K To12 Gabay Pangkurikulum: Araling Panlipunan
K To12 Gabay Pangkurikulum: Araling Panlipunan
K To12 Gabay Pangkurikulum: Araling Panlipunan
Kagawaran ng Edukasyon
DepEd Complex, Meralco Avenue
Lungsod ng Pasig
Disyembre 2013
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
Deskripsyon
Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic
Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and
developed Filipino.” Kaya naman, tiniyak na ang mga binuong nilalaman, pamantayang pangnilalalaman at pamantayan sa pagganap sa bawat baitang ay makapag-aambag
sa pagtatamo ng nasabing mithiin. Sa pag-abot ng nasabing mithiin, tunguhin (goal) ng K-12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri,
mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping
pangkasaysayan at panlipunan.
Katuwang sa pagkamit ng layuning ito ay ang pagsunod sa teorya sa pagkatuto na kontruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at
pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto at ang paggamit ng mga pamaraang tematiko-kronolohikal at paksain/ konseptuwal, pagsisiyat, intregratibo, interdesiplinaryo
at multisiplinaryo. Sa pagkamit ng nasabing adhikain, mithi ng kurikulum na mahubog ang pag-iisip (thinking), perpekstibo at pagpapahalagang pangkasaysayan at sa iba
pang disiplina ng araling panlipunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng magkasabay na paglinang sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-disiplina.
Mula sa unang baitang hanggang ika-labindalawang baitang, naka-angkla (anchor) ang mga paksain at pamantayang pang-nilalaman at pamantayan sa pagganap
ng bawat yunit sa pitong tema: I) tao, kapaligiran at lipunan 2)panahon, pagpapatuloy at pagbabago, 3) kutlura, pananagutan at pagkabansa, 4) karapatan, pananagutan
at pagkamamamayan 5) kapangyarihan, awtoridad at pamamahala, 6)produksyon, distibusyon at pagkonsumo 7) at ungnayang pangrehiyon at pangmundo Samantala,
ang kasanayan sa iba’t-ibang disiplina ng araling panlipunan tulad pagkamalikhain, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya , pagsasaliksik/ pagsisiyasat, kasanayang
pangkasaysayan at Araling Panlipunan, at pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigan pananaw, ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailangang pag-unawa at
pagkatuto ng mag-aaral sa paraang expanding.
Sa ibang salita, layunin ng pagtuturo ng K-12 Araling Panlipunan na malinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at isyung pangkasaysayan,
pangheograpiya, pampulitika, ekonomiks at kaugnay na disiplinang panlipunan upang siya ay makaalam, makagawa, maging ganap at makipamuhay (Pillars of Learning).
Binibigyang diin sa kurikulum ang pag-unawa at hindi pagsasaulo ng mga konsepto at terminolohiya. Bilang pagpapatunay ng malalim na pag-unawa, ang mag-aaral ay
kinakailangang makabuo ng sariling kahulugan at pagpapakahulugan sa bawat paksang pinag-aaralan at ang pagsasalin nito sa ibang konteksto lalo na ang aplikasyon nito
sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic
Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and
developed Filipino.” Nilalayon din ng batayang edukasyon ang pangmatagalang pagkatuto pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Ang istratehiya sa pagkamit
ng mga pangkalahatang layuning ito ay alinsunod sa ilang teorya sa pagkatuto na konstruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at pagkatutong
pangkaranasan at pangkonteksto.
Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at
interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at
maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likas-
kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon. Layunin ng Araling Panlipunan ang paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni,
responsable, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao, na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng kinabukasan.
Layunin ng AP Kurikulum
Nilalayon ng AP kurikulum na makalinang ng kabataan na may tiyak na pagkakakilanlan at papel bilang Pilipinong lumalahok sa buhay ng lipunan, bansa at
daigdig. Kasabay sa paglinang ng identidad at kakayanang pansibiko ay ang pag-unawa sa nakaraan at kasalukuyan at sa ugnayan sa loob ng lipunan, sa pagitan ng lipunan
at kalikasan, at sa mundo, kung paano nagbago at nagbabago ang mga ito, upang makahubog ng indibiduwal at kolektibong kinabukasan. Upang makamit ang mga
layuning ito, mahalagang bigyang diin ang mga magkakaugnay na kakayahan sa Araling Panlipunan: (i) pagsisiyasat; (ii) pagsusuri at interpretasyon ng
impormasyon; (iii) pananaliksik; (iv) komunikasyon, lalo na ang pagsulat ng sanaysay; at (v) pagtupad sa mga pamantayang pang-etika.
