Activity Sheet Sa Araling Panlipunan Kuwarter 3 - MELC 2-WK 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

5

Activity Sheet sa
Araling Panlipunan
Kuwarter 3– MELC 2- WK 2

Ang Pagpapahalaga sa
Pagtatanggol ng mga Pilipino
Laban sa Kolonyalismong
Espanyol

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL


Araling Panlipunan 5
Learning Activity Sheet (LAS)#2:
(Ang Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa
Kolonyalismong Espanyol)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng Gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 5

Manunulat: Diarry Espolong


Editor:
Tagasuri: Marlyn V. Anida
Tagaguhit:
Tagalapat: Othelo M. Beating

Division of Negros Occidental Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Ma. Teresa P. Geroso
Dennis G. Develos, PhD
Zaldy H. Reliquias, PhD
Raulito D. Dinaga
Marlyn V. Anida
Othelo M. Beating

ii
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng SDO-Negros Occidental sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas at
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na
Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-
kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani- kanilang mga tahanan o
saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iv
Kwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 2

Pangalan: Grado at Seksiyon:


Petsa: ______________________

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 5

(Ang Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Napapahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.


AP5PKB-IIIi-7

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa learning Activity Scheet (LAS) na ito, mapapahalagahan mo ang pagtatanggol ng
mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.

Maraming ginawang pagbabago ang mga Espanyol sa Pilipinas sa panahon


ng kanilang pananakop sa ating bansa. Ipinakilala nila ang Kristiyanismo sa mga
Pilipino. Itinuro nila ang makabagong pamamaraan nang pagtatanim at
pangangalakal.

Sa kabila ng mga pagbabagong ito, iba-iba ang naging reaksyon ng mga


Pilipino. May yumakap at sumunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol upang maiangat ang ating ekonomiya. Ngunit may mga natatanging
Pilipino na lumaban sa kolonyalismong Espanyol at nagpakita nang pag-aaklas sa
iba’t ibang paraan.

Ang mga pag-aaklas na ito ay bunga ng mga pagmamalupit at pang-


aabuso ng mga Espanyol. Namulat sa isipan ng mga namumuno ng mga pag-
aalsang ito na kinakailangang ipagtanggol ang ating bansa laban sa
kolonyalismong Espanyol.

Bilang Pilipinong mag-aaral, nararapat mong pahalagahan ang mga


ginawang kabayanihan ng mga ninunong nagtanggol ng ating bansa laban sa mga
Espanyol.

III. Mga Sanggunian

Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa, pahina 208-220

Araling Panlipunan Ikalimang Baitang – Module 2, pahina 3-11


IV. Mga Gawain

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga teksto sa ibaba.

Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa


Kolonyalismong Espanyol.

1. Kamalayan sa kasaysayan ng ating bansa. Mahalaga na malaman natin ang


mga pangyayaring pagtatanggol noon laban sa pananakop ng mga
Espanyol sa ating bansa dahil malaki ang kaugnayan nito sa kasalukuyang
panahon partikular sa aspeto ng kultura, paniniwala o relihiyon, ekonomiya
at pulitika.
2. Tingalain bilang huwarang Pilipino. Ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa
bansa ay itinuturing na bayani ng ating bansa dahil sa kanilang naiambag
sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas. Isapuso ang mga kabayanihan
ginawa nila sa ating bansa.
3. Pagsusulong ng karapatan. Ang bawat Pilipino ay may kakayahang
ipaglaban ang karapatan at kalayaan sa tamang paraan. Hindi lamang sa
dahas nakukuha ang ating ipinaglalaban. Bukas na ang puso’t isipan ng
mga Pilipino na mas epektibo ang iba’t ibang paraan sa pagsusulong ng
karapatan. Tandaan lamang na sa pagtatanggol sa bawat karapatan ay
laging may kaakibat na responsibilidad.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay tungkol
sa mga kahalagahan ng pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol
at MALI kung hindi.

1. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa anumang paraang naaayon sa batas.

2. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.

3. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino na

nagtanggol sa bansa laban sa mga Espanyol.

4. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan ng

mga unang Pilipino na nagtanggol sa bansa

5. Gawing huwaran ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.

Gawain 3

Panuto: Ang pagtatanggol sa bansa ay isa sa responsibilidad ng mamamayang Pilipino. Ano ang
iyong saloobin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng pagtatanggol sa bansa.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Pagtatanggol ng mga mangingisdang Pilipino sa bansa laban sa mga ibang bansa na
umaangkin ng Panatag Shoal.
2. Pakikipagbakbakan ng mga sundalong Pilipino sa mga terorista sa bansa.
3. Pagpasa ng mga batas na may kinalaman sa mga gustong manggulo sa bansa
katulad ng Anti-Terrorism Act of 2020
4. Sa gitna ng banta ng COVID-19 may mga nagwewelga pa rin sa daan upang
iparating ang hinaing sa gobyerno.
5. Pag-post sa social media ng mga fakenews tungkol sa hindi tamang pamamalakad
ng pamahalaan.

Gawain 4

Panuto: Magbigay ng tatlong (3) kahalagahan ng pagtatanggol ng mga bayaning Pilipino


laban sa kolonyalismong Espanyol? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.

3.

V. Repleksiyon

Sumulat ng isang maikling liham para sa mga kababayan nating Igorot at Muslim at batiin sila
sa tagumpay ng kanilang mga ninuno na hindi magpasakop sa mga Espanyol. Ipahayag din ang iyong
pagpapahalaga sa kanilang pagtatanggol laban sa kolonyalismong Espanyol.

Gawing gabay sa pagsulat ng gawain ang rubrik sa ibaba.

Rubrik sa Pagsulat ng liham


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Malinaw na naipahayag ang saloobin at 7
pagpapahalalaga sa pagtatanggol ng mga
Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol
Maayos ang pagkasulat ng liham at ugnayan 3
ng mga kaisipan
10
Gawain 4
1. kasaysayan ng
ating bansa
Gawain 3 2. Tingalain ang
1. Masaya ako dahil may mga Pilipino na matapang na mga bayani
nagtatanggol sa teritoryo ng bilang huwarang
Pilipinas. Pilipino
2. Tinuturing ko silang bayani dahil lagi nilang 3. Pagsusulong ng
ipinagtatanggol ang bansa laban sa mga terorista Karapatan
3. Hindi ako sang-ayon dahil maaring madamay ang mga
inosente.
4. Hanga ako sa kanilang tapang dahil kahit delikado ay Gawain 2
naipaparating nila ang kanilang mga hinaing sa gobyerno 1. TAMA
5. Nalulungkot ako sa mga taong gumawa gawa ng mga 2. MALI
pekeng balita para lang may mapag-usapan. 3. MALI
4. TAMA
(Tanggapin ang iba pang may kaugnay na sa tanong.) 5. TAMA
VI. Susi sa pagwawasto

You might also like