kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga
pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na
mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng
panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan
lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga
manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga
at pagmamalasakit ng mga mambabasa na
katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
May mga umusbong ring mga
tinatawag na eksperimental na
panitikan.

Sa pag-eeksperimento, pinalilitaw
ang mga alternaribo, at ilan sa mga
alternatibong ito ay maaaring maging
pundasyon para sa hinaharap ng
panitikan.
Ilang Anyo ng Eksperimental
na Tula

1. Konseptuwal na Tula
- itinuturing na bagong kilusan ng
panitikan
- tinatawag din itong “di-malikhaing
pagsulat” ng mga nagsusulong nito
dahil ang tuon ay sa konsepto o
inisyal na konsepto at hindi mismo
sa mga salita o sa pinal na
produkto.
Konseptuwal na Tula

- isa sa mga katangian ng


konseptuwal na tula ang paggamit
ng pang-araw-araw na salita, at
lengguwaheng walang sustansiya at
walang kahulugan ang tuon ay sa
dami at hindi sa kalidad.
- ilan pa sa mga katangian ng mga
tulang ito ay ang pangongopya, pag-
aangkop kawalan ng orihinalidad, at
labis na paglilista at
pagkakatalogo(Goldsmith, 2008).
Mga Ginagawa ng mga Sumusulat ng
Konseptuwal na Tula:

- Kinuha ng makata ang nabasang


tula at tinanggal ang ilang salita at
pinalitan ng ibang salita.
- May isa namang makatang
pinagsama-sama ang lahat ng salita mula
sa tatlong tula
- May isa namang tula na binubuo
lamang ng pamagat na “The Emperor’s
New Clothes” at walang makikitang
salita o kahit na ano sa katawan nito
2. Kongkretong Tula

- ito ay tulang may malayang taludturan at


walang padron ang bilang ng mga linya at
saknong.
- ang mga taludtod ay nakaayos na parang
biswalisasyon ng paksa ng tula; hinuhugis
ng makata ang mga taludtod at saknong.
- ginagamit ito upang makadagdag sa dating
o epekto ng tula
- karaniwang nagiging mas epektibo ang
kongkretong tula kapag binabasa kaysa
pinakikinggan
Maaari rin namang hindi gaanong
malinaw. Pansinin ang “Ilog Pasig” ni
Manuel Principe Bautista na ang ayos
ay tila naglalarawan ng galaw ng ilog:
3. Biswal na Tula

- madalas ay ginagamit ito at ang


kongkretong tula sa pagtukoy sa tulang may
biswal na representasyon
- kung ang kongkretong tula ay binubuo
lamang ng mga tipograpikong elemento
tulad ng titik, bantas, at iba pang simbolo,
samantalang ang biswal na tula ay hindi
nakadepende sa mga salita
- sa biswal na tula ay nalulusaw ang linyang
naghahati sa teksto at sining
- katulad ng kongkretong tula, ang bisa ng
biswal na tula ay nasa pagbasa o pagtingon
dito
4. Performance Poetry o Spoken
Word Poetry

- ito ay tulang itinatanghal sa harap ng


awdiyens.
- sa kasalukuyan, ito ay gumagamit ng mga
eksperimental na ritmo upang mahatak ang
madlang tagapakinig at bigyan sila ng
magandang karanasan sa pakikinig at
panonood
4. Performance Poetry

- ito ay tulang itinatanghal sa harap ng


awdiyens.
- sa kasalukuyan, ito ay gumagamit ng mga
eksperimental na ritmo upang mahatak ang
madlang tagapakinig at bigyan sila ng
magandang karanasan sa pakikinig at
panonood
a. Spoken Word Poetry

- ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan


ng isang tula.
- nauusong uri ng oral art sa mga kabataan
na ginagamitan ng word play at intonation
upang maipahayag ang kanilang saloobin.
- Ang isa sa halimbawa nito ay “Ang Huling
Tula na Isusulat Ko Para sa Iyo” ni Juan
Miguel Severo na naging viral sa
Internet(https://www.youtube.com/watch?v=
fHe3IyOVOfU)
b. Fliptop Battle o Rap Battle

- ito ay isang halimbawa rin ng tulang


itinatanghal na popular sa masa
- pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-
rap.
- Nahahawig sa balagtasan dahil ang
bersong nira-rap ay magkakatugma
bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o
walang malinaw na paksang pagtatalunan.
- Kung ano ang paksang sisimulan ng
unang kalahok ay siyang sasagutin ng
katunggali.
- Gumagamit ng di pormal na wika at
walang nasusulat na iskrip kaya
karaniwang ang mga salitang binabato ay
balbal at impormal.
- Pangkaraniwan ang paggamit ng mga
salitang nanlalait para mas makapuntos
sa kalaban.
- Laganap sa mga kabataan na sumasali sa
mga malalaking samahan na nagsasagawa
ng kompetisyon na tinatawag na “Battle
League”.
- Ang bawat kompetisyong kinata-tampukan
ng dalawang kalahok ay may tigatlong
round at ang panalo ay dinedesisyunan ng
mga hurado.
- Halimbawa ang labanang Shernan vs
Hazky(https://www.youtube.com/watch?v=4
DLJ60CgDp8)
May mga umusbong ring mga
masasabing bahagi ng
panitikan sa kasalukuyang
panahon na kinagigiliwan ng
mga kabataang Pilipino:

 Pick-up Lines - Itinuturing na


makabagong bugtong kung saan may
tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba
pang aspekto ng buhay.
 Hugot Lines - tinawag ding love
lines o love quotes. Karaniwang
nagmula sa linya ng ilang tauhan
sa pelikula o telebisyon na
nagmarka sa puso’t isipan ng mga
manonood. May mga pagkakataon
na nakakagawa rin ang isang tao
ng hugot line depende sa
damdamin o karanasang
pinagdadaanan nila sa
kasalukuyan.
Pangwakas na Gawain:

Kung darating ang panahon na


ang kasalukuyan natin ay magigi
nang nakaraan at ikaw ay bibigyan
ng pagkakataong sumulat tungkol
sa ating panitikan ngayon, ano ang
itatawag mo dito? Paano mo ito
ilalarawan? Ano kaya ang mga
paksain ng mga tula, dula, maikling
kuwento, nobela, at sanaysay?
Ilagay ang iyong sagot sa
Google Jamboard na inihanda para
sa lahat.

You might also like