Tema ng AP Kurikulum
Upang tuhugin ang napakalawak at napakaraming mga paksa na nakapaloob sa Araling Panlipunan, ito ang magkakaugnay na temang gagabay sa buong AP
kurikulum, na hango sa mga temang binuo ng National Council for Social Studies (Estados Unidos).1 Hindi inaasahan na lahat ng tema ay gagamitin sa bawat baitang ng
edukasyon dahil ilan sa mga ito, katulad, halimbawa, ng ika-anim na tema, Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo, ay mas angkop sa partikular na kurso (Ekonomiks)
kaysa sa iba, bagamat tatalakayin din ang ilang mga konsepto nito sa kasaysayan ng Pilipinas, ng Asya at ng mundo. Iaangkop ang bawat tema sa bawat baitang ngunit sa
kabuuan, nasasakop ng kurikulum ang lahat ng mga tema.
Mahalagang makita ng mag-aaral ang pag-unlad ng lipunan mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan upang lalo niyang maunawaan ang kanyang sarili at
bansa at sa ganoong paraan ay makapagbuo ng identidad (pagkakakilanlan) bilang indibiduwal at miyembro ng lipunan, bansa at mundo. Sentral sa pag-aaral ng
tao, lipunan at kapaligiran ang konsepto ngpanahon (time), na nagsisilbing batayang konteksto at pundasyon ng pag-uunawa ng mga pagbabago sa buhay ng bawat isa, ng
lipunang kanyang kinabibilangan, at ng kanyang kapaligiran. Ang kaisipang kronolohikal ay hindi nangangahulugan ng pagsasaulo ng mga petsa o pangalan ng tao at
lugar, bagamat mayroong mga mahahalagang historikal fact ( katotohan/ impormasyon) na dapat matutunan ng mag-aaral, kundi ang pagkilala sa pagkakaiba ng
nakaraan sa kasalukuyan, ang pagpapatuloy ng mga paniniwala, istruktura at iba pa sa paglipas ng panahon, ang pag-unawa ng konsepto ng kahalagahang
pangkasaysayan (historical significance), pagpahalaga sa konstekto ng pangyayari sa nakaraan man o sa kasalukuyan, at ang mga kaugnay na kakayahan upang maunawaan
nang buo ang naganap at nagaganap.
Inaasahan na sa ika-11 at ika-12 na baitang ay magkakaroon ng mga elektib na kursong tatalakay sa iba’t ibang isyu (lokal, pambansa, panrehiyon, at pandaigidig)
upang lumawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at malinang ang kanilang mga mapanuring kakayahan. Sa ganitong paraan din ay lalong mahahasa ang
pagkakadalubhasa ng bawat AP na guro sa pagdisenyo ng nilalaman ng kurso at sa istratehiya ng pagturo nito alinsunod sa pangkalahatang balangkas ng AP. Ilang
halimbawa ng mga paksa ng elektib na kurso ay:
1. Mga panganib sa kapaligiran at kalikasan, ang pangangalaga nito at mga hakbang na maaaring gawin ng mga mag-aaral at ng komunidad upang matugunan ang mga
panganib na ito;
2. Ang layunin at pilosopiya ng isang batas o patakarang opisyal, ang epekto nito sa tao at lipunan (at kalikasan), ang mga problema sa implementasyon at posibleng
solusyon sa problema
3. Ang ugnayan ng kultura sa pagsulong ng lipunan (komunidad, bansa) at mga isyung kaugnay sa kaunlaran ng lipunan
4. Mga pandaigdigang problema sa klima, kalamidad (natural at likha ng tao), at ang paglutas ng mga suliraning ito
Ang mga kakayahan ng bagong AP kurikulum ay nakaugat sa mga layunin ng batayang edukasyon: ang kapaki- pakinabang (functional) na literasi ng lahat;
ang paglinang ng “functionally literate and developed Filipino;” at ang pangmatagalang pagkatuto pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Makikita ang
mga pangkalahatang layuning ito sa mga partikular na kakayahan ng AP katulad halimbawa, ng pagsisiyasat at pagsusuri. Samakatuwid, ang AP kurikulum ay di lamang base
sa nilalaman (content-based) kundi rin sa mga kakayahan (competence-based). Sadyang inisa-isa ang mga kakayahan ng AP upang: (a) ipakita ang ugnayan nito sa mga
layunin ng batayang edukasyon, at (b) bigyang diin ang mga mapanuring kakayahan na hindi malilinang sa pamamagitan ng pagsasaulo ng impormasyon.
Sa ibaba ang kabuuan ng mga pangkalahatang kakayahan sa AP kurikulum at sa bawat kakayahan, ang mga partikular na kasanayan. Magkakaugnay ang
mga kakayahan at kapwa nagpapatibay ang mga ito sa isa’t isa. Nilalayong linangin ang mga kakahayan sa debelopmental na pamamaraan na angkop sa bawat antas ng
batayang edukasyon at sa proseso ng scaffolding, upang maitatag ang pundasyon ng mga kasanayan para sa mas malalim (at mas komplex) na kakayahan.
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto at isyung pangkasaysayan, pangheograpiya, pang-ekonomiya, pangkultura, pampamahalaan,
pansibiko, at panlipunan gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina at larangan ng araling panlipunan kabilang ang
pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng
pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw upang maging isang mapanuri, mapagnilay,
mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na papanday sa kinabukasan ng mamamayan ng bansa at daigdig.
K–3 4–6 7 – 10
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at Naipamamalas ang mga kakayahan bilang Naipamamalas ang mga kakayahan bilang kabataang
pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan, at batang produktibo, mapanagutan at mamamayang Pilipino na mapanuri, mapagnilay,
komunidad, at sa mga batayang konsepto ng makabansang mamamayang Pilipino gamit ang malikhain, may matalinong pagpapasya at aktibong
pagpapatuloy at pagbabago, kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, pakikilahok, makakalikasan, mapanagutan,produktibo,
distansya at direksyon gamit ang mga kasanayan tungo mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, makatao at makabansa, na may pandaigdigang pananaw
sa malalim ng pag-unawa tungkol sa sarili at pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng
kapaligirang pisikal at sosyo-kultural , bilang kasapi ng paggamit ng pinagkukunang-yaman at datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mabisang
sariling komunidad at ng mas malawak na lipunan pakikipagtalastasan at pag-unawa sa mga komunikasyon at pag-unawa sa mga batayang konsepto ng
batayang konsepto ng heograpiya, kasaysayan, heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, politika at kultura
ekonomiya, pamamahala, sibika at kultura tungo tungo sa pagpapanday ng maunlad na kinabukasan para sa
sa pagpapanday ng maunlad na kinabukasan para bansa.
sa bansa.
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa sa pagkilala sa sarili at pakikipag-ugnayan sa kapwa bilang pundasyon sa paglinang ng kamalayan sa kapaligirang
K
sosyal.
Naipamamalas ang kamalayan at pag-unawa sa sarili bilang kasapi ng pamilya at paaralan at pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang konsepto ng
1
pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansya at direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi ng pangkat ng lipunan.komunidad.
Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga sa kasalukuyan at nakaraan ng kinabibilangang komunidad, gamit ang konsepto ng
2 pagpapatuloy at pagbabago,kapangyarihan, pamumuno at pananagutan, pangangailangan at kagustuhan, pagkakilanlan, mga simpleng konseptong
heograpikal tulad ng lokasyon at pinagkukunang-yaman at ng mga saksi ng kasaysayan tulad ng tradisyong oral at mga labi ng kasaysayan.
Naipamamalas ang malawak na pag-unawa at pagpapahalaga ng mga komunidad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan at rehiyon ng bansa batay sa
3 (a) katangiang pisikal (b) kultura; (c) kabuhayan; at (d) pulitikal, gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at
kapaligirang pisikal at sosyal.
