LeaP AP G5 Week3 4 Q3
LeaP AP G5 Week3 4 Q3
LeaP AP G5 Week3 4 Q3
Sa araling ito matutunan mo kung paano binago ng mga Espanyol ang kalagayang panlipunan
ng mga Pilipino.
Pagmasdan ang mga larawan na nasa ibaba. Suriin ng mabuti kung ano ang inilalarawan ng
mga ito.
Panahanan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo ng mga tirahan na
malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga nanirahan din sa mga kabundukan. Ito ay
upang malapit sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Ang disenyo ng mga tirahan ng mga
Pilipino ay kadalasang yari sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, buho, cogon
at ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na bahay
kubo.
Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang estruktura ng tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala
ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa
bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy.
Lutuin
Natuto ang mga Pilipino na gumamit ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga
kasangkapan tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging impluwensya rin ng mga Espanyol
at Tsino.
Pananamit
Unti-unting natutunan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may mga istilong Espanyol.
Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga
kalalakihan ay natutong magsuot ng sumbrero, mahabang pantalon, dyaket, camisa chino,
ropillaat sapatos. Ang mga kababaihan naman ay natutong magsuot ng saya (mahahabang
palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela). Minsan sinasamahan nila ito ng panuelao.
malaking panyo na ipinapatong sa balikat at mantillao alampay. Naimpluwensyahan din ng mga
Espanyol ang pagsusuot ng payneta o panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din nilang
magdala ng abaniko at panyolito. Ang kasuotang Maria Clara, isa sa mga pangunahing tauhan sa
nobela ni Jose Rizal ang isang halimbawa ng kasuotan ng mga kababaihan noong panahon ng
mga Espanyol.
Edukasyon
Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon. Natuto sila sa mga turo ng
kanilang mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso at pagtatanim. Bagama’t may
baybayin ngunit wala silang pormal na edukasyon.
Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga
prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito na turuan ang mga
Pilipino na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang
paaralan at kolehiyo. Ang pagtuturo ng asignaturang tulad ng katesismo o relihiyon, pagsulat,
pagbasa at aritmetika ang tanging pokus ng mga paaralan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo
lamang sa mga kalalakihan bago pa man sumapit ang ika-19 na siglo. Noong ika-19 siglo lamang
sila unang tumanggap ng kababaihang Pilipino.
Sayaw
Nakilala ang mga sayaw na Jota, Surtido, Habanera, Tango, Fandango, Lanceros, Rigodon, Polk,
Mazurka at Waltz. Nahaluan din ng impluwensya ng Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga
Pilipino. Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota at Polka. Ang mga ilang galaw
naman sa Cariñosa, sayaw Santa Isabel at iba pang sayaw pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa Waltz.
Pagdiriwang
Malaking impluwensiya din ang mga iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon na dinala ng mga
Espanyol. Ang mga ito ay naging bahagi na rin ng tradisyong Pilipino hanggang kasalukuyan ay
ipinagdiriwang pa rin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
● Pista. Ang kapistahan ng patron o santo ng bayan ang pinakatanyag at nakakaaliw na
pagdiriwang. Kumpleto ito sa mga banderitas sa kalsada, banda ng musiko, palaro,
palabas at sayawan. Bahagi nito ang magarbo at magastos na handaan. Ang mga kamag-
anakan sa ibang bayan ay dumadalaw upang makipagdiwang ng pista. Natutong
mangutang ang mga Pilipino para may maihanda sa araw na ito. Mayroon din prusisyon ng
mga napiling magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo at Santacruzan.
Pagpapangalan
Nagbago rin ang paraan ng pagpapangalan ng mga Pilipino. Batay sa kautusan ni
Gobernador–Heneral Narciso Claveria Bautista, ang Claveria Decree noong 1849. Dahil dito,
binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga Pilipino tulad ng dela Cruz, del Rosario, de los Santos,
at Santiago. Nakatala ang mga ito at mahigit 61, 000 mapagpipiliang apelyido sa Catalogo
Alfabetico de Apellidos.
Relihiyon
Itinuro ang mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag, pagpapakasal,
pangungumpisal, pagrorosaryo, pagnonobena, pagsimba at iba pa. Kaugnay nito, dinala ng mga
Espanyol sa Pilipinas ang sistema ng palimbagan. Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang
aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Ito ay isang aklat tungkol sa katesismo at mga dasal at
isinalin ito sa wikang Tagalog.
MGA 4 3 2 1
KRAYTERYA
Pagkamalikhain Lubos na Naging malikhain sa Hindi gaanong Walang
nagpamalas ng paghahanda naging malikhain ipinamalas na
pagkamalikhain sa sa paghahanda pagkamalikh ain
paghahanda sa
paghahanda
Presentasyon Lubhang naging Naging malinaw Hindi gaanong Hindi malnaw ang
malinaw ang ang ang malinaw ang ang ang paghahatid
paghahatid ng paghahatid ng paghahatid ng ng
mensahe mensahe mensahe mensahe
Organisasyon Buo ang kaisipan, May kaisahan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, may sapat na kaisahan, kulang pagkakabuo,
kumpleto ang detalye at sa detalye at hindi kulang ang detalye
detalye at malinaw na gaanong malinaw at di malinaw ang
napakalinaw ng intensyon ang intensyon
intensyon intensyon
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang
Paksa ang mga larawan larawan sa paksa angkop ang mga larawan sa
sa paksa larawan sa paksa
paksa
Kabuuang
Puntos
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Panuto : Iguhit sa may patlang ang masayang mukha ( ) kung tama ang
isinasaad ng pahayag at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.
1. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang
unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy.
2. May pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon.
3. Sa pananamit ang naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang
tsinelas at sapatos.
4. Madaling natutunan ng mga Pilipino ang pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika
tulad ng plauta, biyolin, harpa, at piano na dala ng mga Espanyol sapagkat kahalintulad ito
ng mga instrumentong katutubo sa kanila.
5. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay marunong ng gumamit ang mga
Pilipino ng kutsara at tinidor at kutsilyo sa pagkain.