Fil Ed 211 Maikling Kwento Panahon NG Kalayaan
Fil Ed 211 Maikling Kwento Panahon NG Kalayaan
Fil Ed 211 Maikling Kwento Panahon NG Kalayaan
Lambunao Campus
College of Education
Lambunao, Iloilo
FIL-ED 211
Sulyap sa nakaraan
Nagbunyi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos ang digmaan noong 1945.
Ang matagal na inaasam na pagkahango sa kalupitan ng mga hapones ay natupad
na rin.
1945- Natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano sa Pipinas.
Hulyo 4, 1946- isinauli ng mga Amerikano ang kalayaan ng mga Pilipino.
Ang Pilipinas naman ay natulungan sa panahong ito ng Estados Unidos, sa
pamamagitan ng mga pagkain, mga pangunahing kagamitan, at ilang milyong
dolyar upang makabangon kahit paano sa bumagsak na kabuhayan.
Ang kalayaan ng Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas Tydings-McDuffe
noong Hunyo 4,1946.
Nabuksan muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad ng:
Liwayway
- Ang Liwayway ay isang magasin na naglalaman ng mga maikling kuwento at sunud-
sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng
mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng mga pamilyang
Pilipino.
Bulaklak
- ang Bulaklak, na unang inilimbag nuong 1947, ay nakipagparayawan sa pagbibigay
ng aliw at karunungan sa Liwayway. Katulad rin ng Liwayway ang nilalaman ng
Bulaklak na nagtampok ng mga maiikling kuwento, serye ng nobela, mga tula,
balitang pang-artista, komiks, at iba pang mga kapaki-pakinabang na salik. Sa
Bulaklak unang lumabas si Darna nuong mga dakong 1950.
MAIKLING KWENTO
Nang lumaya ang Pilipinas sa Hapon ay umunlad naman ang pagsulat ng maikling
kwento ngunit ang mga paksain sa panahong yaon ay tungkol sa kahirapan ng buhay ng
mga Pilipino.
Ang makabagong paraan ng pagsulat ng mga banyaga ay nakatulong para sa mga
Pilipino.
Ang mga kwento ng mga makabagong manunulat ay ibang iba ang pamamaraan sa
pagsulat kaysa noong unang panahon.
Ang maikling kwento ay nagging makakatotohanan lalong lalo na sa suliraning sosyal at
pampulitika.
Nagkaroon ng iba’t ibang samahan na nagbibigay ng mga award o gantimpala sa mga
magwawaging akda. Tulad ng Carlos Palanca Award, Commonwealth Award at iba pa.