Naipagmamalaki ang pagka- Pilipino at ang bansang Pilipinas na may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga
4
kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mga sinaunang lipunan hanggang sa mga malalaking
pagbabagong pang-ekonomiya at ang implikasyon nito sa lipunan sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit ang batayang konsepto katulad ng
5 kahalagahang pangkasaysayan (historical significance), pagpapatuloy at pagbabago, ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang batang
mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa.
Naipamamalas ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, tungo sa pagbuo
ng tiyak na pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas base sa
6
pagsusuri ng sipi ng mga piling primaryang sangguniang nakasulat, pasalita, awdyo-biswal at kumbinasyon ng mga ito, mula sa iba-ibang panahon,
tungo sa pagbuo ng makabansang kaisipan na siyang magsisilbing basehan ng mas malawak na pananaw tungkol sa mundo
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya , kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng
7
mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon sa sangkatauhan sa kabila
8 ng malawak na pagkakaiba-iba ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at
matatag na kinabukasan
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks gamit ang mga kasanayan at
9 pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri , mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo,
makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at hamong pang-ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika,
karapatang pantao, pang-edukasyon at pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon gamit ang mga
10
kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong
pagpapasya
Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino sa katangian at bahaging ginagampanan ng tahanan, paaralan at pamayanan tungo sa paghubog ng isang
mamamayang mapanagutan, may pagmamahal sa bansa at pagmamalasakit sa kapaligiran at kapwa.
Pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks gamit ang mga
kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng
9 Ekonomiks 1-7
mamamayang mapanuri , mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan,
at makataong mamamayan ng bansa at daigdig
Pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at hamong pang-ekonomiya,
pangkalikasan, pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon at pananagutang sibiko at
10 Mga Kontemporaryong Isyu pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon gamit ang mga 1-7
kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik,
mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong pagpapasya
7-10 3 hrs/week
Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao,
pang-edukasyon, at pananagutang pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat,
pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip,mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at
matalinong pagpapasya.
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
NILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO LEARNING
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
(Content ) ( Learning Competencies) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard)
UNANG MARKAHAN - Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya
Ang mga mag-aaral ay may Ang mga mag-aaral ay: Ang mga mag-aaral ay:
A. Kahalagahan ng Pag-aaral ng pag-unawa:
mga Kontemporaryong Isyu AP10IPE-Ia-1
sa sanhi at implikasyon ng nakabubuo ng 1. Naipaliliwanag ang konsepto
mga lokal at pandaigdigang programang ng Konteporaryong Isyu
isyung pang-ekonomiya pangkabuhayan 2. Nasusuri ang kahalagahan ng
tungo sa pagkamit ng (livelihood project) batay pagiging mulat sa mga
AP10IPE-Ia-2
pambansang kaunlaran sa mga pinagkukunang kontemporaryong isyu sa
yaman na matatagpuan lipunan at daigdig
A. Mga Suliraning sa pamayanan upang 3. Naipaliliwanag ang iba’t ibang
Pangkapaligiran makatulong sa paglutas uri ng kalamidad na
AP10IPE-Ib-3
1. Disaster Risk Mitigation sa mga suliraning nararanasan sa komunidad at
2. Climate Change pangkabuhayan na sa bansa
(Aspektong Politikal, kinakaharap ng mga 4. Naiuugnay ang gawain at
Pang-ekonomiya, at mamamayan desisyon ng tao sa
AP10IPE-Ib-4
Panlipunan) pagkakaroon ng mga
3. Mga Suliraning kalamidad
Pangkapaligiran sa
Sariling Pamayanan 4. Natutukoy ang mga
paghahanda na nararapat AP10IPE-Ib-5
Halimbawa: gawin sa harap ng mga
waste management, kalamidad
mining, quarrying, 5. Natutukoy ang mga ahensiya
deforestation, at ng pamahalaan na
flashflood responsable sa kaligtasan ng AP10IPE-Ic-6
mamamayan sa panahon ng
kalamidad
7. Nakapagmumungkahi ng mga
paraang tungo sa ikalulutas
ang suliranin ng prostitusyon AP10IKP-
at pang-aabuso sa sariling IIIj-16
pamayanan at bansa
IKAAPAT NA MARKAHAN - Mga Isyung Pang-Edukasyon at Pansibiko at Pagkamamamayan (Civics and Citizenship)
A. Mga Isyung Pang- Ang mga mag-aaral ay may Ang mga mag-aaral ay 1. Nasusuri ang sistema ng
AP10ICC-IVa-
edukasyon pag-unawa: edukasyon sa bansa
1
1. Access sa Edukasyon nakagagawa ng case
2. Kalidad ng Edukasyon sa kahalagahan ng study na tumatalakay sa 2. Nasusuri ang mga programa
edukasyon tungo sa mga solusyon tungkol sa ng pamahalaan na
AP10ICC-IVa-
ikabubuti ng kalidad ng mga suliraning nagsusulong ng
1
pamumuhay ng tao, kinakaharap ng sistema pagkakapantay-pantay sa
pagpapanatili ng kaayusang ng edukasyon sa bansa edukasyon
K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 Pahina 19 ng 37
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
NILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO LEARNING
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
(Content ) ( Learning Competencies) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard)
panlipunan, at pag-unlad ng 3. Nasusuri ang mga programa
bansa ng pamahalaan na
AP10ICC-IVa-
nagsusulong ng
2
pagkakapantay-pantay sa
edukasyon
4. Nasusuri ang kalidad ng AP10ICC-
edukasyon sa bansa IVb-3
Absolute advantage – ganap na kalamangan ng isang bansa sa isang produkto kapag mas mababa ang halaga ng produksiyon nito kaysa halaga ng produksiyon ng ibang
bansa
Absolute monarchy – Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan ng sinuman
Acid Rain – polusyong dulot ng sulfur dioxide at nitrogen oxide na pumapailanlang sa himpapawid at sumasama sa water vapor at bumabagsak sa anyong ulan, hamog, o
niyebe
Acropolis – ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece
Agham panlipunan – isang sangay ng kaalaman na ang pinag-aaralan ay ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa
kapaligiran
Agora – ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece
Ahimsa – hango sa relihiyong Jainism na may kahulugan na mapayapang pamamaraan ng pakikibaka o ang hindi paggamit ng dahas
Allied Powers – mga bansang nagsanib-puwersa, kinabibilangan ng United States, Great Britain, at dating Soviet Union, upang labanan ang Axis Powers
Allocative role – tumutukoy sa masinop na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
Alokasyon –isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang gamit upang sagutin ang mga pangunahing katanungan ng isang lipunan sa
suliranin ng kakapusan
Alyansa – pagbubuo ng grupo o lupon ng mga makapangyarihang bansa sa Europe
Akulturasyon – prosesong pinagdaraanan isang lipunan sa pagtanggap ng elemento, katangian, o impluwensiya ng kultura ng iba pang lipunan
Apollo 11 – sasakyang panghimpapawid na mula sa United States, na siyang unang sasakyang nakarating sa buwan
Astrolabe – instrumento sa paglalayag na ginagamit upang malaman ang latitudo layo ng barko
Archipelago / Kapuluan – pangkat ng mga pulo
Armistice – kasunduan na pansamantalang pagtigil ng labanan o digmaan
Axis Powers – mga bansang nagsanib, kabilang ang Germany, Italy, at Japan, upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B
Batas ng Demand –batas sa ekonomiya na nagsasaad ng hindi direktang relasyon o ugnayan ang presyo sa quantity demanded.
Batas ng Supply – batas sa ekonomiya na nagsasaad na mayroong direktang relasyon o ugnayan ang presyo sa quantity supplied.
Death March - isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa mga sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan
Deforestation – pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat
Demand – tumutukoy sa parehong kakayahan at kagustuhan ng isang taong bumili ng isang produkto at serbisyo
Demand curve – kurba na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo at quantity demanded
Demand function – matematikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity demanded
Demand schedule – talaan na nagpapakita ng dami ng demand sa iba’t ibang presyo
Demokrasya – uri ng pamahalaang ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan upang pumili ng kanilang kinatawan sa pamahalaan
Desertification – ang pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo
Dinastiya – pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loob ng mahabang panahon
Disaster risk mitigation – isang sistematikong paraang ng pagtukoy, pagtataya, at pagbabawas ng panganib ng trahedya o kalamidad
Disincentives – ang pagbabayad ng multa o kawalan (losses) na matatamo sa hindi episyenteng pagpapasya
Diskriminasyon – ang hindi pantay na pagtingin sa karapatan, lahi, kulay, o kultura ng isang tao
Disyerto – rehiyong may malawak na tuyong lupa at buhangin
Diverse habitat – Iba-ibang panahanan o tirahan
Divine origin – paniniwala ng mga Hapones sa kabanalan at buhay na simbolo ng panginoon sa kanilang mga hari
Demography – pag-aaral sa antas ng populasyon na nakatuon sa kapanganakan, pag-aasawa, kamatayan, at mga sakit
Downsizing – pagbabawas ng manggagawa ng bahay kalakal sa panahon ng bust perid upang makatipid sa gastusin ng produksyon
E
Ecological balance – balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran
Ecosystem – masalimuot na sistema ng interaksiyon sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng mga bagay na walang buhay sa pisikal na kapaligiran
Eco-tourism – gawaing pang-turismo gamit ang kalikasan
Fascism – ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini, na tumututol sa anumang uri ng oposisyon sa pamahalaan
Fief - lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal
Footbinding – Sinaunang tradisyon sa China na kung saan sadyang binabali apagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki nang normal, tinatawag ang ganitong klase
ng mga paa na lotus feet o lily feet.
French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglalayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at kalayaan
G
Genocide – malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo na laban sa mga Hudyo
Geocentrism- paniniwala noong panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang sentro ng solar system
Glasnost - Isang salitang Ruso na nangangaghulugan ng openness o pagiging bukas kung saan ,may malayang napag-usapan ang mga suliranin ng bansa sa pamamagitan
ng malayang pamamahayag
Global climate change – pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng
mga gawain ng tao
Globalisasyon – ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan sa aspeto ng
ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura
Laissez faire – kaisipang nagbibigay-diin sa malayang daloy ng ekonomiya, na hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan
Lambak – lupain patag na makikita sa pagitan ng mga bundok o sa gilid ng mga ilog
Latitude – mga distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator o ekwador
Lay investiture – isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo ng singsing at tauhan para sa kanyang opisina
Liberalisasyon – patakaran na nagbunsod sa paggiging malaya o pagbubukas ng kalakalan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan
Life expectancy – inaasahang haba ng buhay
Liga ng mga Bansa (League of Nations) – itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920, na ang pangunahing layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan
negosasyon at diplomasya
Literacy rate o Antas ng kamuwangan – bahagdan ng tao sa isang partikular na bansa na may kakayahang bumasa at sumulat
Makroekonomiks – ang pag-aaral sa kabuuang galaw ng ekonomiya; pinag-aaralan dito ang interaksyon ng sambahayan, kumpanya, pamahalaan, at pandaigdigang
pamilihan.
Makroekonomikong ekilibriyo – kung ang kita sa panig ng sambahayan ay katumbas ng pagkonsumo o kaya sa panig ng bahay- kalakal, ang kita sa produksiyon ay
katumbas ng pagkonsumo
Mandate system – pagpapasailalim sa isang bansang naghahanda na maging isang malaya at nagsasariling bansa sa patnubay ng isang bansang Europeo
Manor – sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo
Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal
Marginal thinking – pagsaalang-alang ng karagdagang benepisyo o pakinabang na matatamo sa bawat karagdagang gastusin
Market economy – ang mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga
Marxism – teoryang politikal at ekonomiko ni Karl Marx na nagsasaad na ang kilos ng tao ay bunga ng kapaligiran at uri ng kanyang kinabibilangan
Mein Kampf (My Struggle) – akda ni Hitler na pinagbatayan ng ideolohiyang Nazism, unang lumabas noong 1925
Merkantilismo – prinsipyong pang-ekonomiya na ang batayan ng kayamanan ng bansa ay ang dami ng ginto at pilak na mayroon ito
Mesoamerica – nangangahulugan ang katagang meso ng “gitna”; ang Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America
Middle class – tumutukoy sa panggitnang uri ng tao sa lipunan. Sila ay nasa pagitan ng mga pinakamayayaman at mahihirap na grupo ng tao. Kadalasang batayan ng
pagiging middle class ay ang pagkakaroon ng kayamanan at kapangyarihan sa lipunan na kinabibilangan.
Migrasyon – ang pag-alis ng tao mula sa ibang bansa o lokalidad patungo sa iba
Mikroekonomiks – ay ang pag-aaral sa maliliit na yunit ng ekonomiya. Pinag-aaralan nito ang kilos, gawi at ang mga ginagawang pagpapasya ng sambahayan at
kumpanya
Militarismo – pagpapalakas ng pwersang militar
Mine tailing – dumi o mga materyales na latak mula sa proseso ng pagmimina at pagsasala mula sa malalaking minahan
Mixed economy – isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy
Monarchy – uri ng pamahalaan ng pinamumunuan ng hari, reyna, at mga kauri nito
Oasis – lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop
Obsidian – isang maitim at kristal na baton a nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo
Oligopolyo – istruktura ng pamilihan kung saan may maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto
Olmec – kauna-unahang kabihasnang sa Central America: nangangahulugan ang salitang Olmec na “ rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng
mga punong rubber o goma
Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino.
Opportunity cost – ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan upang makamit ang isang bagay
Overgrazing – sanhi ng pagkasira ng lupa at vegetation na nagaganap kung ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop
Ozone layer – isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone
P
Pacific Ring of Fire – isang malawak na sona sa Pasipiko na nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan
Paggawa – oras at lakas na ginagamit ng tao sa produksiyon
Pagkonsumo – paggamit o pagbili ng mga produkto at serbisyo
Pag-iimpok – bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay inilalagak sa bangko para sa pangangailangan sa hinaharap
Paikot na daloy – dayagram na nagpapakita ng kitang tinatanggap at bayaring ginagawa ng bawat sektor sa ekonomiya
Pamilihan – ang lugar/mekanismo para ang mamimili at nagbebenta ay nagkakaroon ng transaksiyon upang magkaroon ng bentahan
Pananaw – saloobin o opinyon ng isang tao batay sa kaniyang paniniwala
Pangangailangan – ang mga bagay na dapat ay mayroon ang tao tulad ng pagkain, damit, at tirahan upang mabuhay
Peninsula / Tangway – bahagi ng pulo o kontinenteng nakaungos sa tubig
Perestroika – tumutukoy sa pagsasaayos ng ekonomiya ng dating USSR upang manaig ang pwersang pampamilihan
Philosophes – grupo ng mga intelektwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwala na ang reason o katwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay
Physiocrats – mga taong naniniwala at nagpalalaganap ng ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman
Pictogram – sistema ng pagsulat na gumagamit ng larawan sa mga sinaunang kabihasnang
Pilosopiya – ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Nagmula ang salitang pilosopiya sa mga salitang
griyego na philo at sophia. Ang philo ay nangangahulugang "pagmamahal" at ang sophia naman ay "karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay
"pagmamahal sa karunungan".
K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 Pahina 31 ng 37
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
Piyudalismo – isang sistemang pulitikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa
Political dynasty – ang pananatili sa pamamahala ng isang pamilya sa isang estado sa paglipas ng mga taon
Populasyon – tumutukoy sa kabuuang bilang ng tao sa takdang lugar at panahon
Population boom – biglaang pagdami ng mga taong nakatira sa isang lugar
Population growth rate – antas/bahagdan ng pagdami ng tao
Prairie – lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply rooted tall grasses
Price index – sumusukat sa average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo
Presyo – ang halagang ipinambabayad sa isang tiyak na dami at uri ng isang kalakal o paglilingkod
Presyong elastisidad ng demand – sumusukat kung gaano ka sensitibo ang quantity demand sa pagbabago ng presyo
Prime Meridian – itinatalaga bilang zero degree longitude na nasa Greenwich sa England
Protectorate – isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na kapangyarihan
Pulo – masa ng lupang napapaligiran ng tubig
R
Salinization – proseso ng paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa
Sambahayan – sektor na binubuo ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan ang kanilang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan
Satrap – gobernador o pinuno ng satrapy
Satrapy – lalawigan ng Imperyong Persian
Savanna – lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan
Satyagraha – ang paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal, meditasiyon, at pag-aayuno
Scribe – mga tagatala ng pangyayari at kasaysayan sa panahon ng sinaunang kabihasnan
Shortage – isang sitwasyon na mas malaki ang dami na demanded kaysa sa dami ng produkto na isinusupply
Sibilisasyon – masalimuot na pamumuhay sa lungsod
Siltation – parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar
Sinocentrism – ang pananaw ng mga Tsino na sila ang superiyor sa lahat
Soil degradation – pagkasira ng lupa o pagbaba nang kapakinabangan nito
Son of Heaven o “Anak ng Langit” – ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan n noong sinaunang kabihasnan
Sputnik – kauna-unahang space satellite sa kasaysayan na inilunsad ng dating USSR
Statistical discrepancy – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mgatransaksiyong
hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.
Steppe – malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa silangang Europe at Asya
Stewardship – wastong pagkalinga at pangangalaga ng mga bagay tulad ng kalikasan
Strained – sobra o labis na nagamit
Sturgeon – malalaking isdang likas sa Hilagang Asya na pinagkukuhanan ng caviar (itlog) na isa sa mga produktong panluwas ng rehiyon
Surplus – isang sitwasyon na mas malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa sa dami na demand
Sustainability – kakayahang magpanatili ng isang estado o kalagayan
Taiga – mataas na kagubatang coniferous at mabato na matatagpuan sa Hilagang Asya, partikular na sa Siberia
Talampas – mataas na lupang patag na patag sa ibabaw
Teotihuacan – nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Terorismo – sistematiko paggamit ng malaking takot, madalas marahas, lalo na bilang isang paraan ng pagpipigil
Terra-Cotta – anumang bagay (tulad ng banga, pigurin, o estatwa) na yari sa pinainitang luwad
Territorial and border conflict – suliraning dulot ng hindi pagkakaunawaan o pagtatalo ng mga bansa sa teritoryo at hangganan
The White Man’s Burden – tulang isinulat ni Rudyard Kipling, isang British. Una itong nailathala noong 1889. Ipinahayag ni Kipling ang pagsuporta niya sa imperyalismong
kanluranin sa pamamagitan ng tulang ito.
Third Reich – panahon sa Germany mula 1933–1945 na napasailalim ang bansa sa kontrol ng ideolohiyang totalitarian
Third World – mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas
Triple Alliance – kilala sa tawag na Central Powers na kinabibilangan ng Germany, Austria, Hungary, at Italy mula 1882- 1915.
Triple Entente – tawag sa alyansang France, Great Britain at Russia, kilala bilang Allies mula 1882- 1915.
Think tank – pangkat ng mga dalubhasa na nagpupulong upang gumawa ng pagsusuri sa isang suliranin at magmungkahi ng pamamaraan sa paglutas nito
Tonle Sap – lawa sa Cambodia na nakararanas ng siltationa at kinikilalang pinakamalaking freshwater lake sa Southe East Asia
Topograpiya – tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong lupa at anyong tubig
Tropikal – uri ng klimang may katamtamang init
Tsar – tawag sa pinuno ng Russia hanggang sa rebolusyon noong 1917
Tundra – lupaing kadalasang walang puno na matatagpuan sa Russia, malapit sa baybayin ng Arctic Ocean
Yamang likas – mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, mga ilog, lawa, at mga depositong mineral
Ziggurat – templo ng mga sinaunang Mesopotamia tulad ng Sumerian na pinaniniwalang pinaninirahan ng mga diyos
Zoroastrianismo – ang tawag sa relihiyon ng mga persyano, itinatag at ipinalaganap ni Zoroaster ang kaniyang mga turo, na naniniwalang may dalawang pwersang
naglalaban upang makuha ang kaluluwa ng tao. Ayon sa kaniya, huhusgahan ang tao batay sa kaniyang ginawa at kung kaninong pangkat siya
sumanib.
Sample: AP5KPK-IIIf-5
LEGEND SAMPLE
Roman Numeral
Quarter Ikatlong Markahan III
*Zero if no specific quarter
Lowercase Letter/s
*Put a hyphen (-) in between letters to indicate Week Ika-anim na linggo f
more than a specific week
-