LeaP-Filipino-G5-Week 4-Q3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Learning Area Filipino Grade Level Ikalima

W4 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Paggawa ng Timeline/ Pagsasalaysay ng napakinggang teksto/ Opinyon o


Katotohanan
II. MOST ESSENTIAL Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan. F5PB-Ie-18
LEARNING Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto. F5PS-IIIf-h-6.6
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. F5PB-IIIf-h-19
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang
iba’t ibang teksto at kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

● Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa paggawa ng


timeline mula sa binasang/ napakinggang kasaysayan o teksto at
nasasabi ang opinyon o katotohanan base sa isang pahayag.

● Nakakasulat ng isang timeline at naisasalay batay sa


nabasang/napakinggang kasaysayan at nakikilala kung ang
isang pahayag ay opinyo o katotohanan.

● Napapahalagahan ang paggawa ng timeline sa nabasang


kasaysayan, pagsasalaysay sa napakinggan teksto at
naipapahayag ang sariling opinyon o katotohanan base sa isang
pahayag.

Suggested
IV. Time Frame Learning Activities
LEARNING
PHASES
A. 30 minuto Inaasahan na pagkatapos ng araling ito, ay maggawa mo ang isang
Introduction timeline batay sa nabasang kasaysayan, maisasalaysay mo nang wasto ang
Panimula tekstong napakinggan at matutunan mo ang mapanuring pagsusuri ng opinyon
o katotohanan sa isang pahayag.
Ang timeline ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng
pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng linya.
Tumatalakay ito sa salitang oras o panahon. Sa madaling kahulugan, ito ay
talahanayan ng mga importanteng kaganapan sa mga nakaraang taon.
Maari din namang listahan ng mga partikular na kaganapan na lumipas na.
Maari din itong isang plano na nagpapakita kung gaano katagal aabutin ang
isang bagay o kailan mangyayari ang mga bagay.
Maaaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa o pangyayari na may
maikling paglalarawan o detalye tungkol dito. Makakatulong sa higit na pang-
unawa ng mga mag-aaral kung lalagyan ng larawan kaugnay ng paksa ang
timeline.
Pag-aralan ang halimbawa ng timeline sa ibaba.
Para mas lubos mo pang maunawaan ang araling sumangguni sa:
Alab Filipino 5 p. 140 – 141. Agarrado, P.C., Francis, M.L., Guerrero, P.R., Gojo
Cruz, G.R., (2016). https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19_sa_Pilipinas

Sa pagkakataon ito, pag-aralan mo naman ang pagsasalaysay base sa


tekstong napakinggan.
Ang teksto ay babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol
sa iba’t-ibang tao o impormasyon at sa mga napapanahong isyu sa ating
paligid.
Ang pagsasalaysay ay nagpapahayag na may layuning mag
kuwento ng mga pangyayari. Ito ay may dalawang uri: ang pasalita o
pasulat na paraan ng pagsasalaysay.
Ang kakayahang makapagsalaysay muli ay isang patunay na
may nakuhang bagong kaalaman ang isang indibidwal mula sa kaniyang
pakikinig. Ang kakayahan ding ito ay makatutulong upang maihatid ang
naiisip o nadarama sa napakinggang teksto.
Mahalagang maunawaan ang pinakikinggan nang sa gayon ay
matutunan mo ang nilalaman ng teksto.
Upang lubos na malingan ang kakayahan mo sa pagsasalaysay ay
maari mong sabahin ang mga sangguniang ito.

Hiyas sa Pagbasa 5, Binagong Edisyon,2010, pp. 80-83, Alab Filipino


Batayang Aklat, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016, pp. 8, 214-215,
https://pinoycollection.com/pabula-halimbawa/#Si-Paruparo-at-si-
Langgam)
Mas palalimin mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa opinyon o
katotohanan base sa isang pahayag. Ano ba ang pagkakaiba ng opinyo
sa katotohanan? Anu ano ang mga palatandaan o pahiwatig para
malaman na ang isang pahayag ay opinyon?
Opinyon ay isang pahayag na nagsasabi kung ano ang iniisip o nadarama
ng isang tao tungkol sa bagay o isyu.
Masasabi natin na ang isang pahayag ay opinyon o kuru-kuro ay
isang saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao. Ito ay maaaring walang
sapat na batayan.
Ang isang opinyon ay madali ring matutukoy sapagkat
karaniwang ginagamitan ito ng mga pahiwatig tulad ng:
● Sa aking palagay
Halimbawa: Sa aking palagay matatagalan pa bago mawala ng
lubusan ang COVID-19.
● Naniniwala ako na
Halimbawa: Naniniwala ako na may siyam na buhay ang pusa.
● Marahil
Halimbawa: Kahit ginagawa ng mga guro ang lahat ng paraan
marahil hindi pa rin ito sapag para mapatuto ang mga bata ngayon
may pandemya.
Katotohanan ang isang pahayag kung nagsasabi o nagsasaad ng mga
bagay o pangyayaring naganap.
Masasabing katotohanan kung may sapat na batayan o patunay.
Ito ay mga pangyayaring tunay na naganap o nangyari.
Halimbawa:
1. Sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020.
2. Halos boung mundo ang naapektuhan ng COVID-19.
Para mas lubos mo pa maunawaan ang aralin tungkol sa opinyon at
katotohan, tignan ang batayang aklat sa Pinagyamang Edisyon BINHI 5
Wika at Pagbasa sa Elementarya, pahina 249, 263, 275. Alab 5, pahina 145.
B. Development 40 minuto Ngayon ay nalaman mo na kung paano gumawa ng timeline.
Pagpapaunlad Subukan naman natin ang iyong natutnan hinggil dito. Sagutan mo ang
unang pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin ang teksto sa Alab Filipino 5, Aralin 5, pahina 140-141. Gumawa
ng timeline na nagpapakita sa mga pangyayaring naganap. Gamitin
ang Rubriks sa paggawa ng timeline. Gawin ito sa iyong kwaderno.

RUBRIKS MGA PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG


TIMELINE
Kailangan ng
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pagsasanay
(5 puntos ) (4 puntos ) (3 puntos )
(1 puntos )
Nilalaman Lahat ng Kakaunti ang Iilan ang Halos lahat ng
at impormasyong impormasyon impormasyong impormasyon
kaangkupa kinuha ay tama g kinuha ay kinuha ay tama g kinuha ay
n ng at tama at at mali at hindi
ginamit na makabuluhan, makabuluhan, makabuluhan, angkop ang
grapikong angkop ang medyo hindi malinaw grapikong
pantulong grapikong angkop ang ang grapikong pantulong na
pantulong na grapikong pantulong na ginamit upang
ginamit upang pantulong na ginamit upang sapat na
sapat na ginamit upang sapat na maunawaan
maunawaan sapat na maunawaan ang mensahe
ang mensahe maunawaan ang mensahe
ang mensahe

Mahusay! binabati kita. Sa puntong ito, susubukan mo ang iyong


kakayahan sa pagsasalaysay base sa tekstong iyong napakinggan.
Upang mas malinang ang iyong kaalaman, gawin mo ang
kasunod na pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa tunong ng kasama sa bahay, ipabasa ang teksyo na nasa Alab Filipino
5, Aralin 5, pahina 140-141. Sundin ang mga pamantayan sa
pagsasalaysay upang mas lubos na maunawaan

RUBRIKS SA PAMANTAYAN SA
PAGSASALAYSAY
Nangangailangan
NILALAMAN Napakahusay Mahusay Katamtaman
ng pagpapabuti
5 4 3
1
Kalinawan at Nakapalinaw Hindi Magulo at Hindi
kaayusan ng atmaganda masayadong hindi malinaw nakapagsalaysay
pagkakasala ang pagkaka malinaw at ang
ysay salaysay hindi maganda pagkaka
ang pagkaka salaysay
salaysay

Para sa karagdagan gawain maari mong tignan ang mga uniang ito:
Manunulat ng Bulilitin, Pasoj sa Division Schools Press Conference -Alab
Filipino Batayang Aklat, Quezon City: Vibal Group Inc., 2016 p. 8. Jose
Blanco-Hiyas sa Pagbasa 5, Bagong Edisyon, 2010, pp. 80-83
Magaling ! Muli ay binabati kita. Subukan mo naman ang mapanuring
pagsusuri mo sa pagpapahayag ng opinyon o katotohanan
base sa isang pahayag.
Dagdagan mo pa ang iyong kaalaman kung masasagutan mo
ang susunod na gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Base sa binasang teksto. Suriin kung ang sumusunod na pahayag. Isulat
ang OPINYON, kung ito ay kuro-kuro, saloobin, palagay o paniniwala ng
isang tao at KATOTOHANAN, kung ang pahayag ay nagsasabi o
nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring naganap at may sapat na
batayan o patunay. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Bumalik si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983 sa Pilipinas.
2. Natalo si Cory marahil siya ay labis na dinaya.
3. Sa kabila ng pagharang ng mga military at sundalo naniniwal ako
dahil sa gutomna dinanas ng mga Pilipino kaya naging malaya
ang bansa.
4. Sa loob ng apat na araw, nagkapit-bisig ang mga militar, relihiyoso,
politiko at mga ordinaryong Pilipino.
5. Nakilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang isang bansa na
mapayapang nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo.

Para mas lubos mo pa maunawaan ang aralin tungkol sa opinyon at


katotohan, tignan ang batayang aklat sa Pinagyamang Edisyon BINHI 5
Wika at Pagbasa sa Elementarya, pahina 263

C. Engagement 40 minuto Palalimin mo pa ang iyong pagkaunawa sa aralin, subukin mo ang


Pakikipagpalihan iyong kaalaman sa pagsagot sa mga gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Basahin ang teksto sa ibaba. Gumawa ng timeline na nagpapakita sa mga
pangyayaring naganap sa talata. Gamitin ang Rubriks sa paggawa ng
timeline, tignan sa gawain 1. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Kwebang Saksi sa Kasaysayan ng Himagsika
Malinaw pa ang mga detalye ng digmaan mula sa mga kwento ni
Mang Arseng, mga kwentong paulit-ulit na sinalaysay ng kanyang lolong
beterano noon panahon ng mga Kastila.
Isa itong karangalan para sa kanya dahil sa mahigit 5,000 kataong
naninirahan sa Barangay Pangil, sa bayan ng Amadeo, bukod tanging siya
lamang ang magarang nakakapagkwento ng kasaysayan ng kweba.
Sa isang liblib na bahagi ng barangay, makikita ang mga
mumunting kweba na di umano’y naging kanlungan ng mga katipunerong
taga Amadeo at kumanlong sa kanyang mga kasamahang katipunerong
mula sa ibang bayan.
“Ayon sa aking lolo, dahil kawalan ng masisilungan ang mga
katipunero noon, mas komportableng pahingaan nila ang kwebang
malapit sa ilog. Mas sariwa ang hangin at tanging lagaslas lamang ng tubig
ang maririnig bukod sa tago ang lugar mula sa kababayan,” panimula ni
Arsenio Romasanta, 89, habang itinuturo ang kweba.
Noong pumutok ang mga pag-aaklas sa iba’t ibang panig ng
Katagalugan kasabay ng sunod-sunod na pagdakip at pagpatay sa mga
Pilipino noon, ginawa nilang kuta ang kweba. Naging pananggalan ang
yungib sa mga napipintong pagsalakay ng mga Hapon.
Naghanap sila ng mga Pilipinong nais sumapi sa Katipunan at hindi
rin naman sila nabigo,” paliwanag ni Mang Arseng.
Patuloy pa rin ang kwento ng kasaysayan ni Mang Arseng na sa
bawat pangungusap na binibitiwan, humuhulma ito ng isang larawan ng
pakikibaka ng mga Pilipino noon. Maraming kwento na ang narinig tungkol
sa kanila ngunit naiiba sa lahat ang kwento ni Mang Arseng.
Likha ni: ROLANDO C. BAYBAY
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Sa tunong ng iyong magulang o kasama sa bahay, ipabasa ang teksto
na nasa Gawain 4. Sundin ang mga pamantayan sa pagsasalaysay,
tignan sa gawain 2 upang mas lubos na maunawaan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


Base sa binasang teksto sa itaas. Suriin kung ang sumusunod na
pahayag. Isulat ang OPINYON, kung ito ay kuro-kuro, saloobin,
palagay o paniniwala ng isang tao at KATOTOHANAN, kung ang
pahayag ay nagsasabi o nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring
naganap at may sapat na batayan o patunay. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Sapalagay ko si Mang Arseng ay isa sa mga katipunero na naan sa
kweba.
2. Matatagpuan ang kweba sa bayan ng Amadeo.
3. Sapatagal ko nangamatay ang mga katipunero sa gutom dahil sa
kweba sila nakatira.
4. Marahil na naging katipunero ang buong pamilya ni Mang Arseng.
5. Sa isang liblib na bahagi ng barangay, makikita ang mga mumunting
kweba.
D. Assimilation 20 minuto Buoin ang talata sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang. Gawin ito
Paglalapat sa iyong kuwaderno.
Ang ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng
pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng . Ang
kakayahang makapagsalaysay muli ay isang patunay na may nakuhang
ang isang indibidwal mula sa kaniyang pakikinig.
Masasabi natin na ang isang pahayag ay ay
isang saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao. Samantalang ang
kung may sapat na batayan o patunay. Ito ay
mga pangyayaring tunay na naganap o nangyari.
V. ASSESSMENT 40 minuto Basahin ang tekstong Ang Pagdakip kay Bonifacio, tingnan sa enklosur sa
(Learning Activity ibaba.
Sheets for Enrichment, Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Remediation or Gumawa ng timeline na nagpapakita sa mga pangyayaring naganap sa
Assessment to be given talatang nasa Enklosure. Gamitin ang Rubriks sa paggawa ng timeline,
on Weeks 3 and 6) tignan sa gawain 1. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8
Sa tunong ng iyong magulang o kasama sa bahay, ipabasa ang teksto
na nasa Enklosure Sundin ang mga pamantayan sa pagsasalaysay,
tignan sa gawain 2 upang mas lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9
Base sa binasang tekstong Ang Pagdakip kay Bonifacio, tignan sa
Enklosure. Suriin kung ang sumusunod na pahayag. Isulat ang OPINYON,
kung ito ay kuro-kuro, saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao at
KATOTOHANAN, kung ang pahayag ay nagsasabi o nagsasaad ng mga
bagay o pangyayaring naganap at may sapat na batayan o patunay.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Naganap ang pagkahuli at pagpatay kay Andress Bonifacio sa
lalawigan ng Kabite.
2. Marahil maraming namatay sa naganap sagupaan sa pagitan ng
dalawang pangkat.
3. Sa aking palagay malaki ang galit ng pamahalaan laban kay Anders
Bonifacio.
4. Nangyari ang madugong sapupaan ay noong April 28, 1897.
5. Naniniwala ako na nagsaya ang pangulong Emilio Aquinaldo sa
pagkamatay ni Andres Bonifacio.
VI. REFLECTION 10 minuto Magsulat sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na
Nabatid ko na
Naisasagawa ko na
Rolando C. Maribeth C. Rieta- EPS-
Prepared by: Baybay Karen Baje Checked by: Filipino
Mary Joy Labay

You might also like