Esp2 q1 Mod7 Tahanankopaglilingkuranko FINAL08032020
Esp2 q1 Mod7 Tahanankopaglilingkuranko FINAL08032020
Esp2 q1 Mod7 Tahanankopaglilingkuranko FINAL08032020
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Tahanan Ko, Paglilingkuran Ko.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Para sa Mag-aaral:
Sa modyul na ito ay inaasahang malalaman ang mga
pamantayang ititnakda sa loob ng tahanan at ang kahalagahan
ng pagtutulungan sa paggawa ng mga gawain sa loob ng
tahanan.
iii
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
iv
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
v
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
vi
Alamin
Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaing
makatutulong sa iyo upang makapagpapakita ng pagsunod sa
mga tuntunin at pamantayang itinakda sa loob ng tahanan.
(EsP2PKP-Id-e-12)
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga tuntunin sa loob ng tahanan.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis
na tahanan.
3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagtutulungan sa
gawaing bahay.
Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nagsasaad ng
pagtulong sa gawain sa tahanan at ekis (x) kung hindi.
Isulat sa patlang ang tamang sagot. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
_______1. Tinutulungan ni Ate Lea ang kaniyang nanay sa
paghahanda ng kanilang pagkain.
_______2. Tinataguan ni Jun ang kaniyang tatay kapag ito ay
may inuutos sa kaniya.
_______3. Pagkagising ni Lisa ay nililigpit niya ang kaniyang
pinaghigaan.
_______4. Naglalampaso ng sahig si Dino upang hindi
mahirapan ang kaniyang nanay sa paglilinis.
_______5. Nagagalit si Ate Isabela dahil inuutusan siya ng
kaniyang nanay na maglaba ng kanilang mga
damit.
1
Aralin
Tahanan Ko,
1 Paglilingkuran Ko
Pangangalaga sa Tahanan
Ang pamilya Santos ay naninirahan sa Barangay
Mangandingay. Hati-hati ang kanilang tungkulin sa kanilang
munting tahanan. Si Nanay Anita ang nagwawalis at naglilinis sa
loob at labas ng bahay. Si Ate Ara ang naghuhugas ng pinggan
at nag-aayos ng higaan. Si Kuya Lino ang nagpapakintab ng
sahig at nagtatapon ng basura. Si Tatay Renato ang nagdidilig sa
mga halaman at nagpapaganda ng bakuran nila.
Dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa napadadali ang
mga gawaing bahay kaya masaya at maayos ang
pagsasama ng pamilya Santos sa kanilang maayos at malinis
na tahanan nila.
2
Balikan
Panuto: Balikan natin ang kuwento ng Pangangalaga sa Tahanan
at sagutin ang mga sumusunod na tanong: Sagutin ito sa
iyong kuwaderno o sagutang papel.
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
______________________________________________
3
Mga Tala para sa Guro
Tuklasin
Masarap tumira sa isang tahanan na laging malinis at maayos.
Upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito kailangang
magtulong-tulong ang mga kasapi ng pamilya sa pagsasagawa
ng mga gawaing ito.
4
Suriin
Panuto: Tukuyin ang wastong gamit ng bawat kagamitan. Isulat
sa patlang ang titik ng iyong sagot. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
5
Pagyamanin
Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa hanay A sa mga
larawan ng mga gawaing dapat gawin sa hanay B.
Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
A B
____1. a.
____2. b.
____3. c.
____4. d.
____5. e.
6
Isaisip
Mapapanatili ang _______________ at _______________ ng
tahanan sa pamamagitan ng pagtutulungan at paggawa ng
iba’t ibang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya.
Maging responsable sa paggawa ng mga ito.
Isagawa
Panuto: Lagyan ng Tama ang patlang bago ang bilang kung
tama ang pahayag at Mali kung mali ito. Sagutin ito sa
iyong kuwaderno o sagutang papel.
7
Tayahin
Panuto: Basahin at tukuyin kung alin ang nagpapakita ng
wastong paraan nang pangangalaga sa tahanan. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.
____1. Gumising nang maaga si Roda at nakita niyang
nakatambak ang hugasing pinggan. Ano ang dapat
niyang gawin?
a. Hayaan ang nakatambak na pinggan
b. Huhugasan ni Roda ang nakatambak na hugasin.
c. Tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na
hugasan ito.
8
____4. Nakita mo na hindi niligpit ng iyong bunsong kapatid
ang kaniyang pinaghigaan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Pagagalitan ang aking bunsong kapatid.
b. Hayaan na hindi maayos ang kaniyang higaan.
c. Pagtutulungan naming iligpit ang kaniyang
pinaghigaan.
Karagdagang Gawain
Gawain: __________________________________________
__________________________________________
Kagamitan: _______________________________________
_______________________________________
Gaano kadalas ito dapat gawin? __________________
_______________________________________
9
Susi sa Pagwawasto
10
Sanggunian
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.
2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Basura mo, Itapon ng
Wasto!; Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!;
Kalinisan at kaayusan sa pamayanan, pananagutan
ko. pp. 186-210.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.
2013. Patnubay ng guro. Basura mo, Itapon ng Wasto!;
Luntiang paligid mo, Tuwa ng puso ko!; Kalinisan at
kaayusan sa pamayanan, pananagutan ko. pp. 80-86.
11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: