Katotohanan Vs Opinion

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Katotohanan vs.

Opinyon

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


Katotohanan (fact)

• Ito ang mga pahayag na tiyak at may basehan.


• Ito ay may pinagkukunang impormasyon at
hindi kathang-isip lamang.
• Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita
ang katotohanan:
• * batay sa, resulta ng
* mula sa, tinutukoy na/sa
* mababasa sa, pinatutunayan ni
Katotohanan (Fact)

• HALIMBAWA:
1. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
2. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw.
3. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
4. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Lucas
ay may sala.
5. Batay kay Melanie ang kanyang kapatid ay tatlong taon na.
Opinyon(Kuro-Kuro)

• Ito ay pala-palagay, kuru-kuro o haka-haka lamang


ng isa o ilang tao na hindi pa napapatunayan.
• Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang
opinyon:
* sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
* para sa akin, sa ganang akin
* daw/raw, sa palagay ko
* sinabi, sang-ayon
Opinyon (Kuro-Kuro)

• HALIMBAWA:
1. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.
2. Maganda raw ang Bulkang Taal ayon kay Maxene.
3. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay
pula kaysa sa dilaw.
4. Sa aking palagay mas mananalo muli si Manny
Pacquio.
5. Sinabi ni Angel na mainit sa Baguio ngayon.
Pagsasanay #1
Panuto
Basahing mabuti ang bawat bilang at tukuyin kung ang nilalaman
ba nito ay opinyon o katotohanan. Bilugan lamang ang hugis ng
napiling sagot.
Katotohan o Opinyon

1.Para sa akin, mas masarap ang sinigang na


baboy kaysa sa nilagang baboy.

Katotohanan Opinyon

Ito ay opinyon, sapagkat gumamit ito ng


pahayag na “Para sa akin”, na nagsasaad ng
personal na punto ng nagsasalita
Katotohan o Opinyon

2. Ang Omicron variant ay isa sa mga


kilalang variant ng Covid-19 virus sa daigdig.

Katotohanan Opinyon

Ito ay katotohanan sapagkat maraming pag-aaral na


ang inilathala kaugnay sa panibagong variant ng
Covid-19 na “Omicron”
Katotohan o Opinyon

3. Ang kabisera ng ating bansa ay Lungsod


ng Maynila.

Katotohanan Opinyon
Ito ay katotohanan sapagkat ayon sa PRESIDENTIAL
DECREE No. 940 na ibinaba ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos Sr. noong June 24, 1976, isinaad na
ang Maynila ang kabisera ng ating bansa sapagkat ito
ang sentro ng kalakalan, transportasyon at edukasyon.
Katotohan o Opinyon

4. Sabi ni Claire, hindi raw makakasama si


Joanna sa lakad bukas dahil may trangkaso
ito.

Katotohanan Opinyon

Ito ay opinyon, sapagkat gumamit ito ng


pahayag na “raw”, na nagpapakita ng
pangangailangan ng kumpirmasyon
Katotohan o Opinyon

5. Sa palagay ko, kailangan pa natin


pagbutihin ang ating pag-aaral.

Katotohanan Opinyon

Ito ay opinyon, sapagkat gumamit ito ng


pahayag na “Sa palagay ko”, na nagsasaad
ng personal na punto ng nagsasalita
Katotohan o Opinyon

6. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World


Health Organization, lumalabas na epektibo pa
rin ang mga bakuna laban sa Covid-19 maging sa
bagong variant na Omicron.

Katotohanan Opinyon
Ito ay katotohanan sapagkat ang halimbawang pahayag
ay mula sa World Health mismo na ang bawat bakuna ay
may laban pa rin sa bagong variant.
Katotohan o Opinyon

7. Mababasa sa Artikulo 1 ng Saligang Batas


ng 1987 ang tungkol sa pambansang
teritoryo ng Pilipinas.

Katotohanan Opinyon
Ito ay katotohanan sapagkat ang halimbawang pahayag
ay mula sa World Health mismo na ang bawat bakuna ay
may laban pa rin sa bagong variant.
Katotohan o Opinyon

8. Sa ganang akin Gina, mas makabubuti kung


lumipat na kayo ng tirahan sa lalong madaling
panahon para sa ikabubuti ng mga bata.

Katotohanan Opinyon
Ito ay opinyon, sapagkat gumamit ito ng
pahayag na “Sa ganang akin”, na nagsasaad
ng personal na punto ng nagsasalita
Katotohan o Opinyon

9. Pinatutunayan ng DOH ang pag-aaral na isinagawa ng


WHO kaugnay ng bisa ng mga bakuna laban sa Covid-19
sapagkat nabawasan nito ang bilang ng naoospital na
tinamaan ng nasabing virus.

Katotohanan Opinyon
Ito ay katotohanan sapagkat ang halimbawang pahayag
ay mula sa DOH mismo na ang bawat bakuna ay may
laban pa rin sa bagong variant .
Katotohan o Opinyon

10. Hindi na raw muna itutuloy ng mga


paaralan ang face to face class ngayong Enero
dahil sa muling pagtaas na kaso ng Covid sa
bansa.
Katotohanan Opinyon

Ito ay opinyon, sapagkat gumamit ito ng


pahayag na “raw”, na nagpapakita ng
pangangailangan ng kumpirmasyon
Tandaan natin : Kapag KATOTOHANAN

• Ito ang mga pahayag na tiyak at may basehan.


• Ito ay may pinagkukunang impormasyon at
hindi kathang-isip lamang.
• Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita
ang katotohanan:
• * batay sa, resulta ng
* mula sa, tinutukoy na/sa
* mababasa sa, pinatutunayan ni
TANDAAN NATIN KAPAG: OPINYON

• Ito ay pala-palagay, kuru-kuro o haka-haka lamang


ng isa o ilang tao na hindi pa napapatunayan.
• Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang
opinyon:
* sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
* para sa akin, sa ganang akin
* daw/raw, sa palagay ko
* sinabi, sang-ayon

You might also like